ELVIRA'S POV
Nakakainis ang babaeng yun. Magbibigay ng laruan yung patapon pa. Bobo ba siya?! Dapat di na siya nagbigay pa. Tsaka pumunta pa siya dito. As far as I know tapos na sila ni Jax ah. Kainis!
Nasa mall na kami ngayon at nagiikot at tumitingin ng mga laruan.
"Pumili na kayo ng laruan na gusto niyo. Kahit ano, Ate will buy it for you." Sabi ko sa kambal.
Excited naman silang nagikot sa loob ng bilihan ng laruan.
Sumunod naman kami ni Jax. Ako ay kay Lora sumunod at si Jax ay kay Lori.
Nakita ko naman ang masayang mata ni Lora while staring to the dollhouse na pwede siyang magkasya dahil sa laki nito.
Pero binalik niya ito at ngumuso.
"Why? Ayaw mo ba?" I asked.
"Gusto po kaso po ang mahal po eh." Sabi niya.
Kinuha ko ang dollhouse at tinignan ang presyo.
219,999 lang pala. Akala ko kung magkano na.
"It's okay. Bilhin na natin ito. Pili ka pa." Sabi ko at inabot sa sales lady yung dollhouse.
"Pero mahal po yan eh." She protests.
"Ayos lang. Wag ka mag-alala about sa presyo. Just pick what you want." Sabi ko. "Dali na ako na bahala." Sabi ko.
Ngumiti naman ito at naghanap pa ng laruan.
Masyado siyang kuntento na sa kaunti lang dahil kumuha lang siya ng dalawang barbie doll na pwede niyang laruan at bihis bihisan.
"Ito lang? Sigurado ka?" I asked.
"Opo!" Nakangiting sagot niya.
"Okay let's go! Hanapin natin yung dalawa." Hinawakan ko ang kamay niya at hinanap yung dalawa.
"Lori hindi nga eh. Mahal yan." Dinig kong sabi ni Jax sa hindi masyadong malayo sami kaya agad namin siyang nahanap.
"Pero gusto ko ng kotse-kotsehan eh." Pagpupumilit ni Lori.
Lumapit kami doon at nakita ko yung kotse na pwede niyanh sakyan at i-drive.
"We'll get that also Miss." Sabi ko sa sales lady kaya tumango ito at kumuha yata ng isa pang stock.
"Ha? Pero mamahalin ya–" naputol ang sinasabi ni Jax nang makita yung cart sa likod namin na may malaking box.
Napatampal naman siya sa noo niya. Pero I smiled cutely at him kaya di na siya naka-angal pa.
Maya-maya lang ay may dumating na dalawang lalaki na naka-uniform rin at dala nila yung car na gusto ni Lori.
Pwede iyon sakyan ng dalawang bata. And parang mini version lang ng Lamborghini pero electric naman yun at madali lang sakyan at imaneho ng bata.
Binaba naman nila iyon kaya agad na nilapitan ni Lori iyon.
"Wow!" Tanging nasabi nito. "Pwede po sakyan?" Tanong niya doon sa sales lady kaya tumango naman ito.
Agad namang sumakay si Lori doon.
"Lora sakay ka rin!" Sabi ni Lori.
"Pwede?!" Tumango naman si Lori kaya sumakay na rin si Lora.
Nakita ko pa kung paano dahan dahan na minaneho iyon ni Lori at tawa pa sila ng tawa.
Matapos nilang i-enjoy yun ay binayaran na namin.
"Grabe ang mahal. Halos 500K agad nagastos mo." Sabi ni Jax sakin habang papunta kami sa parking lot.
Hiniram lang niya yung lumang pick-up ng Tito niya at yun ang ginamit namin papunta dito. Lumang model lang yun pero maayos pa rin naman ang takbo kaya lang walang aircon. Ayos lang rin naman kasi mas maganda ang natural na hangin ang nalalanghap namin na pumapasok mula sa bintana.
Kaya lang minsan amoy usok kapag nasa highway na kasi may mga jeep ba bumabyahe. Pero kapag puro palayan naman na ang paligid ibig sabihin ay kaunti na lang ang mga nadaang sasakyan doon at malapit na kami sa kanila.
Yung dalawang bata ay nakasakay sa sasakyan nila.
Pagdating sa pick-up ay nilagay ni Jax yung mini toy car tapos yung laruan ni Lora na dollhouse. Ise-set-up daw yun ni Jax sa sala nila mamaya dahil doon lang ang may malaking space.
PAGDATING SA kanila ay sinalubong kami ng Tito at Tito ni Jax.
"Oh? Ano yan? Hala jusko! Mamahalin yang mga iyan ah!" Gulat na sabi nung Tita ni Jax nang makitang binaba ni Jax yung sasakyan at nilagay sa loob. Ganun din ang dollhouse.
"Sinubukan kong pigilan siya pero binili pa rin niya." Sabi ni Jax kaya nginitian ko ang Tita niya.
"Eh magkano naman ang mga yan?" Tanong ni Tito.
"500 thousands lang po." Sagot ko na ikinagulat pa lalo nila.
"500 THOUSANDS?!! LANG?!?!?" Nagkatinginan pa sila at halos himatayin pa ang Tita ni Jax.
"Yung 500 thousands nila-lang niya. Kapag satin yun may mas maganda na tayong bahay." Dinig kong bulong ng Tito ni Jax.
"Should I call an engineer to renovate your house? Ako na po bahala sa babaya–"
"Ay hindi, ineng! Wag ka makinig dito, nagbibiro lang siya! Tama na yung nagastos mo sa mga bata! Okay na talaga yun! Ayos na rin kami dito sa bahay namin." Pangungumbinsi pa ng Tita nito.
"Sure po kayo?"
"Oo! Oo! Sure na sure!" Tila ba nahiya bigla ang Tito ni Jax sakin kaya nginitian ko na lang sila.
"Kuya Jax ayusin mo na po yung house please! Please po Kuya." Pagpasok sa loob ay nakita ko naman ang pagpupumilit ni Lora.
"Fine! Sige na aayusin na ni Kuya! Basta kayo ah, walang mag-aaway. Share kayo sa laruan niyo ah! Natatandaan niyo pa ba ang sinabi ko noon?" Pangangaral ni Jax.
"Opo. Matutong makuntento sa kung anong mayroon ka at i-share ang mga bagay na mayroon kaming kambal." Sagot ni Lora.
"Good. So anong gagawin niyo?"
"Pasasakayin ko siya sa kotse ko kapalit ay papasukin rin niya ako sa bahay niya." Sagot naman ni Lori kaya tumango tango naman si Jax at nag-thumbs up pa.
"Laro muna kayo doon sa labas at paguei niyo tapos na itong bahay bahayan." Sabi ni Jax. "Sama niyo na rin si Ate Elvira niyo." Bulong pa nito pero dinig ko naman.
"Okay po!" Sagot ng dalawa at lumapit sakin. "Ate Elvira tara na po!" Sabi nila at hinawakan ang kamay ko.
"Ay teka, Elvira. May pumunta nga palang isang babae at dalawang lalaki dito. May binigay silang bag na laman daw ay damit niyo for three days. Nasa kwarto niyo na at naayos ko na yung kwartong gagamitin niyo. Sabi ko nga ay intayin na lang kayo pero ayaw nila dahil marami pa daw aasikasuhin about sa kasal niyo. Basta daw bumalik kayo sa 23." Paliwanag ng Tita ni Jax kaya tumango ako.
Hindi pa ako nakakasagot ng maayos ay hinila na ako ng dalawa.
"Saan tayo pupunta?" I asked.
"Nakakain ka na po ba ng ihaw ihaw Ate Elvira?" Tanong ni Lori.
"Ihaw ihaw? I know ihaw but I don't know what food."
"Masarap po iyon Ate Elvira. Marami pa nga eh. Tapos may iba pang food na masarap na makikita sa gilid lang. Ano nga tawah doon Lora?" Tanong naman nito sa kambal.
"Street foods yata yun eh." Sagot nito kaya napa-aahh naman ako.
"I know that pero di pa ako nakakakain eh. Bili tayo?"
"Sige po! Sige po!" Excited na sagot nila kaya nginitian ko sila at naglakad na kami.
Maya-maya lang ay may nakikita na kaming mga nagtitinda na may mga usok sa paligid.
"Hello po!" Bati nung kambal doon sa babaeng nagiihaw na tingin ko ay mas bata sakin.
"Bibili po kami madami!" Sabi ni Lori kaya tumango ito at itinuro yung mga tupperware na may lamang mga pagkain na iniihaw yata.
Nang mapatingin ito sakin ay nanlaki pa ang mata nito, nginitian ko naman siya.
"Anong gusto niyo?" Tanong ko sa kambal.
"Akin tatlong isaw, tatlong dugo and isang hotdog." Sabi ni Lora kasabay ng pagturo niya nung gusto niya kaya kumuha ako ng kung ilan ang sinabi niya.
Binigay ko yun sa babae at niluto nan niya iyon.
"How about you, Lori?" I asked.
"Hmmm," nagisip naman siya. "Ayoko po niyan gusto ko po yung sa kabila mo na mga fishball po." Sagot niya kaya tumango ako.
"Inyo rin ba yan, Miss?" Tanong ko at tinuro yung kabilang mesa.
"Opo." Sagot nito kaya lumapit ako dito.
Hindi naman ako ganun ka-ignorante sa ganitong bagay kasi naalala ko bigla na minsan na nga pala akong dinala ni Cindy sa mga ganitong kainan.
"What do you want?" Tanong ko kay Lori.
"Limang pisong fishball po at dalawang malaking kwek-kwek." Sagot niya kaya kumuha ako ng malaking baso at nilagay yung mga lutong fishball at yung dalawang kwek-kwek na gusto niya.
"Here." Pinahawak ko sa kaniya yung baso at kumuha ng stick. "Be careful sa stick, ha." Paalala ko kaya tumango siya.
"Sauce po, Ate Elvira." Sabi niya at tinuro yung sauce na gusto niya kaya nilagyan ko yung baso niya.
Ako naman ay kumuha ng dalawang malaking kwek-kwek at isang siopao na malaki.
"Ikaw, Lora? May gusto ka pa?" I asked kaya tumango siya.
"Siomai po." Sagot niya kaya kumuha rin ako ng limang siomai kasi baka di niya maubos.
Ang alam ko ay yung mga iniihaw is pwedeng ulamin kaya kumuha ako ng medyo marami at iba't ibang klase nun.
Bumili rin kami ng sago't gulaman at kinain doon ang binili habang iniintay yung maraming ihaw na bibilhin namin.
Nang matapos ay napag-desisyunan namin na umuwi na.
Kaso malapit na kami sa kanila nang may makita akong babae na papasok sa bahah nina Jax.
"Si Ate Elena yun ah." Rinig kong sabi ni Lori kaya nagmadali kaming pumunta doon.
"...sorry di ko alam na nandito ka pala." Dinig kong sabi ni Elena pero di ko alam kung ano ang una pa niyang sinabi.
"Ano pang ginagawa mo dito? Tapos na tayo ah." Sabi ni Jax.
"May ibibigay lang kasi ako sa mga bata eh. Mga laruan." Sabi niya.
"Mga sira nanaman." Narinig kong bulong ni Lori sa kapatid niya pero di narinig ni Elena kasi titig na titig siya kay Jax.
Kahit nga paglapit ko sa likod niya ay di niya rin naramdaman.
Napatingin sakin si Jax at umiling siya na parang sinasabi na wala siyang ginawa at di rin niya alam kung bakit nandito ang babaeng ito.
"Anong ibibigay mong laruan? Mga sira at parang isang hulog lang ay sa basurahan na ang diretso? Hindi na nila kailangan yun. I can buy the toy store for them to enjoy their childhood and to enjoy brand new toys. Hindi gaya nung mga bigay mo." Sabat ko kaya napaharap siya sakin.
Nagulat pa siya nang makita ako.
Bakit ba ito nandito? May gusto pa rin ba siya kay Jax? Nagpabuntis na siya sa iba kaya dapat ang asikasuhin niya yung sarili at magiging pamilya niya.