Chereads / CONVICT / Chapter 5 - CHAPTER FOUR

Chapter 5 - CHAPTER FOUR

"The letters are all prepared ma'am." Jessy

"Heto na rin po ang ibang mga impormasyon tungkol sa Preso Toreros. I also included their history." Ronald

"Yes, that's very important." Nicelle

"Ready na rin po ang interview questions." Kris

They all put the papers down. They are gathered again in Nicelle's office for a short meeting.

"Maraming salamat sa inyo. Bukas papipirmahan ko na ito kay Sir Fuentes and then babalik ulit kami ni Tim sa Preso Toreros."

"Ma'am naman," pag-angal ni Tim

"For now, pwede na kayong umuwi at magpahinga."

Ngumiti ang kanyang mga kasama.

"Salamat po, Ms. Morgan. Happy birthday nga po pala."

"Happy Birthday, Ms. Morgan."

"Pagbati sa iyong kaarawan, Ms. Morgan."

"Happy birthday po, ma'am."

"Salamat sa inyong lahat."

"Wala po bang team dinner diyan? Libre?" Tim

"Sa ibang araw nalang siguro, may ibang lakad ako ngayon," Nicelle smiled

"Yiee, mukhang makikipagdate si Ms. Morgan ah. Sige po aalis na kami para makapaghanda na kayo," ani Kris

"It's not a date. I-memeet ko lang iyong friend ko."

"Sus, sige na po ma'am."

Nicelle's team decided to go on separate ways. Palabas pa lang si Nicelle sa building nila nang may bumusinang sasakyan sa harap hindi kalayuan sa kanya. The window of the car opened and it revealed her bestfriend's face smiling great at her.

She waved at him.

Eero glanced at the small box of necklace that is a gift for his bestfriend Nicelle. He hid it when she was nearing the car.

"Good evening. Hindi ka naman nagsabing susunduin mo pala ako. Hindi pa nga ako nakakabihis."

He smiled. "It's okay. Maganda ka naman kahit anong suot mo. Gwapo rin ang kasama mo, bawi na 'yan."

"Syempre, ako 'to e. Pero sayang naman, mas gaganda pa sana ang date mo kung maayos lang ang damit ko 'di ba."

"Tsk. Gusto mo magbihis?"

Nilingon ni Eero ang kaibigan na tumango bilang kasagutan sa tanong niya.

"Okay, dadaan na muna tayo sa apartment mo."

"Aww. Ang bait talaga ng bestfriend ko."

"Ano'ng mabait? Ikaw magbabayad ng dinner natin mamaya."

"Not going to happen."

Eero laughed. Dumaan nga sila sa apartment ni Nicelle. Nicelle wore a very simple dress but it has emphasized her angelic face. She put on light make up and made her lips glisten.

Nang makababa siya natanaw niya si Eero na nakasandal sa kotse. Umayos ito ng tayo at nang makalapit siya'y nginitian siya ng kaibigan.

"'Pag ako talaga ang kasama grabeng pagpapaganda ang ginagawa ah."

Umirap si Nicelle. "Katulad ng sinabi mo kanina dati na akong maganda," saka kumibit-balikat siya

Pinagbuksan siya ni Eero ng pinto. Pumasok siya sa kotse. Habang nasa byahe patuloy ang pag-uusap nilang dalawa. Palaging binabalikan ang kanilang mga nakaraan at kung paano nila narating ang buhay nila ngayon. Hanggang sa makarating sila sa pribado at eleganteng restaurant kung saan nagpareserba si Eero upang ipadiwang ang kaarawan ng kanyang kaibigan.

"Wow?" unang nasambit ni Nicelle nang makababa siya. "Paano mo nahanap ang lugar na 'to?"

"Instinct lang ng mga gwapo," kumindat si Eero

"Tsk. Halika na, baka gutom lang 'yan. Ililibre mo pa naman ako."

Naglakad sila patungo sa loob ng restaurant. Isang malumanay na musika ang sumalubong sa kanilang mga tainga. Nakapalibot ang kamay ni Nicelle sa braso ni Eero habang tinatahak nila ang lamesang para sa kanila.

"Good evening Ma'am and Sir."

"Good evening. Reservation for Guzman."

"We'll check it Sir."

Afterwards, they were led to their table. Pinaghila ni Eero ng upuan si Nicelle. Patingin-tingin pa rin ang dalaga sa kanyang paligid dahil hanggang ngayo'y namamangha pa rin siya roon. Mula sa mga disenyo, garden sa labas, at maging ng mga furnitures nila.

"Here's our menu Sir… Ma'am."

"I think I'll choose for her," Eero said laughing

The foods were served. They were having fun talking until Eero opened up the talk.

"Ano'ng ginawa mo sa Preso Toreros kanina?

"Another project."

"About what?"

"Hmm…" pagdadalawang isip ni Nicelle na magsalita

Gamit ang kapirasong tisyu pinunasan ni Eero ang gilid ng kanyang mga labi saka muling nagsalita.

"Akala ko ba walang sekreto?"

"Eh kasi naman confidential pa iyon eh... pero sige. May research kasi kami ngayon at bago lang. Ang Preso Toreros ang napili naming lugar kung saan iyong mga preso ang magiging subject namin pati na 'yong buhay nila sa loob. That's why we prepared all the letters and we also talked to your Chief. Hindi simple ang gagawin namin."

"What kind of research is that?"

"Case study."

Napa-straight ng upo si Eero.

"Are you serious? Sinasabi mo bang mag-i-stay kayo sa lugar na 'yon to study those people?"

Napatango si Nicelle. "Bakit?"

"That's dangerous, Nicelle. Hindi simpleng mga tao ang naninirahan doon. They are criminals."

"I know, that's one of the reasons why we chose them. I'm sure there's a safe place for us there, lalo na't nandoon ang best friend kong pulis."

"Don't sweet talk me, Nicelle. Hindi naman 24 oras nasa paligid mo ako. Halos oras-oras may nagaganap na away sa loob ng presuhang 'yon. Ang iba pa nga namamatay. Ano ang gugustuhin mong pag-aralan doon?"

Sandaling natigilan si Nicelle.

"What did you say? May mga namamatay sa away? Nabibigyan man lang ba sila ng hustisya?"

"That's not important now. What I'm saying is, it's too dangerous there for you and your team. Lalo na kung mag-i-stay kayo roon. It's not that I don't support you. I just don't want anything bad to happen. Okay?"

"Eero, alam mo aalis naman kami roon kapag alam ko nang hindi na kami dapat doon. Sa ngayon, hayaan mo muna akong gawin ang dapat naming gawin. Besides, I'm planning something great kapag natapos ng matagumpay ang research naming 'to. Please? Tsaka marami namang pulis doon at katulad ng sinabi ko kanina kampante pa rin ako dahil nandoon ka."

Napabuntong-hininga na lamang si Eero. Tila hindi na niya mapipigilan pa ang kaibigan.

"Ano pa nga ba ang magagawa ng isang Eero na nilalambing?"

Malawak na napangiti si Nicelle.

"Sus! The best ka talaga. Buti nalang 'di mo pa iniiwan ang best friend mong 'to."

"Best friend mo mukha mo," bulong ni Eero

"Ano'ng sinasabi mo? Para kang tanga riyan."

"Wala. Kumain ka na."

***

The next morning Nicelle went back to her office. She took all the letters that was handed out by Jessy.

"Salamat, Jessy. Pakisabi nalang ulit kay Tim na kitain nalang ako sa labas dahil aalis na kami."

"Yes po ma'am. Mag-iingat po ulit kayo."

Nicelle smiled as she left the office.

***

Preso Toreros

"I went here just yesterday—

"Kailangan pa rin naming i-check ang identity ninyo sa bawat pasok at labas ninyo ng Preso Toreros."

Napahingang malalim si Nicelle habang inaabot ang ID niya. Ganoon din si Tim na kakaba-kaba naman sa pagpasok nila sa presuhan.

Ilang minuto lang ang lumipas muling hinarap ng lalaki si Nicelle.

"Maaari na po kayong pumasok ma'am."

"Thanks."

Nicelle drove in and got admitted inside Preso Toreros. She went to the Chief's office and presented the letters. After being permitted she celebrated in silence for her 1st step success.

"Sa labas ng pintong iyan naghihintay ang sasama sa inyo sa private visitation area na para kay Mr. Zobel. Don't hope for more, Ms…"

"It's Morgan, Sir. Nicelle Morgan."

"Yeah, Ms. Morgan. I permitted you to do this study, pero hindi ko alam kung mapapapayag ninyo si Zobel. He has the least interaction with people outside who comes here for him."

"I already thought of that, Sir. Pumunta na po kami rito nang handa at alam ko pong papayag din si Mr. Zobel."

Hindi na sumagot ang Chief. They headed to the door and bid their good bye again. Nang makalabas sina Nicelle napansin niya agad na wala ang best friend niyang si Eero.

"Uh, si Eero Guzman ba pumasok?" tanong niya sa tatlong pulis na sasama sa kanila

"Kasama siya sa mga nagbabantay nang nag-co-community service ngayon."

Napatango nalang si Nicelle bago dumiretso sa paglalakad. Habang tinatahak ang daan bulong naman nang bulong si Tim sa kanya.

"Wala ka ma'am kilala sa mga pulis na kasama natin ngayon?"

"Wala nga. Si Eero lang kilala ko rito. Akala ko nga sasamahan niya tayo ngayon, e."

"Eh paano 'yan, ma'am. Baka sa'n tayo dal'hin ng mga 'to."

"Shh! Manahimik ka nalang diyan," pagsasaway niya sa kasama

"Aish! Umuwi nalang tayo ma'am."

"Manahimik ka nga!" mariin ngunit pabulong na sabi ni Nicelle

After some while they reached a private visitation area. The door opened for them. Hindi mabatid ni Nicelle kung bakit kabang-kaba siya. Nilingon niya ang dalawang pulis na sumama sa kanila sa loob. Ang isa nama'y nakabantay sa labas ng pinto.

"Papunta na ba si Mr. Zobel?"

"Yes ma'am. Kaaalis niya lang ho ng Zone 5. Maupo na muna kayo."

"Ah, sige."

Magkatabi sila ni Tim nang upuan. They are in a non-contact visitation behind a glass partition. There are small holes in the glass where there voices can pass through.

"Ano po ba'ng gagawin ko ma'am?" tanong ni Tim

"Just sit there. We're here to convince him. Kapag nakumbinsi na natin siya we'll proceed to the next step."

Then the door in their front opened. Unti-unting napatayo si Nicelle nang makita ang lalaki. He has a dark aura, the darkest among her encounter with others.

Nakaposas ang mga kamay ni Kaziel habang sa likod niya'y ang dalawang pulis na nakasunod sa kanya. Agad siyang naupo nang makarating sa loob habang si Nicelle ay nakatayo pa rin.

"M-Ma'am… maupo ka na," pasimpleng paghila ni Tim pababa kay Nicelle

Para namang nagising si Nicelle. She sat down and smiled a bit on the man in front of her. Hindi niya maipaliwanag ang tingin nito sa kanya kaya binalik niya sa dati ang mga labi.

"My name is Nicelle Morgan, and here with me is Tim Borromeo. We're a team from Philippine Research Institute. Nandito kami para sa isang case study."

Maikling pagpapakilala ni Nicelle. Hinintay nilang magsalita si Kaziel ngunit ilang minuto na ang naklilipas tahimik pa rin itong nakatingin sa kanya.

Tumikhim si Tim saka tinapik-tapik si Nicelle sa ilalim ng mesa.

"Uh… pwede ba naming malaman ang pangalan mo?" asked Nicelle

A playful grin registered on Kazie'ls face.

"You know the answer."

Nanlalamig na ang mga kamay ni Nicelle sa ilalim ng mesa nila ni Tim.

"But still, gusto rin naming manggaling mula sa bibig mo, Mr. Zobel."

"What's the difference?"

Huminga ng malalim si Nicelle. She composed herself and opened the folder on her desk.

"These are the letters for our study, Mr. Kaziel Angelo Zobel. We were permitted by your Chief to conduct our study inside Preso Toreros. Ang subject namin ay tulad ninyong mga preso… at ikaw… ikaw ang napili naming bida sa istoryang ito."

Tumayo si Kaziel. Umurong ang inuupuan niya sa kanyang likod.

"Wala akong interes sa mga pinagsasabi mo."

"Wait!" biglang pagtayo rin ni Nicelle

Akmang paalis na si Kaziel nang pigilan siya nang babae.

"Pwede bang patapusin mo muna kami? We're not even on the half of our purpose."

"And that's why I'm not interested. Your words… your eyes… I don't like them."

Nicelle became speechless.

Kaziel went out of the room. Hindi rin nagpapigil si Nicelle. Lumabas siya ng kanilang pinto at sinubukang habulin si Kaziel subalit napigilan siya nang dalawang pulis. Hawak siya ng mga ito sa magkabilang braso. Tanaw pa rin niya nang buo ang pigura ni Kaziel.

"Teka lang! Pakinggan mo muna ako, Mr. Zobel! I have a good offer, okay?! I'll let you have one condition, just allow us to know your story! Please!"

Nagtuloy-tuloy lang si Kaziel sa paglalakad hanggang sa lumiko na siya. Nicelle did not see him anymore. Binawi niya ang sarili sa mga nakahawak sa kanyang pulis.

"He's gone, okay? Pwede na ninyo akong bitawan."

"Sa susunod na bibisita ulit kayo, tandaan ninyo na bawal sumigaw sa loob ng Preso Toreros unless you're a Police Officer."

Napairap at napabuga ng hangin si Nicelle bago umalis. Bitbit naman ni Tim ang dala-dala nilang mga gamit.

"Saan tayo, ma'am pupunta? Uuwi na ba tayo? Salamat nam—

"Sino'ng nagsabi na uuwi tayo? We're not going back to our office unless we convince that evil creature."

Nanlaki ang mga mata ni Tim. "Ma'am, dahan-dahan lang po sa pananalita. Remember? Hindi dapat tayo nang-ju-judge."

Nicelle sighed again. "Fine. Halika na, kailangan nating sundan si Mr. Zobel. Hindi pa natin siya nakukumbinsi."

"But, ma'am!"

Nicelle continued walking. Palapit siya nang palapit sa isang maingay na lugar. Then she remembered their tour. It was their canteen. Nangingibabaw ang ingay ng mga presong nagkakasiyahan at kumakain doon.

"Ma'am! Huwag na tayong pumasok diyan! Wala tayong permission para pasukin ang canteen nila."

"I'm already seeing Zobel. Don't worry, mabilis lang 'to. Kung ayaw mong pumasok bahala ka riyan."

"Ms. Morgan naman, e!"

Sumunod pa rin si Tim sa kanya. Dumiretso si Nicelle sa mesa ni Kaziel kung saan tahimik itong kumakain at walang nagtatangkang mangialam sa kanya. Sinundan ng tingin ng mga preso ang isang Nicelle Morgan.

"Mr. Zobel," she knocked on his table

Natigil ang kutsara ni Kaziel. Tumigil din siya sa pagkain saka nilapag sa mesa ang kutsara. Paunti-unti ring nagkaroon ng katahimikan sa loob ng canteen. All of their eyes are on Kaziel and a strange woman.

"Kailangan kitang makausap, Mr. Zobel. Wala akong masamang intensyon sa'yo o kung kaninuman dito. Gusto ko lang pakinggan mo ako."

Kaziel slowly mounted from his seat.

"Nagsisimula pa lang akong kumain. You dared stop me."

"I-I'm sorry. It's not my intention."

Nilahad ni Kaziel ang kamay niya. Napatingin si Nicelle roon. Hiningi niya ang folder na hawak ni Tim saka binigay kay Kaziel.

"I hope you read the—

Her mouth was zipped when Kaziel ripped the papers into pieces. Napanganga na lamang siya.

"Go now. You won't like what I'll do next."

"T-Tara na, Ms. Morgan," panghihila ni Tim

Bumaba ang tingin ni Nicelle sa mga nagkapira-piraso nang mga papel sa sahig.

"Huwag mo akong hahawakan," pagtaboy ni Nicelle sa kamay ng kasama niya. Tumaas ulit ang tingin niya sa kaharap na si Kaziel. "Babalik ako. I have spare copies of that paper. Hindi mo ako mapipigilan, Mr. Zobel. Think about that one condition I offered you. You can use it. I'll do anything."

Most of the men who heared suddenly whistled. Napangisi naman si Kaziel.

"Anything?"

Napalunok si Nicelle. "Y-Yeah, anything." Nicelle felt his eyes scanning all over her being.

"I'm not interested." Kaziel flicked his fingers. About five men went on their place surrounding them. He grinned again. "You can have her," he said and passed over her.

"Mr. Zob— ano ba?!" Nicelle was furious of the men touching her.

Pinalibutan sila ni Tim ng mga kalalakihang lumapit sa pamamagitan lamang ng pagpapatunog ni Kaziel sa dalawang daliri nito.

"Padaanin ninyo kami," galit ngunit kinakabahang sabi ni Nicelle

"Hindi pwede."

"Ang ganda mo naman. Ano'ng pangalan mo?"

"I said stop touching me!"

"Wow, English 'tol. Puro bigatin talaga dumadalaw kay Heneral."

Until a whistled from police officers stopped them. Nakahinga nang maluwag si Nicelle habang ang kasama niyang si Tim ay halos mahihimatay na sa takot.

"Pabalikin na ninyo ang mga 'yan sa selda!" sigaw ni Eero

"Eero!"

Nicelle run to her best friend. "Thanks god, you're here."

"Sinabi ko naman sa'yong delikado rito. Hindi ka kasi nakikinig."

"Samahan mo nalang kami palabas."

Inilapat ni Eero ang batutang hawak sa balikat ng isa sa mga lalaking pumalibot kay Nicelle kanina. Natigil ang lalaki sa paglalakad.

"Sa susunod na ulitin mo pa ang ginawa mo kanina puputulin ko 'yang braso mo. Naintindihan mo?"

"Sinunod lang naman namin si Heneral, e."

Kumunot ang noo ni Eero. "Oo o Hindi lang ang isasagot mo."

"Oho, boss!"

Nang makadaan ang mga preso tiningnan naman ni Eero ang kaibigan na si Nicelle.

"Ano'ng kinalaman dito ni Zobel?"

"Heneral ba ang tawag nila rito kay Mr. Zobel? Bakit?"

"Sagutin mo muna ang tanong ko, Nicelle."

"Si Zobel ang kausap ko kanina. He's our main subject. I tried to convince him but—

"Huwag ka nang lalapit ulit sa kanya." Eero walked out

Nicelle and Tim followed him. Behind are two of the police officers who guarded them earlier but suddenly disappeared.

"Eero! Hear me out, okay?!"

"Ano ba 'yan, lahat nalang ayaw makinig kay Ms. Nicelle," bulong naman ni Tim sa likuran.

"Pinag-isipan mo ba nang mabuti iyang gagawin mo, Nicelle?" Eero

"Oo naman! I'm prepared for everything."

"Katulad ng kanina? Kasama ba 'yon sa mga inaasahan mong mangyari? I already warned you that it's dangerous here. Paano nalang kung hindi ako dumating kanina?"

"I know, most of the things happen unexpectedly, Eero. But that's not enough reason to stop. Nasimulan ko na 'to, I will finish it."

"Kahit ako'ng best friend mo ay tutol dito? I am not stopping you for no reason, Nicelle. Think about it."

Nicelle sighed as she walked out of the hallway.

"Nicelle! Intindihin mo naman ang pinagmumulan ko!" Eero shouted on her decreasing figure.

"Ms. Morgan, huwag mo akong iiwan!" paghabol ni Tim

Mangiyak-ngiyak na dumating si Nicelle sa kotse niya. She looked up when she heard Tim's voice.

"Para kang cheetah, Ms. Morgan!"

"Print the papers again. I'll come back tomorrow."

"Ho?"

"Let's go."