Chereads / Greatest Escape / Chapter 6 - 04

Chapter 6 - 04

"Amoy alak." reklamo ko nang bahagyang magka dikit ang mukha namin.

"Bumanda sa ilong mo 'yung hininga mo."

"Alam mo, ang pogi mo talaga." I caressed his cheeks while I was admiring his face.

Para akong pinagkaitan ng langit at lupa sa tuwing tinititigan ko siya. From his dark brown eyes, thick eyebrows, pointed nose, soft lips, his hair na magulo but it looks so bagay na bagay sa kaniya, his sharp jaw that can cut potatoes, and his not so malaking katawan. I feel like he's doing light work outs, tamang-tama lang sa pang-headlock sa'kin.

"Hoy," I forced to call him nang ihiga niya ako sa kama ng kwarto niya. "saan gym mo, ha?"

"What?"

"Gym mo sabi. Saan? Gusto ko kasi mag threadmill." tinaas ko nang bahagya ang mga paa ko para ipakita sa kaniya kung paano ako tumakbo kahit naka higa.

"Just here," may tinuro siya sa labas. "my living room."

Perfect! Sasamahan ko siya mag gym lagi na nasa living room niya lang naman pala. Sasabayan ko siya sa lahat ng gagawin niya kahit hindi ko kaya basta mapansin niya lang ako.

Pagka gising ko, mabilis akong napabangon sa gulat nang makita kong kulay gray ang kisame. Puti dapat 'yon! Nilibot ko agad ang paningin ko sa paligid kaya nakaramdam ako ng kaba nang makita kong puro panlalaki ang mga gamit. I saw some cue sticks collection sa wall together with a golf clubs and bags, may basketball and soccer ball din, and also trophies. One thing for sure, hindi 'to kwarto ni Lucius. Walang kagamit-gamit ang isang 'yon bukod sa sandamakmak niyang boxers!

Dahan-dahan akong humakbang papunta sa naka-sarang pintuan ng kwarto dahil baka mamaya na-kidnap na pala 'ko tapos nakalimutan lang ako itali. Pag-pihit ko ng doorknob, maingat ko itong hinila nang bahagya para hindi ito gumawa ng ingay. Huminto ako sa aking pwesto nang makarinig ako ng tugtog mula sa labas. Parang may party o kaya jamming with friends habang nagkakaraoke.

"Ay pukinginamo!" napatalon ako sa gulat nang makakita ako ng maliit na husky. He was tilting his head a little sideward while wagging his tail, kinikilala niya ako at ganoon din ako sa kaniya.

"Stark, come here."

"Ay pukinginamo mo uli!" parang gusto kong tumumba nang makita ko si Sevi sa harapan kong topless. Nasulyapan ko ang abs niya pero agad akong nag-iwas ng tingin. Tanging black sweatpants niya lang ang suot niya. He was doing some work out at nakikinig pa sa music. Pawis din ang buo niyang katawan but I can smell him from here, sobrang bango niya pa rin.

"You're alive!" natatawang sigaw niya sa akin habang pinagmamasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Hininaan niya na rin ang volume ng tugtog niya sa phone.

"A-Anong ginawa mo sa'kin?" pinatong ko ang isa kong kamay sa aking dibdib.

"I watched you got drunk, walked you to your condo then the keys were not with you so I decided to take you here, I didn't change your clothes don't worry, then I let you sleep on my bed while praying na magising ka pa." he smiled.

"Ha?" kusang bumukas ang bibig ko.

"Dahil you looked really wasted.....kagabi." dugtong niya pa.

I immediately checked my bra and panty kung nandoon pa 'yon sa katawan ko. I even smelled my clothes kung ako pa rin ba 'to. And I guess he was telling the truth.

"Okay, thanks." I gave him a thumbs up. Nahiya na ako kaya bumalik ako sa kwarto niya para kuhanin ang bag ko pati na rin ang iba kong nakakalat na gamit sa sahig bago ako lumabas para mag paalam.

"Would you mind eating first?" napahakbang ako patalikod nang iharang niya ang kaniyang katawan sa dadaanan ko. Tumingin ako sa likuran niya, his dog was busy eating.

"Sino kakainin ko?" binalik ko ang atensyon ko sa kaniya.

"Breakfast Solace." I timidly smiled nang magkamali ako ng akala. "Breakfast." dugtong niya.

"A-Ay, oo. Breakfast. Meron do'n sa bahay!" nadagdagan lang ang kahihiyan ko nang mauntog ako bigla sa pintuan ng condo niya dahil sa pag-aakala kong bukas 'yon.

"Nakakahilo talaga kapag hindi kumakain." humawak siya sa pulsuhan ko para mahatak niya ako papuntang kusina.

I was amaze sa designs ng kitchen niya at sobrang linis pa, akala mong hindi lalaki ang may-ari. The color was just two, dark brown and white. 'Yung cabinets ay wooden, 'yung counters ay ceramic, and may konting paintings sa wall like fruits, veggies, and meat.

"Sorry, hindi pa ako nakakapag-linis." kumamot siya sa kaniyang ulo bago niya sinandok ang niluto niyang almusal, tocino and fried rice.

"Ano pa bang lilinisin mo rito?" natatawang tanong ko sa kaniya habang naghahanap ako ng kalat.

"The dishes." he pointed the plates above the counter. Mukha kasing malinis na kaya hindi ko napansin kanina. "I was busy kasi. Workout."

"Sana tayo rin mag work." pasimple akong umubo nang isubo ko ang kanin na may ulam.

"Hindi ba masarap?" gulat niyang tanong, hindi narinig ang sinabi ko.

"Masarap, gago!" pinakita ko sa kaniyang sumubo pa uli ako. Buti na lang pala inaya niya 'kong kumain.

Alam ko naman sa sarili kong makapal ang mukha ko pero pagkatapos kong kumain ay umalis na ako sa condo niya. I offered him na I'll wash the dishes na kaso todo tanggi siya. Edi siya na, para tuloy kaming mag-asawang nagtatalo kanina sa kusina.

"Wala ka man lang planong mag text." tinalikuran agad ako ni Lucius nang buksan niya ang pintuan ng unit namin.

"B-Bakit ako mag t-text?"

"Para lang siguro sa wala." sarkastikong sagot niya.

Paglakad ko papasok ng living room, nakita ko sila Abi at Stella na naka upo sa couch namin. They looked stress and frustrated. "Anong meron?"

"Mag check ka ng phone para alam mo kung ano." nag walk out agad si Abi papuntang kusina kaya dali-dali kong sinunod ang utos niya.

112 undread messages from you group.

Lucius: nandiyan ba sa inyo ang beshy ko?

Abi: wala, beh. bakit? alas tres na ah

Stella: Check mo sa cr niyo

Lucius: can't sleep. nag-aalala ako sa gurang na 'yon.

Stella: Check mo sa ilalim ng couch

Lucius removed Stella from the group.

I didn't read the other messages. Ang alam ko lang, galit na sila sa akin. I forgot to check my phone dahil nga lasing ako, wala ako sa sarili ko. Lalo na't nandoon si Sevi na kasama ko sa iisang unit.

"S-Sorry," umupo ako sa tabi ni Stella. "lasing ako, sobra."

"Hindi ko alam kung matutuwa ba 'kong marunong ka na uminom o lalo lang akong maiinis." sermon ni Abi nang bumalik siya pwesto namin, may dalang pagkain galing ref.

"Kung saan-saan kita hinanap, Solace." hawak ni Lucius ang vacuum habang pinanglilinis niya ito sa sahig. Pinigilan kong matawa nang makita kong hindi naman ito naka bukas, he was just using it for props.

"Gago nito. Pag-tapos mo nga mag chat sa'min nakatulog ka na. Kung hindi pa namin muntik gibain 'yang pintuan niyo, hindi ka pa gigising." binatukaan ni Abi nang malakas si Lucius kaya binawian siya nito ng kurot bago sila umupo sa tabi ko.

"Sorry talaga, hindi na mauulit." hinilot ko ang aking sintido, sana mapatawad nila 'ko.

"Pero ayon na nga, musta kayo? Like.....may nangyari ba?" pabulong na lang ang last three words ni Abi bago nila ako siksikin sa gitna para marinig nila ang sagot ko.

Pero ano namang isasagot ko? Parang hindi pa 'ko handa mag kwento ng kilig moments namin ni Sevi kasi baka maudlot. Siguro, lowkey muna kami tapos s-surprise ko na lang sila na ikakasal na 'ko.

"Kanino naman?" I tried to act normal. Wala pa naman silang binabanggit na pangalan kaya magpapaka-tino muna ako.

"Edi si Sevi! Huwag mo sabihin na pinalitan mo na talaga siya. Ang kapal naman ng puke mo niyan!" sigaw ni Stella.

"Sabi mo mag m-move on ka na. Ganoon ba way no'n? Maki tulog sa condo ng crush?" sabay-sabay silang tumili dahil sa sinabi ni Lucius.

Hindi ko tuloy mapigilan mamula dahil sa mga naririnig ko. "Hoy, mga gaga tumigil nga kayo. Natulog lang ako ro'n, that's it."

"Hindi kami naniniwala!" sigaw ni Stella at nag-agree naman ang dalawa. "Kwento mo na 'yan."

"Ang alin na naman?"

"Kung paano ka sumakay sa Engineer!"

"Kadiri naman!" hinampas ko siya sa braso bago ako tumayo papuntang kwarto. Iniwan ko silang tumatawa roon sa couch habang ginagawan nila ako ng issue.

Pag-lock ko ng pinto ay mabilis akong tumalon padapa sa kama ko. Kinuha ko ang isa kong unan para yakapin 'yon. Binaon ko ro'n ang mukha ko tsaka ko nilabas ang kilig na nararamdaman ko. Hindi ko nga alam bakit ako kinikilig kahit normal lang naman ang mga kilos namin kanina.

Pero kasi his efforts a while ago made me kilig more. Dinala niya ako sa condo niya kahit hindi pa kami super close, pinatulog niya 'ko sa kama niya, I got my things na kumpleto pa, and he even made me breakfast. Talagang na-appreciate ko 'yon kasi si Lucius kabaliktaran niya, e.

After a couple of minutes of being delusional inside my room, umayos ako ng higa at tumulala sa kisame. I was imagining the scenes earlier with him. Iyon nga lang, hindi ko maalala 'yung kagabi dahil lasing talaga ako. Sa tuwing umiinom ako, ang tanging naaalala ko lang ay hindi ako okay after ko malasing.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko. I remembered something. Hindi pala ako naka pagsabi ng thank you!

"Holy shit." napamura ako habang hinahanap ko ang phone ko sa loob ng aking shoulder bag. Agad kong binuksan 'yon para mag message kay Sevi. Kaso, hindi pa naman kami mutuals sa IG.

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi ako marinig ni Lucius sa pag-tili. Hindi ko kinaya masyado ang nakita ko nang i-check ko ang notifs ko!

sevi.miller started following you.

Answered prayer talaga! Halos maging tropa na nga kami ni Lord kakadasal ko tungkol sa kaniya. Minsan iniisip ko na baka pwedeng bawasan ko nang kaunti ang pag-banggit ko ng pangalan niya sa prayers ko kasi baka nauumay na si Lord.

Pinindot ko agad ang profile niya. Wala talagang pag-asa na mag-post siya. Napaka private niya namang tao, sayang kapogian kung hindi ilalabas.

To: sevi.miller

Hi, sev :)

Ang bilis, typing agad!

From: sevi.miller

hey

Halos maubos na ang mga kuko ko sa daliri dahil sa kakakagat ko ng mga 'to sa tuwing nagpipigil ako ng kilig. I know it's disgusting pero who cares, serious mode muna 'ko rito.

From: sevi.miller

at home na?

To: sevi.miller

You're my home, baby.

Binura ko agad 'yon bago ko pa ma-send sa kaniya. Gumagawa na naman ako ng kahihiyan ko, e.

To: sevi.miller

Yes, thank you for breakfast btw!

Hindi naman ako ganito mag-type pero bakit pagdating sa kaniya umaayos ako?!

sevi.miller liked a message.

Ayun lang. Tapos na agad.

"Kain na tayo, assumera!" sigaw ni Lucius mula sa kusina.

Inayos ko lang nang kaunti ang sarili ko at kumalma na bago ako lumabas ng kwarto. Chineck ko pa uli ang phone ko dahil baka mag bago ang isip niya at mag reply uli siya pero wala na talaga.

I was shock to see Lucius cooked and arranged foods sa table. Wow, first time!

"Ano 'yan?" nagtataka akong tumingin sa kaniya, hindi pa rin ako makapaniwala. "Para saan 'tong lahat? Bakit ka nag luto? Bakit ka nag-ayos? Bakit, ha?"

"A-Anong bakit? Masama ba?"

"Hindi. Of course, not! Walang masama sa mga ginawa mo. In fact, napaka saya ko pa nga." napatakip ako ng bibig habang pinagmamasdan ko ang mga pagkain. May fried fish, soup, and even 'yung rice marunong na siyang mag-saing.

"Nag p-practice lang ako." nahihiya niyang sagot sa akin.

"Oh my gosh! May asawa ka na ba?! Magiging ninang na 'ko?!" tumalon-talon ako dahil sa tuwa. Ready na 'ko sa pagsubok na 'to.

"Gago, hindi!" natataranta siyang umupo kaya sinamahan ko na agad siya habang tumatawa ako.

"Eh, ano na namang pakulo mo?"

"Nagpapapansin lang talaga 'ko." tumaas-baba ang kilay niya habang naghihiwa ng ulam, hindi siya naka tingin sa akin. "I'm trying to impress someone."

Biglang naging pala-isipan tuloy ang sinabi niya sa akin. Tahimik lang akong kumakain at hindi ko na nagawang mag-bigay ng comment sa luto niya. Although, it was good and I know may better pa roon next time.

Someone? Wala akong kilala. I mean, may mga babae siya diyan sa bilyaran o kahit sa ibang school. Pero 'yung mag-seryoso siya sa someone na 'yon, wala akong ideya kung sino. Sana lang talaga isang araw i-uwi niya rito 'yon sa condo para ipakilala sa akin. Pasasalamatan ko talaga siya hangga't kaya kong mag-pasalamat.

Muntik na akong madapa nang tumakbo ako papuntang kwarto dahil tumunog ang phone ko, may tumatawag. I was smiling the whole time dahil ine-expect kong si Sevi 'yon pero hindi pala. My smile got wider nang makita ko ang name ni Mommy sa screen ko!

"Hi, Mommy! I miss you po." I pouted while walking back to kitchen.

"Miss ka na rin namin ni Daddy mo, anak." malambing niyang sagot sa akin.

"Mommy, sa mukha niyo po itapat 'yung screen." natatawang saad ko dahil puro tenga niya lang ang nakikita ko. "Ayun, ang ganda mo talaga, Mommy!"

"Likewise, baby."

"Wow, nakiki likewise na." sinandal ko ang phone ko sa water container sa table para matuloy ko ang pag-kain ko habang kausap ko siya.

"Hi, tita." sumilip si Lucius sa screen at kumaway. Kita ko ang gulat sa mukha ni Mommy, hindi niya inaasahan na nandito rin si Lucius nang ganitong oras. Ayan, madalas kasing wala.

"Umuuwi ka pa pala, anak." natawa kaming tatlo dahil sa sinabi ni Mommy sa kaniya. "Kumusta kayo diyan?"

"Ayos na ayos po." he gaved a thumbs up. "Kayo po? Musta sa airplane? Astig, airplane!"

Tinitigan ko ang ekspresyon ni Lucius saglit. Tuwang-tuwa talaga siya kapag kausap niya ang parents ko dahil they work as Pilot and FA. Lalo na kapag si Daddy na ang kaharap niya at minsan nagpapa-tour pa siya during free time nila kahit ilang beses niya na itong nakita.

"Captain!" sigaw ni Lucius kay Daddy nang sumilip siya sa screen at kumaway.

Inabot ko na ang phone ko para sila ang mag-usap ni Daddy saglit. Nakakahiya naman kasi sa kaniya, mahal na mahal niya parents ko, e.

"Oh, sorry." kumamot siya sa ulo nang i-abot niya ang phone ko sa akin. I was just sitting sa couch after ko mag-hugas ng pinggan.

"How was it?" pagkatanong ko ay agad siyang tumalon pa-upo sa tabi ko at nag kwento na siya nang nag kwento. Nanghingi raw uli siya ng tour sa plane pati na rin sa cockpit. Manghang-mangha siya dahil gusto niya raw maka-upo ro'n.

Mom and Dad gave me allowance for this month, mas malaki kumpara sa lagi nilang binibigay. Isang taon na silang nagt-trabaho kaya mataas na rin ang kinikita nila. Madalas sa pag-aaral ko lagi napupunta pero syempre hindi rin nila nakakalimutan mag-padala kay Tita sa probinsya para sa kapatid kong si Sebseb.

I arranged my things para bukas dahil Monday na uli. Nag-advance reading din ako dahil wala naman akong magawa. I also started sketching the plate na ipapasa next week. Sinimulan ko na dahil medyo mahirap ang pinapagawa at baka kapusin pa 'ko sa oras. Binudget ko na rin ang allowance na kinuha ko sa baba kanina, sinamahan ako ni Lucius mag withdraw sa ground floor. Dahil do'n, inabutan ko siya kahit maliit lang na halaga. He was happy though, purely happy.

"Oy, huwag mo ipamigay 'yan." paalala ko sa kaniya dahil ngiting-ngiti siya sa couch habang naka-upo.

"Malaki na 'ko, Sol." pinakita niya ang muscles niya sa akin. "I know what is right and what is....left." humalakhak siya kaya hindi na ako nag-dalawang isip na batuhin siya ng unan.

I took a half bath before I wore my cycling and sando. Nag skin care rin ako pero it was just simple, ayokong masyadong maraming pinapahid sa mukha ko. Alas dyis na ako naka higa sa kama ko. Finally, I felt comfortable again.

Ineenjoy ko ang aking pag-higa nang bigla na lang tumunog ang phone kong naka lagay sa study table kaya napilitan akong bumangon. I swiped the screen when I saw multiple notifications from FB, IG, and Tiktok. Lahat walang kwenta that's why kinausap ko na lang sila Abi kahit medyo busy sila ngayon.

To: tusukin mo ako, beybe

I laughed so hard when I saw Lucius changed the group chat's name. Ang taba talaga ng utak pag-dating sa mga kalokohan.

Solace: Feeling lonely, guys

Napangiti ako nang si Lucius ang unang nag-seen.

Lucius: ulol pakyu ka fake friend che!

Abigail: omw

Stella: Dala akong boyz

Solace: No, shut the fuck up

Abigail: pogi?

Lucius: laki ba titi ng mga 'yan?

Lumabas agad ako ng kwarto ko para lang sabunutan si Lucius na naka higa sa couch. Todo iwas naman siya sa kamay ko at may balak pang tumakbo palabas kaya tinigilan ko na agad.

"Bumalik ka sa teretoryo mo, gago!" sigaw niya sa akin habang pilit niya akong tinutulak pabalik sa aking kama.

Napahinto kami nang may mag door bell sa unit namin. Tinakpan niya ang bibig ko bago siya nag dahan-dahan sumilip sa peephole para tignan kung sino ang tao.

"Walang boys pero may foods!" binuksan niya ang pintuan at una niyang kinuha ay ang mga pagkain na hawak nila Abi at Stella. Muntik niya pa nga silang mapag-saraduhan nang makuha niya na ang kailangan niya.

"Letse ka!" binatukan siya ni Abi.

Wow, they were literally serious sa group chat namin. Talagang sumulpot sila, ha. Hindi na tuloy ako lonely dito.

"Impovements? Wala pa rin ba?" naka nguso si Stella sa harapan ko habang ini-interview niya na naman ako about kay Sevi.

I decided to answer her properly this time dahil best friends naman kaming apat dito. "Nag follow back na siya sa IG after almost one month."

"Grabe, ang lakas mo talaga." pinalakpakan ako ni Abi na para bang may achievement akong nakamit. "Seven na following niya!"

"Oo, sa susunod mababawasan uli 'yan kapag mag-kaaway kami." giit ni Lucius habang wala siyang katigilan sa pagkain.

Kinuha ko ang phone ko para tignan ang following ni Sevi.

solace.vellarde

leo_harrison

tataylucius

eliana.jade

starklovesall

kfc

Wow, KFC? Ano naman nakukuha niya sa profile ng KFC?

Nawala ang ngiti sa labi ko nang may nakita akong isang hindi pamilyar na babae. I clicked her profile and thankfully naka public ang account niya para ma-stalk ko siya. She was like at my age too or younger. Natigilan ako sa pag-scroll nang mapansin kong sobrang dami niyang pictures with Sevi. Is she the girlfriend? Mukha nga! May payakap-yakap pa.

"Girl, ito ba?" nakatakip ako sa aking bibig habang pinagmamasdan ni Lucius ang IG post na pinakita ko, hoping it's a NO.

Pati sila Abi at Stella ay naki tingin na rin. Punong-puno ng pagtataka ang mukha nila. They started scrolling my feed habang naka tapat lang sa kanila ang phone kong naka talikod sa akin, wala akong lakas ng loob maki-tingin.

"Thank you for breakfast daw." their mouth formed into "o" shape dahil sa sinabi ni Lucius at dahil sa nakita nila. I knew it, hindi lang ako ang hinahatid at pinagluluto ni Sevi. Marami pala kami pero sumama pa rin ako sa kaniya.

"Aw, ni-like lang. Ni-last chat ka, Sol?" natataranta kong nilayo ang phone ko sa kanila that's why they started laughing. Binabasa nila ang convo namin. Kahit na maiksi lang 'yon, nakakahiya pa rin!

I turned it off para magpatuloy na uli ako sa pag-kain. Hindi ko na alam kung anong lasa ng mga sinusubo ko, basta ma-distract ko lang ang sarili ko na hindi mag stalk. Gusto ko pang makatulog nang maayos mamaya kaya kailangan kong lubayan ang pagiging detective.

"Ask him. Hindi mo malalaman kung hindi mo siya tatanungin." payo ni Abi, hindi siya nakakatulong at mainit ang ulo ko. Sila, tuwang-tuwa manood sa Netflix.

"Ayoko. Moved na nga ako, 'di ba?"

"Kami pa niloko mo. Pati kulay ng singit mo alam namin, paano pa kaya 'yang nararamdaman mo kay Sevi." nakakahiya naman ang mga sinasabi ni Stella sa akin. Ayan tuloy, pinagtatawanan na naman ako ni Lucius sa sahig.

I can't really tell if naka move on na ako sa kaniya or I was just trying to get distracted para hindi ko siya maalala. But every time na nakikita ko siya o even papasok lang siya sa isip ko, nagugustuhan ko uli siya. At habang tumatagal, it was getting deeper. Hindi ko alam kung paano ko aalisin 'yon sa akin.

Hindi naman ako makapag-confess dahil unsure feelings pa 'to kaya hindi ako handa. And one more thing, mukhang hindi niya naman ako type. I feel like he's into girls na mayayaman, 'yung mga grabe mag-suot ng outfit, and 'yung mga mahinhin lang. Ako kasi kahit nagugulat lang may halo pang mura.

My friends and I had an overnight. Para walang maiwan, lahat kami ay sa living room natulog. Nag lagay lang kami ng comforter and mga unan para makahiga at makatulog kami nang maayos. Si Lucius sa couch pa rin, malapit lang sa amin.

"Solace, umusog ka naman doon. Kapag nasiko ko 'yang dede mo, huwag ka magalit." tinulak ako ni Abi palayo sa kaniya kaya napunta ako sa sahig.

We argured, laughed, talked about random things, and syempre hindi nila nakalimutan na tanungin ako nang tanungin about kay Sevi. As if I know him so much.

"Paglabas ko, nakita ko 'yung alaga niya." kalmadong kwento ko pero nag sigawan silang lahat, si Lucius naman mamamatay na katatawa.

"Putangina, malaki ba?!" naubo ako nang sakalin ako saglit ni Abi.

"Maliit pa lang, syempre! Tuta pa nga lang, e."

Napatigil sila sa pag-react nang malaman nilang aso ang tinutukoy ko. Malay ko bang ibang alaga ang nasa isip nila kaya sila tuwang-tuwa. Akala ko pa naman mga naging dog lover na sila.

"Totoo ba?!" napabangon sa gulat si Abi. "I-Ilan abs niya?! Sana hinawakan mo!"

"Gago, ayoko nga. Hindi man nga lang siya aware na gusto ko siya, hindi ko pa nasasabi kahit crush lang gano'n."

"Sigurado ka ba? Mamaya nung lasing ka bigla kang nag confess. Tanga ka pa naman." napa-iling sa akin si Lucius kaya bigla akong napa-isip.

Paano nga kung nag-confess na pala 'ko? I mean that is so nakakahiya kasi paano kung sinasabi niya 'yon sa girlfriend niya, 'di ba? And his girl hates me so much. Ayokong makipag-away!

"I feel like.....nasabi mo na sa kaniya 'yang feelings mo." lumipat sa kabilang side ko si Stella. "Wala ka ba talagang naaalala sa bar?"

"W-Wala." sumakit ang ulo ko bigla kaiisip.

"Paano kung nag-confess na pala siya sa'yo kaso lasing ka?"

"Tingin niyo ba gusto niya 'ko?" hindi na sila nag-salita nang mag tanong ako. "Oo na, hindi na."

"Hindi pa siguro." ngumiti si Abi na para bang may iniisip na hindi maganda.

"Ano na naman?"

"Balik tayong bar next week. May plano ako." binulong niya 'yon kay Lucius at Stella kaya tuwang-tuwa silang tatlo. Tinutulak lang nila ako palayo sa kanila kapag sinusubukan kong makinig.

Hindi ako makapag-hintay na matapos ang isa pang linggo dahil babalik na uli kami sa bar. Takot at excitement ang nararamdaman ko para sa plano nila. Sana lang hindi kasama sa usapan nila ang pagbubuntis ko. Ayoko pa.

"Ms. Vellarde, this will be the first and last time I'll accept a late submission from you." madiin ang bawat salita ng prof ko.

I wasn't able to pass my plate on time. Masyado akong naging delusional this week dahil gusto ko na agad mag sabado. I can't blame my friends for that dahil may plano sila. It was still on me dahil ako ang distracted. I promised myself not to do that again.

That was Thursday kaya the next day, bumawi ako sa mga activities namin and I particapated more in lesson discussion. Hindi ko pwedeng mabigo lahat ng mga naniniwala sa akin, specially ako. When I got home, nag sketch muna ako ng plates and nagtapos ng homeworks so I won't cram next week.

"Napaka aga naman tayo masyado." reklamo ni Lucius. Naka tayo kaming apat sa harapan ng bar na pinuntahan namin last week, sarado pa.

"Sure ba kayong pupunta rin si Sevi?" kinakabahan kong tanong sa kanila. Isang linggo ko na siyang hindi nakikita. The last was 'yung naki tulog ako sa unit niya.

"Hundred percent." nag thumbs up si Lucius na mukhang siguradong-sigurado.

Pagdating ng alas singko, kami agad ang unang pumasok. Habang tumatagal ay mas dumadami na ang mga tao pero nananatili kaming apat malapit sa pintuan. They were literally ready to support me sa kalandian ko. Hindi muna sila nag lasing masyado so they can guide sa sarili nilang plan. Until now, wala akong ideya.

"Malapit na mag seven, wala pa rin siya." pangungulit ko kay Lucius na kanina pa nagtitipa sa kaniyang phone. "Text mo nga. Sabihin mo mahal ko siya."

"Oo, alam niya." tumawa siya nang malakas kaya may ilang napatingin sa kaniya. "Malapit na 'yon. Kating-kati na naman bilat mo."

Hinampas ko siya sa kaniyang braso bago ako sumandal doon. Inip na inip na 'ko dahil hindi naman ako maka relate sa usapan nila paminsan-minsan, tungkol sa mga klase ng alak. 'Yung iba nagegets ko, 'yung iba hindi.

After an hour of waiting, nakita ko na si Leo na pumasok. Hindi niya naman ako nakita kaya hindi kami nagka-batian, may kasama rin kasi siyang ibang friends. Kaso, wala si Sevi!

"Sayang oras ko." humalikipkip ako.

"Gago, ayan na!" inalog ni Abi ang buong katawan ko nang sabay-sabay namin nakita si Sevi na pumasok.

He was wearing dark blue shirt, black sweatshorts, and a pair of white shoes. May bag na naka sabit sa balikat niya, mukhang na-istorbo sa pag-aaral para pumuntang bar. He was facing another way kaya kitang-kita ko ang maganda niyang side profile, more attractive than my whole face. Then my eyes went to his hand, may dala siyang ballpen. Hindi ko alam kung para saan 'yon pero I was convince na baka nga nag r-review siya at naaya lang dito.

"Huwag mo naman guluhin, Abi!" galit sa sigaw ni Stella tsaka niya inayos ang itsura ko. They made me wear a tube na color black na tinernohan ng black pants. I was worried na baka mabastos ako rito sa bar dahil wala naman akong kilala that's why naka sunod lang sila sa akin hanggat wala si Sevi.

"A-Anong gagawin ko?" pasimple kong tanong dahil baka lumingon dito si Sevi habang natataranta ako. "Uuwi na lang ako."

"We waited for hours, tigilan mo muna pagiging tanga." tinapik ako sa braso ni Lucius. "Kaya mo 'yan, malandi ka."

"Hindi ka nakakatulong!" sigaw sa kaniya ni Abi kaya siya natahimik. "Solace, makinig ka sa akin." hinarap niya ang mukha ko sa kaniya.

"Malakas 'yang bata ko." giit ni Stella matapos niya akong ayusan.

"A-Anong plano?"

Nagka-tinginan silang tatlo bago sabay-sabay na tumawa, wala na akong maintindihan. "Magiging artista ka muna ngayon."

"B-Bakit?"

"Ganito lang. Magpapanggap kang lasing then go with the flow ng pag-uusap niyo. Do anything you want tapos tanungin mo siya kung gusto ka niya. Dahil nga hindi ka naman lasing, matatandaan mo na lahat. Kaya mo 'yan. Sabi nga ni Lucius, malandi ka." paliwanag ni Abi kaya napasapo ako sa aking noo.

Bakit naman gano'n?! Sa dami-dami ng plano talagang ito pa. Mukhang hindi ko ata kaya.

"Gago, ayoko!" pag-sigaw ko ay agad napatingin si Sevi sa akin. Biglang nag-bago ang ekspresyon niya kaya lalo akong nataranta. He was smiling bago siya naglakad palapit sa pwesto namin.