Nakatingin lang sa labas ng bintana si Rich habang pinagmamasdan ang mga bituin na kumikinang sa kalangitan.
Hanggang ngayon hindi pa rin niya maintindihan ang nangyayari. Nagising na lang siya na may nagsasalita na sa kaniyang isipan.
Akala niya ay nababaliw na siya. Akala niya ay nawala na siya sa sarili. Pero hindi.
Hindi ito imahinasyon. Totoo ngang may kumakausap sa kaniya habang wala siyang malay.
Subalit hindi niya matukoy kung ano iyon noong una.
Children?
Protagonists?
Wala siyang kaalam-alam. Nasa libro ba siya? Ano namang libro?
Kung nasa aklat man siya bakit totoong pangalan niya ang gamit?
Totoo rin ba na magkakaanak siya?
Hindi ba ito halusinasyon lamang? O haka-haka lamang?
At sino ang ama?
Kaso ipinagsawalang bahala niya iyon.
Lumipas ang isang linggo na nasa loob pa rin siya ng mansyon. Kahit na gusto niyang lumabas at tingnan ang kabuuan ng lugar, hindi niya magawa dahil patuloy na nagsasalita ang nasa isipan niya.
Kailangan niyang tapusin ang storyline bago siya tuluyang makalaya. Pero anim na taon? Anim na taon siyang nakapirmi rito?
Walang tao, walang kahit anong katulong, tanging mag-isa lang siya. Sinusuportahan ang sarili sa bawat araw na nagdadaan.
Sakto rin na nakakaramdam na siya ng kakaiba sa kaniyang sarili.
Animo'y nararanasan na rin niya ang paghihirap ng mga nagdadalang-tao. Pero paano niya malalagpasan ito?
Sino ang tutulong sa kaniya?
Sobrang daming mga katanungan at bumabagabag sa isipan ni Alrich. Kung noon nanalangin siya na sana magkaroon sila ng anak ni Red, pero ngayon parang ayaw na lang niya.
Sa bawat araw na lumilipas, linggo at maging mga buwan.
Hindi na nakakayanan pa ni Alrich ang mga nangyayari. Pilit niyang pinapat*y ang kaniyang sarili upang hindi maghirap ang mga bata sa paglaki.
Ayaw niyang mabuhay ang mga ito sa lugar na parang nasa loob sila ng isang laro na kung walang gagalaw sa screen, hindi rin sila mabubuhay.
Kaso kahit anong gawin niya patuloy siyang bigo. Hindi siya nilalagutan ng hininga kahit ilang beses man niyang saktan ang sarili.
Kaya sa huli inisip na lang ni Alrich na mabuhay na lang at ipanganak ang mga bata sa hindi niya kilala na ama.
Sino bang ama nila?
Tanong niya sa kaniyang isipan bago mapalingon sa isang cellphone na hindi niya tinitingnan simula ng magising siya.
Nawawalan na kasi siya ng pag-asa.
Pero nang buklatin niya ang contacts. Dalawang numero lang ng tao ang nandito.
Si Jin Linran at Jin Weilan.
Hindi niya maintindihan kung ano ang koneksyon niya sa dalawa na ito.
O ano bang koneksyon nila sa mga batang nasa loob ng kaniyang sinapupunan.
Sila ba ang isa sa ama?
Ngunit ipinagsawalang bahala na naman ni Alrich ang mga naiisip. Nagsimula na rin siyang mag-te-text sa mga ito ng mga kung anu-ano.
Ginawa niyang isang diary ang mga numero sa contacts niya kahit pa-paano ay nababawasan ang pagkaalalahanin niya sa bawat araw.
Kahit hindi sila mag-reply sa kaniya, ang mahalaga may pinagkakaabalahan siya.
Pero sumasagi rin sa kabilang utak niya na sana may isa ang sumagot sa kaniya.
***
[Notice! The babies wanted to get out! Time for labor.]
[System: Labor's Processing...]
Nang sumapit ang kaniyang kabuwanan, tanging ang system niya ang tumulong sa kaniya na ilabas ang dalawang bata.
Hindi niya makita kung ano ang ginagawa nito. Nakataas ang kaniyang ulo habang ang bibig ay may sakmal-sakmal na damit.
Nakahawak din ang kaniyang dalawang mga kamay sa lamesa sa kaniyang ulunan.
Papikit-pikit habang patuloy na nakikipag-operasyon sa system.
Pilit na pinapanatag ni Alrich ang kaniyang sarili. Gusto niyang ilabas ang dalawang bata nang walang kahit anong aberya.
Tanging sa system na lang siya umaasa.
'Please...please save my babies...' mumunting pakiusap niya habang nakapikit.
Nagsibagsakan na rin ang mga luha sa kaniyang mga mata. Mas masakit pa ang nangyayari ngayon kaysa ang nakasama ang minamahal sa dalawang taon.
Dahil sila ang naging inspirasyon niya upang mabuhay sa mundo na hindi niya alam kung belong ba siya o isa lamang bisita.
Ayaw niya na isa rito ay mawala.
[System: Labor's Completed.]
Dinig niyang saad na naman ng boses sa isipan niya. Pero nanghihina na siya.
Sumasakit na rin ang kaniyang ulo sa hindi niya malaman na dahilan.
Gusto niyang matulog, gusto ng tuluyan na matulog ni Alrich.
Pero naiisip niya pa rin ang mga anak niya.
Paano kung bumalik siya sa mundo niya?
Paano kung tapos na ang misyon niya rito?
How about his twins?
Sino ang mag-aalaga sa kanila?
Kahit na nahihirapan na sa paghinga si Alrich. Pilit niyang inaabot ang kaniyang mga anak. Pero wala siyang makapa.
'Nasa'n ang mga baby ko?' nag-aalala niyang wika.
Humihiling na sana ay may kahit isa sa kanila ang umiyak para mawala ang bigat sa puso niya.
"Please ..." Nanghihina niyang pakiusap habang patuloy pa rin ang pagkapa.
Hindi siya makabangon, hindi siya makalingon sa iba't ibang direksyon. His body become stiffed and can't move even in a little bit.
"Wahhh!"
"Wahh! Wahh! Wahh!"
Nang mapakinggan na ni Alrich ang biglaang pag-iyak ng mga bata na animo'y narinig siya, ang tinik na bumaon sa kaniyang dibdib ay unti-unti na ring nawawala.
Ngumiti siya nang malawak subalit ang mga luha ay patuloy pa rin sa pagbagsak.
Masaya siya,
Maligaya siya na narinig ang hiyaw ng mga anak niya,
Pero sino ang mag-aalaga sa kanila?
'H-hindi...'
[Alert! Alert! Severe Blood Loss. Sleep Mode Activating... Sleep Mode Activated.]
[Turning on Babies' Nanny... Activated]
[Activating Security Procedure. Activated]
[System: Character Alrich Zane Falco sleep mode on. You can sleep in 7 days prior.]
Salitang mga naririnig niya sa kaniyang isipan. Dahil sa sobrang dami, hindi na niya maintindihan. Ang tanging naiisip niya lang ay ang mga anak niya.
"Please let my babies alive. Help me..." Mahinang tugon niya sa kawalan bago tuluyang makaramdam ng matinding antok at unti-unti na ngang ipinikit ang kaniyang mga mata pero hanggang ngayon ay nasa utak niya pa rin ang mga bata.
'Ang mga anak ko...'
****
[7 days of Sleep Mode Completed. Character Alrich Zane Falco has been awakened]
"Hmm..." Dahan-dahan na iminulat ni Alrich ang kaniyang mga mata.
Unang tumambad sa kaniya ay ang kisame na walang kahit anong tinta. Marahan din niyang ibinaling ang kaniyang ulo sa kaliwa, nakita niya ro'n ang dalawang sanggol na nakatabon lang ang carpet sa kanilang sarili. Walang kahit anong saplot.
Kahit na nahihirapan ang kaniyang sarili sa panganganak, marahang tumayo sa pagkakahiga si Alrich upang puntahan ang dalawang sanggol.
Unang tingin pa lang niya sa mga ito ay parang may kung anong humaplos sa durog niyang puso.
Kamukhang-kamukha niya ang dalawa. Ni isa ay wala silang nakuha sa ama nila.
Para bang ang lahat ng pahirap na dinanas niya sa mga buwan na iyon ay bigla na lamang nawala.
Now, he has two angels. Two angels that will become his strength and he'll do everything to make their life happy.
Kahit na siya lang ang magtataguyod sa kanila. Ayos lang.
Pero hindi siya tumigil sa pag-te-text sa dalawang numero.
[It's worth it. For 9 months of being pregnant, I can finally see my two angels]
[Hindi mawawala ang pagdadalawang-isip kung kaya ko bang palakihin sila. Pero kakayanin ko. Sila na lang ang natitira sa piling ko]
[Kung sino man kayo, p'wede bang kahit isang 'congratulations' lang? Kahit pa-paano may tao pa rin pala ang nakikinig sa akin]
....
Pero ni isa walang sumagot. Wala man lang nag-congrats sa kaniya dahil sa tagumpay na natamo niya.
Subalit hindi naging hadlang iyon. Patuloy na nagsusumikap si Alrich na palakihin ang dalawang sanggol.
Mahirap sa una dahil wala siyang alam sa pagpapalaki. Wala rin naman siyang mga magulang na nagtuturo sa kaniya kung paano ba mag-alaga ng bata dahil laki siya sa ampunan.
Ngayon ay nasa anim na buwan na ang mga sanggol. Habang lumalaki sila, mas lalong nagiging kamukha niya.
Kahit na itakas niya ito at hindi ibigay sa tunay na ama nila, walang magiging problema.
Anak niya ang mga ito. Siya ang nagpakahirap, bakit niya ibibigay sa wala man lang paramdam na lalaki?
Ipaglalaban niya ang karapatan niya. Kahit na sa kam-tayan pa.
"Babies, don't leave your daddy okay? Don't leave me like they did to me. I can't bear it..." Nagsusumamo niyang turan sa dalawang sanggol na nakatingin sa kaniya nang nagtataka.
Mga nakahiga sa kama pero gan'on na lang ang gulat niya nang sabay-sabay nilang hinawakan ang mahaba niyang buhok na saktong bumagsak sa harapan nila nang siya'y yumuko upang hindi nila makita ang nagbabadyang luha na gustong lumabas sa kaniyang mga mata.
Narinig niya rin ang mga tawanan nila. Kahit na hindi pa nila siya naiintindihan sa kaniyang sinasabi. Animo'y sumasang-ayon na agad ito sa kaniya.
Kaya napangiti rin siya sa nakita. Marahang niyakap ang dalawang sanggol na itinadhana sa kaniya.
"I'll protect you, my babies."