"By the way, I'm Jin Weilan. If I give you 5 million Yon, will you now share your name?"
Tanong nito kay Alrich nang may seryoso ang mukha. Lahat ng mga taong nasa direksyon niya ay nagulat at namangha.
Sino bang hindi masisindak?
Kung bibigyan ka ng gan'ong kalaki na halaga para lang sa pangalan mo.
Subalit napaisip din sila na kulang pa ang pera na iyan para sa pangalan ng nag-iisang True Beauty sa harapan nila.
Kaya nagsimula na rin ang iba na taasan ang presyo. Animo'y nasa loob sila ng isang entablado kung saan may mga produkto na nasa gitna ng mga tao at patuloy na nagtataas ng bid. Kapag wala ng nagtaas pa ay siya na ang panalo.
"Thank you but I hope everyone respect my privacy. You can call me Rain..."
"Why? May pinagtataguan ka ba?" Pananabat na naman ni Jin Weilan kay Alrich kaya natahimik siya.
Lumakas din ang tibok ng puso ni Alrich dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
Gusto niyang isigaw sa mukha nito na;
'Oo, meron. Kayo iyon!'
Pero kalmado lang siyang ngumiti sa lalaki at sinagot na nga ang tanong nito bago pa mag-isip ang lahat na baka nga gan'on na nga.
"If I am, then I should wear mask or not working in this crowded place."
"Yes, he's right!"
"He's the same with us. We need privacy too."
"Everyone wanted privacy. We should respect it!"
"That's right. Whatever his reason is, it's not our business."
Mga bulungan ng mga artista sa loob ng restaurant. Patango-tango pa sa sinabi nito dahil batid nila kung gaano ka-importante ang pribasiya.
Lalo na kung nasa mundo ka ng Entertainment Industry.
Pero hindi ibig sabihin na dapat kayo lang ang makaranas no'n. Maski na rin ang mga ordinaryong tao, katulad ni Alrich, na makaranas ng privacy.
"I'm sorry." Hinging paumanhin ni Jin Weilan nang mapagtanto niya kung ano ang mali niya.
Tumayo pa siya sa pagkakaupo at marahang lumapit kay Alrich. Samantalang si Alrich naman ay napatuod na lang sa kinatatayuan, hindi alam kung ano ang gagawin.
Maglalakad ba siya palayo? Lilisanin ang lugar na ito upang hindi siya pansinin lalo ni Weilan o hayaan na lang.
Hindi niya alam.
Nanatili lang siya sa kaniyang kinaroroonan. Naghihintay sa gagawin nito.
Pero hindi niya inaasahan na yumuko ito sa kaniyang harapan. Walang pakialam sa sasabihin ng tao. Kaya napaatras siya nang ilang hakbang subalit hindi pa rin nawawala sa kaniyang mukha ang pagiging kalmado.
Kahit na sa isip-isip niya ay gusto na niyang sumigaw dahil sa kahihiyan.
P'wede bang time-first?!
"It's okay. I don't mind. Then, I need to go back." Yumuko rin siya sa harapan nito sabay lakad na rin pabalik sa kusina.
Hindi na niya pinansin pa ang mga sinasabi ng mga tao. Ayaw niya ng makisalamuha sa kanila.
Kung p'wede lang bang bilisan ang oras, gagawin niya.
Dahil ayaw na niyang manatili sa lugar na mayroong Jin Weilan.
But Alrich didn't know that after he left, Jin Weilan grinned in silence.
***
The celebration of the 7th Anniversary in Entertainment Industry of Jin Weilan, continued till evening.
But Alrich already said goodbye to others and to his manager when six in the afternoon came.
Kahit na gusto pang panatilihin ng lahat si Alrich sa restaurant dahil nagagawa nito ang lahat ng mga utos ng mga bisita, pero hindi nila magawa dahil kawawa ang mga anak nito.
Ayaw rin nilang masisi sila kapag may nangyari na masama kaya hinayaan na lang nila si Alrich na umalis.
Pero sa paglisan nito sa selebrasyon, marami sa mga artista ang napapatanong na lang kung nasa'n si Rain. Bakit hindi na ito ang nag-se-serve sa kanila? At kung anu-ano pa.
Ang tangi na lamang na di-na-dahilan ng mga kasamahan ni Alrich ay kailangan na talaga nitong umuwi dahil may gawain pa ito sa gabi.
Ayaw rin nilang sabihin na may mga anak na ito kaya hindi na nagpagabi pa.
Katulad nga ng sinabi ni Alrich sa mga bisita, we need to respect his privacy.
That's why they will never disclose his secrets.
"Sayang. Gustong-gusto ko pa naman ang bata na iyon. Bakit nga pala hindi pumunta si Jin Linran? May galit ba kayo sa isa't isa?" Tanong na naman ni Shen Yu sa kaibigan na hindi pa rin nagsasalita simula ng matapos ang pag-uusap nito sa waiter na iyon.
Alam niyang ganito talaga ang ugali ng kaibigan. But Jin Weilan was the greatest actor in this generation without focusing on his usual attitude to others.
Maamo ang mukha pero malamig ang pakikitungo sa iba. Lalo na't hindi naman kayo magkakilala.
"We're not. We're brothers who stick together. Sharing what we have, even in relationship, we shouldn't be unfair to each other."
"What?" Mabilis na nilapit ni Shen Yu ang kaniyang bibig sa tenga ni Weilan upang may ibulong. "You mean, if you have a girlfriend, then it's his girlfriend too? Am I right or wrong?" Pangkaklaro pa niya rito.
Baka nagkamali lang siya ng pag-iintindi.
Alam ni Shen Yu na may ganitong klase na tao na walang pakealam kung may gusto ang kapatid sa girlfriend niya o hindi kaya ay magkaroon din ito ng relasyon sa kasintahan.
Pero hindi niya lang inaasahan na ang palagi niyang kasama ay ganito rin ang mindset. Akala ni Shen Yu stick to one person o Possessive type itong si Weilan.
Subalit hindi rin pala.
"Yeah. You're not wrong. We're twins, it's not a problem anyway." Kasuwal na tugon nito na ikinabuntong hininga na lang ni Shen Yu dahil ayaw niyang makisali sa business ng taong ito.
Para sa kaniya, kahit na kapatid pa niya o kambal ito, kung siya ang nauna sa relasyon, dapat sa kaniya lang. Ayaw niya ng kahati. Ayaw niya ng may umaagaw sa atensyon ng mahal niya.
That's why... Forget it! D*mn!
Buhay nga naman ng mga bilyonaryo.
***
Nang makauwi na si Alrich sa apartment na tinutuluyan pansamantala nilang mag-a-ama. Napansin niya sa labas ang isang lalaki na hindi nalalayo ang edad sa kaniya na nakatayo sa labas ng apartment nila.
May hawak-hawak itong camera. Nakatanaw sa labas ng bahay habang malalim ang iniisip.
Hindi napapansin ang pagdating ni Alrich sa kinaroroonan niya.
"Hey, Mister. What are you doing in our house?" Tanong ni Alrich dito na naging sanhi para mapalingon ang lalaki sa likuran.
Nakita nito sa harapan ang magandang lalaki na mahaba ang buhok na kumikinang, kahit wala namang ilaw.
Malamig ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya. Naghihintay sa sagot na hindi niya narinig dahil na-heartstruck siya sa gandang taglay na meron si Alrich.
Kahit na naka-ordinary clothes lang ito, animo'y nagiging mamahalin ang suot nito dahil sa nagsusuot.
Tamang-tama lang sa tunay na pakay niya.
Pero pansin ni Yin Felix na kamukhang-kamukha nito ang magkambal na bata na pumasok sa loob ng bahay na ito.
Alam niyang mali na kausapin ang mga bata, ngunit gusto lang talaga na alukin ni Felix ang dalawa na maging modelo sa kaniyang kompanya.
At the age of 25, he finally achieve his goal to build a company that can provide modeling and filming.
Naging sikat din ito sa iba't ibang bansa at marami ang gustong sumali sa kompanya niya.
Kaso mapili talaga si Felix sa tatanggapin. Hindi niya kailangan ng ganda ng mukha mo kung balasubas ang ugali mo.
Gusto niya 'yung modelo na kayang magpakumbaba at kahit na wala na sa mundo ng industriya, marunong pa rin itong rumespeto sa kompanya na nagpaahon sa kanilang buhay para na rin sa reputasyon.
Dahil na rin sa pagiging picky niya na tao, isang taon lang tumatagal ang mga kontrata nila. Either because Felix terminated the contract or the other party breach the contract.
Mainly reason; attitude, disrespect, and scandals.
That's why Felix decided to give up recruiting and let the management do this instead.
Siya ang magiging huling final judge sa mga nahanap nila.
Parang wala pa ring pinagbago.
Sa katunayan ay bumisita lang siya sa kindergarten upang kausapin ang kapatid na guro ng mga bata.
Sa hindi inaasahan na maagaw ng atensyon niya ang dalawang bata na sobrang magkamukha sa isa't isa.
Angat na angat ang ka-gwapuhan ng mga ito. Kapag tumatawa sila, nag-se-seryoso, o ngumingiti ay parang may anghel na bumababa sa lupa upang sabuyan ang dalawa ng magic dust kaya kumikinang silang dalawa.
Masasabi niya na perfect na perfect ito sa bago niyang ipapalabas na mga fashion design for kids, na ginawa pa ng isa sa batikong Fashion Designer sa bansang F.
Kaso kahit anong pilit niya sa mga bata ay ayaw nitong makipag-usap sa kaniya.
Lalapit pa nga lang siya sa kanila ay kumaripas na agad ito ng takbo papalayo.
Kaya naisipan niya na sundan ang dalawa upang kausapin ang mga magulang nito.
Baka sakaling pumayag ito sa alok niya.
Lalo na't halata sa pamumuhay ng mga ito na hindi gan'on kagandahan. Sinong hindi ma-te-tempt sa malaking sweldo?
Ang hindi niya lang inaasahan na siya pala ang maaakit. Para siyang sinampal sa mukha nang makaharap na ng tuluyan ang mga ama nito.
Ngayon niya lang din napagtanto kung saan ito nagmana.
'Sh*t! May ganito pa palang kaso na kuhang-kuha ng anak ang mukha ng ama nila. As in parang mini version niya lang ang dalawang bata. Ako kasi pagiging picky lang ang namana ko sa ama kong sumakabilang bahay.' Singhal ni Felix sa kaniyang sarili.