Chereads / Pagdating Ng Panahon / Chapter 59 - Chapter 9: Text

Chapter 59 - Chapter 9: Text

Bumaba nga ako ng building namin para pumasok na. Subalit ang suot kong sigla nang nagising ako. Nawala nalang basta nang malaman at marinig mula kay Angelo na galing kay Kendra ang sulat. Ang pinagtataka ko, kung sa kanya galing iyon. Bakit initial ni Zaldy ang naka print sa front face nito. It's not even from her.

Yun ang pinakamalaking tanong sakin. Kaya ko naman sanang malaman kung kanino ba talaga galing iyon subalit yung pride ko na nasaktan ang syang pumipigil sakin.

I know Angelo is not giving a trick on me or something. Or maybe he is. But either of the two. Nakadepende pa rin sakin ang kung anong gagawin.

He gave me my choice. He even let me decide nang may ten minutes pang natitira bago lumipad ang eroplano sa himpapawid patungo dito. But I choose not to go. Gusto ko talagang lumayo. Pumunta sa lugar kung saan hindi ko sila nakikita. Kaya ko namang gawin iyon sa Pilipinas subalit iba pa rin kapag may dagat nang agwat. I mean. Hindi ka basta bastang makakauwi sa tuwing may humihila sa'yo pabalik.

Kaya heto ako ngayon. Living my life.

"Hi, Aelus?.." bati sakin ni Jack. One of my colleagues here. Sya yung unang tao na nagsabi sakin na I should try to work here in Singapore. Actually, I knew him before pa. It's like an old friend way back in Zambales. Kababata. So apparently, he knew also Liz.

"Tsk.. Aelus ka ng Aelus. Poro na nga lang.." asik ko while walking with him. Papunta kaming elevator nang tinawanan nya ang sinabi ko.

"Gago! Ang arte mo pa rin haha.." dagdag pa nya. So?. Tinaasan ko sya ng kilay. "Oh, baka naman kaya ayaw mong tawagin kita ng ganun kasi may specific na tao ang tumawag na sa'yo ng Aelus?." Dinunggol nya pa ako nung nasa loob na kami ng elevator . He's starting this day with a teasing smile. Tsk!.

"Tsk.." Singhal ko lang dito.

Tumaas din ang ngiwi sa gilid ng kanyang labi. "So, meron nga?." Hindi ako umimik sa tanong nyang to. "Kaya ba bigla ka nalang napalipad dito para magtrabaho for you to run away from her huh?."

Hindi ko pa rin sya sinagot. Bumaba na kami ng elevator at papasok na ng aming office.

"See you around.." tapos iniwan ko na syang nakatayo.

"Hoy! Talaga to.. hanggang kailan talaga oo!.." hula ko ay nagkamot na ito ng ulo sa hindi pagkuha ng gustong sagot mula sakin.

Aba. Malay ko ba kung spy din sya ni Mommy. Isa rin kasi ito na laging tumatawag para kumbinsihin akong lumipat na dito. College days pa. At lagi ko ring sabi. Saka na para di na sya mangulit pa. But honestly. Wala talaga akong balak na pumarito, and for good. Wala ito sa plano.

Kaso.

Ang daming nangyari. Maraming bagay ang nagbago na syang naging dahilan para umalis ako.

Mainly, it's not about her. It's not about even us. It's Mom who can easily manipulate things when she wanted to. Kaya nyang baguhin ang buhay ninuman kapag ginusto nya lang.

This time.

I let time pass by. Siguro naman kung kami talaga ay pagtatapuin ulit. I'll assure anyone. Even if it's Mom. I'll win her, back.

Lunch na nang dunikit na naman itong makulit. "I heard it from someone. Your Mom did it again.." here he goes again.

Alam mo ba kung bakit ang dami nitong alam?. It's because Mom is involved. And Mom is someone who said that is Elite in our place. Lahat kilala nya. Lahat kakilala sya kaya lahat alam ang kwento ng buhay naming mga anak nya. And what he meant about this time is that, I liked someone. Way back on our high school days. Classmate namin sya. Under middle class ang family nya. But that's not the matter. Because in the first place ayaw na ni Mommy na mainvolve ako sa kahit na sinong babae. Even Dave Angelo. She always, always interrupt us about our girls. Na lagi nyang pangangaral ay, she's not for me or she's not her taste. Like, sya ba ang makikisama?.

Galit na galit ako noong huminto ng pag-aaral si Anne because Mom warned her na kapag hindi nya ginawa iyon. Mawawalan ng trabaho ang parents nitong teacher at taxi driver.

Hindi ako tumitingin sa estado sa buhay ng kahit na sinong tao. Same with Dad and Angelo. But Mom?. Oh! For God's sake!. Lahat nalang gusto nyang pakialaman.

Hindi muli ako umimik. Hindi din sa wala akong masabi. It's better this way.

Pumwesto sya for him to eat well saka nagpatuloy na para bang hindi masasaktan ang taong kausap nya.

"Bakit naman kasi lagi nalang si Tita ang sinusunod mo?."

"It's because she's my Mom?" Medyo may inis kong sambit.

"Oh! Mommy's boy ka pa rin pala.." he aggressively lift up his both hands for him to gesture, "Like. Don't be offended. Bruh, you're too old enough para manipulahin ng Mom mo.."

"Anong gusto mong gawin ko kung ganun?. Hayaan nalang syang sirain ang buhay ng may buhay?."

Sya ngayon ang natahimik. Bumuka ang kanyang labi tapos isinara nya rin kalaunan. Para bang. He wanted to utter some words pero hindi nya nalang tinuloy.

"She's doing it again?."

"Apparently, yes. Look. I'm not doing something just for my sake bruh. Iniisip ko rin ang kapakanan ng iba."

Kung ang laging nasa isip ni Mom ay ang guluhin ang buhay ng mga babaeng nadidikit sa aming mga pangalan. I'm not like her. As much as I still can. Hanggat kaya ko pang magtiis at tiisin ang lahat for the protection of someone. Gagawin ko. I'm not selfish. I'm not even selfless. Sadyang pinipili ko lang ang mga bagay na mas madali.

*Sa tingin mo ba, mas madaling kumbinsihin ang Mom mo kapag lagi mong sinusunod ang gusto nya?."

"Yes.." mabilis kong tugon.

Matindi syang umiling habang may nakakalokong ngisi sa labi nito. "Nope bruh.." kumunot ang noo ko sa kanya.

"Paano mo naman nasabi yan?. You're not in my position para sabihing madali ang lahat para sakin.."

Binaba ko ang kutsara na hawak saka sya pinakinggan.

Sumandal sya sa upuan nya't seryosong tumingin sakin. "Yep. I'm not on your position to say words. Because you and me are living our different lives. But you know what bro. Siguro narinig mo na rin sa iba na halos magkatulad tayo noon ng sitwasyon. Mamita is like your Mom. Lahat ginagawa nila para mapaalis ang mga babaeng lumalapit sakin. But damn it! How can I live my own life if they will always make a way to make me in trouble?. Buhay ko to. Why they are doing such things na taliwas sa gusto ko?. Kaya nagrebelde ako't tumakas sa puder nila hanggang sa nagsawa na rin silang pakialaman ang buhay ko. Hinayaan na nila akong mamuhay at magkagusto sa babaeng type ko. Easy bro. Kumontra ka din kac minsan. Hindi yung puro, oo ka nalang."

"Tama ka nga. We're different in a first place." Tango ko dito.

"Pero kapag pinabayaan mo at hinayaan nalang sila na diktahan ka sa gusto nila. Paano ka mabubuhay sa paraan na gusto mo Poro?."

He's talking seriously. Poro ang gamit nyang pangalan eh. Not the Aelus.

"I'll think about it.." bored kong sabe saka na tumayo. Break is over at mukhang nasobrahan pa ang kwentuhan namin.

Tama naman sya. Tamang hindi dapat magpadikta sa kung anong gusto mo. Pero ano ngang gagawin ko. It's Mom!.

Umuwi ako ng bahay. Wala pa si Dave. Dalawang linggo ko na ring hindi binubuksan ang isa kong phone. Bumili ako ng bago dito. Iyon yung tinawagan ni Mom kagabi.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga saka hinanap ang charger ng phone. I plugged in it. At in-on. I connect it immediately to internet connection para magkasignal.

Then, boom!

Sabog ang inbox ng messenger ko. Maging ang Whatsapp group namin ng barkada. Lalo na ang Instagram at Facebook ko na bihira ko lang buksan.

"Anong meron?." I ask myself without thinking.

At sa dami ng nagmessage sa akin. Isa lang ang binuksan ko.

It's from Kendra!

"Hoy, Toro! Gago ka!.."

"I've waited for you. So long Aelus. Pumunta ka ng bahay pero di mo tiniis. Sige!. Sige na!. Umalis ka na! At wag nang bumalik pa!." Galit na galit ito. And when I saw what day and time nya ito sinend. It's the day of our flight.

Napanganga ako't natulala nalang.

Oh, damn it! Poro!....

Napakalaki mo talagang Gago!!!