Chapter 5 - 3.1 Future Captain

Naaalala niyo pa ba ang inyong mga planadong lakad na nauwi lang sa drawing at hindi naisakatuparan sa napagkasunduang date? Whenever each school year ends ay talamak na gawain sa mga magbabarkada o magkakamag-anak ang summer getaway. Beach dito, hiking doon, pautang ng souvenirs, etcetera. Summer is the best time para gawin ang lahat ng paglalakwatsang trip niyo pero para sa natatanging unggoy ng Kainan ay tila hindi pumapa- bor sa kanya ang pagkakataon.

"KIYOTA NOBUNAGA!" Nagulantang marahil ang sinu- mang makakarinig sa boses na nanggagaling sa isang babaeng may lihim na pagkamuhi sa naturang pangalan. Bago pa man tumilaok ang manok sa kabilang bakod ng kanilang neighborhood ay sadyang mapapansin na agad ang mala World War III na atmosphere sa loob ng Kiyota's Residence.

"Teka, saan mo ba gagamitin iyan Kim?!" nanginginig si Nobunaga sa takot at parang malapit ng malabasan ng ihi sa pantalon nang makita niyang hawak ng ate niyang si Kim ang palakol mula sa kanilang bodega.

Karipas lagi ang kanilang pagtakbo na parang wala silang kapaguran sa kanilang pangangatawan. "Wala ka talagang modong bata ka. Pati ang salitang 'ate' ay hindi na din mahagilap ngayon sa bunganga mo?!" galit na turan ni Kim sabay dinuro niya sa kanyang nakababatang kapatid ang mahiwagang sandata na hawak niya mula pa kanina.

Hanggang sa kasalukuyan ay maaaninag pa din sa mukha ni Kiyota na hindi siya interesadong makinig sa kumakausap sa kanya. "Ang aga aga sinusumbatan mo na naman ako? Ano ba ang ginawa ko sa'yo at mainit na naman ang dugo mo sa akin?" naririnding tanong ni Kiyota sa kanya kahit alam nito ang posibleng dahilan ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa pagitan nilang magkapatid.

"At sumasagot ka pa sa akin ng ganyan ah?! Kailangan ko ba talagang isa-isahin ulit sa mahina mong comprehension?! Osige." sabi ni Kim at huminga siya ng malalim bago nagsimulang manumbat kay Nobunaga.

"Una, hindi ko alam kung kailan mababawasan ang bayarin ko para sa summer classes mong iyan. Pangalawa, kailan ka ba magseseryoso sa pag-aaral mo? Kapag wala na ako pamba- yad ng tuition fee mo? Pangatlo, wala namang problema sa akin kung required kang mag-attend sa mga extra clesses na ganyan kung pera mo ang gagamiting pambayad sa mga iyon eh ang kaso hindi!"

Halos mapaaos at maubusan ng hangin si Kim sa kakaexplain dahil na din sa katigasan ng ulo ni Nobunaga. A child that was once innocent but now starting to become the black sheep of their family.

"Para iyon lang eh sisigawan mo na ako ng ganyan. Mas maganda pa siguro eh ikaw na ang mag-aral kung lagi mo na lang ako pinangungunahan sa gusto ko para sa sarili ko." padabog na bulong ni Kiyota at narinig naman ito ni Kim.

"Hay naku... Napapagod na talaga ako sa'yong unggoy ka. Bahala ka ng mapariwara kung iyan ang gusto mo. Simula sa araw na ito ay wala na akong pananagutan sa'yo dahil ililipat kita sa public school." pagbabantang sabi ni Kim at napabuntong hininga na lang ito at dahil dito ay tuluyan ng nagising si Nobunaga sa katotohanan.

"Hah? Eh paano ako magiging Captain ng Kainan Basketball Team niyan kung ganyang ililipat mo ako sa ibang school?" reklamong saad nito na tila hindi matanggap ang maaaring kahihinatnan ng kanyang pagmamatigas ulo laban kay Kim.

"Once and for all ay iayon mo naman ang expectations mo sa kaya mong isacrifice para magkatotoo ang pangarap mo and for the record lang, hindi ka naman magiging Captain ng kahit anong club kung puro bagsak ang grades mo. Bago ka mangarap, siguraduhin mo munang pasado yang palakol mong grades at hindi iyong puro ka ilusyon. Bangasan ko iyang mukha mo eh!" gigil na gigil si Kim nang sumbatan niya ang kalokohan ng kanyang kapatid samantala ay wala namang magawa si Nobunaga kung hindi ang manahimik na lamang sa sulok.

[Nobunaga Kiyota…]

Hay naku! Pasensya na sa inyo at nasaksihan niyo pa ang mga eksenang hindi na dapat mabasa pa sa kwentong ito dahil gaya ng dalawang gunggong mula sa Shohoku, namely Sakuragi at Rukawa, ay nasa second year highschool na din ako sa taong ito.

Alam kong problema ito ng karamihan sa atin na whether you like it or not ay mahirap talagang mag-aral ng walang karamay. Nagets niyo naman siguro pre iyong pakiramdam na mag-isa mong iniintindi iyong module mo na puro wrong grammar at may pagkakataon pa nga na ang choices sa bawat tanong ay wala naman ang tamang sagot. Naglolokohan lang ata tayo dito eh.

Para na din sa inyong kaalaman, hindi naman kami grabeng mag-away ni ate Kim. Konting usap lang, problem solve na agad pero lumala lang siguro iyon nung pinipilit niya akong magkaroon ng grades na pang latin honors.

Grabe naman kasi ang standards ng magulang namin sa aming dalawa ni Ate Kim pero kung tutuusin ay pawang average land din naman sila pagdating sa academics nila noong ancient time nila. Saang lupalop mo ba hahanapin ang A+ sa card mo kung hindi mo din personal na nakakausap iyong subject teacher mo? Haha- lungkatin mo nga iyong Google Chrome pero pawang Ingles naman ang mababasa mo. Nasaan ang hustisya pre.

Isa pa sa ipinaghihimutok ng pasensya ng utak ko ay ang Context Clues na isa rin sa pinakamadugong lesson ng English Literature kung saan ay kailangan mong malaman ang kahulugan ng mga salita base sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Ang sabi sa akin ni ate Kim, kung gusto ko raw maging bihasa sa topic na iyon ay kailangan kong magbasa ng maraming libro. She also insists na basahin ko din iyong mga ginawa niyang kwento para gumana din daw ang kokote ko.

Hulaan ko raw ang ending kahit hindi ko pa nababasa iyong epilogue ng story pero ayaw ko eh. Masyadong marami at isa pa, nakakaantok kaya iyon. Mismong reviewers nga hindi ko matagalang basahin eh iyon pa kayang gano'n karaming kabanata.

"BRADER!!!" may sumisigaw na naman sa kabilang kanto at mukhang may nagbabadya ulit ng another round ng world war sa buhay ko.

"Hoy! Hinaan mo nga iyang boses mo. Baka marinig tayo ni Manang Sita." ani Gian at ang panunukso nila mismo kay ate ang dahilan kung bakit lagi siyang nagagalit sa akin. Kinukunsinti ko daw ang balasubas nilang pananalita laban sa kanya eh alam naman niyang nagmana lang din kaming pareho sa isang pares ng mag- asawa.

"Renz, pasalamat ka at pinalabas ka na sa hawla mo." and their way of conversation ay isa sa patunay na kaibigan ko talaga ang mga iyon na pasugod na sa bahay ko.

"Tsk! Nice one Dominic at ang galing mo nang bumanat ngayon." pinuri pa ng Gian na iyon ang side comment ng kasama niya. "Mga siraulo kayo! Ang tagal ko nang hindi nakakahawak ng bola kaya excited na akong maglaro." katwiran ni Renz at gano'n na pala ngayon ang pagdadahilan niya.

Hindi ko nga pala naikukwento sa inyo ang mga baliw na dinaig pa ang mga marites sa paligid namin sa village. Sina Renz, Gian, at Dominic ang mga nakasabayan ko sa Kainan Basketball team pero ako lang ang nakuhang starter player nung first year. Dahil dito ay masasabi kong isa akong henyo kumpara sa kanila at nararapat lang na respetuhin nila ako o mas maigi pang sambahin pa nila ang galing ko sa basketball kung nanaisin nila.

Kahit mukha din silang addict sa larong basketball, bukod kina former Captain Maki and or current boss na si Captain Jin, sila na ang best players na makakalaro mo sa village namin. Legit na tama ang nabasa niyo at kung kanino man nanggagaling ang manok na kanina pang nagwawala sa pagtilaok, pwes alamin natin iyan sa susunod na kabanata.