Chereads / The Perfect Melody / Chapter 6 - CHAPTER 4: What's Wrong?

Chapter 6 - CHAPTER 4: What's Wrong?

Luna's Point of View

"I can't believe him, Bry! Ginawa pa niya akong excuse para pagtakpan pagiging single niya sa hipokritang 'yon!" Inis na tinusok ko ng straw ang dala kong Zest-O.

"Desperado lang siguro yung tao. Baka ayaw niyang mapahiya gano'n. Sana tinulungan mo na lang. Bakas kaya sa mukha niya yung gulat at pagkapahiya no'ng umalis ka," wika ni Bryan habang hinahalo ang binili niyang cup noodles.

Hindi ko nakita ang mukha niya no'ng sinabi ko 'yon. Naka-focus ako sa babaeng kausap niya. Ugh! Her looks. It irks me so much. She looks like a slut.

Si Bryan ang isa sa pinaka close kong kaibigan sa circle namin nila Zoe and Ice. Best friend ko 'yang si Bryan at kasama sa lahat. Si Zoe and Ice, originally rito na sila nag-aaral, while Bryan kasama ko siyang mag enroll and luckily, pareho kami ng mga subjects and teachers na pinapasukan.

"Tsimoso ka rin, eh 'no?" Nagsimula na akong mag-isip ng kung anu-ano. What if na offend siya sa ginawa ko? Pero tama naman ginawa ko diba?

"Hayaan mo na 'yon. Laking tao no'n eh. Kaya na niya sarili niya," aniya at humigop ng sabaw.

"He looks so devastated. Bago tayo umalis, nakita kong sinampal siya ng babae kanina," dugtong pa niya.

"W-what? Sinampal siya? Alam mo ba yung reason? Ba't hindi ko nakita yan-"

Right. Nag-cr pala ako kanina.

"I don't know kung ano meron. I'm sure kinaya naman niya 'yon dahil lalaki naman siya." He added.

Natanaw ko sa dulong parte ng canteen na may kasamang babae si Sky. Tumatawa tawa ang babae, samantala si Sky naka-poker face lang.

Maganda ang katabi niyang babae. Blonde at may malaking hinaharap. Nanlaki ang mata ko nang makita kong nilagay ng babae ang kamay ni Sky sa kaniyang dibdib.

Nakita kong biglang tinulak ni Sky ang babae at saka lumabas ng cafeteria.

Bakit kaya siya ginaganon ng mga kababaihan dito?

"Yun 'yong Sky? Gwapo nga pero ang pangit ng ugali. Napaka feelingero." Narinig kong bulong ng babae sa likod ko.

"Talented, matalino, tapos gwapo, pero ang pangit talaga ng ugali. Naging classmate ko 'yan dati ,eh," dugtong pa nito.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas. Nag paalam ako kay Bryan na babalik na ako ng classroom namin sa ibang subject.

"Sabay ka na sa'min ni Ice. Do'n din naman daan mo eh," wika ni Zoe sabay akbay sa'kin.

"Di pwede 'no! May sundo ako lagi 'di ba- Remember?" Taas kilay kong tanong. Nauna na lamang akong maglakad palabas dahil baka mapilit na naman nila akong mag mall bago umuwi.

Nasalubong ko sa daan ang kausap ni Sky kanina. Inirapan lang ako nito. Feeling maganda. Pangit naman combination ng kulay ng mga suot niya. Blue and red. Ano ka diyan, sis? Watawat?

Dumaan ako sa classroom ni Sky ngunit sarado na ito. Nagpasya akong dumaan muna ng garden ng School. Sabi kasi nila maganda raw do'n. May silent sanctuary raw na gawa ng isang student.

Wow. Ang ganda!

Hindi kalawakan ang garden, pero may mga lugar para sa bench at pwedeng tambayan. Maraming magagandang halaman. Lahat ng 'yon ay alagang alaga. Ang lulusog nakakatuwa!

Sa pag-ikot ko ng mga mata ko, nahagip ko ang isang pamilyar na mukha na nakatingin sa langit.

Si Sky.

Lumapit ako sa kanya. Bakit hindi pa umuuwi ang isang 'to? Malapit na magdilim. Baka palabasin na siya. Bago pa ako makapagsalita, tumingin siya sa'kin. Bakit may luha? Umiiyak siya?

"S-Sky? Anyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko. Yumuko na lamang siya at suminghot.

"Sinisipon lang ako. Uwi ka na. Ila-lock ko na 'tong garden." Malamig na tugon niya. Siya may hawak ng susi? Hawak din niya kaya 'yong sa school? HAHAHA.

Narinig kong ni-lock niya ang gate ng garden. Ano kaya iniisip niya right now? He looks so sad. I mean, hindi naman siya pala ngiti, pero iba 'yong mukha niya ngayon. Balikan ko kaya para tanungin. Pero ano bang pake ko? Hindi naman kami close.

*Gasp*

Baka hindi na niya ako maturuan bukas. Hindi 'yon pwede. Sabi sa'kin ni mama, kailangan makumpleto niya ang araw ng mga sessions namin. Sayang naman kasi ibabayad namin sa kanya kung hindi siya sisipot madalas.

Paano kaya kung wala lang siya sa mood? Makipag-close kaya ako sa kaniya? Papayag kaya siya?

"Lalim ng iniisip mo." Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko siyang nasa tabi ko naglalakad. Kanina pa siya nandiyan?

"G-gusto kong kumain ngayon," wika ko. Shit Luna. Ano 'yon? Dapat mayaya ko siyang sumama sa'kin ngayon. Sure akong makikipag close ako sa kanya.

"Tara. Libre kita sa lugawan," aniya.

He WHAAAAAAAAAAAAT?!

"T-THAT'S N-NICE! HAHA." Shit. Hindi ko in-expect yon ah. Niyaya niya ako mag lugaw tapos libre niya? How nice. This is so nice!

"Ayoko sumakay sa kotse niyo, Luna. Lakad na lang tayo." Seryoso siyang tumingin sa'kin. Tumango naman ako agad. Minessage ko si Kuya Amboy ang family driver namin na huwag na lang ako sunduin ngayon dahil may pupuntahan ako. Tahimik kaming naglalakad ni Sky sa maingay na kalye ng Gill Puyat. Dami masyadong tao at ang daming bata ngayon.

Tumingin ako kay Sky na naka poker face lang kanina pa. Hindi ko siya narinig na nagsalita mula kanina. Tumingin siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay.

"What?" Iritang tanong niya. Inirapan ko lang siya at tumingin na ulit sa dinadaanan.

"May rumi ba sa mukha ko?" He murmured. Tumawa na lang ako at umiling-iling.

Umorder si Sky ng dalawang lugaw na may itlog at manok. Nakita kong naglagay siya ng chilli oil sa lugaw niya at maraming paminta. Mabilis kumain si Sky. Hindi pa ako nangangalahati, tapos na siya agad.

"May dumi ka sa mukha mo." Pinunsan niya ng tissue ang gilid ng labi ko.

I.AM.SO.SHOOKENING.SHOOKTED.

"T-Thanks. Btw, sino pala yumg babaeng kausap mo kanina?" Tanong ko habang hinahalo ang lugaw na kanina ko pa pinapalamig.

He glared at me. "None of your business."

"Hahatid na kita sa sakayan. Baka ano pa mangyari sa'yo," wika niya.

Natapos kaming kumain. Ginabi kami dahil sa akin. Hindi ko maubos ang lugaw dahil napakarami. Gaya pa rin nung kanina, hindi niya pa rin ako kinakausap. Naka pokerface pa rin ang kumag.

"Una na ako," aniya at saka naglakad papunta sa kabilang sakayan ng jeep.

Naunang umandar ang jeep na sinasakyan niya. Nakapila pa rin ako, pero mabilis ang usad ng mga tao. Sanay naman ako mag commute. Kapag gumagala kami tuwing weekends at kasama ko si mama, nag c-commute kami palagi. Gusto niya kasi masanay kami sa mga bagay na araw-araw ginagawa ng iba. Hindi naman kami naiiba, may sasakyan lang kami. Gusto ni mama na matuto akong mamuhay mag isa lalo pa't nalalapit na pagtatapos ko ng senior high school.

Nakauwi ako half past 8:00 o'clock na. Sobrang traffic dahil may nasiraang sasakyan sa may underpass. Humiga ako agad ng kama matapos kong magbihis. Nagulat ako nang biglang may nag vibrate ang phone ko.

A text from Sky?

"Salamat. :)"

-From Sky. 8:23 PM

Salamat? Para saan? Bakit pala sa SMS 'to nagsesend?

"For what?" I replied.

Daming load? Tsk.Tsk.

Halos maitapon ko ang phone ko nang bigla siyang tumawag. Hindi ko ito agad nasagot dahil napindot ko sa sobrang gulat. Tumawag siyang muli. Tamad mag explain message kaya tatawag na lang?

--On call--

"

H-hello? May sasabihin ka?" Wika ko. Napaka suplada naman ng tanong ko. Baka i-end niya 'to bigla.

"Sa pagsama mo sa'kin sa lugawan kanina." Ani niya sa kabilang linya.

Damn! Ganda ng boses niya sa call.

"W-wala 'yon. Basta ikaw."

SHUTA KA SIS! BA'T BASTA IKAW? TILA MANYAK.

"Sorry nga pala kanina." Humina ang boses niya. Lalong naging malalim at naging breathy pakinggan.

His voice! So calm and soothing. Tila kinikiliti ang mga tenga ko.

"Sorry saan?" Takang tanong ko.

"Y-Yung sinabi kong girlfriend kita," nahihiya niyang tugon.

"Wala 'yon. Naiintindihan ko naman. Sorry kung napahiya ka kanina." Totoo naman. Tila napahiya nga siya dahil sa'kin kanina.

"Sino pala 'yong babaeng yon?" Tanong ko.

Sagutin mo please.

"Secret. Bukas ko na sabihin. Tulog na. Goodnight." Aniya sa kabilang linya.

Binaba ko na agad ang phone at hindi na nakapag goodnight dahil sa bilis ng mga pangyayari.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon. Tila gusto nang kumawala ng puso ko. Is this kilig? No! Hindi ako pwedeng kiligin sa kanya. He's weird, rude, and good-looki-

"Erase! Erase!" Ginulo ko ang buhok ko.

"Tulog na. Goodnight."

Tangina naman kasi. Ba't ang sweet ng pagkakasabi niya sa'kin kanina? AAAAARRRRRRRRRRRGGGHHHHHHHHHHH.

"AY PUDAY!" Bulalas ko nang biglang tumawag ulit si Sky.

Sasagutin ko na sana, pero nawala. Hinintay kong tumawag muli, pero parang napindot lang ata niya.

Damn it SKY! Ang gwapo ng boses mo sa call. Parang gusto kong marinig nang paulit-ulit 'yong goodnight mo.

Sinubukan kong magtext sa kanya ng 'Goodnight' pero hindi ko alam kung paano. Napupunta lang ako sa binubura lahat ng tinype ko.

"Goodnight. See you tomorrow. Kwento mo sa'kin yan ha!"

Na-send ko na! Di naman siguro 'yon magrereply dahil sino ba naman ako para replyan di ba?

"Sure. Sleep well." He replied.

After reading that message, I found myself blushing infront of the mirror. TANGINA, SIS. KINILIG AKO!