Chereads / Greatest Escape / Chapter 3 - 01

Chapter 3 - 01

"One, two, three, smile!" my friends smiled widely nang pindutin ko ang camera button para sa selfie namin of the day. Lahat kami ay pasado sa quiz kanina kaya walang naka simangot kahit isa.

"Lalagay niya na naman sa story niya 'yan para mapansin ng boys." natawa ako nang malakas nang tama ang sinabi ni Abigail sa akin. Katatapos ko lang ilagay ang picture namin sa IG story ko pero wala naman akong pake sa mga mag v-view no'n. For memories lang 'yon.

"Tanga kasi, nine hundred lang naman followers niya." sanay na ako sa katarayan ni Stella araw-araw. Iyon na nga ang almusal, tanghalian, meryenda, at hapunan ko lagi.

Tatlo lang ang main friends ko rito at lahat sila ay bashers ko. Well, that's okay dahil mas pasmado naman ang bunganga ko. Sadyang wala lang ako sa mood makipag-sagutan ngayon.

"Anong ganap?" tanong ni Lucius na umakbay sa akin, siya ang isa ko pang friend. He's the only boy sa group pero ayos lang 'yon sa kaniya, marami pa siyang ibang kaibigan dito at pati na rin sa iba pang unibersidad.

"Usapang babae lang." biro ko.

"Wazzup, girls?" nag-inarte siya sa harapan namin kaya sabay-sabay kaming tumawa dahil sa itsura niya. "Are you talking about men ba? Oh my gosh, gimme one!"

"Gago!" binatukan ko siya nang malakas kaya agad siyang umayos ng tayo. "Wala kang klase?"

"Meron, tamang cutting lang." nakangising sagot niya sa akin, para bang tama ang ginawa niya.

"Para maghanap ng babae." dismayadong bulong ni Stella.

"Tanga, nag billiards na naman 'yan habang umiinom." pagsingit naman ni Abi. Tama siya, laging iyon ang gawain ni Lucius pero lagi rin pasado sa quizzes and projects nila. Pinagpala ata nang lubusan ang isang 'to.

Si Abi ang madalas niyang kasama sa tuwing naglalaro ng billiards pero minsan tinatanggihan niya dahil nalalamangan daw siya ng babae at natatalo pa ang team niya. Kapag may time ay tinuturuan din si Stella. Ako naman, tamang nood lang. Wala akong interest diyan o sa kahit ano man na sports. Okay na 'ko sa ganito, focus lang sa study para maging architect.

May mga pangarap din naman ang mga kaibigan ko, 'no. Kahit mukhang mga basagulero, wala pang nale-late sa amin ng pasa hanggang ngayon pagtungtong namin ng second year college. Talagang sinesermonan namin ang isa't isa kapag may bumabagsak dahil hindi namin gusto ang gawain na 'yon, 'yung nagpapabaya masyado sa pag-aaral. Pwede naman maglaro at uminom pero dapat alam namin ang limitations namin. Kung may mga plates kami, iyon muna dapat ang unahin. Makakapag hintay naman ang laro at alak, 'yung mga prof hindi.

Si Lucius, sa kabilang building siya at malayo sa amin dahil Civil Engineering ang course niya. Magagamit ko sana ang isang 'to in the future kaso ayaw niya naman ang ginagawa niya. Kaya madalas siyang mag cutting, naglalaro ng billiards o kaya pati basketball. Ang gusto niya kasi, maging piloto.

Si Abigail naman ang kasama ko madalas sa room dahil pareho kaming architecture. Although archi rin si Stella kaso ibang type. Sa interior designs kami ni Abi at sa building naman siya.

Since first year college, friends na talaga kaming apat. Nauna lang si Abi na since third year high school ko ng classmate hanggang ngayon. Pagdating sa course na gusto namin, pinili talaga namin 'yung gusto namin. Hindi kami 'yung sama-sama sa isang course dahil friends kami. Pero we are thankful na nagagawa pa namin magkita sa tuwing papasok, uwian, o kaya vacant.

"Kain muna tayo, nagugutom na 'ko." reklamo ni Lucius habang naka hawak sa kaniyang tiyan. Maglalaro tapos idadamay kami kapag napagod. "Libre ko."

Pero ayos lang, wala naman akong reklamo.

"Tangina, ang bilis!" pang-aasar niya nang hilahin ko siya palabas ng campus namin. Paborito ko kasi ang tusok-tusok dito sa kanto kaya ayoko na tumanggi.

"Sandali, 'yung heels ko!" dinig kong sigaw ni Abi pero tinawanan lang namin siya. Magsusuot kasing heels tapos hindi naman pala kaya.

"Kuya, sampung pisong fishball po tapos sampung pisong kikiam!" naka ngiti ako habang tinuturo ang mga gusto kong ipalibre kay Lucius, minsan lang 'to. "Pati po pala kwek-kwek, sampung piso."

"Cinareer." dinig kong bulong ni Lucius.

"May sinasabi ka ba?" maangas kong tanong sa kaniya kaya umiling lang siya na para bang may gagawin akong masama sa kaniya. "Wala naman pala, e."

"Bagay kayo, ma'am." pag-singit ng tindero sa away namin.

"Hesus, tulungan mo ako." nanginginig ang boses ni Lucius habang naka pikit pa at naka tingala sa langit. "Madami pa po akong pangarap sa buhay. Iba na lang, Lord."

"Loko! Hindi kita gusto."

Friends lang kami. Hanggang doon lang 'yon! 'Yung iba minsan pinagkakamalan talaga kaming couple ni Lucius dahil sa sobrang clingy niya. Well, hindi lang naman siya ganoon sa akin. Sa lahat talaga!

"Akala ko mag jowa kayo, ma'am at sir." may gana pang tumawa si kuyang nagbebenta.

"Gusto ko pa maging piloto, kuya. Hindi pa ako ready sa mga ganiyan." kalmadong saad ni Lucius, tumatawa kahit kumakain ng fishball niya.

"Engineer 'yan, sir." tinuro ni kuya ang mga bitbit na gamit ni Lucius tulad ng T-square at mga illustration board.

"Nangangarap lang ako, kuya. Huwag mo naman pigilan!" mataray niyang sagot sa tindero, feeling close naman 'to. "Ikaw ba, kuya, ano pangarap mo?"

"Engineer."

Wow, kaya pala iba ang ngiti niya kanina nang ituro niya ang mga dala ni Lucius sa bag niya. Mukhang nagsisikap nga rin mag-trabaho si kuya dahil madalas namin siyang nakikita rito. Sige na nga, aaraw-arawin ko na ang pagbili sa kaniya. Para ko na rin siyang bubuhayin!

Lumingon ako sa hindi kalayuan, sa kabilang side lang malapit sa pwesto namin ni Lucius. Nakalimutan ko, may iba pa pala kaming kasamang kaibigan. Si Stella at Abi na masayang nag k-kwentuhan. Binabackstab uli siguro ako.

"Anong malandi?" tinaasan ko sila ng kilay.

"Assuming 'to! Lahat ba ng sasabihin namin tungkol sa'yo? Delusional ka na nga, ganiyan ka pa." pang-aasar ni Stella sa akin na tinawanan ko lang.

"Ayun na siya!" tumalon-talon pa si Abi habang may tinuturong lalaki sa malayo. Hindi ko masyadong makita, malabo na nang kaunti ang mata ko!

"Aba, sino ba 'yan?" napakamot ako sa aking ulo. Ginawa ko namang camera ang mga mata ko, sinubukan ko pa talaga i-focus ito sa kanila.

Napansin ko ang isang grupo ng mga lalaki. Hindi sila gangster o banda. Basta grupo na mukhang mayayaman. Parang mahuhulog ang panty ko sa mga itsura nila!

Lahat sila ay maganda at maayos ang bihis. Pero 'yung nasa gitna talaga ang kumuha ng atensyon ko. He was holding a folder at may mga naka-ipit na papers sa loob no'n. Naka suot siya ng black shorts, plain white shirt na may naka-patong na itim na jacket, at pair of white nike shoes. Sa likod niya naman ay may dala siyang backpack. Ang simple pero hindi ako maka hinga!

"Grabe talaga. 'Yung sulat sa blackboard hindi nakikita pero 'yung pogi sa malayo kitang-kita niya." nakangising pagpaparinig ni Lucius habang kumakain pa rin siya ng kaniyang fishball. Kahit hindi siya naka tingin sa akin, alam kong ako ang sinasabihan niya.

"Pass na 'ko, Engineering students 'yan!" dismayadong napakamot ng ulo si Abigail, sumuko na sa pag d-daydream.

"Paano niyo nalaman?" nagtatakang tanong ko. Ang bilis naman makasagap ng balita ng isang 'to. Kalalabas lang, kilala agad.

"Doon sila galing, e." tinuro ni Abi ang isang unibersidad na malapit lang sa pinapasukan namin. Tamang-tama, hindi na siya mamamasahe para puntahan ako.

May Engineering students din sa school namin pero may isa pang school na pinapasukan ng marami, 'yung school ng isang grupo kanina. Mayayaman lang ang pumapasok doon dahil malaki ang tuition. Kaya ko rin naman pero ayoko. Pareho lang namang unibesidad 'tong magkatapat na school, dito na 'ko sa libre para malaki ang allowance.

Bigla kong naalala ang tatlong lalaki, nawala na sila sa paningin ko!

"Nasaan na?" natataranta kong tanong sa mga kaibigan ko.

"Nag i-imagine ka kasi ng fake scenarios kaya ka nalulutang, e." pang-aasar ni Stella kaysa sagutin niya ang tanong ko.

"Una na 'ko, mag billiards lang kami kasama ng mga crush niyo." binigyan kami Lucius ng isang nakakapang-asar na ngiti. Sigurado akong kilala niya 'yung tatlong lalaki kanina.

"Hoy, umuwi na tayo!" pinigilan ko siya sa braso niya nang akmang tatakbo siya para mag billiards.

"Uwi ako before ten, may pasalubong naman ako sa'yo mamaya." naka-ngiting sagot niya sa akin at inabot pa ang susi ng condo naming dalawa. Desidido talaga siyang umalis kaysa mag review.

Mag-isa tuloy ako sa jeep dahil wala si Lucius. Letse talaga ang lalaking 'yon. Imbes na samahan ako dahil gabi na, nag-lasing pa talaga. Kung 'di ko lang kaibigan 'yon, baka sa kalsada ko na siya patulugin mamaya.

Kaso huwag na pala, may pasalubong kasi pagdating.

"Nakita mo na ba?" pinatong ko ang baba ko sa siko kong nakalagay sa ibabaw ng study table ko sa kwarto, ka-video call ko sila Stella. "Crush ko talaga si pogi."

"Nako, bounce ka na diyan, Solace. Engineering student 'yon, walang time sa mga ganiyan!" sermon sa akin ni Abi. "Doon ka sa mga katulad ni Lucius, adik sa inuman at billiards pero pasado lagi."

"Malay mo ganoon din siya, 'di ba? Kaya nga tulungan niyo akong hanapin 'yung facebook!" depensa ko sa lalaking hindi ko naman kilala.

Naiimagine ko pa lang na katabi ko siya matulog, hindi na ako mapakali. Kaya naman dinala ko na lang ang ipad ko sa kama at doon ako umupo. Tinabi ko rin ang isang unan sa akin, inimagine kong siya ang crush ko. Kinikilig ako!

"Dismissal na pero may folder pa rin sa kamay. Ano kaya 'yon?" natatawang wika ni Stella, kumakain ng popcorn at nakataas pa ang isang paa. "Dapat iniwan niya na 'yon sa room. For sure, 'di niya rin babasahin 'yon. O kaya, tutulugan lang."

Natawa tuloy ako sa sinabi niya. Tinamaan naman ako ro'n.

"Pero ikaw bahala, Sol. Support naman namin 'yang kalandian mo. Basta lagi mong tatandaan na huwag ka muna makikipag sex hangga't wala ang go sign ko." paalala ni Abi na tinawanan ko lang nang malakas. Wala naman kaming usapan na gano'n dati.

"Sex agad? Hindi ko pa nga kilala 'yung lalaki!" sigaw ko sa kanila. Agad naman silang pumalakpak sa akin, para bang may na-achieve akong isang goal.

"She's not a baby anymore. Marunong na siyang mag-isip." umiling si Stella habang proud na naka tingin sa akin.

Wow! First time ko bang mag-isip?! Grabe talaga ang mga 'to, nakaka init ng dugo. Sa tuwing may sinasabi akong pang-adult, tuwang tuwa sila. Feeling ko pinatitripan na lang nila 'ko.

"I'll ask my friends about his Facebook. I'm sure they know it, famous kasi. Mahirap ma-reach!" may diin sa bawat salita ni Abi sa last sentence niya. Ang sakit naman, parang nawalan agad akong ng pag-asa kahit hindi pa nagi-start.

We just talked about school, boys, girls, our professors, work, life, and memories about last year. Nagtatawanan lang kami at minsan iiyak pa kapag may naalala. Basta, halo-halo ang emosyon naming tatlo at wala kaming pakialaman. Sanay na naman kaming makarinig ng chikas and dramas about sa isa't isa.

"Aw, wala raw Facebook si Sevi." naka simangot ang mukha ni Abi sa video call namin habang naka tingin siya sa kaniyang phone, nag reply na ata 'yung friend niya kaya nag t-type siya.

Sevi. Parehong letter S ang simula ng name namin, soulmates talaga!

"Baka may twitter." nakangising saad ni Stella. Tambay 'yan ng twitter, hindi ko alam kung anong ginagawa niya ro'n. Hindi ko nga magawang intindihin 'yung app na 'yon, e. Napaka hirap.

"Insta kaya?" walang ganang tanong ko.

"Bukas ako magtatanong sa bilyaran, marami naman may kilala sa kaniya." nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi ni Abi, excited na tuloy akong mag bukas!

The next day, I woke up and found myself dirty. Nakalimutan ko palang mag shower dahil napadaldal na ako masyado sa mga friends ko. 'Yung ipad, nakapatong lang sa tiyan ko at naka bukas pa. Mabuti na lang at maaga pa, may oras pa akong maglinis ng sarili at pati na rin ng condo. Chinarge ko na rin ang ipad ko dahil gagamitin ko 'yon mamaya sa klase pati na rin sa chismisan tuwing video call namin.

Napatalon ako sa gulat pagbukas ko ng pintuan, si Lucius tulog na tulog sa sahig at naghihilik pa. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kaniya o pagtatawanan ko na lang ang itsura niya.

"Hoy, gumising ka nga at pabigat ka talaga!" sinigawan ko siya kaya agad siyang bumangon at sinamaan ako ng tingin. "Magsuot ka ng damit mo. Alagain pa kita kapag nilagnat ka." binato ko sa kaniya ang puti niyang sando na naka lagay sa couch.

Mahirap talaga maging roommate ang isang 'to, magastos sa pera at magastos sa pasensya. Minsan, magiging nanay ka talaga nang wala sa oras. Ilang beses ko na rin siyang pinagsasabihan kapag sumosobra na siya ng paglabas niya tuwing gabi. Tapos uuwi nang madaling araw kahit may pasok sa umaga.

"Ano, kaya mo ba?" inalalayan ko siyang umupo sa sahig. Amoy alak na naman!

"Goods lang ako, erp." inaantok niyang sagot.

"Ano na naman 'yan?!" napasapo ako sa aking noo nang makita ko ang sugat sa kaniyang labi. Okay, I know he like kissing girls pero this is not a bite. Mukha siyang nakipag-away!

"Binugbog ako ng crush mo!" may gana pa siyang ngumiti sa akin.

Crush ko? Si Sevi? Binugbog siya?

"Ituro mo sa'kin, Lucius! Ituro mo!" sigaw ko sa kaniya pero wala pa rin siya sa kaniyang sarili.

"Sino ba uli crush mo?" kumunot noo siya habang tumatawa pa rin. "Dami kasi, e."

I can literally smell the liquor everytime he speaks, ang baho! But he doesn't care dahil nakahiligan niya na 'yon. Ako, hindi pa. I am trying to adjust pero mukhang siya na dapat ang mag-bago sa aming dalawa. He's getting worse to be honest.

"Tara, tumayo ka diyan." I tried to pull him kaso masyadong mabigat ang katawan niya para mabuhat ko. Isa pa, he's drunk at pag-tulog lang ang nasa isip niya. "Where is he now?"

"Bakit?" nag-angat siya ng tingin sa akin, pumupungay ang mga mata niya. "Babawian mo? Ulol, 'di mo kaya!"

Para siyang batang nagwawala na maraming sugat sa mukha. Hindi lang sugat, mga pasa rin. Kahit talaga crush ko 'yung lalaking bumugbog sa kaibigan ko, papakainin ko talaga ng sapatos 'yon!

"Kuya, ano ba? Papasukin mo na 'ko nang matapos na 'to!" pagi-skandalo ko sa gate ng unibersidad nila Sevi. Wala akong pakialam kahit pagtinginan ako ng mga tao rito. Babawi ako sa kaniya kahit ayaw ni Lucius.

Wala silang alam dito, sila Stella at Abi. Ako lang talaga ang nag-plano kaya malaya akong gawin ang lahat ng gusto ko ngayon. Kahit makarating pa kaming police station basta mas malala ang kalagayan ni Sevi kaysa kay Lucius, ayos na 'ko.

"Bumalik na lang po kayo mamayang alas singko, uwian po nila 'yon. Tsaka niyo po siya bugbugin, ma'am." naka ngiting sagot ng guard sa akin, wala talaga siyang pake kung galit ako. "Tapos sa labas ho kayo mag-away, huwag dito kasi baka ma-kick out si sir. Pati ikaw. Nako, ma'am, sayang ang pag-aaral."

"Ito, kuya, ito!" inabot ko ang school I.D ko sa kaniya tutal tapos na naman ang klase namin. "Isaksak mo 'yan sa bunganga niya at sabihin mong ako ang naghahanap sa kaniya. Alas singko kamo ng hapon, kuya, makikita niya ako sa mismong harapan niya!"

"Yes, ma'am!" umakto pang sundalo ang guard kaya lalo akong nainis paalis ng gate nila. Kung anong ginanda ng school, iyon ang kinapangit ng mga estudyante nila.

Napag-desisyonan ko munang pumunta sa isang convenience store para bumili ng tubig dahil tuyong-tuyo na ang lalamunan ko. Katatapos ko lang din kumain sa fast food chain at binagalan ko na rin ang kilos ko para mabilis lang ang oras. Sakto naman at malapit na mag alas singko nang lumabas ako, ready na sumabak sa gera.

Imbes na gumagawa ako ng plates ngayon, mapapa-away muna ata ako. Hindi na nagawang pumasok ni Lucius ngayong araw dahil sa lalaking 'yon. At sigurado akong may katulong siya nang pag-tripan nila ang kaibigan ko. Baka nga dahil lang talo sila sa billiards, e. Masyado kasing magaling ang bata ko.

"Hi, miss!" bati ng lalaki sa akin pagpasok ko ng store, 'di ko na naman kilala.

"Taken na." nilagpasan ko lang siya sa pintuan para pumunta sa mga fridge kung saan nakalagay ang mga tubig.

"Archi?" sumunod pa talaga sa akin, ah. "Masusungit pala ang archi." natatawang wika niya nang tanguan ko lang siya. Buti nga sinagot ko, kaysa naman hindi.

"Engineer?" tinaasan ko siya ng kilay nang makita ko ang hawak niyang plates.

"Oo. Hirap nga, e." napakamot siya ng ulo. "Pero kakayanin."

"Magaling ka ba sa math?" nagtunog mayabang ang boses ko, bobo rin ako ro'n!

"Basic lang 'yan, 'no."

"Buti naman. Turuan mo sana si Lucius 'pag pasok niya, tanga 'yon." naglakad ako papuntang cashier para bayaran ang dalawang bottled water ko, extra 'yung isa kung sakaling mabitin ako.

"Lucius? Zuccaro? Galing sa Physics no'n!"

"Sabi ko Math."

"Ay, oo nga pala. Pasensya na." tumawa siya na para bang may nakakatawa talaga sa sinabi ko. "Sige, turuan ko. Kaso laging naglalaro ng billiards, e. Pero lagi namang pasado sa mga quiz namin."

"Bukod sa Math." inirapan ko siya bago lumabas, sumunod na naman uli siya sa'kin.

"Boyfriend mo ba 'yon, ma'am?"

Ma'am? Student ako, bakit ganiyan ang tawag niya sa'kin? O mukha na 'kong matanda? Excuse me, nineteen lang ako! Isa pa, si Lucius na lang ang tinopic ko sa kaniya kasi alam kong lalandiin niya lang ako. Mas ayos na 'to, math ang topic kahit ayoko. Kaysa naman bumanat lang siya sa harapan ko.

Kumain ka na ba? Kainin kita. Like, ew. Papagutom na lang ako.

"No, sir." binawian ko lang siya.

"Ah," tumango siya at mukhang nag-iisip. "uwi ka na ba?"

Ayan na nga ba sinasabi ko.

"Hayaan mo, ma'am, hindi ako babanat. Hindi ako marunong niyan, 'no."

"P-Pwede bang huwag mo 'kong tawaging "ma'am"?" sinubukan kong hindi magtunog masungit ang pakiusap ko, nab-bother lang talaga ako sa tawag niya sa akin.

"Leo," pagpapakilala niya sa sarili niya. "Civil Engineering."

Wow, pareho lang sila ni Lucius. Kaya pala magkakilala.

"Solace. Sol na lang for short, mas prefer ko 'yon." inabot ko ang kamay niya pero mabilis ko uli itong binawi. "Archi, interior designs."

Pinara ko agad ang jeep na dadaan malapit sa condo na inuuwian ko. Gusto ko na makatakas sa lalaking 'to dahil hindi naman kami magkakilala. Isa pa, malapit na mag-gabi at baka hinihintay na 'ko ni Lucius sa bahay. Hindi pa naman marunong magluto ang isang 'yon, akala mong sanggol kapag nandoon ako.

"Una na 'ko, Leo." hindi ko na siya hinintay na sumagot pa, sumakay na agad ako sa jeep at mabuti na lang ay umandar agad 'yon.

Nang makalayo nang kaunti ang sinasakyan ko, tinanaw ko siya sa pwesto namin kanina. He was walking pabalik ng store. Baliw ba 'yon? Bakit siya sumama sa'kin kung doon naman siya mag s-stay? Bahala na nga, ba't ko ba siya iniisip.

Nakasilip lang ako sa bintana ng jeep nang mag-ring bigla ang phone kong nakalagay sa aking bag. Kinuha ko naman ito agad para sagutin ang tawag. Galing kay Abi, ganitong oras pa talaga, ha.

"Nauna na 'ko, may dinaanan kasi ako." tinakpan ko nang bahagya ang aking bibig para hindi ako masyadong maingay dahil may ibang tao rin akong katabi.

"Uuwi ka na ba?" natataranta niyang tanong dahilan ng pagkabog ng dibdib ko. "Solace, makinig ka muna."

"Ano 'yon, Abi? Jusko po ayusin mo 'yang balita mo at kinakabahan ako." hindi ako mapakali sa aking pwesto pero binalewala ko na lang ang iilang taong naka tingin sa akin.

"Dumertso ka sa hospital, si Lucius-"

"Kuya, para!" naiiyak kong sigaw sa driver kaya hininto niya agad ang jeep niya. Ako naman, mabilis na tumakbo pababa at tsaka pumara ng taxi para mabilis akong maakarating ng hospital. Bahala na kung mahal ang pamasahe, buhay ni Lucius ang nakasalalay dito.

Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga maganda ang mangyayari sa kaniya. Mga wala kasing magawa sa buhay ang bumugbog sa kaniya. Kapag talaga ayon nakita ko, ako na maglilibing sa kaniya. Deretso na siya sa hukay at hindi na kaya ng pasensya ko!

"Lucius!" luhaan akong tumakbo sa hallway ng hospital, walang pakialam kung pagtinginan man nila ako.

I was running as fast as I can. Marami akong nabunggo pero dedma lang sa akin 'yon, naghahanap ako ng malalapitan para malaman ko kung nasaan ang kaibigan ko. Hanggang sa hindi ko na kaya at bigla na lang akong natapilok katatakbo.

"Solace, ano ba 'yan!" inangat ko ang tingin ko kay Stella na nakahawak sa katawan ko para hindi ako tuluyang tumumba sa sahig. Nakakainis, akala ko true love ko na!

"A-Anong ano ba 'yan? Ikaw? Ano ba 'yang itsura mo at may gana ka pang mag make up, ha?! Ilabas mo si Lucius! Ilabas mo ang kaibigan ko!" sigaw ko sa kaniya na para bang may tinatago siya na dapat kong makita.

"Hoy, anong pinaggagawa mo?" mas lalo akong nagtaka nang makita ko si Lucius na nakasunod sa likuran niya, may bibit na maliit na paper bag. "May bibilhin ka rin?"

"Hoy, babae, pinatayan mo 'ko ng tawag!" sigaw ni Abi sa akin na nakasunod naman sa likod ni Lucius, kumakain pa ng fries. "Bumili lang kaming gamot sa mga sugat niya. Pinapunta kita kanina kasi wala kaming pera, e. Buti dumating 'to si Stella kasi ang bagal mo kaya." nag-apir pa sila sa harapan ko.

Letse, akala ko emergency! Nabawasan na naman tuloy ang allowance ko for this week. Kung hindi ko lang sila kaibigan, malamang bugbugin ko rin sila. Tama, bugbugin! Nasaan na 'yung kaaway ko?! Si Sevi?! 'Yung mga kaibigan niya?! 'Yung I.D ko?!

"Tangina," humawak ako sa aking ulo habang nag-iisip ng paraan. Tumingin ako sa aking wrist watch pero alas sais na ng gabi, wala na 'yon!

"'Yung school I.D ko." bulong ko habang nakahawak ang isa kong kamay sa dibdib.

Tumingin ako sa aking mga kaibigan, lahat sila nagtataka habang kumakain ng fries na pinaghahati-hatian nila. Iniisip kung bakit ganito ang itsura ko. Pero kahit mukha akong problemado, ayaw man lang nila akong tulungan.

"Nasaan?" nakataas ang isang kilay ni Stella sa akin. "Tanga talaga 'to."

"Binigay ko ro'n sa guard nila Sevi." nahihiyang sagot ko kaya naman tinawanan lang ako ng dalawa, si Lucius walang ideya. "Eh kasi naman, ang aga ko pumunta roon!"

"Wow, ha?! Susunduin ang jowa? Ayos!" tuwang-tuwang saad ni Abi kaya lalo akong nainis.

"Tanga! Binugbog niya si Lucius!" naiinis kong sagot sa kaniya dahil para siyang walang pakialam sa kaibigan namin kahit konti na lang ay mawalan na siya ng mukha dahil sa mga sugat at pasa niya.

"Binugbog ka diyan?" nakuha ni Lucius ang atensyon ko, nagtataka na rin siya. "Nasemplang ako sa motor pauwi. Tumagay kasi ako sa bar." sumayaw-sayaw siya sa harapan ko.

Ano ba 'to?! Gulong-gulo na 'ko! Akala ko na-admit na rito si Lucius kanina, pinagbintangan ko pa si Sevi, nakipag-sagutan ako sa guard ng university nila, tapos hindi ko pa alam kung paano ko kukunin ang school I.D ko sa kaniya bukas!

Umuwi na kaming apat sa sari-sarili naming condo. Si Lucius lang ang kasama ko at 'yung dalawa, magkahiwalay dahil si Stella nag-paiwan pa sa hospital. Silang tatlo lang ata ang masaya at ako lang ang problemado sa kanila. Si Lucius may gana pang sumayaw sa kalsada habang naglalakad kami sa tuwing nakakarinig siya ng tugtog sa mga tindahan o tricycle.

"Oh, ayan." nahihiyang inabot niya sa akin ang binili niyang fishball. Akala ko ay para sa sarili niya 'yon pero para sa akin pala. "Sorry na."

He was apologizing dahil mali ang sinabi niya sa akin kagabi. Hindi pala mali, sinasadya niya 'yon! Kaso, hindi niya na nasabing nagbibiro lang siya dahil nga pinangunahan siya ng pagtulog at paggising niya ay pumasok na ako sa school. Tinitignan niya lang daw kung ipagtatanggol ko ba siya, aba syempre!

Tumingin ako sa kaniya at naawa naman ako nang makita ko ang maraming band aid sa mukha niya pati na rin sa braso niya. Ngayon ko lang napansin na mas mukha nga siyang nasemplang kaysa nabugbog. Nakakahiya pala kung naabutan ko si Sevi kanina, ako pa ang magkakaroon ng kasalanan. Hayop talaga 'tong kaibigan ko.

"Ipagtatanggol naman talaga kita kung totoo. Pero kung niloloko mo lang ako, bahala ka diyan." padabog kong kinuha ang fishball sa kaniya. Ayokong tanggihan, gusto ko kaya 'yon.

Mga tusok-tusok talaga ang binibigay namin sa isa't isa kapag may nagawa kaming kasalanan o kalokohan. O kaya kahit masaya kami, ito ang kinakain namin. Paborito kasi namin ang mga 'to lalo na kapag uwian. Halos ito na nga lagi ang laman ng tiyan naming apat.

"Sorry na, 'di na mauulit." tinaas niya ang dalawa niyang kamay, sumusuko na.

"Sorry ka diyan. Wala ka nga pasalubong sa akin." tinapon ko sa basaruhan ang cup na hawak ko, ubos agad ang fishball na binili niya.

"Meron, ito oh." tumawa siya nang ituro niya sa akin ang mga sugat niya. Masaya pa talaga ang lalaking 'to. "Gusto mo pa ba maulit?"

"Gago, huwag ka na lang magdala ng pasalubong kung ganiyan din naman ang ibibigay mo." sermon ko sa kaniya. Wala talaga siyang pakialam kahit masaktan siya basta mag-enjoy. Hindi ko kaya ang ganoon.

Pagbukas ko ng pintuan ng condo namin ay si Lucius agad ang pumasok para tumalon pahiga sa couch, hindi man lang niya pinansin na nabangga niya ako. Pero mas gusto ko naman na ganito siya kaysa 'yung laging wala dahil umiinom o naglalaro ng billiards.

"Gawin mo 'yan." nilapag ko ang papel sa coffee table at tsaka siya nag kunwaring tulog dahil ayaw niyang simulan ang plates niya. "Bilisan mo na!"

"Ayoko nga." tumalikod siya sa akin.

"Balak mo bang bumagsak, ha?! Tapos ano? Saan ka na mapupunta kapag hindi ka nakapagtapos? Lucius, tatlong taon na lang pagtapos nito!"

"Tatlong taon pa." bulong niya habang may yakap na unan. Dinig ko ang lungkot sa kaniyang boses, talagang hindi niya mahal ang course na pinili ng mga magulang niya para sa kaniya. Sana lang ay maging malaya siya kahit man lang sa ibang bagay.

"Gumawa ka na, Captain Zuccaro." agad siyang tumayo para umayos ng upo sa sahig at nagsimulang gumawa ng plates niya kahit labag sa loob na nakapag pangiti naman sa akin. Ayos lang, ang mahalaga ay magkasama kaming papasa sa college. Mauuna nga lang ako ng isang taon pero syempre hihintayin ko siya.

Kung kaya ko lang siya i-motivate lagi para sumunod siya, gagawin ko. Kaso magkaiba kami ng course at ng building. Maging ang mga subjects namin ay iba-iba kaya hindi ko siya magawang turuan. Sana lang talaga at makahanap siya ng tropang mga Engineer din tapos matatalino. Lasinggero kasi halos ang mga kilala niya, kasama niya sa bilyaran.

Iniwan ko muna siya sa living room dahil kailangan ko maglinis ng sarili ko. Nag shower lang ako nang mabilis at nagbihis ng sando at shorts bago ako humiga sa aking kama. Si Lucius, laging sa couch lang dahil walang aircon ang kabilang kwarto. Ayaw niya rin naman tumabi sa akin kahit inaaya ko siya dahil lalaki daw siya at babae ako. Mas nag-iingat pa siya kaysa sa akin.

Natawa ako nang bahagya nang makita ko ang contact name ng kaibigan kong nakalitaw sa screen.

From: Stella Marie Jr.

s abi toh ulol mo xd hayoip ang saya ki

To: Stella Marie Jr.

si stella ka

From: Stella Marie Jr.

de letse ks si abi nha borrow lang ako fone niya

She's drunk again. Malamang ay nasa bar na naman sila kasama ang iba nilang kaibigan. Hindi na nila ako inaya dahil alam naman nilang hindi ako sasama sa mga inuman na 'yan. Magtatapos pa 'ko ng plates ko.

From: Stella Marie Jr.

daddy ugh

To: Stella Marie Jr.

what the fuck?

From: Stella Marie Jr.

@sevi.miller daddy mu yn lab ya

ako lng to my dud

Nagtataka kong tinignan nang paulit-ulit ang text niya at binasa 'yon nang ilang beses. Lagi siyang typo at "daddy" lang ang naintindihan ko. Madalas siyang mag drunk text sa akin gamit ang iba't ibang phone kaya kung kani-kaninong number na rin ang naka save sa akin. Tapos puro "abi" ang nilalagay kong pangalan. Pero sa original number niya "Abigail" para hindi ako malito.

Naiwan ang mga mata ko sa username na nilapag niya, pamilyar iyon dahil sa first name. Cinopy paste ko ito para i-search sa IG pero dismayado naman ako nang makita ko ang account niya. Private at walang mga post pero ang daming followers.

Ang pogi niya sa profile picture niya. Naka upo siya sa isang high chair habang may hawak na drink, hindi ko maaninag kung kape ba 'yon or tea. Basta naiinom. Dark gray na longsleeves pero naka tiklop ito hanggang siko at itim na pants ang suot niya. Naka unbotton din ang ilang butones ng pang-itaas niyang damit. Naka tingin siya sa camera pero ayaw man lang ngumiti, seryoso ang mukha at halatang masungit.

Sevi Laurier Miller (Civil Engineering)

0 post 12.08k followers 6 following

Six? Para sa akin siguro 'yon. Meaning no'n "I love you so much, Solace."

Binato ko ang katabi kong unan sa sahig dahil sa kilig. Umaatake na naman ang pagka delusional ko. Sigurado akong pagsasabihan ako nila Abi kung nandito sila dahil sa kaharutan ko. Pero in fairness ha, crush ko na uli 'to si Sevi. Wala naman pala siyang kasalanan sa kaibigan ko. Kami pa ata ang nagkaroon. Nakakahiya!

"Mamaya madadagdagan na 'to, seven na ang following niya." nakangising bulong ko at matapang na nag follow sa kaniya.

"Meaning, I love you, My Solace Vellarde Miller"