Chapter 4 - Chapter 3

"Why are you working so hard?" The boy in a waiter's clothes asked Alrich who's now changing its uniform into normal one.

Nakatalikod siya sa kasamahan kaya hindi niya makita kung ano ang nilalabas na ekspresyon sa mukha nito.

"I have a family that needed to provide." Diretsang sagot niya. Hindi naman niya itinatago ang katotohanan na may anak siya.

Saka wala rin namang maniniwala na siya ang nagluwal dito dahil parang nasa tunay lang siya na mundo kung saan walang lalaki ang nabubuntis. Depende lang kung may rare condition ka na p'wede kang manganak.

Akala ni Alrich napunta na siya sa Parallel World kung saan lahat ay p'wede na mabuntis kahit anong gender ka pa. Kaso wala e'.

Pero may parte pa rin sa kaniyan isipan na nagpapasalamat siya.

Hindi niya na kailangan pang magsabi ng kung anu-ano. Malalaman na agad nila na baka may kinakasama siyang babae at iyon ang ina.

Mabilis niya ring maitatanggi na may kinakasama siya at ang ina ay namat-y na. Nang sa gan'on wala ng ibang tanung-tanong pa.

"Grabe! Bilib din ako sa iyo, Rain. Ang bata-bata mo pa pero kumakayod ka na para sa kanila. Hindi tulad ng mga batang ama na kilala ko, wala man lang silbi. Hinahayaan lang ang anak na magsumikap sa pamilya nila. May mga ama rin na nasa tamang edad na pero mga tamad." Pumupuring anito sa lalaking nakapagpalit na ng damit. "Kapag may kailangan ka, huwag kang mahiyang magsabi sa akin o sa iba pa. Kinahahangaan namin ang mga katulad mo. Huwag kang magbabago, Rain." Dagdag nito sa sinabi kaya tanging tango na lang ang naging sagot niya.

"Then, I'll go." Paalam niya rito bago maglakad na upang lumabas sa employees' changing room.

Pumunta muna siya sa manager ng restaurant na pinagtatrabahunan niya upang makapagpaalam lang at nang makatanggap ng 'OK' sign ay nagsimula na nga siyang tumapak papalayo sa restaurant.

Binigyan pa siya nito ng take out na pagkain na nakahanda na talaga para sa kaniya. Kaya nagpasalamat siya at tuluyan na ngang nilisan ang loob.

Sa isang restaurant na kilalang-kilala sa mga mayayaman na tao. They can serve you Western Food, C Food, and many more that can guarantee it's tasty or delicious.

Mga professional chef ang kinukuha ng may-ari na galing sa iba't ibang bansa. Hindi dapat masira ang reputasyon nila sa pagkain na ihahain nila kaya kailangan ng propesyonal na alam na alam ang kusina.

Marami ring mga alak na si-ne-serve sa bartending area. Ang ilan dito ay mamahalin pa na tanging mga mayayaman lang ang may kaya na bumili.

Minsan nag-se-serve si Alrich sa bartending site kapag kailangan na kailangan niya ng pera pero dahil ayaw niyang iwan ang mga bata sa maliit na apartment tuwing gabi, pinagkakasya na lang niya ang sweldo niya sa isang buwan.

Hindi naman maselan sa pagkain ang magkambal, may mga araw na gusto nilang tulungan ang ama nila na magtrabaho.

Sa murang edad iyon na agad ang naiisip nila kaya nakakaramdam si Alrich ng awa sa dalawa.

Gusto niyang humingi ng tawad dahil nagkaroon sila ng ganitong ama na kakarampot lang ang pera.

Pero nauunahan na agad siya ng mga ito.

Palagi nilang sinasabi na mahal na mahal nila ang ama nila.

Kaya ang nagagawa na lang ni Alrich ay magsumikap.

Mabuti na lang palagi niyang dala-dala ang wallet at lumang cellphone sa bulsa niya.

Nakasanayan na niya ito noon kaya hindi na nawawala sa sistema niya.

Mayroong bank card sa wallet, nang tingnan niya ang laman sa bangko, he sighed in relief.

Mayroon itong 30,000 Yon (Yon: tawag sa pera nila. Nagkakatumbas ng 1 Yon- 1 Peso)

Tama lang para makabili ng pansamantala na tirahan na mumurahin.

Foods good for in 1 month.

Down payment for his twins' tuition in kindergarten.

At ang natira ay itatabi na lang niya.

Habang nag-aaral sa umaga at hapon ang mga anak niya, siya naman ang nagtatrabaho sa restaurant na ito na nakita niya dahil medyo malapit lang sa direksyon ng apartment niya.

Sakto na hiring for waiter kaya kinuha na agad niya.

Hindi niya alam kung bakit tinanggap na agad siya kahit na wala pang interview.

Wala sa isipan ni Alrich na dahil iyon sa kaniyang pagiging magandang lalaki na panigurado na papatok sa mga kababaihan. At maski na rin sa kalalakihan.

Isang tingin pa lang ng manager ng restaurant kay Alrich nang nagmamasid ito sa labas ng restaurant, may kung ano sa puso nito na gusto niyang hilahin papasok sa loob ang binata, at offer-an ng trabaho dahil sayang kung hindi gagamitin.

Saka sakto rin na kulang ng waiter sa restaurant. Pero hindi siya nagpadalos-dalos, naghintay siya na pumasok ang binata.

May parte sa isipan niya na papasok ito sa loob.

At tama nga ang kaniyang hinuha.

Pero hindi inaasahan na naghahanap ito ng trabaho kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Tinanggap na niya ito nang hindi kailangan ng interview.

Alam niyang gan'on din ang magiging reaksyon ng may-ari dahil sayang kung palalagpasin nila ang mukhang artistahin o modelo na si Alrich.

Simula ng tanggapin niya sa trabaho si Alrich, parami na nang parami ang mga kumakain sa restaurant nila na dati'y sapat na.

Ngayon lang nila napatunayan na ang iniisip nila na sapat ay kulang na kulang pa pala.

Kaya kapag malaki ang kinikita ng restaurant, palihim kung magbigay ang Manager ng red envelope sa kasipagan na meron si Alrich.

Hindi man iyon husto sa pangangailangan ng mag-aama, atleast nakakatulong siya sa kanila.

Noong una hindi makapaniwala ang manager na may supling na ang binata na ito. Akala niya ay single pa lang ito at naghahanap ng mapapangasawa.

Pero akalain mo nga naman... kapag tinamaan ka talaga ng pagmamahal, hindi inaasahan na may lalabas na lang sa tiyan.

Kaso walang nakakaalam na si Alrich talaga ang nagluwal at hindi babae.

At lalong wala ring kaalam-alam ang lahat ng mga nakakasalamuha niya sa tunay na pangalan niya.

Ibinigay niya lang na palayaw ay 'Rain' nakuha sa una niyang pangalan na Ri at An naman sa pangalawang pangalan. Binaligtad niya lang kaya naging Rain.

May parte sa puso ni Alrich na baka ang tunay na pangalan niya ang maging daan para mahanap agad ng mga asawa niya ang mga anak niya.

Pero hindi pa rin natatahimik ang kaniyang damdamin.

Paano kung alam nila ang itsura niya?

Kahit na ilang taon na ang nakalipas na hindi sila nagpapakita.

***

"Dad! Welcome back!"

"Daddy! Welcome home!"

Masayang bati ng dalawang bata pagkabukas ng pinto at nakita sa harapan ang ama nila na may labi-labit ang kanang kamay.

Nagtatakbo pa sila papalapit dito saka niyakap ang ama na hindi na nagulat pa sa akto ng mga ito.

"I'm home." Nakangiti niyang sagot sa mga ito bago isa-isang hinalikan sa ituktok ng ulo ang magkambal.

Napahagikhik naman ang dalawa pero ang isa ay napalingon sa dala ng ama. Mabilis niyang kinuha sa kamay ng ama ang paper plastic na hawak nito habang sabik na sabik ang mukha kung ano ang nasa loob.

"Kidlat, don't snatch it without dad's permission!" Sita ng panganay sa bunso na parang walang narinig.

Dire-diretso ito pagpasok sa may kusina. Binuksan ang laman ng paper plastic at nakita sa loob ng styro ang ulam na curry na gustong-gusto nila.

"Wow!" Manghang usal nito.

May cake rin na sapat lang sa kanilang magkapatid ang nandito.

Inilagay niya ang ulam sa babasagin na mangkok at ang cake naman ay sa plato.

Nang matapos na siya sa paglagay, itinabi naman niya ito sa kabinet nila upang hindi makuha ng ligaw na mga pusa.

Maaga pa naman para kumain, saktong alas sais pa lang ng hapon nang makauwi si Alrich sa bahay.

Sanay na siya sa ginagawa ng bunso, napapangiti na lang siya kapag nakikita na inilalagay na ng anak niya ang pagkain sa tamang lalagyan, at itatabi sa secured na lugar.

Hindi nito nakakalimutan na lagyan ng plastic ang mangkok at maski ang cake, may chansa na langgamin ito kapag nagkataon.

Gustuhin man niya na itama ang anak na dapat ilagay na sa kaserola para diretso iinitin na lang kaso naalala niya na palaging nasa mataas na parte ang mga ito kaya siya na lang ang nag-a-adjust.

As long as his son love to help him.

Tanging si Zefhan lamang talaga ang hindi kayang makita ang kapatid na gan'on ang ginagawa.

Gusto niya kasi na magsabi muna bago kunin kung ano man ang nais niya.

Lahat ng mga pangaral ng ama nila ay siya ang nag-se-seryoso. Maski na rin ang guro nila na tinuturuan sila nang tamang asal.

Samantalang si Kidlat naman ay bibo at makulit. Nag-se-seryoso rin naman ito pero kapag patungkol na sa ama niya.

Ayaw niya na may naririnig na kung anu-ano na salita sa ibang tao kung anong klaseng ama si Alrich. Doon lamang nabubuhay ang pagiging malamig niyang bata kapag kapakanan na rin ng ama nila.

Sa murang edad, ang tangi lamang gusto ni Kidlat ay ang ama niya. Wala na siyang pakealam sa kung sino ba ang isa pa sa ama nila.

Dahil noong naghihirap ang ama nila, nasa'n ito?