Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 2 - 1.2 Frustrated Pineapple

Chapter 2 - 1.2 Frustrated Pineapple

Napapailing na lang si Sendoh sa nabasa niya sa e-mail na galing kay Koshino. For giving emphasis at para din makasiguro sa mga requirements na kailangan niyang ipasa before the deadline, napagdesisyunan nitong tawagan ang kanyang team mates sa telepono.

"Huy! seryoso ba 'to?" ani Sendoh na tila hindi mapakali sa kinauupuan nito.

"Ang alin?" tugon naman ni Ueksa habang nagbibihis sa kanyang kwarto.

"DALAWANG reflection paper, TATLONG problem solving sheets, ISANG tula, at TATLONG video output para lang ipasa ngayong araw?" reklamo ni Sendoh na halos wala ng panahon para makipagbiruan sa kanyang mga kausap.

"Hoy! Last two week ago pa pinapagawa iyong iba sa mga iyan. Hindi mo ba nakita iyong pinost na announcement sa group page natin kasama ng mga teacher?" bulyaw ni Koshino at makikita sa itsura niya ang pagkainis.

"Wala naman akong napansin sa timeline ko na kahit ano tungkol dyan." paliwanag naman ni Sendoh sa kanila.

"Paanong hindi mo nakita? Parang nga chain message kung magsend ng reminders si Ms. Kiyoshizaki sa mga student account natin tungkol sa mga assigments na iyan." pagtataka naman ni Ueksa dahil sa pagkakaalam nito ay makikita sa notification ng bawat estudyante kung may ipinapagawang activity ang kanilang mga guro.

"Hindi ako nagbibiro. Wala talaga akong nakitang kahit anong reminders sa account ko." pangangatwirang sabi naman ni Sendoh.

Talamak din sa online class ang tinatawag na 'espiya' kung saan ang ibang student account ay ginagamit upang masira ang pangalan ng ibang tao. Ngunit sa kasong ito ay hindi nila matukoy kung bakit mayroon pa ding naninira ng schedule ng mga estudyante dahil sa hacking ng computer systems.

"Di kaya may nagremove sa'yo sa class group na- tin?" pagtatakang wika ni Fukuda habang nilalantakan ang pandesal kasama ang mainit na kape.

"Kung totoo man iyan, sino naman kaya ang mananabotahe sa akin ng gano'n?" tanong naman ni Sendoh sa kanila.

"Dibale, sinend ko naman ulit sa'yo iyong mga gagawin. Kaya mo na iyan." pagpapakalmang sambit ni Koshino.

"Oo, salamat pare. Sa sobrang dami nito baka makita niyo na akong nakaburol sa bahay namin. May nakapaskil pang tarpu- lin na Rest in Peace dahil sa mga modules na iyan." sarkastikong tugon naman ni Sendoh.

"Loko ka talaga." natawa na lang ang dalawa nitong kausap nang biglang sumingit sa usapan si Fukuda.

"May natapos na ba kayo?" tanong nito sa kanilang tatlo habang hinahalungkat ang kanyang mga gamit sa bahay.

"Matagal na." tugon ni Ueksa sa kabilang linya.

"Nakapagsubmit na ako. Bakit mo natanong?" ani Koshino na tila may trust issues pang nararamdaman sa tuwing may nagtatanong sa kanya tungkol sa requirements.

"Pwedeng pasend nung sa inyo. Titignan ko kung tama iyong ginawa ko." walang kabuhay buhay na sabi ni Fukuda.

"Nabura ko na iyong sa akin, ayoko ng maalala iyong mga napagdaanan kong kamalasan dahil sa mga assignment na iyan. Limang araw nga akong hindi naligo para lang matapos iyon eh." sabi ni Ueksa at naluluha na habang inaalala ang mga nangyari.

"Maligo ka na boi. Baka kumalat pa ang virus dyan sa inyo." pilyong komento ni Sendoh.

"Nakikita mo ngang basa ang buhok ko, malamang nakaligo na ako." tugon ni Ueksa habang sinasampay nito ang tuwalyang gamit sa pagligo.

"Hindi kasi halata eh. Sorry talaga." natatawang saad ni Sendoh sa sariling kalokohan.

"Ikaw Koshino?" at nabaling ang atensyon ni Fukuda sa kanya.

"HINDI." seryosong sabi ni Koshino at naglog-out na sa kanyang Facebook account.

"Style mo bulok. Mangongopya ka lang eh." natatawa na sabi ni Sendoh kay Fukuda.

"Tsk! Buti alam mo." napapakamot na lang sa ulo si Fukuda dahil madali nilang nabisto ang kanyang pakay.

[Kicchou Fukuda…]

Hindi naman sa mahilig akong mangopya pero madalas kasi akong nagkakaproblema sa academics lalo na online pa ang setup namin. Hundred percent wala akong tiwala sa mga sagot ko. Magreview man ako ng buong araw para lang makapasa sa mga exams, wala ding nangyayaring maganda. Kung hindi pasang awa, puro bagsak na naman ang inaabot ng grades ko.

"Kailangan mong makapasa o mas maigi kung maperfect mo ang mga exams natin, dahil baka umulit ka sa third year at hindi ka makagraduate ngayong taon." Lahat ng mga teachers namin ay parepareho lang ang bukambibig sa akin na para bang nag-aalala kahit hindi naman talaga.

Lilinawin ko lang sa inyong tatlo ni Koshino, Sendoh, at Ueksa na sa tanan ng buhay ko wala akong balak maging repeater kahit kailan. Itatak niyo yan sa mga kokote niyo.

- BACK TO SCENE -

Sa mga sandaling iyon ay magsisimula na ang kanilang klase sa first subject at tinapos na ang kanilang pakikipagchismisan sa kanilang group chat.

MATHEMATICS. Marinig o mabasa man ang salitang ito ay tiyak na kinaiinisan na ito ng karamihan. Ito ay isa sa mga natatanging subject na pinagtutuunan ng pansin kahit na hindi sila masyadong interesado tungkol sa mga komplikadong calculations.

Si Ms. Kiyoshizaki ay isang former Chemical Engineer sa isang pharmaceutical company. Siya ay isa sa pamangkin ng beteranong guro sa Shohoku na si Professor Koike.

Nang matapos ang unang bugso ng transmission ng virus sa Kitamura district, agad nagsagawa ng disinfection ang pamunuan ng Shohoku High School ngunit sa kasamaang palad, isa rin sa mga nataaman ng naturang sakit ang kanyang tito kaya't parehong ni- yang inaasikaso ang pagtuturo sa mga estudyanteng pinangangalagaan nito sa Ryonan gayon din ang sampung section ng second year mula sa Shohoku.

"Hays! kung pwede lang maging choosy sa work, mas gugustuhin ko ng magdevelop ng vaccine kaisa mamroblema sa dalawang sophomore na puro bagsak sa subject na ito. Basketball na lang kasi ang inaatupag." reklamo nito sa kanyang isip habang tinititigan ang kanilang mga student records.

"Rukawa at Sakuragi... Ano bang dapat kong gawin sa inyo?" Nakasubsob na ang mukha nito sa kanyang faculty table nang bigla siyang tinawag ng kanyang co-teacher.

"Mga friends may good news ako sa inyo and kailangan ding ipaalam sa mga students ang tungkol dito." Nagmistulang piyestahan ang faculty room dahil sa nagliliparang paperworks na hinagis ng ilan sa mga teachers.

Matapos ang konting kasiyahan, back to work mode agad ang Ryonan Faculty Members. Lahat sila ay nasa ongoing meeting kasama ang kanilang mga estudyante. Sa kaso naman ng Class 3 ng Ryonan High School…

*Ms. Kiyoshizaki invites you to join the meeting*

Ito ang makikita sa computer screen ng mga estudyante at hindi na sila nag-atubiling sagutin ang tawag. Nang makasali na ang lahat sa virtual meeting ay nagsimula na naman ang usual ritual sa klase na iyon at ito ay ang ATTENDANCE CHECKING.

[Akira Sendoh…]

"Please turn on your cameras for attendance at para na din makita ko ang pagmumukha ninyo." sabi iyon ni Ma'am sa amin.

"Aberya, Kakao ~ Present po"

"Aritsu, Sachiko ~ Present po"

"Berigud, Hayato ~ Absent po"

Paano naman nangyari iyon? Evidence wise, mukha siyang attentive sa monitor ko pero I doubt na nirecord na niya ang sarili niya at pinakita sa camera. His repeating actions drag me to this conclusion dahil ilang beses nahuhuli ni ate ang kabulastugan niya kapag lumalabas siya ng bahay.

"Fukuda, Kicchou ~ Virtually present, mentally absent"

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo Fukuda." seryosong wika naman ni Ma'am sa kanya.

"Pero iyon naman po ang totoo." at talagang pinatulan pa ni Fukuda ang teacher namin sa mga oras na iyon.

"Ok, Nevermind." Hindi na nakipagdebate si Ma'am kay Fukuda at nagpatuloy sa nakakaburyong roll call.

"Koshino, Hiroaki ~ Present po" at pagkatapos ng mahabang patalastas ay natawag na din ako sa wakas.

"Sendoh Akira ~ Present po."

"Please turn on your camera." nakiusap pa si ma'am sa akin. Ano kaya silbi ng attendance checking kung makikita din naman kami sa monitor niya diba?! Nasaan ang logic?

"Ah… eh sorry po. Nasira po kasi ang webcam namin." palusot ko sa kanya sa mga oras na iyon.

Ayaw ko lang talagang magpakita sa kanila na hindi nakatirik ang buhok ko. Ika nga sa kasabihan na hair is a crown of glory at kahit sabihan pa ako ni ate na mukha akong pinya, wala na akong pakialam at walang basagan ng trip. Mas mukha naman akong tao kaysa sa mga loko-lokong second year sa Shohoku.

"Ok class dismissed na. Pero huwag niyong kakalimutang isend ang mga homeworks nyo sa account ko. TAKE NOTE: Wala ng extensions. Sagad na ang one week para tapusin ang lahat ng iyan." Hmmp… Talaga lang ah?! Ginising pa ako ng maaga para lang sa attendance. Walang discussion, consultation hours, o kahit anong konsiderasyon sa mga gawain namin?!

"Ano po bang meron?" tanong ni Hayato kay Ma'am Kiyoshizaki.

"Galing mismo sa admin office ang agenda ng Academic Break na good for three days. Since Valentine's Day naman daw ngayon, enjoy the rest of long vacation. Goodbye class!" paalam na sabi ni Ma'am at naputol na ang tawag.

Baka hell days ang ibig niyo pong sabihin sa amin ma'am. "Ok, so kayo naman ang pupuntiryahin ko." nasabi ko na lang sa sarili ko habang tinititigan ang bulto ng schedule na aking tutugunan para matapos na ang mga requirements na kailangan kong ipasa bago matapos ang mismong kaarawan ko.