Chereads / CONVICT / Chapter 2 - CHAPTER ONE

Chapter 2 - CHAPTER ONE

Music plays inside Preso Toreros

"Ayusin mo pagmamasahe mo!"

"Pasensya boss."

"Hoy, nasaan na ang pagkain ko?"

"Mahaba pa ang pila e, mamaya nalang."

"Gago ka ba? Gusto mong ikaw ang ihawin ko mamaya?!"

"Bilisan ninyong kumilos! Naiinitan na ako tangina!"

"Oh! Paunahin nga ninyo si boss!"

Hinawi nito ang ibang preso na pumipila upang magbanyo at maligo. Dumaan naman ang isang pulis hawak ang batuta nito.

"Hoy, umayos kayo riyan."

Sumaludo naman sa kanya ang mga nakahubad na preso.

"Yes boss, pasensya na."

"Boss, pwede bang makahingi ng skin care mo? Nagiging lubak-lubak na kasi ang mukha ko."

Nilampasan lang ito ni Eero. Nagpatuloy siya sa pagbabantay ng mga makakalat at maiingay na preso ng Preso Toreros. Lahat ay may kanya-kanyang gawain sa bawat grupo nila. Habang palakad-lakad may lumapit na isa pang pulis kay Eero.

"Sir nagkakagulo na naman ho yata sa Zone 5."

Eero continued and went upstairs to Zone 5, the most dangerous area inside Preso Toreros. All detained criminals are ruled by their heavy crimes, sentenced to more than 20 years of prison.

Pagdating ni Eero may mga nauna nang pulis na sinusubukang pigilin ang gulo subalit mas marami ang bilang ng mga kasaling preso. Binunot ni Eero ang baril niya saka ikinasa iyon. Itinutok niya ang baril sa mga nagkakagulo saka hapit na ipinutok sa mga ito.

Natigil ang mga kalalakihan.

"Dapa," mahinahon niyang panuto

Pinagpapalo ng mga pulis ang kasali sa gulo saka sapilitang pinadapa ang mga ito sa sahig.

Meanwhile, a man in his clean buzz cut hair with a lean body stood from his seat and walked towards the direction of the police, Eero. He bumped unto his shoulder. Eero's gun fell on the floor. Nagpatuloy lang ang lalaki sa paglalakad habang nakapamulsa ito. Napailing nalang si Eero saka pinulot ang baril.

"Ibalik ang lahat ng 'yan sa kulungan nila at huwag silang bibigyan ng anumang pagkain hanggang bukas."

"Opo Sir."

Samantala, bago makarating ng tuluyan sa labas nadaanan ng lalaki ang isang balita sa telebisyon.

"Isinugod sa hospital ang Major General  of Philippine Army na si Philip Zobel matapos manikip ang dibdib nito. Agad naman itong nabigyan ng paunang lunas at kasalukuyang nagpapahinga na ngayon sa isang pribadong hospital. Ayon sa nakatatanda nitong anak na si Ciaran Angelo Zobel, maayos na raw ang lagay ng ama at maigi ang pagbabantay na ginagawa niya rito. Dagdag pa niya, simula nang mangyari ang trahedya sa kapatid na si Kaziel Angelo Zobel ay unti-unting nang napapabayaan ng ama ang kalusugan nito. Maaalalang si Kaziel Angelo Zobel ang naging suspek sa pagpatay sa mismo niyang girlfriend at hanggang ngayo'y nagbabayad pa rin siya ng kanyang kasalanan sa loob ng Preso Toreros."

Kumuyom ang kamay ni Kaziel. Dumiretso siya sa labas saka naupo sa isa mga bench doon. Memories flashed back on his head.

"As the court's final verdict that went a thorough investigation and discussion among judges and juries, Mr. Kaziel Angelo Zobel is hereby found guilty for multiple acts of heinous crimes. Under the Republic Act No. 8294 or the disposition or possession of firearms or ammunition as well as explosives. The Republic Act No. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act. And lastly, under the Revised Penal Code of the Republic Act No. 7659,  Mr. Kaziel Angelo Zobel, of 22 years of age, is therefore sentenced to 25 years and 1 day of prison. Further, I hereby declare that this case is settled."

Outside the Philippine Court people rallied and raised their banners saying that Kaziel should be punished to death for his crimes.

"Death penalty for Zobel!"

"Justice for Ms. Jillian!"

"Alisin ang mga Zobel sa industriya!"

"Shame on the Zobels!"

"Isa kang baliw na nararapat husgahan ng kamatayan! Wala kang damdamin!"

"Kill Zobel!"

Habang naiisip ni Kaziel ang mga senaryong iyon hindi niya mapigilang mapangisi ngayon.

"Heneral!"

Kilala na ni Kaziel kung sino ang boses na iyon. Hindi naman siya nag-aksaya ng panahon na lingunin ito. Pagkalapit sa kanya'y agad siya nitong inakbayan. Nakaupo na rin ito sa tabi niya.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Mabuti nalang bumanyo ako kanina kaya hindi ako nadamay sa gulo. Walang nakakalabas ngayon sa Zone 5."

Inalis ni Kaziel ang kamay nitong nakaakbay sa kanya.

"Si Guzman?" tanong ni Kaziel na ang tinutukoy ay ang pulis

"Boss Eero? Wala 'tol nakita kong umalis na kanina."

Tumayo na si Kaziel saka bumaba sa bench na tinatambayan niya.

"Saan ka pupunta?"

Nilingon niya ang lalaki. "To get what's mine."

"Hayan ka na naman sa Ingles mo, e! Ano 'yon?!"

Hinabol siya ng lalaki na tinuturing niyang nag-iisa niyang kaibigan sa loob ng Preso Toreros. Inilingan niya lang ito. Dumaan sila sa canteen.

"Kumuha ka ng maiinom at pagkain mo para bukas. Walang ibibigay mamaya sa Zone 5," ani Kaziel sa kaibigang si Marlo

"Sige. Hintayin mo ako."

Taliwas sa bilin ng kaibigan iniwan niya ito roon. Dumiretso siya sa Zone 5 kung saan may dalawang pulis na nakabantay sa may pinto. Hindi niya sana ito papansinin nang tawagin siya nito sa kanyang pagpasok.

"Bakit nasa labas ka pa?"

Pinasadahan niya ng tingin ang pulis, tila nailang ito sa kanyang ginawa. Lumapit siya sa lalaki ngunit napaatras naman ito.

"Pwede na kayong umalis," saad niya

Akmang magraradyo ito sa mga kasama nang hablutin iyon ni Kaziel pati pa ang sa kasama nitong pulis. Kaziel dropped it on the floor and stepped on it.

Patakbong umalis ang dalawang pulis. Habang si Kaziel ay tuloy-tuloy ulit na naglakad. Tinungo niya ang pinakadulo na bahagi ng kanilang selda sa kaliwang bahagi. Habang papalapit doon paingay naman nang paingay ang ibang preso na nakatayo sa kanilang mga pinto at malayang nakatingin sa kanya.

Using his hidden pin Kaziel unlocked a cell. He was attacked by other men but all of them fell down with a blow of his fist. Boss Grey, the leader of that cell stood up and faced him.

"What Kaziel Angelo?" he asked in a teasing tone of his voice

But Kaziel suddenly gripped his crotch. Boss Grey bawled in pain.

"Wooooooo!"

"Heneral! Heneral!"

"Boooooo!"

"Give me back the necklace."

Kaziel struck his face. The guy fell on his bed. Dinukot ni Kaziel ang bulsa nito saka kinuha ang kwintas niyang napagtripan nito kanina na siyang sinimulan din ng gulo. Ang kaliwa niyang kamay ay ginamit niyang pangsakal sa lalaki. Nang makuha ang kwintas kinulong niya ito sa kanyang palad saka muling tiningnan si Boss Grey.

Nginisian niya ito.

"B-B-Bitawan mo a-ako."

Kaziel slowly slit his face with his pin.

"Sa kada hahawakan mo ako, mapupuno ng sugat 'yang mukha mo. Don't fucking touch me. Nakuha mo?!" he exclaimed

Bago pa man makasagot ang lalaki, napigil na si Kaziel ng mga dumating na pulis lalo na sa pagkakahawak sa kanya ni Eero. Nang makalabas ng selda pinalo siya nito sa likod.

"Wala ka talagang kapantay, Zobel. Sukdulan na ang kasamaan mo."

Kaziel laughed lowly and gradually rise again.

"Bumawi lang ako, masama ba 'yon?"

Hindi sumagot si Eero. "Ipasok ninyo 'yan sa kulungan at huwag bibigyan kahit isang patak ng tubig."

Nagpatianod si Kaziel sa mga pulis na humawak sa kanya. Samantala, dadalhin sana ang lalaking si Boss Grey sa clinic nang magpumiglas ito sa mga pulis.

"Kaya ko ang sarili ko."

"Hayaan na ninyo 'yan. Pabor sa bansa na mabawasan ang mga kriminal na pakalat-kalat at nabubuhay pa gaya niyan."

"Aba't—

Papatol pa sana si Boss Grey nang pagsarhan na sila ng selda. Pinalo ni Eero ang malalaking bakal na rehas na hinahawakan nila bago ito tuluyang umalis.

"Gago talaga ang pulis na 'yon ah. May araw din iyon sa'kin."

***

"I'm sorry, Ms. Morgan. Hindi tinanggap ng WRUN (World Researches of the United Nations) ang bago mong pag-aaral, pero sa susunod na pagbukas nila ng entry susubukan ulit natin 'to."

"Okay lang po Sir. Baka hindi pa ito ang panahon ko."

"Yes, maybe. For the meantime, tawagin mo ang team mo at mag-meeting kayo sa mismong araw ding ito."

"Ho? Bakit?"

Kinuha ng lalaki ang isang makapal na folder mula sa kanyang drawer. Inabot niya ito kay Nicelle.

"It's a set of cases na pwede ninyong gawan ng pag-aaral. The context is just within the Philippines. You can choose any topic and I want a thorough process on this. It's a case study, by the way."

Nicelle examined some pages and she was already having a headache from what she's reading. Tiningnan niya ang kanyang boss saka ngumiti.

"Okay, Sir. I'll submit the result of our meeting early tomorrow."

"Okay. Good, Ms. Morgan."

Nicelle made her way back to her office.

"Kindly call the others to my office. We need to talk about an important matter," she informed her secretary with a desk outside her office

"Yes ma'am."

Pumasok si Nicelle sa kanyang opisina. Nauna na siyang tingnan at basahin ang nilalaman ng makapal na papel. Habang tumatagal ay lumalala naman ang pagkunot ng kanyang noo, hanggang sa dumating ang mga kasama niya.

Ipinatong niya ang papel sa mesa.

"Mr. Fuentes wants us to do a case study. He gave me these topics. Please have a good pick. Wala pa akong napipili sa ngayon dahil wala akong matipuhan. Hindi ko lang alam sa inyo. Anyways, I need your suggestions and comments about it."

"Case study? Mahirap-hirap ito Ms. Morgan," komento ni Tim. Isa sa dalawang lalaki sa grupo nila.

"Eh, wala namang madali sa mga ginawa natin," kontra naman ni Kris

"Just do what I ask. Iinom lang ako."

Pumunta si Nicelle sa pinagtitimplahan ng mga kape at kuhanan ng tubig ng iba pang mga empleyado nila. Malapit lang ito sa opisina niya kaya wala itong problema sa kanya.

Habang nagtitimpla ng kape biglang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag.

"Nicelle Morgan speaking."

["Hey, it's Eero. I'm on duty, I cannot call you on my number."]

Napangiti si Nicelle. "Okay lang. Ba't ka napatawag?"

["Masama ba?"] then the man laughed

"Hin—

["I just want to ask if you're free tomorrow. Lunch or dinner? You can choose."]

"Hmm. I'm quite busy these days pero dahil namimiss na ako ng boy bestfriend ko, sige na nga! Let's have lunch tomorrow! Libre mo ha?"

["May magagawa pa ba ako?"]

Tumawa silang pareho.

"O sige na. May meeting pa ako. Ingat ka dyan."

The call ended. Nicelle went to her office and asked her team about their chosen topic.

"Kris, I'll ask you first. Ano'ng napili mo?"

"Education Poverty. Until now I think it's an issue among schools, between teachers and students. By education poverty we are not just talking about finances or school funds. It's also about the learning of the kids. I remember I have this friend, she's a teacher, ang sabi niya marami sa kabataan ngayon kahit high school na ay nahihirapan pa rin sa pagbabasa lalong-lalo na sa paggamit ng Ingles na lenggwahe. We all know that English is our second language. And I think that's important to learn. About reading, I searched about it, isa pa rin tayo sa mga may pinakamababang level of reading comprehension."

Napatango-tango si Nicelle.

"That's a good point but there are already a lot of studies concerning education. What do you think is our unique point if we conduct this study?"

Hindi agad nakasagot si Kris.

"What about you, Tim?"

"Our workers in the lower sectors?"

"Why are you asking me?"

"No, I mean that's my topic of interest. You see, our world is so driven by modernization now. Because we wanted to be successful and at par with other nations, may napapabayaan na tayong mga aspeto. Isa na rito ang sektor ng ating agrikultura, ang mga magsasaka natin. Our record of imports are much greater than exports whereas noong unang panahon tayo naman ang mayaman at madalas na magpalabas ng mga produkto. Sa tingin ko lang naman tutukan ulit natin ngayon ang pagpapayaman sa agrikultura natin. Let's have farmers as our main subject for this study."

"Okay, I think you're becoming too emotional, Tim. First, yes the world is driven by modernization. Why? Because our population is escalating year by year and therefore, our demands are increasing too. If we become too slow to deal with the demands of these people, sino sa tingin mo ang manganganib? Tayo rin namang lahat. Second, you're correct may mga napapabayaan na tayong mga sektor ng industriya natin dahil mayroon nalang tayong mas binibigyang pansin. But, that is also because of the people who leads them. If their leaders are having proper communication with our government and if only they're not corrupt officials, I think sama-sama naman tayong aasenso. Minsan talaga wala na tayong magawa sa mga taong pasakim na nang pasakim. Diyos nalang ang bahala sa kanila. Third and most importantly, Tim nandito tayo para magsagawa ng pag-aaral hindi para payamanin ang kung ano mang bagay. Research studies should not be bias, never that it should be." Nicelle explained emphasizing the last words

"Okay po. Sorry, Ms. Nicelle."

"It's okay. Ikaw, Jessy?"

"Medyo related lang naman po kay Tim, about minimum wage earners."

"Okay, but I need to have a good point for that. Remember we're conducting a case study? Katulad ng sinabi kanina ni Tim, it's not simple." Bumaling si Nicelle sa natitira nilang kasama. "Ronald?"

"Uh, concerns about the environment?"

"That's still too broad. Maybe we should find a very suitable subject for that. Anyway…" Nicelle stood. "About your topics, submit to me your proposal about that including justifiable reasons on why do you think it would be an impactful research. Kailangan ko 'yan bukas ng umaga."

Napalabi naman ang mga kagrupo niya.

"What? May sinasabi kayo?"

Sabay-sabay itong napatingin sa kanya.

"Ho? Wala, ma'am." Kris

"Mga ano'ng oras po ba ng umaga bukas?" Jessy

"Seven?"

"Seven in the morning?" Tim

"Pagpasok ko palang bukas gusto ko nasa mesa ko na lahat ng proposals ninyo. Maliwanag?"

"Yes, Ms. Nicelle."

"Okay, you may now leave. Have a good lunch."

Nang si Nicelle nalang ang matira sa opisina niya pumasok ang kanyang sekretarya.

"Ma'am, may delivery daw po kayong dumating nasa lobby po."

Naibaba ni Nicelle ang iPad na hawak.

"Delivery?" saglit niyang inalala kung may inorder ba siya ngunit wala naman siyang matandaan. "Okay bababa na ako."

"Sige po ma'am."

Bumaba nga si Nicelle. Pinirmahan niya ang papel na ibinigay sa kanya ng delivery man saka tinanggap ang malaking bouquet ng bulaklak. Pinagtinginan naman siya ng mga napapadaang empleyado.

After a while she received a call from her phone.

"Yes—

["Did you receive the flowers?"]

"Eero what is this—

["Advance happy birthday. Birthday mo na bukas 'di ba? Sinasabi na nga bang nakalimutan mo na naman. Kausap palang kita kanina alam ko na."]

Napanganga naman si Nicelle.

"H-Ha?"

["Tsk. I'll see you tomorrow then. Let's change the schedule to dinner."]

"O-Okay. Thanks."

Binaba na niya ang tawag. Hindi siya makapaniwalang nakalimutan niya ang kanyang kaarawan.

"How could I forgot my own birthday?" she mumbled to herself. "I'm so stupid."

Pabalik na sana siya sa opisina niya nang makita ang isang balita sa malaking telebisyon na naroon sa kanilang lobby.

"Isinugod sa hospital ang Major General  of Philippine Army na si Philip Zobel matapos manikip ang dibdib nito. Agad naman itong nabigyan ng paunang lunas at kasalukuyang nagpapahinga na ngayon sa isang pribadong hospital. Ayon sa nakatatanda nitong anak na si Ciaran Angelo Zobel, maayos na raw ang lagay ng ama at maigi ang pagbabantay na ginagawa niya rito. Dagdag pa niya, simula nang mangyari ang trahedya sa kapatid na si Kaziel Angelo Zobel ay unti-unting nang napapabayaan ng ama ang kalusugan nito. Maaalalang si Kaziel Angelo Zobel ang naging suspek sa pagpatay sa mismo niyang girlfriend at hanggang ngayo'y nagbabayad pa rin siya ng kanyang kasalanan sa loob ng Preso Toreros."

Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Nicelle.

"Oh, shoot!" she ran back to her office