QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction

HETEROhybrid
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 58.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - 1.1 Lemon Pie Treat

Chocolates with a match of roses full of affection were the greatest treats you can have on a Valentine's Day. Tradisyon na ito malamang sa mga kakalsadahan sa bawat sulok ng anumang kalawakan, ngunit para sa isang binatang pinagkalooban ng simpleng buhay ay wala na sigurong mas sasarap pa sa lambot ng kutson at nakakarelax na simoy ng hangin mula sa air conditioning unit ng kanyang kwarto.

"Akira, Bumangon ka na dyan. Lalamig na ang pagkain." bulyaw na tawag sa kanya ng nakakatandang kapatid na si Nikki, isang tanyag na guro mula sa Kainan University.

"Kahit limang minuto lang pwede ba?" walang ganang sabi ni Sendoh habang nakahimlay sa kama at nakatunganga sa kisame.

Dahil umusbong muli ang katamaran sa sistema ni Akira Sendoh ay naisipan na lang ni Nikki na puntahan siya sa kanyang kwarto at gawin kung ano ang nararapat upang magising ang natutulog nitong diwa.

Kinatok niya muna ang pinto sa silid nito. "Maraming nagpadala ng regalo sa'yo. Galing pa daw ito sa mga fans club mo sa Facebook." masiglang kwento ni Nikki ngunit wala ni isang reaksyon ang napansin sa kanyang kausap.

"Hoy! Bumangon ka na nga dyang batugan ka! Nagbake pa naman din ako ng lemon pie para lang sa birthday mo tapos tutulugan mo lang ako maghapon? Aba'y napakawalang utang na loob naman niyang ugali mo hah?!!" panenermong sigaw ni Nikki at wala pa din itong natatanggap na kahit anong senyales ng pagkainteres mula kay Sendoh.

"Tsk! Sa pagkakaalam ko eh marinig niya lang ang salitang 'Lemon' ay hindi na siya nagpapaawat sa kusina. Lalamon iyan ng husto kahit walang itira sa akin." bulong ni Nikki sa kanyang isip.

Mula sa panunuhol ng lemons ay wala na siyang ibang pagpipilian kung hindi ilabas ang kanyang huling trump card laban sa kanyang binansagang the most batugan among humanity. Dahan-dahang inangat ni Nikki ang bedsheet cover sa kama ni Akira at bigla niya itong hinatak na nagresulta sa pagkahulog nito sa kama. Nagsiliparan din ang mga ibon nang marinig nila ang kalabog mula sa second-floor ng bahay ng mga Sendoh.

"Sige, Asawahin mo na ang cellphone na iyan." ani Nikki noong nakita niya si Sendoh na nakahandusay na sa sahig at in-game pa din ang pasaway.

"Aray! Bakit mo ba ginawa iyon?!" reklamo ni Sendoh habang kinakapa ang nananakit nitong pwet.

"Iyang palusot mong five minutes baka umabot pa yan ng 5 hours kalaunan kapag hindi ka pa bumangon dyan. Late ka na ngang pumasok dati sa Ryonan bago maglockdown at hanggang online class ba naman late ka pa din? Just wake up to your senses, my goodness..." inis na turan ni Nikki habang nakapamewang na nakatitig kay Sendoh.

"Oo na tatayo na po." napipilitang tugon naman ni Sendoh at nagsimula na siyang iligpit ang kanyang sariling pinaghigaan.

[Akira Sendoh…]

Hindi ko alam kung saan ba nanggaling ang lakas ni ate at nagawa niya akong maibalibag ng ganong kadali. Kung susuriin ng mabuti ay mas lamang ako ng ilang paligo kumpara sa kanya. Sa madaling salita, mas angat ang karisma ko sa ibang tao kaysa sa ipinagmamalaki niyang mestiza beauty.

"Bago ko pala makalimutan, pinapasabi ni Koshino sa'yo na icheck mo iyong e-mail mo." bilin na sabi ni ate Nikki at bumalik siya ulit sa kwarto para kunin ang kanyang kape sa night stand malapit sa pintuan.

"Bakit daw?" tanong ko sa kanya. Masyado bang urgent iyon para pagtuunan ko pa ng pansin eh lagi akong nawiwili sa mobile gaming.

Ni hindi nga ako makalabas dahil sa pesteng pandemiyang ito para sa basketball. Lahat ba naman kasi ng court ay pinasara ng wala man lang akong naging closure sa madalas kong puntahan tuwing gusto kong maglaro.

"Aba malay ko sa inyo. For your eyes only lang daw." kwento naman ng Madam Nikki. Pasecret secret pang nalalaman bakit hindi na lang niya ako deretsuhin.

"Pagkatapos nga pala ng klase mo, pakidaanan itong mga files ko sa Kainan." at talagang nagdagdag pa siya ng gagawin ko.

"Noted!" walang ganang tugon ko sa kanya.

"At isa pa pala..." Ano na naman kaya ang kailangan niya?! Ito talaga ang nakakainis sa lahat na kapag natapos mo na ang isang utos ay may kasunod pa siyang ihahabilin.

"Huwag mo akong iistorbohin sa kabilang kwarto dahil may webinar kaming tatapusin." ayon iyan sa kanya at tuluyan na siyang umalis upang mag-ayos ng sarili.

Kidding aside, kahit sabihin na nating huwarang propesyon ang pinasukang trabaho ni ate ay may pagkabrutal at sanggano din iyon paminsan-minsan. Halatang mapanakit kapag naglalambing at hindi ko siya masisisi kung gusto niyang gawin iyon para maglabas ng sama ng loob sa nangyari sa kanya noong nakaraan.

Hating gabi na halos nang maasikaso ang ate sa Kitamura General Hospital para lang sa isang masamang balita. "I'm sorry pero hindi po namin nagawang iligtas ang baby nyo." pahayag ng doktor na sumuri sa kalagayan ni ate Nikki.

Pitong buwan na siyang nagdadalang-tao sa anak ng ka-live in partner nitong si Harry Yamamura na nilayasan naman ang responsibilidad ng pagiging ama. Planado na dapat ang kasal nila ni ate sa bagong taon pero wala siyang napala sa lalaking iyon. Gayumaman ay malaki pa din ang pasasalamat ko mula sa ibang concerned citizens na tumulong sa kanya noong isinugod siya sa ospital dahil naging ligtas siya mula sa aksidente.

"Te-teka, Anong... Paanong nangyaring wala na ang anak ko?" nagluluhang sabi ni ate at kahit ako ay hindi siya matitigan ng deretsahan sa mata dahil sa nakakadismaya ang ginawa ni Harry sa kanya.

"Hindi po kasi kinaya ng bata ang natamong impact mula sa car accident which leads to its sudden death." paliwanag ng doktor sa amin. Dagdag pa nito, "Ginawa po namin ang lahat pero we're really sorry for your lost." Tuluyan ng umalis ang doktor sa kwarto ni ate para asikasuhin ang iba pa niyang mga pasyente.

- BACK TO SCENE -

Samantala ay tila namayani ang unos sa pamilya ni Sendoh sa araw pa mismo ng Pasko kung kailan dapat nagsasaya ang lahat. Kinabukasan nun ay naisipang bisitahin ng team Ryonan si Sendoh gayon din ang kapatid nito.

"Condolence po." lugmok ang itsura nina Ueksa at Hikoichi nang kausapin nila si Nikki.

"Ang mabuti pa siguro magpahinga ka na ate. Makakasama pa lalo sa'yo kung iisipin mo pa ang masamang nangyari sa'yo." mahinahong payo ni Fukuda habang inilalapag sa side table ang dala nilang prutas.

Kinontra naman ni Koshino ang sinabi ni Fukuda at nagwikang, "Hindi naman ganun kadaling makalimot Fukuda lalo na kung nawala mismo ang taong pinapahalagahan mo ng husto."

"Tama na nga ang pagtatalo niyo." suway naman ni Uozumi sa dalawa noong mapansin niya ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Basta kung kailangan niyo ng tulong ay huwag kayong magdadalawang-isip na tawagan kami." pangungumbinsing sabi ni Ikegami kay Sendoh na walang imik.

Halos nagtagal sila ng isang oras sa kwarto ni Nikki bago nagpaalam. Ang isang bagay na pinag-aalala ni Sendoh ay ang pagwawalang kibo ni Nikki sa tuwing sinusubukan siyang kausapin. Nakakalungkot mang isipin ngunit ang masakit na alaala ay hindi na muling mabubura sa isipan ninuman.

[Akira Sendoh…]

Going back to reality ay halos isang taon na din pala ang nakalipas simula ng naitala ang unang kaso ng novel coronavirus sa lugar namin. Ineexpect ko pa naman na matutuloy ang Interhigh School games kahit kaming mga players lang sana ang nasa loob ng stadium at naglalaro pero mukhang wala na kaming pag-asa na makabawi pa sa pagkatalo namin sa Shohoku at Kainan noong mga nakaraang taon.

Third year na ako sa Ryonan High School at milagro na magkakasama kami nina Koshino, Fukuda, at Ueksa sa isang klase. Sa kaso ko bilang pumalit na kapitan ng Ryonan Basketball Team ay masasabi kong nawalan na ng saysay ang posisyong ipinagkatiwala sa akin ni Coach Taoka.

Ni walang practice, basketball, at pati na din ang striktong coach na si Coach Taoka ang gumagambala sa akin tuwing matatapos ang school hours. Ang panahong ito ay talagang mailalarawan bilang masamang panaginip at hindi rin ako nakaligtas sa bangungot na iyon.

Lumipas ang tatlumpung minuto nang matapos ko ang aking usual routine na kumain, magsipilyo, maligo, at ayusin ang walang kapantay na defying gravity hairstyle ko ngunit sa kasamaang palad ay napalitan ng pagkabalisa ang mood ko sa umagang iyon.

"Nasaan na ba iyong hair spray ko?" Dinig na dinig hanggang sa kabilang silid ang pangangalampag ko ng mga gamit kaya agad ng umawat si ate Nikki sa kaguluhang nangyayari sa akin.

"Gamitin mo kasi ang mata mo sa paghahanap at hindi iyang bibig mo." bulyaw na sabi ni ate Nikki sa akin at nanag mabuksan ko ang drawer sa night stand ay halos hindi ko mapagsidlan ang tuwa ng nakita ko ang hindi inaasahang sulat galing sa kanya.

"Happy Birthday Bunso!"

- From Your Ateng Mahadera

"Woah! Salamat sa advanced payment ate!!" Abot langit ang aking ngiti mula sa natanggap kong regalo na galing mismo kay ate Nikki.

"Utang mo sa akin iyan kaya bayaran mo." Pabirong sabi niya habang natatawa sa naging reaksyon ko dahil para akong bumalik sa pagkabata dahil sa perang papel na nakatago sa sobre.

"Ah! Maraming salamat na lang pala sa wala." Katwiran ko at narinig ko na naman iyong mischievous laugh mula kay ate Nik- ki na talagang nakakairita sa pandinig.

Sinasabi ko na nga ba at mas lumala pa ang pagiging bully niya sa akin pero kahit ganun siya kahibang sa kalokohan niya eh mahal na mahal ko pa din siya dahil wala ng ibang natitira sa akin kundi ang ate ko lang.

Kung tatanungin niyo naman kung bakit wala ang parents namin is simply because hindi nila matagalan ang presensya ng bawat isa at nagdesisyon na lang na maghiwalay. Ang saklap diba? Dahil lang sa ego ay nawasak lang ang Sendoh Family Tree namin ng ganoong kadali.

Pinigilan ko ang sarili ko na magdrama pa sa araw na ito at mas pinapahalagahan ko na ang pag-aaral ko. Alas otso na ng umaga noong mabuksan ko ang computer at nagulantang ako sa nakita ko mula sa e-mail inbox. Iyon ay naglalaman ng siyam na notifications mula sa iba't ibang subjects. At karamihan sa mga iyon ay assignments due date on…

February 14 @ 11:59 pm

What a great date to remember indeed at ito na siguro ang huli kong Happy Birthday. "Bwisit na deadline iyan." Reklamo ko sa sarili ko at napayuko na lang ako sa lamesa ko. Bakit ngayong araw pa talaga nangyari ang kamalasan sa buhay ko?!