Chereads / Marrying My Obsession / Chapter 15 - CHAPTER 13

Chapter 15 - CHAPTER 13

JAX'S POV

NAKAUWI na kami ng Pilipinas pero dumaan lang kami sa Manila para kumuha ng dalawang invitation card at dumiretso na kami sa Cebu.

Pupuntahan namin ang isa ko pang kapamilya dito. May mga pinsan kasi ako dito kaya iimbitahan na namin sila sa kasal namin.

Isa lang naman talaga ang kapamilya namin dito which is kapatid ni Nanay yung Tito ko. May dalawang anak rin na bata pa pero di ko alam kung bakit may extra pa siyang dinala na invitation card.

"Jax." Pagtawag ni Faye pero tinaasan ko siya ng kilay dahilan para matawa siya. "Sorry nakalimutan kong Daddy nga pala ang gusto mong itawag ko sayo."

Hindi ko alam pero gusto ko ng paulit ulit niyang itawag sakin ay Daddy. I think I'm addicted with it already.

"Daddy darling, what if invite natin si Elena." Suhestiyon niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"May pina-plano ka nanaman ba?" I asked.

She chuckled. "Wala ah. Since may pinagsamahan naman kayo, invite na natin sila." She said pero bigla ay sumeryoso ang mukha niya. Her she goes again with her jealous bratty attitude. "Bakit? Ayaw mo? Dahil ba nanghihinayang ka at hindi ka sa kaniya ikakasal? O nagseselos ka dahil baka kasama niya yung anak ng mayor?!"

Halata sa boses niya ang pagseselos kaya niyakap ko siya mula sa likod.

Wala akong pakealam sa mga nakakakita sa paligid. Nasa daan kasi kami at naglalakad lang. Malapit lang naman sa nilapagan ng chopper ang bahay namin.

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin eh. Kaya wag ka na mag-selos." Pagpapahinahon ko.

I know how to make her calm now. Everytime she'll get jealous or something I will just hugged her and she will get calm na.

"Eh gusto ko nga silang i-invite eh." Pagpupumilit niya pa.

"Okay sige. Basta wag ka na magalit. Iimbitahan na natin. Punta muna tayo kina Tita." Sabi ko kaya tumango siya.

Naka-simangot pa rin ito kaya pumunta ako sa harap niya at hinalikan ang noo, pisngi at labi niya. "Smile na." Sabi ko habang nakangiti. I kissed her lips again that made her smile pero halatang pinipigilan niya. Niyakap niya ako at sumandal sa dibdib ko na parang nagtatago kaya natawa ako.

"Tara na!" Excited na sabi niya kaya tumango ako at hinawakan ang kamay niya.

Pagdating sa bahay ay kumatok ako at pinagbuksan ako ni Tita.

"Agustus??! Ikaw na ba yan? Jusko, ilang taon na rin mula ng umalis kayo dito! Pasok! Pasok ka–" naputol ang sinasabi niya ng makita si Faye.

She smiled when Tita finally noticed her.

"Sino itong magandang ito? Napaka-gandang dalaga naman nito! Pasok kayo. Pasensya na at hindi magara ang bahay namin. Halata pa naman na mayaman ka, pasok ka ineng." Sabi ni Tita kaya pumasok na kami.

"Sino daw yan, Loli?" Dinig kong tanong ni Tito.

Lumabas siya sa kwarto at nagulat nang makita ako.

"Jusko?! Agustus?" Tanong nito kaya tumango ako. "Aba ang laki na ng pinagbago mo ah! Ang puti mo na!" Nilingon niya si Faye at mas lalong nagulat. "O mahabaging langit! Sino itong hulog ng langit na nasa loob ng aming tahanan?!" O.A na sabi ni Tito.

Pinaupo kami ni Tita sa mahabang upuan na gawa sa kawayan at umupo naman sila sa dalawa pang upuan na pang-isahan.

"Anong pangalan mo, Ineng?" Tanong ni Tita.

"Elvira po." Magalang naman na sagot ni Faye.

"Elvira, napaka-gandang pangalan. Kinsa siya? Imong kapikas? nindot na ayaw pasagdi kay basin magmahay ka! Tan-awa si Elena, gibuhian ka, miadto ka sa undead. Anak ra siya sa mayor pero dili gwapo!" Natawa naman ako sa sinabi ni Tita.

"Ano daw? Narinig ko pangalan ni Elena." Bulong ni Faye pero may pagseselos nanaman sa boses niya.

"Ang ganda mo raw, wag na kita pakawalan kasi baka magsisi ako sa huli. Gaya ni Elena na pinalitan ako sa hindi naman kagwapuhang lalaki na anak lang naman ng mayor." Pagpapaliwanag ko kaya napa-aahh naman siya at natawa.

"Di ba?" Sabi ni Tita na sinangayunan naman ni Faye at natawa pa sila.

"Nasaan nga po pala ang mga pinsan ko?" Tanong ko.

Kinuha ko naman sa bag ni Faye ang isang invitation card at inabot kay Tito.

"Nasa labas nanaman at naglalaro yata." Sabi ni Tita at tinignan yung binigay ko nung buksan iyon ni Tito.

"Jusko maryosep! Magpakasal ka na nga?! Pangitaon ko! Ang petsa sa kasal ni Elvira ug Jax kay Disyembre 25. Ang imong kasal kay Pasko na! Congrats!" Excited na sabi ni Tita.

Tumayo si Tita at nagsisisigaw sa may pinto.

"Mga silingan ang akong pag-umangkon makigminyo sa usa ka matahum nga babaye! Nagselos ka sa akong pag-umangkon nga dato pud ug naay gwapa ug buotan nga asawa!" Pagsisigawan pa ni Tita.

"Ano raw?" Tanong naman ni Faye.

"Sabi niya ikakasal na daw ang pamangkin niya sa magandang babae kaya mainggit sila dahil may magiging asawa ako na gaya mo, maganda na mabait pa. Well, duda ako sa mabait." Sabi ko at may kasamang pangangasar kaya pabiro niyang hinampas ang balikat ko dahilan para matawa si Tito.

"Kumain na ba kayo? Dito na kayo magtanghalian, tatawagin ko lang yung dalawa mong pinsan." Sabi ni Tito kaya tumango kami.

"Hon, pwede ba tayo mag-stay dito? Kahit 3 days lang? First ko lang dito eh." Sabi niya dahilan para matigilan ako. Hindi dahil gusto niya mag-stay kundi dahil sa panibagong pantawag niya sakin.

Okay I changed my mind.

"Sige sa isang kondisyon," sabi ko kaya tumango naman siya na parang excited. "Tawagin mo akong hon or darling o hubby o kahit na ano pa yan pero kapag tayo lang at nasa kwarto na tayo gusto kong Daddy ang itawag mo sakin." Sabi ko kaya napangisi naman siya.

"Sure. Madali lang naman yan eh. Daddy." Biglang nagbago ang boses niya nung pagkatawag niya sakin ng Daddy kaya napangiti ako.

"No hindi dito. Paguwi na. Let's just spend our time together here for the meantime as a sweet college couple." Sabi ko kaya tumango naman siya.

Kapag mag-stay kami ng 3 days dito ay makakauwi kami ng 23 sa Manila.

"Tawagan ko lang si Dad para masabihan." Sabi niya kaya tumango ako. Nilabas niya ang phone niya at tinawagan si Mr. Elviro.

Pumayag naman ito basta daw mag-enjoy kami at umuwi sa 23 dahil may bachelor party daw para sakin at bridal shower naman para sa kaniya.

Maya-maya lang ay dumating na yung dalawang pinsan ko na kambal. Babae at lalaki.

"Wow! May manika ba tayo 'nay? Ang ganda naman po ng katabi ni Kuya Agustus!" Sabi ni Lori ang lalaki.

"Kaya nga eh." Pagsangayon ni Lora, ang babae.

Lumapit sila kay Faye at ngumiti. Ganun din si Faye.

Kitang kita ko sa mata niya ang saya ng makakita ng bata. Naka-ramdam naman ako ng kaunting guilt kasi halata na gusto niya na talagang magka-anak.

Kaso wala pa kaming sariling pera. Hindi naman kasi sa lahat ng bagay at oras ay kay Mr. Elviro kami umasa kahit pa sabihin nito na sabihin lang sa kaniya kung may kailangan kami.

Kailangan rin namin kumilos habang maaga pa at magpatayo ng sarili naming business.

Since may napag-usapan na kami about doon ay naisip ni Faye na tumawag ng Architect at Engineer na tutulong samin pagkatapos ng kasal.

Pumayag rin ako kasi una pa lang naman ay gusto ko na rin talagang may sariling business at company.

Di ko lang talaga in-expect na may makakasama pala ako na tuparin iyon. Ni-hindi ko nga na-imagine noon na matutupad ang pangarap ko kasama si Elena eh.

"What's your name and how old are you?" Tanong ni Faye kaya nalito yung nga bata.

"Anong pangalan at ilang taon na daw kayo?" Si Tita naman na ang nag-translate.

"Ahhh. Ako po si Lora. Ako po ay lima na taong gulang! Ako pa ang naunang pinanganak saming dalawa!" Masiglang sagot ni Lora.

"Ako naman po si Lori, limang taong gulang rin po!" Sagot rin ni Lori.

"Saan kayo pumunta?" Tanong ulit ni Faye.

"Diyan lang po sa likod po ng bahay namin. May bahay po kami sa puno po naglaro ng mga laruan lang po na luma na bigay samin ni Ate Elena." Sagot ni Lora dahilan para mawala sa mood si Faye.

"Matagal na yun. Yung mga laruan nila matagal ng binigay sa kanila." Bulong ko.

Pero mukhang narinig yata ni Lori. "Kahapon po Kuya pumunta si Ate Elena dito kasama nung anak ng mayor may binigay na sirang laruan." Sagot ni Lori.

"Sira? Ibig sabihin patapon?" Inis na tanong ni Faye kaya tumango naman ang dalawa.

Ito nanaman siya. Gagastos nanaman ito.

"Let's go! Paliliguan ko kayo. And pupunta tayo sa mall bibilhan ko kayo ng maraming laruan." Sabi nito at tumayo at hinawakan ang kamay ng kambal.

"Po?! Nako Elvira wag na. Nakakahiya naman." Sabi ni Tita Loli.

"Okay lang po yun. Ako na po bahala." Sabi niya at umalis sila nung kambal na mukhang na-excite papuntang banyo.

"Mukhang kumportable siya sa bata at ganun din ang kambal sa kaniya. Halata rin na kapag nag-ka-anak yun handa siyang gumastos kahit gaano pa kamahal mapasaya lang ang mga bata." Sabi ni Tito kaya tumango ako.

"Dali! Maliligo kayo!" Sabi ni Elvira na paglabas niya ng banyo ay may dala na siyang dalawang malaking planggana.

"Nakakahiya tuloy." Rinig kong sabi ni Tita.

"Gagawin niya po ang kahit na anong gusto niya at di na kailangan ng permiso. Ako na po bahala, tutulungan ko siya." Sabi ko.

"Sigurado ba kayo?" Tanong ni Tita kaya tumango ako. "Sige at magluluto kami ng ulam para pagkatapos niyo ay kumain na muna tayo."

Tumango naman ako at sumunod sa kanila sa likod kung saan may poso doon.

"Paano ito gamitin?" Dinig kong tanong ni Elvira, tinulungan naman siya nung dalawa.

Ako naman ay nakangiting pinanood siya. Vinideohan ko pa muna siya at lumapit na doon para tumulong.