"Daddy, we're going!" Masiglang paalam ni Kidlat sa ama sabay halik sa pisngi nito.
Gan'on din ang ginawa ng panganay habang sinasakbit ang kaniyang bag.
"Dad, see you." Tugon nito saka sabay na silang naglakad papasok sa kanilang room na ngayon ay kakaunti pa lang ang studyante.
Malapit lang din ang paaralan sa apartment kunting lakad lang ay nandito ka na. Kaya hinahayaan na niya ang dalawa na umuwi kapag hapon, may dala naman itong mga baon sa tanghali upang hindi na mag-abala pa na umuwi.
Pinapaalalahanan na lang ni Rich ang dalawang bata na huwag sasama sa hindi kilala. Sumigaw kapag may sumusunod o hindi kaya ay tumakbo kapag malayo pa.
Huwag kukunin ang candy o pera na ibinibigay. At kung anu-anong paalala na tanging kaligtasan lamang nila ang iniisip niya.
"Take care. Always remember my reminders, okay?"
"Yes, dad/daddy!" Masunurin naman nilang tugon kaya nakangiti lang na pinisil ni Alrich ang pisngi ng magkambal bago magpaalam upang pumunta na sa trabaho niya.
***
"Sakto nandito ka na, Rain. Alam mo ba na may mangyayaring selebrasyon sa restaurant. Inarkilahan ito ng isa sa batikong actor sa Entertainment Industry. Grabe hindi na ako makapaghintay na mag-serve sa kanila." Pambubungad agad kay Alrich ng balita galing sa kasamahan niya.
Nakita niya pa rito kung gaano nasasabik ang lalaki sa mangyayaring event sa restaurant na pinagtatrabahunan nila.
Kahit na hindi interesado si Alrich sa narinig, nagpanggap pa rin siya na sana mangyari na ang eksena.
"Hmm..."
"Alam mo rin ba na kapag maganda ang service mo dadagdagan ng may-ari ang sahod natin! Hah! Gagawin ko talaga ang lahat para makakuha ng bonus. Hindi ko palalagpasin ang araw na ito."
'Ako rin.' saad ni Alrich sa kaniyang isipan at nagsimula na ngang magpalit ng uniform.
Alas otso mangyayari ang selebrasyon hanggang gabi. Pero dahil hanggang afternoon shift lang siya, hindi niya makikita ang mga mag-pe-perform na banda na kilalang-kilala rin sa entertainment industry.
Hindi rin pinilit ng management na hanggang gabi ang shift niya dahil may inaalagaan din siya na mga bata.
Naghihintay sa pagdating ng kanilang ama kaya wala ng nagsalita o nagkumbinsi.
Nang sumapit ang ika-walo ng umaga. Sunod-sunod na ang pagdating ng iba't ibang artista na kilala sa Entertainment Industry.
Mga magaganda ang kasuotan, kumikinang sa sinag ng araw. May mga security guard din na nakapalibot sa buong restaurant upang harangin ang mga uninvited guest.
Samantalang ang mga waiter at waitress naman ay abala na rin sa pag-se-serve ng mga inumin sa bisita bago magsimula ang selebrasyon.
Nang makarating na si Alrich sa panibagong guest upang dalhin ang wine na hindi nakakalasing kahit na ilang beses mo pang inumin, when someone called him and asked him to come to them.
Grupo ito ng mga kabataan na may magaganda ang mukha. Limang babae at apat na kalalakihan.
"Do you need something, ma'am or sir?" Magalang niyang tanong sa mga ito.
Pero kapansin-pansin ang pagtili ng ilan sa mga kababaihan at ang tatlong lalaki rin ay namumula na sa kanilang nakita.
Kahit na nakasuot lang si Alrich ng normal na waiter uniform. Angat na angat pa rin ang kaniyang kaputian, kapag natatamaan ng sinag ay mapapapikit ka na lang dahil sa liwanag.
Lalo na rin ang hindi na gan'on kahabaan na kulay gintong buhok na kumikinang din dahil sa ilaw.
Pero mas nakakaakit ang kaniyang kulay lila na mga mata at mahahabang pilikmata na minsan ay magseselos ka na lang dahil hindi na kailangan pa ng extension.
Gan'on din ang maliit niyang ilong na sobrang tangos na akala mo'y pinaretoke at pulang-pulang labi na isang ngiti lang ay mahihimatay ka na lang talaga.
'This is the True Beauty.' Sa isip-isip ng mga tao na nasa harapan ni Alrich.
Lalo na rin ang mga nasa malayo na nakatanaw sa binata habang ang ilan ay pasimple na kinukuhaan ng litrato si Alrich sabay post sa Weibo.
@xxx✓: OMG! I found my future husband!
(Attached Photos)
@xxx✓: Now I realize that I'm still an average human being. How I wish I look like him. Too handsome!
(Attached Photos)
@xxx✓: This is kinda frustrating. The reason why I attend this kind of celebration's because I'm a fan of Master Weilan, now, I don't know. Who's him? Is he's still single? I can become a woman just for him! Lol!
(Attached Photos)
At marami pang iba na naging dahilan upang mag-crash ang Weibo sa patuloy na pagtaas ng popularity ng litrato ni Rich na panakaw lang nilang kinuha pero kahit na shaky ay kitang-kita pa rin kung gaano ba nabiyayaan ng kagandahan ng mukha si Rich.
Ang mga nakatambay o maski nag-i-scroll lang sa Weibo ay napapatigil sa litrato. May ilan na si-ne-save ang mga magagandang kuha at may ilan ang shi-ne-share sa iba ang post ng idolo nila.
Mayroon din na mga tao ang naghahanap sa Weibo ng binata sa litrato pero ni isa ay wala silang nakukuha.
Sino siya?
Mga katanungan nila.
Subalit sa gitna ng restaurant, may isang lalaki ang nakatitig sa direksyon ng binata na patuloy sa pag-a-accompany sa mga bisita.
May mga nagsasalita sa direksyon niya na panay batikong actor o actress din sa mundo ng Entertainment.
Kahit na siya ang kausap nila, ang kaniya namang atensyon ay nakuha ng binata na iyon.
Sino bang hindi?
Lahat naman tayo ay napapatitig sa magandang bagay o kahit isa pa itong tao. Kahit na lalaki rin ito, angat na angat ang kaniyang kagandahang mukha sa mga bisita.
Minsan napapaisip na lang siya na kung papasok ito sa mundo ng Entertainment Industry, panigurado siya na sisikat agad ito.
Karamihan sa mga fans ngayon ay mas pinapansin ang mukha kaysa sa talento.
Mayroon din na kuntento na sa kakayahan mo kahit na hindi ka gan'on kagandahan ang mukha.
Subalit mas lamang pa rin ang mga ganitong itsura.
"Master Weilan, sinong tinitingnan mo?" Takang tanong ng katabi ni Weilan na si Shen Yu bago ito mapalingon din sa binibigyan nitong atensyon. Nang makita ni Shen Yu kung sino ang tinitingnan ni Weilan, napangisi siya nang palihim.
'Akalain mo nga naman. I thought I am the only one or we're the only one who got struck to that young boy's beauty. Even Master Weilan too! This is surprising!' Nasisiyahan na sigaw sa isipan ni Shen Yu at patuloy na pinagmamasdan kung paano tumaas o hindi kaya ay bumaba ang kilay sa matinding pagkadisgusto kapag may lumalapit at nagpa-pa-picture sa binata.
Kaya palihim na inutusan ni Shen Yu ang isang waiter na si Alrich ang mag-serve sa lugar nila.
Switching position kumbaga.
Sakto na ang inutusan nito ay ang palaging nagku-kwento kay Alrich sa mga bagay-bagay na nararanasan nito.
Kaya hindi ito nagdalawang-isip at mabilis na pumunta agad sa direksyon ni Alrich na papaalis na sa mga bisita matapos ang pagbigay ng drinks.
"Rain, Rain!" Mahinang tawag ni Saint. Pangalan ng kasamahan ni Alrich.
"What?" Kalmado nitong wika kaya agaran na hinila ni Saint si Alrich papasok sa counter.
"They wanted to switch our position. Gusto nilang ikaw ang mag-serve sa kanila. Ingat ka, dahil 'yung tahimik na lalaki ro'n ay ang kilalang-kilala na aktor, at siya rin ang nag-arkila sa restaurant. Mukha lang maamo ang mukha no'n pero kapag may mali kang nagawa, sermon ang aabutin mo. Kaya mag-ingat ka. Okay?" Matapos nitong sabihin ang nais na ipahayag ay dali-dali na rin itong pumasok sa loob ng kusina upang dalhin na ang mga pagkain.
Lalo na't magsisimula na talaga ang tunay na pagdiriwang nang makompleto na ang lahat ng mga dadalo.
***
"Can I ask your name?" Shen Yu asked Alrich for consecutive hours but he didn't get a response from him.
Para kay Alrich hindi talaga niya ugali na ipagsabi kung ano ba ang pangalan niya. Because he respect his privacy, even though it can start argument.
"No, sorry." Paumanhin na lang niya rito.
Yumuko pa siya sa harapan ni Shen Yu. When he wanted to leave the circle, someone called him again.
"Wait,"
Napalingon naman si Alrich sa lalaki na kanina pa nakatitig sa kaniya. Tahimik lang ito. Kaya napagtanto ni Alrich na ito ang tinutukoy ni Saint na kilalang-kilala na aktor sa Entertainment Industry.
Pero anong pake niya?
"Do you know me?" Tanong ulit nito sabay turo pa sa sarili. Kaya napailing siya.
Paano niya makikilala ang lalaki kung nasa isipan niya lang ay ang mga anak niya?
Saka hindi pa naman sila nagtatagal sa siyudad na ito matapos makawala sa Isolated Place, kaya hindi niya pa kilala ang mga tao.
And the fact that... he doesn't give a d*mn.
"By the way, I'm Jin Weilan. If I give you 5 million Yon, will you now share your name?"