Chereads / Greatest Escape / Chapter 5 - 03

Chapter 5 - 03

"Ulol, asa ka!"

Nag-iinit pa rin ang mukha ko nang maglakad ako palayo sa kaniya. Bahala na siya ro'n kahit maiwan siya. Wala kasing preno ang bunganga ko kaya ayan tuloy kung ano-ano na nasabi ko sa kaniya kahit sikreto ko lang 'yon.

"Huh? I just heard it, sabi mo inaabangan mo 'ko ro'n." giit niya nang mahabol niya ako.

Hindi ko pa rin siya nililingon pero kita ko naman siya sa peripheral vision ko kaya nagagawa ko pa rin siyang pag-masdan. Tutal medyo nangunguna siyang humakbang.

"Hindi nga." umiling ako. "Iba hinihintay ko, hindi ikaw."

"Ah, okay." tumango siya at nahihiyang nag-iwas ng tingin sa akin bago niya sinabit ang jacket sa balikat niya.

Tahimik lang kaming naglakad papunta sa harapan ng condo ko. Hindi na rin nasundan pa ang pag-uusap namin kanina dahil naging awkward na. Hindi naman talaga totoo ang sinabi ko, siya lagi ang hinihintay ko sa unibersidad nila, 'no. Hindi ko na siya sinuyo dahil baka masabihan pa 'ko ng makapal ang mukha. Pero baka ganoon talaga siya, tahimik lagi.

"Thanks," kumaway ako sa kaniya nang makarating na kami sa labas ng building ng condo. "pasabi rin pala kay Leo na thank you."

"Yeah, I'll tell him." tipid siyang ngumiti bago tumalikod paalis.

Lahat tuloy ng mga kilos ko pagpasok sa unit namin ni Lucius ay naging padabog na dahil sa inis. Kaso hindi ko rin naman mawari kung bakit ako naiinis. Siguro dahil naging tahimik siya? O napahiya ako? Napahiya nga ba 'ko? Hindi ko alam!

Medyo maayos naman kasi kaming mag-usap nung una tapos habang tumatagal ay lalo akong dumadaldal, patahimik siya nang patahimik. Ang hirap niya naman kasing basahin, e. Noong hindi pa kami medyo close, akala ko talaga masungit siya or cold kausap. Tapos bigla na lang siyang may gana mang-gulat habang naglalakad ako. Ang ending naman, hindi na siya nagsasalita. So ano ba talaga, 'di ba?

"Himala, hindi ka lasing." walang gana kong bungad kay Lucius pag pasok niya ng condo. Busy ako mag vacuum bago mag-mop dahil ayaw man lang niyang mag linis dito kapag wala ako.

"Himala, naka simangot ka." kinurot niya ako sa tagiliran kaya hinampas ko tuloy siya sa braso niya. "Broken ka agad? Wala pang isang buwan, ah."

"Tulungan mo na lang ako." binato ko sa kaniya ang mop na nasa tabi ko pero mabilis niya itong nasalo.

"Ba't malungkot ang beshy ko?"

"May iniisip lang ako. Nakakapagod kaya gumawa ng plates." pagpapalusot ko sa kaniya kaso mukhang hindi naman siya naniniwala.

"Mag palit ka na ng crush. Hindi lang ikaw ang hinahatid ni Sevi sa gabi." natigilan ako sa pag-vacuum dahil sa sinabi niya.

"B-Bakit mo alam?"

"Naka salubong ko sa baba." bahagya siyang tumawa. "May hinihintay na babae."

"Babae? Sino?" natataranta kong tanong sa kaniya na para bang niloko ako ni Sevi.

"Hindi familiar sa'kin, e. Ayoko sana sabihin sa'yo na parang girlfriend niya 'yon kaso mukhang ganoon na nga."

Buong gabi ko inisip ang mga sinabi ni Lucius sa akin. Girlfriend? Meron na pala siya, e. Bakit niya pa 'ko hinatid? I mean sanay na naman ako maglakad pauwi kahit gabi kaya sana hindi niya na 'ko sinamahan para hindi ako nag-assume. Ano na lang kaya iisipin ng girlfriend niya kung malaman niyang hinatid ako ni Sevi sa mismong condo na pinagkitaan nila.

"Girl, ano ba?! Nag-aalala na kami sa'yo kanina pa!" sigaw agad ni Abi ang bungad sa video call naming tatlo nila Stella. "Anong problema mo? Bakit ang tagal mo namang sumagot?"

"Broken ako." hinagis ko ang ipad sa kama ko bago ako pumunta sa closet ko para mag bihis. I wore my blue pajamas dahil medyo malamig ngayon.

"Broken? Beh, wala kang jowa!" ang sakit naman marinig ng sigaw ni Stella. "Kanino naman? Kay Sevi? Mabuti lang 'yon kaya mag move on ka na agad diyan. Next week humanap tayo sa bar."

Maybe I should go with them kahit minsan lang. May experience naman ako ro'n pero hindi masyadong marami dahil ayoko rin sa alak. Sasama lang ako next week para mag move on sa crush kong may girlfriend.

"Ayon, makokompleto na tayo!" sigaw ni Abi habang pumapalakpak pa.

Maganda pa rin naman ang result ng grades ko sa mga plates na ginagawa ko. Buti nga at hindi ako nauubusan ng idea para mas mapadali ang gawa ko. Hindi rin ako lumabas nang isang linggo after class para makapag focus muna ako sa mga gawain namin sa school. Bibili lang akong tusok-tusok doon kay kuya tapos lalakad na ako pauwi dahil maaga pa naman, hindi ko na uli nagawang tumambay. Sila Abi, Stella, at Lucius ganoon pa rin ang routine pero pasado naman lahat. Ako lang talaga 'tong uhaw sa academic validation.

"Welcome to heaven!" sigaw ni Stella pagpasok naming tatlo sa bar nila Abi. Si Lucius kanina pa ata rito, nauna na.

"Heaven?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Wala naman kasi akong nakikitang ulap, mga anghel, at pati rin si Lord wala naman. Wala rin mga santo.

"Oo, kasi heaven ang lasa ng mga alak dito." paliwanag niya.

Biglang umakbay sa akin si Abi. "Pati mga lalaki."

Ew, no! Parang gusto ko tuloy umatras dahil sa sinabi niya. Ayoko pa mabuntis, maaga pa masyado! Siguro mamayang gabi na lang. Joke!

"Teka, puntahan ko lang iba kong friends. Enjoy!" kumaway si Stella sa amin bago siya naglakad paalis.

"Tikman mo lahat hangga't kaya mo!" tinapik lang ako sa balikat ni Abi bago niya rin ako iwan sa pwesto ko.

I looked like a kid na nawawala sa bar. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Mag-tanong, makipag-friends, or uminom agad. Or maybe I can go out na? How the hell I can move on sa ganitong kaingay na lugar? Sanay ako ro'n sa iyakan tuwing gabi o kaya naman kakain lang ako nang kakain hanggang sa makalimutan ko na 'yung iniisip ko.

"Oh my gosh, I'm sorry!" I bumped into a girl, she was eating....siomai? Siomai sa bar.

"Hi, okay lang po." ngumiti siya sa akin bago tumalikod uli. Hindi ko na nakita ang itsura niya masyado dahil natabunan na siya ng iba. Napaka sikip, hindi ko na kaya.

"Hi, Solace!" kumaway sa akin ang isang hindi pamilyar na lalaki.

"Hello?" sinubukan ko siyang lapitan para mamukhaan ko kung sino ito, it was Leo! Ang dilim naman kasi kaya hindi ko siya makita. "Hi, nandito ka pala!"

"Lagi naman." natatawang wika niya, ganoon din ang mga tropa niya.

"Kaibigan mo ba si Lucius? Sabihin mo huwag niya 'kong taguan at kapag nahanap ko 'yon malalagot sa'kin 'yung gago na 'yon." maangas na sabi ng katabi niyang lalaki, may hikaw pa siya sa kaniyang ilong.

Nagulat tuloy ako sa sinabi niya. Ni-hindi nga kami close tapos kung kausapin niya 'ko nakaka-bastos. "Yes, I'm Lucius friend." I tried to stay calmed.

"I-Isang tabi mo muna 'yan, pre. Inom muna!" Leo tried to fake a laugh para hindi mag-simula ng away dito. Ang sama kasi ng tingin niya sa akin, hindi ko naman siya kilala!

"Ang bobo sa bilyaran tapos hindi marunong tumupad sa usapan! Huwag kamo siya pupusta sa'kin ng walong libo kung wala siyang mabibigay, puta!"

Iyon na ba iniiyak niya? Walong libo lang?

Kinuha ko ang wallet ko sa bag para kumuha ng sampung libo. Alam kong kulang pa 'yon para sa mahirap na katulad niya. It was part of my allowance pero pagbabayaran talaga ni Lucius 'to mamaya pag-uwi ko. For now, I need to defend him sa lasing na 'to.

"Oh, ayan." hinagis ko sa kaniya ang pera ko. "Bumili ka ng bago mong kalaro!" I shouted at the bar, not minding kung may makarinig man sa akin.

I saw Leo's face, gulat na gulat siya and I was trying my best to hold my laugh. Para niyang first time maka kita ng babaeng galit. Si Lucius gabi-gabi 'yon nakikita sa condo namin, e.

I turned back from them, nakaka irita ang mukha niya dahil para na siyang iiyak. Nagkaroon tuloy ako bigla ng confidence para maglakad papunta sa dance floor. Dumaan lang ako ro'n saglit dahil gusto ko na agad uminom. Gusto ko na makalimot sa crush ko para hahanap uli ako ng bago.

"Puta, sayang pala sampung libo ko." giit ko sa isang lalaking hindi ko kilala, naka tabi ko lang siya rito sa high chair habang pinapanood namin ang bartender.

"S-Siguro." tumango lang siya at halatang walang alam sa sinasabi ko. He looked so nice and gwapo rin, mukhang siya na ang bago kong crush. Pero bukas na, hindi pa ako fully healed.

"Single ka ba?" I asked him out of nowhere. Hindi ako lasing, broken lang talaga.

"Una na 'ko, miss." nilayasan ako bigla ng lalaking kasama ko rito. Hindi ko na tuloy siya crush!

Ganito pala ang feeling ng uminom sa bar, konti pa lang kasi ang experience ko. I promised myself na hindi ako masyadong iinom pero nandito ako ngayon, mukhang sinaktan nang paulit-ulit. Hindi ko tuloy alam kung paano ako mag k-kwento kayla Abi. Ano sasabihin ko? Na hindi ako pinansin ni Sevi after kong mag sinungaling sa kaniya? 'Yun na 'yon? Nakakahiya!

"Kuya, upgrade mo naman mga pinapainom mo sa'kin!" reklamo ko sa bartender dahil gusto ko atang malasing ngayong gabi, 'yung tipong matatapilok ako tapos sasaluhin ako ng future boyfriend ko.

"Mukha po kasing hindi niyo na kaya, ma'am. Pahinga na po muna kayo." nag-aalala siyang lumapit sa akin.

"Uy, concern!" humalakhak ako habang naka turo sa pisngi niyang namumula. Pakiramdam ko tuloy para na 'kong baliw dito. Pati sa hindi ko kilala kinikilig ako.

"W-Wala po bang mag-uuwi sa inyo, ma'am? Gabi na po." nauutal niyang tanong. Maybe he was really concern pero he was doing his job lang. Mukha rin kasi akong lonely sa pwesto ko at halatang walang mag-uuwi sa akin sa condo.

"I'll take her."

Matumba-tumba na ako sa kinauupuan ko nang may bigla na lang humawak sa aking beywang palapit sa kaniya. He carried me effortlessly, walang-wala sa kaniya ang bigat ko. He just dropped me carefully nang makalabas na kami ng bar.

I tried to looked a him, naka taas lang ang isa niyang kilay while examining my whole body. Napapunas tuloy ako ng mukha dahil baka pangit na 'ko sa harapan niya, ayokong mapahiya. Crush ko pa naman siya.

"Ganda ko ba?" mayabang na tanong ko kay Sevi.

"Lasinggera ka pala." he faked a laugh. "Wala sa itsura."

"Hindi, ah!" depensa ko sa aking sarili. "Nag m-move on lang ako sa'yo!"

His face turned red before he averted his gaze on me. Is he shy or what? Kinuha niya ang kaniyang phone at may tinawagan. Hindi ko alam kung sino pero hinayaan ko na, wala na akong pake. Feeling ko moved na 'ko. Thanks to the bar, heaven talaga!

"Yes, I'll just take her home. Thanks, bro." he ended the call before looking back at me. "Tara na, lakad tayo?"

Lakad? Layo kaya ng bahay ko rito! Wala pala akong bahay. Condo lang. Mayaman kasi ako, e. Charot lang, nalagasan pala 'ko ng sampung libo.

"T-Taxi ako, bro!" sinubukan kong alisin ang kamay niyang naka suporta sa beywang ko pero ayaw niya itong tanggalin.

"Bro?"

"Oo, bro mo na lang din ako. Mukhang wala akong chance maging baby mo, e." I pouted on him, he looked so confused pero he's very cute with that face.

"Baby?" inuulit niya lang ata lahat ng sinasabi ko.

"Oo nga. Crush kasi kita. Ikaw ba? Crush mo ba 'ko?" naka ngiting tanong ko sa kaniya. "Pero no thanks, bro. I'm good."

"Go ride." bulong niya.

"H-Huh? R-Ride agad? Uy, nasa public place tayo!" hinampas ko siya sa kaniyang dibdib.

"Saan po kayo, sir?" napalingon ako sa driver ng taxi. "Sakay na po kayo."

"Ride." Sevi repeated, nagpipigil ng tawa.

Nahihiya tuloy akong sumakay para maka-uwi na. Parang hindi ako tatagal kasama ang lalaking 'to. Bukod sa nagkamali ako ng akala sa utos niya, naalala ko rin na may girlfriend siya. I can't imagine myself arguing with a girl dahil kabet ako. I didn't go to college para lang maging extra sa relasyon, 'no.

"You good?" sinalo ako ni Sevi nang muntik na akong mahulog sa taxi pero tinawanan ko lang. Sanay na 'kong mahulog bigla.

"Oo naman. Sa ganda kong 'to." tinanggal ko ang kamay niyang nakaalalay pa rin sa akin, buti na lang at inalis niya agad. Baka may makahuli pa sa amin at isumbong ako sa girlfriend niya.

"Hoy, hoy, umuwi ka na!" taboy ko sa kaniya na parang aso. "Kaya ko na 'to. Inga- bye!"

"Are you sure?" lalapit pa sana siya sa akin pero huminto agad nang umatras ako. "Okay, ingat ka."

Ingat daw. Sumbong kita diyan, e.

"8th floor." sumandal ako matapos kong utusan ang babaeng hindi ko kilala, naka sabay ko lang sa elevator.

Pagpasok ko sa aming unit ay agad akong humiga sa couch, not minding those things na nabunggo ko. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa mga alak na nainom ko. I can't even remember kung naka ilang shot ako but I know na napa-sobra ako. I never got into a situation na ganito, ngayon lang.

When I gradually opened my eyes, nakita ko ang kisame namin sa living room. Dali-dali akong umupo pero napahinto agad ako nang makaramdam ako ng sakit ng ulo. I was fucking drunk! Hindi ako makapaniwala at wala akong maalala. Tanging nasa isip ko lang ay 'yung pumasok kami sa bar, nakita ko si Leo sa loob, at nagpaalam ako kay Sevi. Iyon lang. I was trying to remember few more things pero hindi ko talaga kaya, nahihilo ako.

"Another himala. Ikaw na ang lasing, ako ang hindi." tumingin ako kay Lucius na nakapameywang sa harapan ko. He was wearing a boxers and white hoodie for his top. Hindi naman malamig, e.

"Hindi ako lasing." I denied kahit halata naman.

"Here," nag-abot siya ng pera sa akin. Sampung libo?! Hindi 'to totoo!

"A-Ano gagawin ko rito?" tinawanan niya lang ako nang malakas dahil sa itsura ko. "Anong trabaho mo? Bakit may ganito ka?"

"Wala. Just take it, Solace. Baka mag bago pa isip ko ta's bawiin ko 'yan."

"Thanks, love you bestie." kinuha ko agad ang bag ko sa couch at siniksik ko ro'n ang pera. Bihira lang siya mamigay ng blessings kaya tinanggap ko na.

I was busy again for another week dahil sa plates namin. My grades were good again as usual. Name-maintain ko naman kahit busy din akong lumabas with friends pero bihira na lang uli akong sumama. Midterms kasi namin kaya naka focus ako sa pagre-review. Pero syempre lagi pa rin akong may IG stories. 'Yun nga lang, hindi na ako nakaka visit sa mga post ng iba. Kapag kasi nag-story ako, ineexit ko agad para hindi ako ma-distract. I don't even have time to read comments and check my notifs.

"Hey," lumingon ako sa gilid ko nang tawagin ako ni Sevi. I wasn't expecting to see him here again sa bilihan ng tusok-tusok, buti na lang mag-isa akong kumakain ngayon. "busy ka?"

"Yep, midterms."

"Ah, ako rin."

"Okay ka lang?" tumango lang siya bilang sagot bago bumalik sa friends niya. May gana pa siyang mag first move pero ila-last talk niya lang pala 'ko!

Nagulat ako nang may lumapit sa akin na lalaki. He has a piercing on his nose, mukhang masakit 'yon ah. "Hi, miss."

Lumingon uli ako sa side nila Sevi, umalis na siya palayo sa akin kasama si Leo na cinocomfort ata siya. Baka broken. Pero bahala na, buhay niya 'yon.

"Ito pala 'yung pera mo. Pasensya na, lasing kasi ako kagabi." malaki ang katawan ng lalaking malapit sa akin pero nahihiya siyang nag-abot ng pera patago, iniiwasan na may makakita nito.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang blue bills na hawak niya. Wow, pera na naman! Ang ganda naman ng araw ko ngayon.

"Wala akong alam sa sinasabi mo, kuya. Pasensya na rin." tinanggihan ko ang inabot niyang pera. Hindi naman kasi kami magkakilala kaya kahit kailangan ko no'n, hindi ko kinuha.

"Hindi ako nagkakamali, miss. Ikaw 'yung nakita ko kagabi."

Sus, alam ko na mga galawan niya. Hindi niya 'ko madadaan sa pera para maging kami. Naglakad na lang ako paalis sa tindahan ng tusok-tusok sa kanto matapos kong magpaalam sa kaniya bago niya pa ako ma-uto. I tried my best naman to talk to him in a polite way.

Thanks God I passed all my mid term exams. Worth it lahat ng effort and time ko sa pagre-review. 'Yung iba may mga mali pero kaunti lang naman. 'Yung plates ko, maganda pa rin ang grades. My professors kept on complimenting me dahil I can manage my school and gala raw at the same time. Small thing.

"You look so happy." napansin kong naka ngiti pala ako nang magsalita si Sevi. Nandito uli siya sa campus namin, mukhang may hinihintay. Hindi ko na naman siya tinanong kung sino dahil baka ayaw niyang pag-usapan. You know, it's his life. Out ako diyan syempre.

"Ah, oo. Pasado kasi ako, e." I showed him my papers sa midterms namin. Kinuha niya naman agad 'yon para tignan ang scores ko, he looked kinda impressed.

"Wow, you're good." he complemented. "Archi?"

"Yup, second year college. Ikaw ba? Anong klaseng engineering?"

"Civil engineering, third year college."

Pagtapos niya akong sagutin, tumayo agad siya nang may lumapit na babae sa kaniya at tsaka sila sabay umalis. Inaamin kong medyo nalungkot ako nang hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Kahit walang halong love, basta mag goodbye siya ayos na.

"Hoy, letse ka!" bungad sa akin ni Abi pag-upo niya sa katabi kong bakanteng pwesto. "Busy ka na naman sa acads mo. Gala tayo!"

"Sama kami!" sigaw ni Lucius habang palapit sila sa amin ni Stella. Biyernes na kasi uli at tapos na ang midterms. Pero ang homeworks hindi pa dahil panibagong sem na naman.

"Bar na lang uli. Wala ng mas maganda ro'n!" sigaw na naman ni Abi kahit ang lapit lang ng mukha ko sa kaniya. "Sama ka na uli, Sol. Mukhang nage-enjoy ka naman, e."

Ako? Nage-enjoy? Eh hindi ko nga maalala kung ano mga ginawa ko roon nung nakaraan. Pero one thing for sure, hindi ako nakipag-landian kahit kanino. Choosy kaya ako sa lalaki.

After chikahan, umuwi na kami agad nang maaga. Hindi tuloy kami naka-kain ng tusok-tusok dahil ala una pa lang noon. Pero hinayaan na namin, pahinga muna mga tiyan namin sa mga ganoong pagkain.

"Musta kayo?" tanong ni Lucius na naka upo sa ibabaw ng kama ko. Hinihintay niya akong matapos sa pag-aayos ng make up ko. He was still wearing a hoodie, baka bigay ng babae niya kasi ayaw niya talaga tanggalin.

"Nino na naman?" I averted my gaze on him. Alam kong si Sevi na naman ang tinatanong niya.

"Crush mo." tinukod niya ang dalawa niyang kamay sa kama para alalayan ang bigat niya. "Wala man lang improvements?"

"Crush ko lang naman. Tsaka ikaw na may sabi, mukhang may girlfriend."

"Paano kung wala? Crush pa rin?"

Napaisip tuloy ako nang wala sa oras kaya na-distract na ang pag-aayos ko ng sarili ko. Paano nga ba kung wala naman pala siyang girlfriend? I mean, Lucius wasn't sure about what he saw so may posibility na single nga siya. Maybe I'll improve my love on him, papakasalan ko na siya.

"I'll arrange our marriage contract kung single siya."

Pinagtawanan lang ni Lucius ang sinabi ko dahilan para mapahiga na siya sa kaniyang pwesto. "Gago! Kasal agad? Pag-halik nga 'di mo magawa, e."

"Bakit? Required?"

"Syempre! Landiin mo muna. Pero hindi ko sure, ha. Mamaya marunong ka pala, hindi ko lang alam. Pero kaya mo 'yan, diyan ka magaling." wala talaga siyang kasawaan sa pang-iinis sa akin. Para bang nabuhay lang siya para sirain ang araw ko.

"Loko! Ikaw nga nakikipag-sex kung kani-kanino, hindi naman kita pinakailaman."

"Kaya ako pasado kasi may motivation ako. At sila 'yon, 'yung mga chix ko."

"Buti pa 'ko, kaya ko pumasa kahit walang lalaki." pagmamayabang ko sa kaniya. "Kidding aside, nakikipag-sex ka talaga?!"

"Fuck you, hindi 'no! Makipag halikan pwede pa. Pero having sex with the girls kahit gusto nila, I won't. Hindi ako ready maging ama."

We went on the bar again, different one dahil mas malaki 'to. Lucius was just busy with his phone the whole time, mukhang may ka-text siya so I can't distract him. Nag taxi na lang din kami papunta dahil baka kapag isa sa amin ang mag drive ay hindi na kami maka uwing buhay. I won't let that happen, dami ko pang pangarap sa buhay.

When we entered the bar, wala na akong reaksyon or any side comments about what I saw. I feel like I was adapting with the place gradually. Sanay na ako sa ingay at sa mga nakikita kong kababalaghan. This is wilder than kuya Aiden's bar, kuya ni Lucius.

"I badly want to tour you here kaso inom na inom na 'ko, e." dismayadong sabi ni Lucius sa akin. Isang linggo na kasi siyang hindi nag b-bar, he also focused para sa midterms namin last week. "Akin na 'tong susi natin, baka lunukin mo pa kapag wala ka na sa sarili mo."

I told him I can handle this alone dahil malaki na naman ako. Sila Abi at Stella, otw na raw kanina pa. Hindi ko alam kung on the way ba 'yon or on the water.

"Single?" lagi na lang akong natatanong nang ganito sa tuwing nasa labas ako. Pero dati, I always get mad. Ngayon, nilalagpasan ko na lang sila.

"Yes, pero hindi kita type." I tried to smile to the cute guy. Cute pero it's a no. I feel like inlove ako na hindi.

"You're here." speaking of inlove, nandito rin pala si Sevi sa tabi ko. Hindi ko agad siya napansin nang umupo ako.

I tried my best to stay relaxed in front of him, avoiding to do things na hindi niya magugustuhan. Hindi ko ba alam, hindi talaga ako mapakali kapag kausap ko siya. Lalo na kapag unexpected meet ups.

"Obvious ba." I smiled at him.

"What I am trying to say is you're in the bar again."

"Problemado lang." kumuha ako ng isang shot bago ko ininom lahat ng laman. Gumapang ang lasa no'n sa lalamunan ko but I didn't care.

"Acads?" he asked.

"Sa crush lang." bahagya kong pinagtawanan ang sarili ko. "Weird, 'di ba?"

"Not really." he shook his head.

I gave myself a multiple shots but still managed to sit above a high chair while keeping myself still sa pwesto ko. Ayokong mahulog dahil sa kalasingan.

"Moving on din ako." tumingin siya sa akin habang pinapanood akong mag break down. Sa tuwing sabado at linggo talaga, lumilipad lang ang isip ko at pakiramdam ko ay single na ako habang buhay.

"Break na ba kayo?" tinaasan ko siya ng kilay pero napa-kunot noo lang siya sa tanong ko. "Girlfriend." dugtong ko.

"I don't have one."

"Huh? Ulol mo." binigay ko sa kaniya ang isang shot pero nilapag niya lang ito sa table.

"Ayoko malasing, hindi kita mahahatid." I heard him talked habang abala lang ako sa mga alak. Feeling ko inlove na rin ako sa kanila.

"I have Lucius."

"Mas lasing si Lucius sa'yo. It's impossible that he can bring you home later." pinatunog niya ang kaniyang kuko na tumatama sa shot glass niya habang nilalaro niya ito.

"Kanino ka ba nag m-move on? Marunong ka pala, no'n." natatawang tanong ko sa kaniya.

"Sa'yo,"

"Anong sa'kin?" naguguluhan akong lumingon sa kaniya.

Kinuha niya ang shot glass na nasa harapan niya para i-abot ito sa akin. "Sa'yo na kako 'to."

Gago talaga 'to! Nilalasing naman ako masyado, e. Pero tinanggap ko pa rin 'yon dahil galing sa kaniya. Nag shot na naman tuloy ako kahit katatapos ko lang. Para nga akong may kaunahan maka ubos ng alak sa bilis kong uminom.

"I'm very happy for you, Solace." nasamid ako nang yumakap si Abi sa likuran ko. "Stay strong sa inyo ni Sevi. Sa susunod sex na agad para hindi na mag break!"

Inabot ko ang tissue na binigay sa akin ni Sevi. It was a jumpscare na yumakap na lang sa akin bigla ang kaibigan ko. Hindi ko nga man lang siya naramdaman na papalapit. Idagdag mo pa ang mga sinabi niyang nakakahiya sa crush ko.

"We're not dating actually." kalmadong saad ni Sevi.

"Doon na rin mauuwi 'yon." sagot sa kaniya ni Abi bago siya naglakad paalis. Ngayon, si Stella naman ang pumalit sa kaniya na nagtatakang naka tingin sa amin.

"Walang kami." pinangunahan ko na siya bago niya pa kami i-judge. "Pero malay niyo soon." sapilitan kong inangat ang kamay ni Sevi para makipag-apir ako sa kaniya.

"Girl, I never saw you like that." puna niya sa akin.

"I'll take her home." pinigilan ko agad si Sevi nang hawakan niya ako.

"Ay, bahala kayo diyan. Labas na 'ko rito." natataratang tumakbo si Stella palayo sa amin, ang hayop!

"Ayoko, Sevi!" sigaw ko sa kaniya.

"Wala akong ginagawa sa'yo." namula ang buong mukha ko nang makita kong nag-iinarte lang pala ako sa harapan niya, he was just watching me.

We ended up walking on the street again. It was just around six in the evening kaya palubog pa lang ang araw, may liwanag pang kaunti. I was feeling totally dizzy at hindi ko na kayang mag-pabebe sa crush ko that's why I held his arm. Nakakapit lang ako roon habang naglalakad kami.

"Are you sure you don't want me to carry you?" tanong niya nang matapilok na naman ako. Pang-pitong beses na ata akong nawawalan ng balanse.

"Carry mo mukha mo!" pinikit ko ang pagod kong mga mata while he was leading the way carefully. Ako, nag-eenjoy lang sa amoy niya habang nakakapit ako sa kaniya.

We arrived sa tapat ng building namin like six-thirty or baka mag s-seven na rin dahil itim na ang langit. May mga street lights na rin na naka bukas.

"What floor?" inalalayan niya akong umupo sa damuhan, nasusuka na 'ko!

"Hulaan mo." nang-aasar kong sagot sa kaniya.

"Do you have the keys?"

"Mwa!"

"The keys, Solace?!" galit agad siya, ubos na ata pasensya.

Tama! Nasaan ba 'yung keys? Where did I fucking placed it? Ako may hawak no'n bago kami umalis ni Lucius. Oo, hawak nga pala ni Lucius!

"Ah, okay. Nandoon lang kay Lucius, kunin mo." tinulak ko siya nang bahagya palayo sa akin habang nakaluhod ang isa niyang tuhod sa harapan ko. Akala ko nga mag p-propose na.

"L-Lucius?!" wow, he looked so cute kapag galit. Sana pagalitan niya 'ko araw-araw.

"Oo, 'di mo ba kilala? Si Lucius! Magaling 'yon tumira!" sigaw ko. "I am a proud best friend!"

"Tira?" tumaas ang isang kilay niya sa akin. "Where?"

"Sa butas." I demonstrated him how to play billiards, mukhang na-gets niya naman agad. Napahinga pa nga siya nang malalim nang makuha niya ang point ko.

"Stay in my unit." sapilitan niya akong binuhat in a bridal style. Sabi na nga ba, inuunti-unti niya lang ako! Baka mamaya may pari na 'kong makita.