Chereads / Greatest Escape / Chapter 2 - PROLOGUE

Chapter 2 - PROLOGUE

"Bend over," he commanded.

Agad naman akong sumunod sa kaniya. Tumuwad ako at doon ko sa bakanteng lamesa tinukod ang dalawa kong siko para sumuporta sa aking bigat.

"Ah!" sigaw ko nang may kumirot sa bandang likod ko.

"Ayan, ayos na." binatukan ko si Lucius nang malakas nang makatayo na ako. Muntik pa ata maipit 'yung balat ko doon sa zipper ng dress ko kung 'di lang ako sumigaw sa kaniya.

"Minsan na nga lang uli tayo magkita, ganiyan pa ugali mo sa'kin." he sarcastically rolled his eyes on me bago niya ayusin ang tie ng uniform niya.

Nataranta ako nang may kumatok nang malakas sa pintuan ng opisina ko, para bang may emergency. Nag-tulakan muna kami ni Lucius kung sino ang mag-bubukas nito dahil malayo kaming pareho ro'n.

"Anak ng tokwa?!" nagkagulatan kami ng kaibigan ko nang pumasok siya rito. "Bakit ka naka dress?! Ano, aalis ka na naman?! Gago, may meeting ka ngayon!"

Bumilis at lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ko sa aking wrist watch na alas dyis na ng umaga. "N-Ngayon ba?!"

"Nako naman, mag-bihis ka na!" binato niya sa akin ang blazer kong nasa couch. Nag-plantsa pa ako kanina pero nilukot niya lang naman 'yon pati na rin ang pants ko. "Hindi ko nga alam kung aabot ka pa, e!"

Nag-dalawang isip pa ako kung tutuloy pa ba ako o ica-cancel ko na lang. Marami pa naman oras this week. Kaso may isang problema, baka parating na 'yung Engineer namin sa project.

"Nandito na ba 'yung Engineer?" kinakabahan kong tanong.

"Hoy, sino 'yan?!" kinurot ako sa tagiliran ni Lucius, naka-ngising nakakapang-asar.

He left me for how many years, imposibleng naaalala niya pa 'ko. He move-on on things easily like it was nothing to him, kahit importante pa 'yan sa kaniya.

"O to the M to the G, Solace!" sigaw ng isa ko pang kaibigan na kapapasok lang sa opisina ko, pawis na pawis siya at halatang tumakbo papunta rito. "May surprise ako sa'yo!"

"Surprise? Tigilan mo 'ko, hindi ko birthday." naglakad ako papunta sa sariling bathroom ng office ko para mag-palit na ng suot.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan para sa meeting na 'to. I've done it many times pero kakaiba ang isang 'to. I went out immediately nang matapos ako, biglang naghiwa-hiwalay ang mga kaibigan ko nang makita nila ako. May naka tingin sa pader, may nag-bibilang ng daliri, at may nagpa-pagpag pa ng couch.

Hindi na ako nag-abala na pansinin ang mga kilos nila, alam kong wala rin naman silang balak mag-sabi at masasayang lang ang oras ko. Dumeretso muna ako sa office table ko para i-check ang files and papers sa ongoing project ng team namin. Wala naman mga problema rito since malapit pa lang kaming mag-start. Maybe I just need to breathe properly para ma-relax ang sarili ko.

"P-Pupunta ka na ba?" naka-ngiting tanong ng co-worker ko, halatang pilit na pilit lang.

"Yes, may problema ba? Tell me now para hindi na tayo nagkakagulo sa meeting." sinuot ko ang aking heels bago ako lumabas. Mabilis akong nag-lakad sa hallway habang ang babaeng 'tong nasa likod ko, ang daldal pa rin at mas kinakabahan sa akin.

"Bakit ba kasi? Sabihin mo na lang agad kaysa puro ka "ah" at "eh" diyan." hinilot ko ang aking sintindo dahil paubos na ang pasensya ko.

Nasa 12th floor kami ng building and the meeting will be held in 8th floor kaya sabay na kaming nag elevator pababa. I still have a minute left at mukhang aabot pa naman kami. Pero kung hindi ako titigilan ng langaw sa likod ko, uuwi na 'ko.

"Just on time." bulong ko sa aking sarili bago ako umupo sa pwesto ko. 'Yung insektong kasama ko, nasa tabi ko pero tahimik na.

We were complete na sana but that one vacant seat was bothering me. Hindi ko alam kung sino na naman ang kulang sa meeting na 'to.

"Si Sir Engineer po." I awkwardly smiled at the girl na biglang kumausap sa akin. Nahalata niya sigurong kanina pa ako naka tingin sa bakanteng upuan. Paano naman kasi, sampung minuto na siyang wala and I can't start without him!

"Apologies, there was an emergency." natatarantang pumasok ang lalaki sa opisina. He looked sweaty, hagdan na naman ang ginamit niya kaysa elevator.

I was amaze by his looks. Ang dami niyang pinagbago kumpara noon. Specially his body, mas lalong lumaki at napansin kong tumangkad din siya. I didn't really expect that he'll grow taller.

Pero kahit namamangha ako sa itsura niya ngayon, hindi ko pa rin mapigilan mainis sa kaniya. He was acting like hindi niya ako kilala kahit dalawang beses na nag-tama ang tingin namin, lagi lang siyang umiiwas. Paano ko siya pakikisamahan nito? This is about work, dapat ngumiti man lang siya o kaya bumati sa akin.

He plugged in his laptop to present something sa provided na projector namin. Nag-init ang buong mukha ko nang masulyapan ko ang wallpaper niya. It was really quick dahil nagulat din siya kaya hinila niya uli ang chord na hawak niya para mawala ito sa screen. Nang maayos na lahat, he started presenting like nothing happened.

Na para bang wala akong nakita. Pati siya.

Bumaling ako ng tingin sa kaibigan kong nagpi-pigil ng ngiti bago siya pasimpleng bumulong ng tanong sa akin. "Kayo na uli ni Sevi?"