[After 5 Years]
The door opened with forced. Ang nakahiga sa sofa na nilalang ay napamulat dahil sa narinig. Pero hindi siya kumilos patayo.
Tamad niyang tiningnan kung sino ang bumukas ng pinto at nakita sa harapan ang dalawang bata na magkamukha na malawak ang mga ngiti na naglalakad sa direksyon niya.
"Dad!"
"Daddy!"
Masayang tawag nila sa ama nila na nakahiga. Si Kidlat ang nagsabi ng Daddy at si Zefhan naman ang Dad. Limang taong gulang na ang dalawa, parehas maligalig, at masayahin.
Pero pagdating sa nararamdaman ng kanilang ama, nagiging malamig sila o hindi kaya ay seryoso.
Kahit na ganito lang ang edad nila ramdam na nila ang sakit na pinapasan ng ama nila na nagsasariling sikap na buhayin sila sa mansyon na ni isa ay walang katao-tao.
May mga unlimited food nga para sa pang-araw-araw nila. Pero tanging sila lang ang nakikita nila sa bawat araw.
Kaya nasanay na sila na presensya lang nila ang nakikita.
Sa edad na lima, napagtanto nila kung gaano nahihirapan ang ama nila sa ganitong sitwasyon. Minsan ay napapasulyap na lang sila rito kung paano ito magtipa sa cellphone na luma.
Naghihintay ng sagot pero wala. Hanggang sa makita na lang nila na nasasanay na ang ama nila sa ganitong eksena.
Kaya ginagawa nila ang lahat para pasayahin lang ang ama nila.
Ang ama nila na siyang nagluwal sa kanila.
"Babies, what's wrong?" Mahinhin na wika ni Alrich. Pero nandoon pa rin ang pagkalalaki na boses.
Kaya ang dalawang bata ay napalingon sa isa't isa. Napatango at ang kanilang mga mata ay nangungusap kahit na hindi na kailangan pang magsalita.
Mabilis silang lumapit sa kinaroroonan ng kanilang ama. Hinawakan ang dalawang braso nito at pilit na pinapatayo siya sa pagkakahiga.
Kahit na nagtataka na si Alrich sa ikinikilos ng kaniyang mga anak. Wala na rin siyang nagawa kundi ang sumunod sa mga ito.
Dahil sa taas niya na 1.87 ang mga anak niya ay hanggang hita pa lang niya. Nasa limang taong gulang pa lang ito kaya hindi pa sila tumatangkad.
"Let's go outside, dad!" Magiliw na wika ng panganay sa magkambal, si Zefhan. May nunal ito sa ilalim ng kanang mata. Samantalang wala naman si Kidlat.
"Yes! May ipapakita kami sa iyo, daddy!" Sang-ayon din ng bunso kaya napapatawa na lang siya sa dalawa at nagsimula na silang lumabas sa mansyon na tahimik at animo'y parang haunted.
Kahit na hindi naging madali ang limang taon na pakikibaka sa pagpapalaki sa dalawa. Masaya naman si Alrich sa naging bunga.
Nagkaroon siya ng dalawang anak na hindi mo masasabing nasa laro ka. Totoong-totoo sila.
Masasabi na rin niya sa sarili niya na kasapi na rin siya sa mundong hindi niya pa alam, hanggat nasa tabi pa niya ang mga anak niya.
Hinding-hindi niya hahayaan na mawalay sa kaniya ang mga ito.
Gagawin niya ang lahat upang hindi sila kunin ng kanilang mga ama.
Oo, mga ama. Dahil noong isang taon niya lang napagtanto kung sino ba sina Jin Linran at Jin Weilan sa buhay niya.
Kundi ang kaniyang mga asawa. At katulad ng kaniyang mga anak, kambal din ang mga ito.
Pero hindi niya lang mawari kung paano pumayag ang mga magulang nito sa kasal na dapat ay isa lang?
Tama ba na dalawa ang maging asawa?
Saka paanong hindi na sila umuuwi sa mansyon? Iniwan na lang ba nila ang orihinal na Alrich Zane Falco sa bahay na walang katao-tao?
Ano ang dahilan nila?
Maraming katanungan si Alrich, pilit niyang hinihingian ng paliwanag ang mga nasa contacts niya pero ni isa ay walang nag-te-text.
Kaya pumasok agad sa isipan niya na baka nagbago na ang mga ito ng numero o cellphone.
Nagsabi rin siya na makikipag-divorce na siya sa dalawa pero wala pa rin kaya itinigil na niya ang paglilitaw ng ganitong topic.
Itinago rin niya ang marriage certificate nila sa hindi makikita ng dalawang bata. Nakuha niya ito sa isang room sa itaas na ng bahay.
Siguro ito ang kwarto ng mga iyon. Noong una hindi niya magawang malibot ang bahay dahil na rin sa laki at lawak, saka buntis din siya kaya ayaw niya na naglalakad siya paibaba at paitaas sa hagdanan.
Nang lumaki-laki na ang magkambal at kaya na rin nilang umintindi sa mga babala niya, nagawa na rin niyang libutin ang buong mansyon.
At iyon nga ang importante na natagpuan niya.
Naresolbahan na ang isa sa unang katanungan niya. About sa Protagonists... dalawa pala ang tinutukoy ro'n.
Ang hindi niya lang mawari ay kung bakit magkambal din sila?
Marami siyang katanungan pero sa ngayon ayaw niyang masira ang ulo sa kakaisip ng mga bagay na hindi niya na maintindihan.
***
"Saan naman tayo pupunta?" Nagtatakang tanong niya sa dalawa nang mapansin na papunta na sila sa kasuluk-sulukan ng gubat.
May gubat sa likuran ng mansyon. Hindi niya pinapansin iyon dahil may kakaiba ro'n. Animo'y may bangin na maling tapak lang ay mahuhulog ka na sa pinakailaliman.
"Come on, dad! Don't k*ll the fun. Just wait!"
"Yeah! Yeah! Tama si Kuya, daddy. Mas mabuti na lang pong shut up tayo." Sabat din ni Kidlat.
Hindi malaman ni Alrich kung magagalit ba siya o matatawa na lang.
Kaya tahimik na lang siyang nakisama sa dalawa niyang anak na nauuna, hanggang sa mapanganga na lang siya nang makalabas na sila nang tuluyan sa gubat habang nag-iingat na huwag makatapak sa maling direksyon.
Kung mangyari man, baka mahulog silang lahat.
"Wow. What's this? Am I dreaming?" Gulat na gulat pa rin ang mukha ni Alrich.
Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala. Nilibot ng kaniyang mga mata ang kapaligiran.
Papikit-pikit pa siya. Sinasabi sa sarili na baka nanaginip lang siya. Pero may dalawang malambot at maliliit na mga kamay ang humawak sa dalawa niyang palad kaya napalingon siya sa mga ito.
Nakangiti ang kaniyang mga anak habang nagmamasid din sa buong kapaligiran, sa mismong direksyon ng mga bahay na sibilisado.
"We're free, dad!"
"We're now in the new world, daddy!"
Sabay na pahayag ng dalawang anak at malakas na itinaas ang mga nakareserbang braso.
Kaya natatawa na lang si Alrich sa nakikita sa anak bago dahan-dahan na lumuhod upang yakapin ang dalawa.
Unti-unti na ring nagsibagsakan ang luha sa kaniyang mga mata.
"Finally... Finally we're free." Mahinang tugon niya sa mga ito.
Matagal na niya itong pinapangarap. Matagal na niyang inaasam na makalabas sa isolated place na tanging siya lang ang naninirahan.
Nagpapasalamat siya dahil dumating ang mga anghel sa buhay niya. Kung wala sila... mananatili ba siyang masisiraan ng bait sa lugar na wala man lang siyang nakikita?
"Yes, dad/daddy! Dream come true!" Nakangiting wika ng dalawa.
[Alert! Alert! The Storyline has been ruined]
Biglang bulalas ng system sa isipan ni Alrich. Napaangat ang kaniyang mukha sa dalawa, tumayo agad sa pagkakaluhod atsaka seryosong lumingon sa magkambal.
"If I count 1 to 3, we will run? Okay?"
Napalingon bigla ang magkambal sa ama nila nang marinig itong mga kataga. Imbis na maguluhan at magtanong. Ngumiti pa sila nang nanabik. Naghihintay sa pagbilang ng ama nila at naghahanda na rin ang kanilang mga paa sa pagtakbo.
"In count of 1..."
"2"
"3"
"Let's run!" Sigaw niya sa kanila.
Tuwang-tuwa naman ang mga bata sa pagtakbo habang hawak-hawak nila ang dalawang palad ng kanilang ama.
Kahit na lumalabas na ang mga pawis sa kanilang noo, hindi pa rin sila tumitigil. Humahagikhik din sila habang lumalayo nang lumalayo sa direksyon ng mansyon na tanging kalungkutan lang ang dala.
Oo, masarap ngang mabuhay sa tahimik na lugar. Pero kung ganito na parang sila lang ang tanging nabubuhay sa loob ng limang taon at hindi p'wedeng lumabas sa tarangkahan, sinong mananatili sa Isolated Place?
Sa loob ng limang taon ngayon lang nakaramdam si Alrich ng kaginhawaan.
Kahit na tumatakbo sila ng kaniyang mga anak, tanging nararamdaman niya lang ay kalayaan. Kalayaan sa mundong malapit na siyang mawala sa sarili.
"Dad, we're finally here!" Tugon ng kaniyang panganay nang tumigil na sila sa pagtakbo nang makita na nila na malayong-malayo na sila sa kinaroroonan ng mansyon na iyon.
Now, they were facing the city full of lights, people's screaming, laughing, and calling to their love ones. Cars beeping, the upcoming sounds of the train, and many more.
Na ngayon lang ulit naranasan ni Alrich na makita at maramdaman.
Para bang bumalik siya sa dati niyang mundo. Kung saan nagsisimula ulit siya na makipagsapalaran sa mundong punong-puno ng sakripisyo.
Kung noon sarili lang niya ang iniisip na buhayin, pero nang dumating na ang dalawang bata sa buhay niya, magkakayod siya nang todo upang bigyan sila ng magandang buhay.
Gagawin niya ang lahat para sa kanila.
Hanggat humihinga pa siya, hindi siya titigil. Sila ang inspirasyon niya, kaya mananatili siyang matatag.