I've been busy the whole day. Fixing my clothes and other stuff. This flat is officially ours. Mom bought it when they had a business trip here. Dad argues about it cause it's too expensive daw but she insisted. Still. She bought it. Her reasons is reasonable. For our sake daw. For her two sons. Honestly speaking. Kung ako lang din. Si Dad ang papanigan ko. We are not complaining about money. It is not about money. Sadyang hindi lang ito kasali sa mga top list na kailangang bigyan ng priority. We have condos. Frankly. Two buildings of condos in Zambales and Cebu. Mom's hometown. I asked her why she bought this flat. And just answers it, "It's for you son. None other than.." See?. That's why we can't even argue her about it kasi we are currently using it now. Baka ibalik nya lang samin ang tanong ko. Sampal na iyon sa akin.
"But Mom, wala ka bang ibang maisip na investment aside from buying flats or condos?." I'm just asking this cause I want to annoy her. Honestly. I'm bored here and I need someone to talk to. "Ano ba Angelo!?." Sinuway ko din ang isang to dahil kanina pa kinukutkot ang kuko tapos inilalapit pa sakin ang kamay nya. Disgusting young man!.
"Nag-aaway na naman kayong dalawa?. My goodness Poro!." There she is. Her hysterical voice. Ang oa minsan!. Inilayo ko ng bahagya sa tainga ko ang phone dahil sa tinis ng boses nya. Pinindot ko ang speaker button at binaba sa gitna namin ng lokong Angelo.
"Mom, si Kuya kasi.." sumbong ng isip batang matanda na. Ulol!.
I just rolled my eyes at him dahil nginiwian nya ako't pinanlakihan ng mata.
"Anong ako?. Gago.."
"Aelus! Magtigil ka nga dyan sa mga mura mo. Hay naku!.." bumuntong hininga ito ng mahaba bago nagpatuloy. "Kapag kayong dalawa narinig ko lang na nag-away?. Naku!.."
"Mom, we're not kids anymore.." pagmamayabang pa ni Angelo. Ugali kasi ni Mommy na paluin kami noong mga bata pa kami kapag narinig nyang nag-away kami o nagsuntukan. And honestly, thanks to his innocence sometimes. Napapakinabangan din.
"Anong hinde?. Ni hindi nyo nga kayang magluto eh.."
Naku naman! Heto na naman kami!.
I need to cut this out. Asap!.
"Mom, wag nyo naman akong idamay. Matanda na ako for God's sake.."
"Anong ibig sabihin mo kung ganun Poro Aelus?. Mag-aasawa ka na ha?. Sino?."
Oh my goodness!!!
I said, I need time and space to unwind and rewind things in me tapos heto ang Mommy ko't nagpapaalala ng kahapon na iniwan ko.
Hindi nya ba alam na nasasaktan ako sa tuwing yung term na asawa ang binabanggit nya?. She knew the reason behind that. At Hindi nya pwedeng gawin nalang biro iyon ng basta basta.
"Mom, I have to go. May pasok pa ako.."
"But it's not yet 8 son?." I bit my lower lip for to me stop me from talking. 'Alam ko.' Isasagot ko sana ito kaso naisip ko na wag nalang pala.
"Ikaw na bata ka. Wag na wag kang gagawa ng bagay na alam mong ikapapahamak mo ha.."
"I know what I'm doing po.."
"Ok then. Angelo?."
"What?." Tamad na tugon ng isa.
"Tignan tignan mo yang Kuya mo ok?. Call me if you need anything.." umoo nalang ang kapatid ko para matigil na sya. Pero bago pa nya pinatay ang tawag. She mentioned that, they'll be here in a week. Pasyal lang daw sila. I don't know who's with her. Pero hula kong si Dad iyon. Sana nga because I need him much. Not that I ignore Mom. I just need Daddy's advice. For me to go on.
Angelo let me do my online class hanggang 2am. Then reminding me na kailangan kong matulog kahit tatlong oras lang para sa bagong umaga na darating. Para raw may lakas ako para magtrabaho. Honestly. Hindi ko na kailangan pang maghanap pa dito ng trabaho because Mom did her ways. Tinawagan nya ang Mommy ni Liz. Their company is a big operating industrial engineering in the city. That's why!. And she recommended me to her friends to join their public Attorneys operating office.
Naisip ko nga na hindi tanggapin ang trabaho. Subalit for me to have a new experience. I want to try. Even if it risk me. I mean. Both Liz parents and mine are dealing with businesses and they want us to get married. To get our business merge as one.
Na matindi kong kinontra kay Mom. I even warned her. Na kapag ginawa nya ang bagay na yun sa ngayon. Mag-aapply ako ng trabaho sa ibang company. And she hated that thing.
Morning. Si Dave ang naghanda ng almusal. Wala syang pasok. Mamayang hapon pa daw. While me. I need to hurry. Malapit na akong malate.
"Breakfast.." anunsyo nya. I just drop by his table at dumampot ng tinapay. Agad nilagay iyon sa labi at kinagatan ng malaki.
"Hindi ka ba uupo?."
"I'm in a hurry, Angelo."
"Why?. Akala ko ba companies general meeting ngayon?."
"Iyon nga, kaya kailangan hindi ako malate."
"Tsk.. hindi yan kuya.. Bababa ka lang naman dito. Dyan na ang office place mo. Why so hurry huh?."
"Ang dami mo talagang alam Dave Angelo. Alam mo ba yun?." Tumawa sya. Ay mali. Ngumisi ng matindi.
"Hindi mo pa binabasa yung sulat sa'yo?. Why?."
Hindi ko sya sinagot. Basta hinila ko nalang ang isang upuan na kaharap nya saka sumandok ng kanin. Kumuha din ako ng itlog, ham at hotdog. Bago sumubo.
Tama nga sya. Dyan lang naman yung office sa baba. Kaya kakain muna ako.
"Don't ask please. I'm eating." Rason ko.
"Tsk!. Babasahin mo ba yun kapag sinabi kong sulat kamay ni Kendra yun?."
"Pero Z ang initial nung sulat. So it came from Zaldy. Not her.." giit ko. Tinaasan nya din ako ng kilay.
"Di mo ako maloloko boy!." Asar ko dito.
Ngumiwi lang sya.
"Pero ang sabi, apology letter daw yan.. pero di ko nga lang sure kung kanino galing dahil si Dennis ang nag-abot sakin nyan."
See? Pati ako naguluhan din.
"Itapon mo nalang pwede. O sunugin."
Parang nadurog ang puso ko sa sinabi ko din mismo.
Tumayo pa si Angelo para kunin mismo yung sulat na nasa center table nung sala. At pinatong sa gitna namin.
It's like. He's provoking me to eat his bait.
"Hindi mo talaga babasahin?."
"What for?. Masaya na sya diba?. May iba na sya?. Bakit ko pa sasaktan ng husto ang sarili ko para sa iba?." Natahimik sya. Parang ngayon nya lang napansin na seryoso nga ako.
"You're right." Tamad nya lang sambit saka kinuha ang papel na nasa gitna namin at binalik muli sa center table. "I wish you won't regret this someday.."
Hindi ko na sya pinanood ng tumalikod sya't kinuha ang lighter to lit the fire. Para kasing ang puso ko ang nasunog sa parteng iyon. Nadudurog na parang abo ito na hinding hindi na kailanman mabubuo.