Chereads / Pagdating Ng Panahon / Chapter 62 - Chapter 12: Letter

Chapter 62 - Chapter 12: Letter

The letter Z is imprinted in the front of the envelope. And it has a little sticker of heart beneath the lowercase of the initial Z.

Lumunok ako. Kung anuman ang laman nito. Hindi pa rin maaapektuhan ang desisyon ko.

Nang buksan ko ito. Maliit lang na papel ang bumungad sakin.

"Bro.." panimula ng sulat. So, it's not really from her. It's directly from him. Paanong nangyari? So, meaning? Yung chat at text nya lang sakin is yun na yung mensahe nya?. Nothing else. Walang sulat o ano?.

What about her?.

"Kung nababasa mo na ito baka nasa Singapore na kayo. Ang daya mo! Kung hindi pa sinabi samin ni Angelo na aalis na kayo. Hindi pa namin malalaman."

Dave Angelo!!!.....

Pumikit ako't kinalma ang sarili bago pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Ano ba kami sa'yo para hayaan nalang basta? Wala ba tayong pinagsamahan para umalis ka nalang ng di nagpapaalam. Anuman ang iniisip mo. Hindi totoo ang mga yun. Alam kong nakita mo kami kanina." And I know. He's referring to the flowers.

Kinagat ko ang ibabang labi.

Kung nakita nya ako noon, bakit binigay nya pa rin yung bulaklak?.

Pinaglalaruan nya ba ako?.

"Nakita mo yung bulaklak na binigay ko sa kanya diba?. It's not what you think."

Kung hindi nga tulad ng iniisip ko ang tinutukoy nya? Ano?!

"Hindi ganun yun dahil bakit ko naman gagawin yun sa'yo? Para na kitang Kapatid kung tutuusin."

"Buti alam mo!." Bulong ko sa kinauupuan ko!.

Ngunit malaking palaisipan pa rin sakin ang dahilan ng pagbibigay nito ng bulaklak.

"Ikaw ang pinaka panganay satin nila Eugenio. Kaya bakit naman kita tataluhin?. Hindi ganun. Alam mo. Hindi ko sana sasabihin to. Sa totoo lang. Wala ako sa lugar o posisyon sa buhay nya para ipaalam ito sa'yo. Ngunit, para akong nakokonsensya sa tuwing naiisip na pareho lang kayong nagigipit sa isang sitwasyon na pareho nyo ring hindi gusto. Alam mo bang, nung araw na nalaman namin na paalis na kayo?. Dun din namin nalaman na she's going through medication. Kian did told us about this. Na diagnosed daw syang may anxiety and depression."

Natigilan ako dito.

Anxiety and Depression?.

"Si Karen lang ang nakakaalam sa pamilya nila. Not their Ate. Even their parents."

Nanghina ako bigla. Bakit? Bakit sinosolo nya nalang ang lahat? Why didn't seek help Ken?!.

Ito ba yung tungkol sa kanya na dapat kong malaman?.

Galit ang namumuo sa akin. Hindi ako galit sa kanya. Galit ako bakit kami humantong sa ganito?. Bakit ko hinayaan na mangyari ang lahat ng to?. Tama nga si Jade! Bakit hindi ko kayang huminde sa lahat ng ginagawa ni Mommy? I'm too old enough para gumawa ng desisyon para sa sarili ko.

"Bakit Poro!?." Naluluha kong sinuklay ang buhok patalikod.

"Aaaaaaaahhhhhhhhhh!." Napasigaw ako ng malakas at sinuntok ang steering wheel ng sasakyan. Bumusina ito kaya siguro biglang napatayo sa kinauupuan nya itong si Angelo. Madali itong lumapit sa bintanang nakasara at kumatok. Hindi ko iyon binuksan. He keeps on knocking pero hinayaan ko nalang sya. Until my phone rang. Sinagot ko agad yun.

"I'm fine. Go back to your sit." I demanded.

"Kuya?!."

Pinatay ko agad ang tawag saka muling binasa ang sulat. Pumatak ang isang luha sa parte ng papel kung saan ako mismong huminto. Hindi na iyon nasundan.

"Ang kwento pa ni Kian. Hiniling ni Karen na huwag sabihin ni Kian sa kahit na sino ang tungkol dito. Specifically to you." Napanganga ako. Itatago talaga nila ang isang bagay na importanteng aksyunan agad!

"But don't worry bro. Karen and Kian is with her. Pati na rin kami ay magbabantay."

Kahit ano pang sabihin nila na hindi ako mag-alala. Hindi ko iyon magagawa. Likas na sa akin ang mag-alala para sa kanya.

"And, about the flowers. Dave Angelo gave us that, through you. Ang sabi nya. You ordered that flowers daw for that day to give it to her. Na nakalimutan mo na daw kunin at ibigay mismo sa kanya. Masyado ka na raw kasing preoccupied kaya sya na ang gumawa."

Kinuha ko agad ang cellphone and dialed his number. "Come inside." Utos ko dito. Agad naman itong kumaripas ng takbo at pumasok agad sa driver's seat.

Oo nga! Sa galit ko noon. Hindi ko na iyon naalala! F*CK it! Poro Aelus!..

"Pasensya na bro. If you need anything. Don't hesitate to call us. Ingat ka dyan lagi. Pasyal kami dyan after fixing our papers. Bago raw babalik ng Australia si Mark. Date muna tayo apat. Haha. Chao!."

Binaba ko ang sulat. Nasa tabi ko na ang kapatid ko.

"How was it? Okay ka lang ba? Bakit ka sumigaw kanina?. Alam mo bang kulang nalang tawagin ko si Superman para lang huningi ng tulong para mas mapabilis ang pagtakbo ko pabalik dito sa sasakyan?."

"Tsk." I inhaled calmly. "Kinuha mo yung bulaklak na pinaorder ko sa'yo noon?."

Maingat syang tumango. "Why?." Tanong ko.

"Why not?. Diba para talaga sa kanya yun?." Balik tanong nya sakin.

"Why didn't you tell me?. Ang buong akala ko kay Zaldy galing mismo yun."

His sigh became heavy.

"Ang akala ko din. Alam mo na yun kaya di ko na binanggit pa sa'yo."

"I forgot.."

"Dahil sa inis mo?." He asked back. Ano ba kasing nangyari nung araw na yun?.

Dadalaw ulit sana ako ng araw na yun. The day na dumating muli sila Mom. Kaso nakita ko sa gate nila na kakababa nila Zaldy sa sasakyan at binigay agad nito kay Kendra ang bulaklak. Sa mga oras na yun. Napagdesisyunan ko nang I reschedule ang flight patungong Singapore dahil pakiramdam ko parang niloko nila ako. Kingina! Ako pala itong parang baliw! Kung anu-anong nasa isip!

"May nilagay naman akong pangalan mo duon sa bulaklak.." he explains.

Parang bumabalik sa alaala ko ang lahat. "Kaya ba ganun nalang yung laman ng chat at text nya sakin?." Wala sa sarili kong sambit.

"Siguro. Baka. Parang ganun na nga.." sagot naman ng katabi ko. Napalingon ako sa gawi nya. Nagkibit balikat pa sya. "And what about the letter? Ano pang sabi?."

Tsismoso din talaga nito!.

"She has Anxiety and Depression.."

Hindi sya nakaimik. Mukhang may gustong sabihin pero hindi masabi. Mas pinili nitong huwag nalang magsalita.

Sinenyas ko na sa kanyang magmaneho na. He look at me intently. Asking. Bakit ako tutuloy sa engagement gayong ganito ang nangyayari look.

"No matter what bro. She's still my priority. Kung she's going through medication right now. Mas mabuti sigurong hayaan ko nalang syang maghilom mag-isa. It's better if she finds herself again bago ang lahat. I don't want to interfere and risk her again. I don't want to deepen the wounds I created for her. That's inevitable tho but it's better this way. Mabuti nang mahalin ko nalang sya sa malayo kaysa masaktan ko pa sya ng todo-todo!."

"Hindi mo ba sya mahal?."

Mahal?. Mahal ko ba sya?. I don't know. We're not even have a label. Wala nga ba? Ah!. Just friends!. And that's, bullshit!.

"Love is unknown bro. Hindi ko alam kung mahal ko ba sya o mas minamahal o higit pa sa mahal. Basta one thing that I am so sure. I'm afraid of having her because I'm afraid of losing her."

"Kaya ba, kahit may option ka para uwian sya, hindi mo ginagawa dahil ayaw mong mawala sya sa'yo ganun ba?. Tsk! Ang kumplikado naman Kuya!."

Totoo yan! Ang pag-ibig talaga ang pinaka kumplikado sa lahat. Pero kung tutuusin naman. Kung talagang paiiralin lang ang Tunay na pag-ibig sa atin. Nothing is complicated. And everything is simple!.