"Letse ka, magkakilala kayo!" hinampas ko sa braso si Lucius paglabas ko ng aking kwarto. Naabutan ko siyang nag-iisip ng id-drawing sa plates niya.
"Ano?!" gulat niyang tanong sa akin. "Sino na naman?"
"Si Sevi, 'yung crush ko nga!"
"Crush mo lang pala, e. Ang dami mo kaya no'n. Tsaka malay ko bang gusto mo siyang makilala."
"Kung alam ko lang na mutuals kayo sa IG, sana tinanong na kita agad kagabi para naka follow na siya ngayon." padabog akong umupo sa couch, nasa harapan ko siya habang nag c-cram.
Tumingin ako sa screen ng phone ko para i-check kung naka follow na nga siya sa akin. Kaso hindi, pati follow request ko ay hindi niya pa tinatanggap.
It's been 2 minutes. Ang tagal niya naman.
"Kilala ka niya," nabuhayan ako nang marinig ko ang sinabi ni Lucius. "kaso kilala ka niya sa pagiging masungit kaya ayaw kang lapitan no'n."
Masungit? Oo tama siya, pero hindi sa kaniya! Handa akong maging baby mo, Sevi.
Tumili ako nang tumili kahit nagrereklamo na si Lucius dahil nabibingi na raw siya. "Kilala niya 'ko! Kilala niya 'ko!"
"That was before, naka move on na siya!" napakamot ako sa aking ulo at umupo na uli sa couch habang naghahabol ng hininga. Pero naka move on? Ganoon ako kaganda?
"Ano pa? Ano pa?!" inalog ko ang katawan ni Lucius at baka may gusto pa siyang sabihin. Kahit man lang sa mga kwento niya, kiligin ako.
Sabay-sabay uli kaming apat na naglakad papuntang campus. Pinagtitinginan din kami ng mga tao rito. Hindi dahil sa mga kagandahan at kapogian namin, kung 'di dahil sa bunganga naming apat. Ang dami kasing mga nakakatawang chika ng mga 'to, parang 'di nagkita kagabi. Galing kasi sila Abi sa bar kaya ayon, may mga nahakot na namang pogi.
"Teka, 'yung I.D ko." sinubukan kong hindi mag-panic nang maalala kong may kulang sa akin. Hindi ko pa rin 'yon nababawi sa guard at kung pupunta man kami sa kabilang unibersidad ngayon, male-late kami sa first class namin!
"Gago naman 'to laging may baon na problema!" naka kunot noo na sa akin si Lucius, stress na stress na pero hindi pa rin kami naghihiwa-hiwalay dito malapit sa gate.
"Hiram I.D mo." hinila ko ang kaniya pero agad niyang binawi 'yon.
"Kung wala lang kaming quiz ngayon, ako na magsasabit nito sa'yo."
"Guys, don't panic too much. Work smarter, not harder." sinabit ni Stella ang school I.D niya sa akin. Nawala ang kaba ko nang iharang niya ang backpack niya sa harapan niya para matakpan ang suot niyang uniform.
"Tanga 'to. May motto ka pang nalalaman, eh nanduga ka lang naman." singit ni Abi pero hindi ko siya magawang ipagtanggol. Kailangan ko kaya nito. Baka kapag ako pa ang nagpanggap, makonsensya agad ako kahit kapapasok lang namin.
"Morning, kuys!" bati ni Lucius para sa kaniya mapunta ang atensyon ng nagbabantay sa gate at makapaglakad kami papasok nang tuloy-tuloy.
Si Stella naka hawak lang sa kamay ko, baka raw kasi mag sorry agad ako sa guard kapag hindi ko kinaya ang panduduga namin.
Umabot kami sa aming first class. Iniiwasan kong tumayo o lumabas ng classroom dahil baka may maka pansin na wala akong suot na I.D. Mapapapunta pa ako sa guidance nito nang wala sa oras. Ganito kasi rito, masyadong strict sa lahat para maging disiplinado. Hindi ko nga alam paano nag-tagal dito si Lucius.
Pagdating ng break time, dito lang kaming mga girls kumain sa loob ng room. Si Stella at Abi lang ang kasabay ko dahil mukhang wala naman kaming ibang makakaibigan. Halos lahat ng kilala nila nasa kabilang sections. Burger lang sa akin, si Stella ay nag rice na galing pa sa room nila para rito maki kain, at si Abi ay may hawak na namang french fries.
"Crush mo 'yon, 'di ba?" dinig kong sabi ni Stella na hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Loyal ako sa isa, e.
"Tanga 'to, makakalimutin ka talaga. Kay Solace na 'yang si Sevi, 'no!" bigla akong napalingon sa direksyon na tinitignan nila. Laking gulat ko nang makita ko siyang mag-isa sa labas, mukhang may hinihintay. Baka ako na 'to.
"Sinusundo ka ata, Sol." todo suporta ang mga kaibigan ko sa pagka delusional ko kaya nag-ayos pa ako ng aking sarili. Sinuklay ko ang maiksi kong buhok, nag spray ako ng pabango sa aking pang-archi uniform bago ko ito ayusin, at naglagay pa ako ng light make up sa mukha ko.
Kaso lang napahinto ako nang may lumapit sa kaniyang babae. Nagselos agad ako kahit walang kami. Pero bakit kasi kailangan pa nilang mag-usap? Crush ko nga siya, hindi niya ba alam?! Tama, hindi niya pala alam. Kaya pinanood ko na lang siyang sumama ro'n sa kabit niya.
"Aw, taken na si pogi." naka simangot si Abi nang humarap siya sa akin, parang siya pa ang na-broken.
Pero hindi niya naman siguro girlfriend 'yon. Baka magkaibigan lang sila tapos clingy 'yung babae kasi may pakapit pa sa braso ni Sevi, e. Parang kami lang 'yon ni Lucius kaya dapat kumalma lang ako. Hindi ako pwedeng mag overthink dahil may quiz pa kami ngayon. Iyon muna ang iisipin ko bago 'yung landi. Mas masarap lumandi sa gabi kaysa sa tanghali.
"Gago, 'di 'yan." pinigilan kong hindi maasar sa mga susunod pang sinabi nila sa akin. Hanggang matapos ang pasok namin ay para silang mga langaw na bulong nang bulong sa tenga ko.
Kalahating oras na kaming nandito sa upuan na lagi naming hintayan sa uwian. Kanina pa wala si Lucius at hindi namin siya ma-contact. Hindi ko nga mawari bakit pa siya nagdadala ng phone sa labas kung hindi niya naman ito ginagamit. Minsan, magpapa-load pa 'yan na akala mong mag u-update sa amin. Pero wala, maghapon 'yang busy.
"Puntahan na natin, naiihi na 'ko!" reklamo ni Abi na nakahawak sa pagitan ng dalawa niyang hita, mukhang nagpipigil na kanina pa.
"Saan ba?" iritadong tanong ko, napaka init kasi ngayong hapon.
"Saan pa ba? Edi sa bilyaran na naman."
"Eh, ayoko nga ro'n." reklamo ko.
"Hindi tayo maglalaro, susunduin lang natin 'yung bata natin." hinatak na ako ni Stella patayo kaya labag sa loob akong naglakad.
Wala na akong nagawa kung 'di ang sumama sa kanila. Aircon naman daw kasi ro'n pero medyo maingay nga lang. Pumayag na rin ako dahil ayoko naman maiwan at mainitan doon sa open campus. Alam kong kapag sila Abi lang ang sumundo kay Lucius, lalo lang matatagalan dahil makikipag laro pa 'yon doon. Mabuti na at sumama ako, isang hatak ko lang palabas sa kaibigan namin.
Not until I saw him. Kahit nakatalikod ay kilalang-kilala ko siya dahil sa bulto niya. He was wearing a white polo shirt and dark gray shorts. May naka sabit pang salamin sa medyo naka bukas niyang polo na para bang mag b-beach siya. Nasa bilyaran naman kami.
Naka tayo ako malapit sa pintuan at pinapanood siyang magbasa ng kung ano man ang naka sulat sa papel na hawak niya. May tinuturuan pa siya sa tabi niya pero hindi ko naman maaninag kung sino 'yon, halatang stressed na siya dahil naka kunot noo na.
Si Stella hinanap si Lucius dahil may kalakihan din ang bilyaran nila at si Abi naman, ayon lumalandi na. Wala namang gwapo, isa lang tapos seryoso pa kaya 'di ko malapitan.
"Hey,"
"Ay letse ka!" napasigaw ako nang hawakan ako sa braso ni Sevi. Oo, si Sevi! 'Yung asaw- crush ko!
Ito na 'yon, mukhang aayain niya na akong mag-date tapos mahuhulog kami sa isa't isa at kami ang magkakatuluyan sa huli. Gagawa rin kami ng anak sa ayaw at sa gusto niya. Ay, hindi. Kapag pareho na lang kaming ready kasi ayoko naman magtaguan anak.
"Hi," bati ko sa kaniya at abot langit pa ang ngiti ko habang siya naka seryosong mukha lang sa akin. "musta?"
"Musta?" tumaas ang isang kilay niya sa akin.
Masama ba mangamusta? Siya lang tumanggi ng kumusta ko, ha. Bahala na, baka hindi siya okay.
"Ikaw 'tong lumapit tapos ikaw 'tong masungit."
"Hindi ako masungit." aatakihin ata ako sa puso nang ngitian niya ako. Mukha siyang masaya sa'kin. Sabi na nga ba at mahuhulog siya.
"Pake ko." pabalang kong sagot para mapigilan ko ang aking kilig.
"I thought you want to punch me." nadinig kong tumawa ang dalawa niyang tropa sa likod kahit hindi sila naka tingin sa amin. Bigla tuloy nag-init ang mukha ko nang ipakita niya sa akin ang school I.D ko na pinapaikot niya pa sa kaniyang daliri.
"Ibigay mo nga 'yan sa'kin!" tinaas niya lalo ang braso niya nang aagawin ko sana sa kaniya 'yon. Wala naman akong laban dahil nasa 5'4 or 5'5 lang ako, siya malapit na mag 6 foot.
"Kapag sinabi ng kaibigan kong ibigay mo, ibigay mo agad." walang takot na hinablot ni Stella ang I.D ko sa kaniya bago siya lumabas ng bilyaran, hawak pa si Lucius sa tenga na mukhang ayaw sumama.
"Panis ka, bro." pang-aasar ng isa niyang kaibigan nang matahimik siya sa harapan ko.
"Mabubugbog tayo ni Stella, umalis ka na diyan." hinatak ako palabas ng bilyaran ni Abi at dahil wala naman akong lakas para umangal sa kaniya, tumuloy na kami paalis.
Una kaming pumunta sa library dahil kukuha raw ng libro si Stella saglit. Hindi naman saglit 'yon dahil ang tagal na naming nandito sa loob. Si Abi naghanap agad ng upuan malapit sa mga pogi kaya naiwan ako rito sa isang sulok dahil si Lucius pinagkakaguluhan ng mga babaeng gusto magpa-picture sa kaniya, hindi naman artista. Mabuti nga at sinita sila ng librarian.
"Aray ko." I maintained to lower my voice nang matamaan ako ng isang lalaki. Tinulungan ko siyang pulutin ang mga nahulog niyang libro dahil baka pati siya ay mapagalitan.
"Sorry, miss. H-Hindi ko talaga sinasadya." todo depensa siya sa kaniyang sarili kahit hindi ko naman siya inaaway. Siguro nakakatakot lang talaga akong tumingin kaya grabe siya mag react.
"Okay lang, nakaharang din naman kasi ako." umusog ako nang bahagya para makadaan siya sa harap ko. Nagmamadali pa nga siyang maglakad at kaunti na lang ay patakbo na siya.
'Yung "saglit" ni Stella kanina ay inabot na ata ng isang oras kaya hapon na naman kami naka labas ng school. Pare-pareho kaming nagugutom kaya sa tusok-tusok uli namin napag-desisyonan na kumain tutal bukas ay walang pasok dahil Sabado. Parang balak ata nila mag bar doon sa bar ng kuya ni Lucius. Pinag-iisipan ko pa nga kung sasama ba ako o mag s-sketch na lang muna ng draft ko para sa next plate namin.
"Medyo bilisan lang natin, ha." tumingala ako sa langit, makulimlim na at mukhang uulan nang malakas.
Mapaglaro talaga ang tadhana! Pag dating namin sa kanto, nandoon din si Sevi at may iba pang mga studyanteng naka harang nang bahagya sa kaniya. Sadyang sa kaniya lang ako naka focus dahil suot niya pa ang I.D ko sa leeg niya. Hindi naman ako nagrereklamo kaso bakit ngayon pa? Kung kailan naman may mga kasama ako at tsaka ko siya laging naaabutan. Sana naman next time kami munang dalawa.
Tahimik lang akong sumusunod sa mga kaibigan ko sa paglalakad na para bang walang nakikita. Sinubukan ko rin na hindi tumingin sa gawi niya para hindi talaga halata na crush ko siya, unti-unti lang muna. Hati kami ni Lucius sa dala niyang payong at si Abi naman ang kahati ni Stella. Mas galit pa sila kaysa sa akin dahil ayaw daw nila sa bully. Hindi naman ako nabully, kinilig nga ako pero hindi ko naman masabi sa kanila dahil sesermonan lang nila 'ko.
Syempre hindi rin namin pinalagpas ang kasalanan ni Lucius. Nabalitaan naming nag cutting siya after quiz nila sa Physics para maglaro. Kahit ba sabihin niyang pasado siya, he should have listened man lang. Papayagan naman namin siyang magwalwal diyan after class.
"Here," inabutan kami ni Lucius ng fishball at kikiam na nakalagay sa cup. "I'm really sorry, girls. Hindi ko na talaga uulitin." tinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay kaya sumimangot lang kami sa kaniya.
"Sorry uli." pag-ulit niya bago niya palitan ng kanan ang nakataas niyang kamay.
"Tara na nga rito." we had a group hug nang maawa na kami sa kaniya. Naka sad face lang siya na para bang inaway siya ng mga bata at nagsusumbong sa amin.
"Cheers!" tinaas ko ang cup kong may laman na libreng kikiam at fishball. Dinikit nila ang kanila rito kaya sabay-sabay kaming tumawa.
"Nakita ko talaga siya, bro. Napagalitan nga ako ng girlfriend ko kasi babae ko raw siya." dinig kong kwento ng isang lalaki sa likuran namin habang kumakain kami.
"Where?" lumingon ako sa side nila nang makarinig ako ng pamilyar na boses.
Mas lalo ko siyang nakita nang malapitan ngayon. Naka suot siya ng sleeveless black shirt at gray sweatpants. May naka sabit din sa balikat niya na itim na jacket at 'yung I.D ko na hindi niya ata balak tanggalin sa leeg niya. Mukha pa siyang galing sa gym.
"Sa convenience stor- Ay gago! Ayan, bro, nakita ko na uli siya!" gulat na gulat si Leo sa akin nang makita niya ako sa harapan nila, nakaturo sa akin. Pakiramdam ko kasi ako ang pinag-uusapan nila at tama nga ako. Nagulat din tuloy ako sa kaniya dahil kaibigan niya pala si Sevi, baka nahawaan na siya ng kasamaan.
"Your I.D." tinalikuran ko lang si Sevi nang i-abot niya sa akin 'to. Bahala siya diyan. Kahit kailangan ko 'yon, pilitin niya muna 'ko.
"Lagot ka, pre." bulong ni Leo sa kaniya, nang-aasar. Dalawa lang silang mag kasama at hindi ko alam kung napadaan lang sila rito o bibili rin ng tusok-tusok.
"Oh, ito pa." ngumiti lang ako kay Lucius nang ilagay niya sa akin ang ilang pirasong fishball niya, mukha walang ideya kung sino ang nasa likuran ko. Pati sila Abi at Stella na busy maghanap ng pogi kaya doon sila sa kabilang unibersidad naka harap.
"Thank you. Okay na 'to." hinarang ko ng stick ang cup niya para tumigil na siya. Baka wala na siyang makain kung ibibigay niya lang lahat sa akin 'yon.
"Sus, diyan ka lang naman nadadaan para patawarin mo 'ko. Sa susunod bibilhin ko na tindahan ni kuya para isang sorry na lang sa lahat ng kasalanan ko." tinapik niya sa braso ang tindero habang tumatawa pero agad nagbago ang ekspresyon niya nang makita niya si Sevi sa likuran ko na naghihintay.
"Oh, pre! Musta? Talo kayo?" billiards agad ang nasa isip niya nang batiin niya ito. Hindi nga bati 'yon, e. Pag-lapit niya ay bumulong pa ito sa tenga ni Sevi pero dahil sa hina ay hindi ko man lang narinig. Medyo mahaba pa 'yon.
Love you, pre. Kain ka sa tamang oras dahil ayaw kong nagpapalipas ka ng gutom siguro ang sinabi ng kaibigan ko.
"Kukunin mo ba or hindi? I still have some things to do, Solace." giit ni Sevi nang umalis na si Lucius sa pwesto namin.
Gago talaga ang isang 'yon, pinamigay na naman ang pangalan ko kaya pala tumatawa na naman!
Saglit ko lang inubos ang kinakain ko bago ko iyon tinapon sa basurahan para makaalis na kami rito. Kitain niya na lang ako kapag mag-isa na 'ko para pwede akong mag-inarte. Pagtingin ko sa sako kung saan ako nagtapon, pakiramdam ko ay kulang ang kinain ko para ngayong meryenda. Wala pa naman akong extra this day dahil binayad ko na sa taxi driver kagabi.
"Take it." nanlaki ang mga mata ko nang abutan ako ng fishball ni Sevi pero mas nadagdagan ang gulat ko nang makita kong may hawak din siyang cup na para sa kaniya. Mukhang wala nga sa itsura niya na kumakain siya ng mga ganitong pagkain.
"A-Ano 'yan? Sa'yo na." hininaan ko lang ang boses ko bago pa ako mahuli nila Abi.
"Sorry." halos pabulong lang sinabi niya pero dinig na dinig ko naman iyon. Si Leo tuwang-tuwa sa likuran niya dahil mukhang first time niyang ginawa 'yon. Hindi ko alam! Wala akong alam sa lalaking 'to pero nakakabigla lahat ng ginawa niya, ha.
"Para sa'n?" nakangising tinaasan ko siya ng kilay. I want it to be detailed. Pinagtripan niya ako kanina, pagti-tripan ko rin siya ngayon hangga't nandito ang kaibigan niya.
"Kung ayaw mo, I can leave n-"
"Sige, mabuti nga." nagkibit balikat lang ako at tsaka naglakad patalikod sa kaniya pero agad niya akong hinawakan sa braso para mapaharap uli ako sa kaniya. Nang ibaba ko ang tingin ko sa kamay niya, mabilis niya iyong binawi na para bang walang nangyari.
"I-I'm really sorry for my actions earlier." he bit his lower lip, mukhang nahihiya pa.
"Okay, apology accepted." kinuha ko ang ID ko sa kaniya at tsaka ako naglakad papunta kayla Abi. That's it. Ayon lang ang gusto kong marinig.
"Yes!" dinig kong mahinang sigaw ni Sevi at may pa-apir pa talaga sa kaibigan niya.
Inakbay ko ang dalawa kong braso sa dalawa kong kaibigan para hindi na sila lumingon sa likod ko. Si Lucius naman, tumakbo papunta sa amin nang maiwan siya sa tindahan. Pinanliitan ko siya ng mga mata nang mahuli ko siyang patagong tumatawa. Nakita niya lahat ng nangyari kanina at nahihiya ako!
Mukha tuloy akong tanga na naka ngiti pa habang naglalakad. Minsan nahuhuli pa ako nila Abi na kinikilig habang tulala pero todo deny naman akong may iniisip ako. Ang dinadahilan ko na lang ay nami-miss ko na ang pamilya ko.
Si daddy kasi ay piloto habang si mommy naman ay flight attendant. Madalas silang may work kaya sa hotel na lang sila umuuwi malayo sa akin. Si Sebastian naman na nag-iisa kong kapatid ay nakatira kasama nila tita. Hindi pwedeng sa akin siya sumama dahil madalas akong nasa school kaysa nasa condo. Ganoon din si Lucius kaya wala siyang kasama.
Kapapalusot ko tuloy sa mga kaibigan ko ay bigla ko talaga silang na-miss. Mas masaya nga ako noong wala pa silang trabaho kahit wala kaming gaanong pera basta may atensyon silang binibigay sa akin at lalo na sa kapatid ko dahil three years old lang siya. Kaso hindi ko naman magawang maging malungkot para sa parents ko dahil pangarap nila 'yon. Ako rin may pangarap na handa nilang suportahan lagi. Ayos na ako ro'n.
"Actually, totoo 'yan. Namimiss ko na rin si Sebseb ko." naka simangot sa saad ni Abi dahil madalas niyang kasama dati ang kapatid ko noong high school pa lang kami.
"Kung pwede nga lang na sa akin na siya sumama, gagawin ko. Kaso masyado akong busy sa mga plates na 'yan." pinaglaruan ko ang bato na nasa harapan ko. Sinipa ko lang iyon habang malalim ang aking iniisip.
"Tsaka busy sa love llife." napatingin sila Stella nang sumingit si Lucius sa usapan namin, mukhang hindi nila masyadong narinig. Kaya naman pinulot ko na ang bato sa harap ko tsaka ko 'yon binato sa kaniya para wala na siyang sabihin pa. Dahil sa ginawa ko ay tumakbo siya palayo sa amin kaya humabol naman ako.
Si Abi at Stella narinig kong sumigaw ng pangalan namin pero agad din tumakbo pahabol sa amin. Si Lucius tuwang-tuwa dahil nangunguna, palibhasa mahaba ang mga binti niya. Dahil tuloy sa simpleng sinabi niya ay nalagpasan na namin ang hintayan namin ng jeep pauwi pero hindi na namin pinansin 'yon dahil habang tumatagal ang takbo namin ay lalo kaming nagkakasiyahan.
Para bang it was the only time we got the chance to run again. Malaya kami sa stress at mga problema at wala kaming ginagawa kung 'di ang tumakbo kahit saan.
"Hoy, teka!" hinihingal kong sigaw sa kanila nang makaramdam ako ng malalaking patak ng ulan.
"Sige, takbo!" para akong nakakita ng halimaw nang tignan ko si Stella sa likod, hinahabol niya pa rin kami kasama si Abi na tawa nang tawa. "Wala namang pasok bukas!"
Nauwi sa tayaan ang habulan namin. Lugi kaming mga babae sa tuwing si Lucius ang natataya dahil sobrang bilis niyang tumakbo. 'Yung mga bag namin, iniwan muna namin sa isang waiting shed. Mabuti na lang talaga at wala akong dalang plates ngayon. Kung hindi, iiyak ako mamayang pag-uwi. Although wala namang pasok bukas, mahirap pa rin gumawa. Mabuti nga at rest day namin hanggang linggo.
"Sol, ano ba!" galit na sigaw ni Lucius nang hatakin niya ako palayo sa sasakyan, muntik na kasi akong masagasaan sa kalsada katatawa ko. Pakiramdam ko tuloy pangalawang buhay ko na 'to.
Napag desisyonan namin na bumalik sa waiting shed para magpahinga at magpatila bago kami umuwi. Palubog na rin ang araw at gusto na naming magpahinga. Si Stella naka higa sa mahabang upuan malayo sa akin, ganoon din si Lucius, si Abi naman may sariling mundo dahil may dala pa siyang alak. Mukhang nilagay niya 'yon sa bag niya kanina.
"Grabe, para akong mamamatay." bulong ko habang naghahabol ako ng hininga. Nakalantay na ang buong katawan ko sa upuan.
"Paano pa kaya si Abi." tumingin ako sa kaniya dahil sa sinabi sa akin ni Stella. Nakakadalawang bote na ang kaibigan namin pero hindi naman siya lasing. Huling bote niya na rin 'yon, iyon lang ang nadukot.
Sampung minuto na kami rito sa shed at habang tumatagal ay lumalakas ang hangin. Si Stella may dalang sweater, si Lucius balat kalabaw ata dahil hindi tinatablan ng lamig kahit naka sando lang, si Abi walang pakialam sa mundo, at ako ginaw na ginaw na.
Nag take ako ng pictures sa waiting shed habang hindi sila naka tingin sa akin. Kailangan ko kasi mag IG story kahit naghihingalo na 'ko rito.
Lumingon ako sa gilid ko nang mapansin kong may jacket pala na naka patong dito. Kakulay kasi ng itim na upuan kaya ngayon ko lang napansin. Kung hindi pa ako umusog sa pwestong 'yon, baka nag-yelo na 'ko ngayon.
Inangat ko ito at tinignan mabuti. Pinapanood lang ako ng mga kaibigan ko habang nagtataka rin sila. Inikot ko pa ang jacket nang ilang beses dahil baka may pangalan na nakalagay. Kaso, initial lang ata 'to ng may-ari.
L.R.H
"Ano 'yan? Tingin ako." hinarap ko kay Lucius ang hawak kong jacket. Tinawanan niya lang ito nang makita niya ang initial na naka sulat sa bandang dibdib.
"Kanino 'to? Kilala mo? Suotin ko lang." medyo hirap na akong magsalita dahil nanginginig na ang labi ko sa sobrang lamig.
"Kay Leo 'yan, baka naiwan niya." matinong sagot niya sa akin.
Baka pwede ko na naman 'tong suotin. Kapag hindi siya nagalit, edi friends na kami. Kapag naman nagalit, lalabahan ko na lang o kaya papalitan ko. Kaso mukhang mamahalin kaya hihingi na lang ako ng paumanhin. Kailangan ko rin kasi 'to ngayon, 'no.
"Sige lang, mabait naman 'yon." napangiti ako dahil sa sinabi ni Lucius. Tropa naman siguro sila kaya kampante na akong isuot ang jacket. "Sa friends niya lang."
"Hoy, friends na kami!"
"Totoo lang, ha? Kailan pa? Ngayon?" humalakhak siya kaya napa-irap na lang sa inis.
"Hindi ko kaya umuwi." nanghihina na ang boses ni Abi kaya napatingin kami ni Lucius sa kaniya. Nangangatog ang katawan niya dahil sa lamig, mukhang hindi naman lasing pero hindi na siya makagalaw.
"Hoy, Stella!" binatukan ko siya nang makita kong busy siyang makipag text at ngiting-ngiti pa. "Tumulong ka nga rito!"
"A-Ano? Saan? Inuman? Bakit ako tutulong?!" puno ng pagtataka ang mukha niya pero napalitan ito ng gulat nang makita niya ang sitwasyon ni Abi.
"Oh my gosh, I'll call an ambulance." nag dial siya ng number sa phone niya pero hindi ito sumasagot. "Tangina, walang signal!"
"Paanong walang signal?! Nakuha mo nga lumandi diyan sa chat tapos ambulansya hindi mo matawagan?! Gago ka ba?!" napaatras siya sa gulat nang hindi ko sinasadyang masigawan siya. Hindi na siya nagsalita pa, nag try uli siyang tumawag pero ayaw ma-dial.
"Teka, kalmahan niyo. Walang mag-aaway." sumingit na si Lucius sa pagitan namin ni Stella. "Solace, baka wala naman talagang signal. Humanap na lang tayo ng ibang paraan kaysa mag-away kayo diyan."
"Hahanap?! Ngayon?! Nasisiraan ka ba ng ulo, ha?! Naghihingalo 'yung kaibigan natin-"
"Hey, move faster." napalingon kami sa humintong sasakyan sa harapan namin. Bumaba si Sevi habang naka hawak siya sa kaniyang ulo bilang payong. Pag-silong niya sa waiting shed, agad niyang binuhat si Abi papasok sa back seat. Sumunod naman doon si Lucius at Stella.
"Ikaw na nagsabing naghihingalo 'yung kaibigan mo." huminto saglit si Sevi sa akin bago siya naglakad pabalik ng driver seat.
"Ride now." pahabol niya na mabilis kong sinunod.
Wala akong choice kung hindi ang sumakay sa front seat, katabi niya. Naiilang tuloy ako lalo na't first time ko siyang makasama sa sasakyan at ang malala pa ay para akong pinapanood ng mga kaibigan ko.
He drove us to the nearest private hospital. Masyado kaming matatagalan kung public dahil marami kaming aasikasuhin. Ang napag-usapan namin ay mag-aambagan na lang muna kami para sa hospital bill ni Abi at mag-adjust na lang kami sa allowance namin. Si Stella ang may pinaka malaking binigay.
"Sevi," nahihiyang tawag ko sa kaniya sa hallway ng hospital. "thank you."
"Yeah, no problem." tumango lang siya at naglakad na paalis.
I watched him walked palabas ng pintuan. He greeted the guard bago siya lumiko sa kanan, papuntang parking lot. I was hoping na lilingon uli siya sa akin pero hindi. He doesn't have a reason to stay kaya hindi ko na siya nagawang kausapin pagtapos ko mag thank you, para ngang nagulat pa siya na sinabi ko 'yon. Marunong din naman ako mag-pasalamat, hindi ako puro sama ng ugali.
Two weeks passed simula noong nagkita kami ni Sevi, hindi na 'yon nasundan. Nag focus na lang tuloy ako sa studies ko dahil mas marami kaming plates this week. Minsan, pasimple ko pa siyang inaabangan sa gate ng university nila lalo na kapag alas singko na pero wala talaga. Si Leo nakikita ko pero may mga kasama siyang ibang tropa niya kaya hindi ko siya makausap.
Si Abigail nakalabas after two days dahil nagka high fever lang naman siya. Pasaway kasi ang babae na 'yon. Pawis na pawis siya tapos naligo sa ulan, may painom pa ng alak. Ako naman nilagnat din kinabukasan dahil siguro sa pagod pero mababa lang 'yon. Buti nga at nag-kusang bumili si Lucius ng pagkain kaso mukhang labag sa loob.
Kami ni Stella naging ayos naman agad. Humingi ako ng paumanhin sa kaniya dahil sa pag-sigaw ko noong nasa waiting shed kami nang makakalma na ako. She told me it wasn't really a big deal for her naman, nagulat lang talaga siya. But I still apologized dahil may kasalanan ako, also to Lucius.
"Gusto ko na si Sevi, 'te." may pahampas pa ng braso si Abi sa akin habang kumakain kami ng chichirya sa campus. Siya lang ang kasama ko ngayon dahil si Stella at Lucius, may klase.
"Ulol, akin 'yon. Kulang na nga lang lagyan ko pa siya ng watermark na Solace Vellarde para alam ng mga babae niyang taken siya."
"Tanga, what I mean is gusto ko siya para sa'yo!" tumawa siya nang malakas dahil sa itsura ko. "Tsaka anong taken? Nanaginip ka na naman!"
"Basta taken na." umirap ako sa kaniya. "Speaking of Sevi, nakita mo ba siya these past few weeks? Para kasing...ewan ko, ha. Pero hindi ko talaga siya makita."
"Uy, hinahanap." panunukso niya sa akin kaya naramdaman kong namula tuloy ang pisngi ko dahil sa sinabi ko. "Pero hindi, e. Malay ko ba sa crush mo. Dapat kasi kapag nakita mo na uli siya, make a move!"
"No, huwag muna. Parang gusto niya na ayaw niya sa akin. Alam mo 'yung gano'n?"
"Hindi mo sure. Kaya nga i-try mo! Kapag ayaw niya sa'yo, edi huwag. Hindi naman natin siya pinipilit kasi hindi naman tayo katulad ni Stella." natawa ako nang i-backstab niya na naman ang kaibigan namin.
Mabilis lang ang araw, Biyernes na uli kaya malaya na naman kami from school. Pero hindi sa plates dahil may kailangan pa akong tapusin na ipapasa ko sa Lunes. Dala-dala ko lang ito habang nag-iisip ng design. Si Abi, tahimik lang na naglalakad sa likod ko at mukhang nag-iisip na rin ng ideya.
"Masarap kaya 'yung bagong alak sa bar?" bulong niya sa kaniyang sarili pero dinig na dinig ko 'yon dahil ang lapit niya sa akin. Alak na naman pala ang nasa isip niya, hindi na natapos!
Mag-isa lang akong uuwi ngayon sa condo namin. Si Abi ay may gala pa raw kasama 'yung iba niyang friends na outsider, 'yung iba sa school din namin galing. Si Stella naman may ibang lakad din pero hindi niya sinabi kung saan. Hindi na naman namin pinilit na mag-sabi siya. At si Lucius, nasa bilyaran pero hindi naman nag-inuman dahil pinagbawalan ko rin. May pustahan daw kasi ngayon kaya gusto niyang sumali.
"Anak ng puta!" hindi ko sinasadyang nahampas ang lalaki sa dibdib niya nang bigla na lang siyang sumulpot sa kalagitnaan ng paglalakad ko. Kahit na gusto ko siyang itulak, hindi ko man lang nagalaw ang katawan niya.
"Nice, may I.D ka na uli." panunukso niya habang naka tingin sa aking dibdib.
"Nakakagulat ka, ha." tinuloy ko na ang paglalakad ko dahil medyo pagabi na. Si Sevi naman naramdaman kong naka sunod lang sa akin.
"Are you going home alone?" tanong niya sa akin. Concern na agad siya. Gusto niya siguro ako!
"Ah, oo. May mga sari-sarili kasing lakad 'yung friends ko. Ako lang 'yung mabait kaya uuwi na 'ko." ang awkward makipag-usap sa kaniya, first time ko kasi makipag-chikahan sa crush ko.
"Lakad din tayo." umakbay siya sa akin kaya nag-init tuloy ang buong mukha ko. Anong ginagawa niya? Akala ko ba masungit siya. O baka pinagti-tripan niya na naman ako?
"Kaya ko naman mag-isa." hinawi ko ang kamay niyang nasa balikat ko. Medyo umusog tuloy siya palayo sa akin, baka akala niya ayoko sa kaniya. Ang hirap naman pala kasing kumilos kasama niya.
Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa magkbilang bulsa ng itim niyang pants. "What I mean is I'll walk you home."
Ha?! Tama ba talaga 'yung narinig ko? Grabe, gawain na 'to ng mga mag-jowa, 'no!
"H-Huwag na, malayo pa 'ko." tanggi ko sa kaniya.
"I have nothing to do naman, it's Friday." naka ngiti siya habang naka tingin sa nilalakaran namin. "Hatid na kita."
"B-Bakit?" bakit nga ba? Alam kong gusto ko siya pero bakit ganito siya umakto? Duh, hindi pa kami close.
"Bakit?" bumaling siya ng tingin sa akin nang ulitin niya lang ang tanong ko kaya ako naman ang nag-iwas. "You're walking alone and it's already dark."
Ay, akala ko naman crush niya 'ko.
"Ah, ganoon ba. Siguro ka bang 'di ako nakaka abala?" I timidly asked him. Ayoko naman siyang ma-istorbo lalo na't engineering student siya, maraming ginagawa. Nananahimik kasi ako rito kanina ta's bigla na lang siyang sumulpot, hindi pa ako ready.
"Nope," he smiled. Ay, nako! Napaka ganda ng ngiti niya, nanghihina tuloy mga tuhod ko rito.
"You're blushing." hinawakan niya ang isang side ng pisngi ko gamit ang hintuturo niya dahilan para mamula ako lalo. Letse, nakakahiya!
"A-Ay, oo nga pala." inabala ko ang sarili ko sa paghahanap ng jacket ni Leo sa bag ko para matago ko ang itsura ko sa kaniya. Lagi kong dinadala 'yon papasok para kapag may chance na maibigay ko sa isa sa kanila, isosoli ko na.
"Ayan, jacket ng friend mo. Almost three weeks na 'yan sa'kin kaya pina-laundry ko na rin. Hindi ko naman maabot sa kaniya tuwing uwian niyo kasi lagi siyang may kasamang iba. Ikaw naman, wala ka rin lagi kapag inaabangan kita." inabot ko ang itim na jacket sa kaniya pero napatigil ako nang huminto siya sa paglalakad.
Inangat ko ang tingin ko sa mukha niya, malaki ang ngisi sa kaniyang labi at mukhang may iniisip. Sigurado akong hindi maganda 'yon.
"Inaabangan mo 'ko?" taas kilay niyang tanong sa akin.