Ang totoong Mundo!
Everything is complicated and nothing is simple!
Agree ba kayo dito o ako lang itong nagsasabi ng ganito?. Basta. Ang masasabi ko tungkol dito ay batay sa experience ko. And I attest to that.
Sigaw agad ni Mommy ang umalingawngaw sa flat matapos naming sunduin sila. Happily. She keeps on saying earlier that she's this excited about the engagement and so on. And yet. She didn't even bother to ask me kung gusto ko ba ito o hinde. Hinayaan ko lang sya sa kung anong gusto nyang isipin until I said things na mas lalong naging dahilan para magalit sya.
"Mom. I'll go for the engagement but I won't marry Liz.." taas noo at buong puso ko itong sinabi sa harapan nila. I caught Liz attention. Mukhang nagulat din ito sa pagiging totoo ko.
Hindi naman ako nagpapanggap noon. Pero bakit pakiramdam ko ngayon, ganun nga!. The expectations inside their heads didn't match this reality. And all I can see in their eyes is disappointment. Except, of course Dave Angelo. Natatanaw ko sa mga mata nya ang galak at saya na itinatago nya lang sa pag-ismid. While Liz is gulping the ghost inside her head that I'm over the head of her. But nah! Si Angelo siguro ang ganun. Not me!.
And Mom is so mad and disappointed of me. I know. Grabe ang disappoinment nya para sakin. I can sense that on how she looks on me now.
"That's impossible anak. Gusto mong ma-engage and yet you don't want the marriage?. That's nonsense Poro Aelus!."
Yan ang isinigaw sakin ni Mommy matapos kong sabihin sa kanya na I agree with the engagement but I won't allow to marry someone that I don't love.
That's my deal and it made her go mad!.
"Why Mom?. Hindi ba marami ang ganun?."
Halos umusok na ang ilong nito kakataas nya ng kilay sakin. Namaywang sya't hindi alam kung ituturo ba ako o ano. Liz is sitting at the bar counter earlier. Ngunit matapos nitong marinig ang disapproval ko sa kasal na gusto nila. Basta nalang itong nagpaalam at lumabas na. Imbes sundan sya ni Angelo. Nagkibit lang din ito ng balikat. He even mouthed that, kailangan nya raw dumito. Baka raw kasi magrambol kami bigla ni Mom. We needed his referee techniques. Crazy punk!.
"At gusto mong gumaya sa kanila, ganun ba?. My goodness!.."
Hinawakan nito ang noo at napayuko nalang.
"Dahil pa rin ba ito sa babaeng yun?." She growls.
"Wala syang kinalaman dito Mom. Bakit mo ba sya laging pinipilit na isali?."
"Because you've changed anak! Simula noong makilala mo sya, nagbago ka na. Naging matigas ang ulo mo at halos hindi na kami pinakikinggan ng Dad mo."
"Mom, hindi na kasi ako bata.." paliwanag ko pa.
Ngunit parang wala lang sa kanya.
"Ano bang pinagmamalaki mo para sabihin lagi sa akin ang ganyan ha?. Ha Aelus!" maawtoridad nitong tanong. Gamit nito ang boses politika. Tunog nangangampanya!.
"Gusto mong kumawala sa puder ko para ano, ha? Para magawa mo ang gusto mo kasama ang babaeng bayaran na yun!."
Pumikit ako ng mariin ng muling marinig ang husga nito kay Kendra.
"Mom!.." galit kong tawag. Nanginig ang labi ko't gustong sumuntok ng pader.
"Kuya.." kung hindi ako hinawakan sa braso ni Angelo. Baka nagkalat na ang dugo sa sahig dito. Naikuyom ko ang mga kamay dahil sa galit.
"Ilang ulit ko ba dapat sasabihin sa inyo na huwag na huwag nyong huhusgahan si Kendra sa harapan ko!?." Matigas at galit ang tinig ko. I want to let her know na hindi ko na talaga gusto ang mga nangyayari. "Hiniling nyo noon na layuan ko sya. Na umuwi ako sa Zambales at iwan sya. Anong ginawa ko Mom?. Anong ginawa ko!?." Sigaw kong muli. Nagitla sya. Hindi inasahan ang galit ko.
"Kuya, calm down please." Pigil sakin ng Kapatid ko. Lumunok lang ako't naglakad sa may bar counter. Tumalikod ako sa kanya at muling hunarap matapos itago ang luha na nabuo.
"Hindi bat nirespeto ko ang desisyon at gusto nyo without YOU even asking me kung gusto ko ho ba ang gusto nyo. Umuwi ako at iniwan ang lahat sa Antipolo diba?. You know that.."
Lumapit din sya sa akin at tinaasan din ng noo. Mas mataray sa galit ko!.
"Sinisisi mo na ako ngayon?. Look yourself! Hindi ka ganyan dati Poro!. Hindi kita pinalaking ganyan na sumasagot sa magulang!." Hinawakan nya ako sa kwelyo Saka basta nalang binitawan matapos sabihin ito.
"Nangako kayo sakin na hinding hindi nyo huhusgahan ang babaeng gusto ko, dahil Mom." I paused at dinuro ang sarili ko sa harapan nya. "Parang ako na rin ang hinusgahan nyo Mom?.. Naiintindihan nyo ba yun?."
I really wanted her to look me in the eyes para makita nya ang nararamdaman ko ngayon pero pilit nitong iniiwas ang tingin. Mukhang alam nyang nasasaktan ako't ayaw nya lang tanggapin ang totoo.
Umiiling sya. Pumikit. Ayaw pa rin akong tignan. "Hindi kita pinalaking ganyan Poro!. At hinding hindi ko hahayaan na tratuhin mo ako ng ganito ng dahil lang sa babae.."
Naglakad sya't sa labas tumingin. Duon sa tabi ng bintana sya namaywang. Tanging ilaw nalag sa kabahayan at street lights nag natatanaw na liwanag sa baba. Ang buong paligid na ay kadiliman na. Gabi na rin kasi ngunit heto pa rin kami. Hindi matapos-tapos ang araw.
"Labas nga ang kahit na sino dito Mom!. Look." Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang magkabila nyang balikat at pilit na pinapakita ang sarili. "Look at me Mom. This is me. This is all about me. Kung gusto nyong makita ang batang pinalaki nyo. Just look at me. Ako ito. I want to introduce myself to you at hindi ito dahil lang sa babae. This is me Mom. I'm tired already. I'm tired of everything. Gusto ko ring mabuhay ng normal gaya ng iba. Gusto ko ng mabuhay ng walang nakataling kadena sa leeg ko Mom."
Tinitigan nya ako ng maigi. Kumunot ng bahagya ang noo nya saka gumalaw ang kanyang labi.
"You can't fool me Poro. You're doing this because you want her. You want to be with her at lahat gagawin mo. Makuha lang sya. No!." Maladragona nitong saad. Matigas at pirmi.
"Hanggat nabubuhay ako. Hindi ako papayag sa gusto mo. I want you to get engaged with Liz and married as soon as possible."
Hindi ako nakagalaw.
Kahit pala ipakilala ko ang sarili ko sa kanila. Wala pa rin!
Gago ka Poro! Ano na?! Ano ka na ngayon!?.
"Huwag mo lang subukang tumakas. Kundi, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Nakipagtitigan ako sa kanya. Hinahamon. "Try me Aelus! I can ruin everything about her just one snap of my fingers. Kilala mo ako. Hindi ko ugaling magbiro."
Tinalikuran nya ako't tinawag si Angelo. "Let's go find Liz." Dagdag sabi nya rito.
Then she stops. Bago buksan ang pintuan. Nilingon nya muli ako. "She's in medication right?. I'm warning you. If you did something stupid. Hindi lang yun ang aabutin nya." Tumalikod sya't, bumulong pa. "Baka sa morgue na."
Matapos sabihin iyon. Lumabas na sila. Tinignan pa ako ni Angelo bago sumunod.
After they left. Napasapo ako sa noo at hinayaan ang sarili na dumausdos sa pader at sa sahig sumalampak ng upo. Laylay ang mga balikat. Hinayaan ang mundo na dumaan.
I feel like I'm in a bubble wrap. Hindi makahinga at hindi makagalaw.
"Ken.." tawag ko sa pangalan nya na para bang anumang oras ay lalabas sya't tatabihan ako dito. "Please, be safe.. and wait for me!." Tapos ay umiyak na ako na para bang wala ng bukas.
I need to cry this para bukas, wala na.