"Nasaan si Marlo?" tanong ni Kaziel sa mga kasama.
They were exercising at the outyard. Kaziel was doing push-ups while the others started to sit on the grass, panting. Kaziel was topless. His sweating firm back is glistening on the sun's ray.
"Nasa loob, Heneral. Kahapon pa 'yon hindi nalabas sa selda nila."
"Bakit?"
"Hindi rin namin alam."
"Sino nga pala Heneral 'yong babaeng nangulit sa'yo kahapon?"
Kaziel stopped on his execise. Tumayo siya. Pinasahan siya ng isang towel. Pinunasan niya ang mga kamay.
"Dapat ko bang sagutin 'yan?"
"Uh…"
"Tawagin ninyo si Marlo."
"Opo, Heneral."
Umalis ang limang lalaki. Nasalubong ng mga ito si Eero. Samantala, muling sinuot ni Kaziel ang damit niya.
"Ano'ng ginawa mo kay Nicelle kahapon?" bungad na tanong ni Eero. Wala itong kasamang ibang pulis
"Wala pa akong ginagawa."
Eero grabbed Kaziel's shoulder and made the man face him.
"I'm warning you, Zobel. Don't lay a hand on Nicelle."
Tinabig ni Kaziel ang kamay ni Eero na nasa kanyang damit.
"Nakakatawa ka, Guzman."
"Binalaan na kita. Sa oras na galawin mo siya ako ang makakalaban mo."
"That's quite interesting, huh."
"Mark my words."
Paalis na sana si Eero nang magsalita si Kaziel.
"Nicelle Morgan, that's her name. Maybe she can fill up my needs… as a man?" Kaziel smirked dangerously
Hindi nakapagpigil si Eero. Sinuntok niya ito gamit ang nakakuyom at nanggigigil niyang kamao. Dumugo naman ang gilid ng labi ni Kaziel. He spit it on the grass.
Muling dumating ang mga kasama ni Kaziel na nakita ang huling pangyayari.
"Heneral!"
"Huwag mong kalimutan ang kinalalagyan mo ngayon, Zobel. I'm a policeman, you're a criminal. I have much more power and control of things. Habang ikaw walang magagawa. Maghihintay lang kung kailan bibigyan ng pagkain at maliligo lang kung kailan may tubig. Mananatili kang kaawa-awang kriminal sa loob ng impyernong ito."
"Boss, araw-araw 'yan naliligo si Heneral. Kahit kami hindi na, basta siya hindi pwedeng hindi," sabat ng isang preso
"Hindi kita kinakausap."
"Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo, Guzman. Batuta lang naman ang hawak mo."
Nagtawanan ang mga presong nakapalibot sa kanila.
"Wait until I trap a bullet on your sick head."
Kaziel's jaw clenched.
"Umalis ka na habang hindi pa nagdidilim ang paningin ko sa'yo," malalim ang boses at seryosong banta ni Kaziel
Tumunog ang radyo ni Eero.
["Proceed to bathing area. Inmate 701 was stabbed. Status: In critical condition."]
"Papunta na ako." Nagmamadaling umalis si Eero
"Heneral, hindi naman nakita si Marlo, e. Wala na siya ro'n sa selda nila."
"Tinanong namin 'yung mga kasamahan niya, hindi rin daw nila alam."
Nagdesisyon na lamang si Kaziel na pumasok. Nasa bungad palang siya papasok nang may humarang sa kanyang tatlong preso. Hinihingal ang mga ito.
"Hoy! Umalis kayo riyan sa daanan!"
"H-Heneral…si…s-si Marlo sinaksak."
Tinabig ni Kaziel ang lalaki saka tumakbo patungo sa paliguan ng mga preso. Nagkukumpulan pa rin ang mga preso roon habang may mga nakaharang na pulis na pinipigilan silang pumasok. Kaziel saw the flooded blood on the floor. Aalis na dapat siya nang matanaw ang isang kumikintab na bagay. Kumunot ang kanyang noo.
He fiercely break the hands that impedes him to go in. He crouched and picked the necklace that was his property. Kaziel enclosed it in his fists.
Kaziel walked out from the scene. Sinundan pa rin siya ng mga kasama. Tinungo niya ang seldang tinutuluyan ni Marlo. He grabbed one of the inmate's shirt.
"Sino'ng sumaksak sa kanya?"
"H-Hindi namin alam, Heneral. Nandito lang kami sa loob nang mangyari 'yon."
"Ang alam lang namin may nag-iinteres sa kanya kaya bihira rin siyang lumabas ng selda. Kanina parang may nakita siya kaya nagmamadali siyang tumakbo palabas. Hindi namin alam kung saan siya pumunta."
"Sino?"
"A-Ang grupo ni Talak ang alam naming kumukontra sa kanya."
"Nasaan siya?"
"H-Hindi namin alam. Baka hinila na ng mga pulis."
Marahas na binitawan ni Kaziel ang lalaki. Lumabas ulit siya sa Zone 5.
"Alamin ninyo kung nasaan ang taong 'yon."
Naghiwalay ang mga kasama ni Kaziel upang hanapin ang lalaking tinutukoy ng mga kasamahan ni Marlo. Dumaraan si Kaziel sa isang kumpulan nang marinig ang pag-uusap ng mga ito.
"Ba't kaya ginawa ni Toro 'yon?"
"Akala ko sila ni Heneral ang magkakatodasan sa loob ng Zone 5. Hindi ko inasahang si Marlo ang uunahin niya," tumatawang sabi ng isang lalaki nang higitin ito ni Kaziel sa kumpulan.
"Ano'ng sinabi mo? Sino'ng may gawa no'n kay Marlo?"
"H-Heneral… h-hindi a-ak-o m-makahinga."
"Hindi ko na uulitin ang tanong ko."
"S-Si T-T-Toro."
Patapong binitawan ni Kaziel ang lalaki na ngayo'y ubo nang ubo.
"Nakaalis siya kanina bago pa dumating ang mga pulis. Palagay ko pupunta sila sa lugar kung saan tahimik at walang maghihinala na kasangkot sila."
A loud whistle made the guys spread out. Then the intercom was turned on.
["Inuutusan ang lahat na bumalik sa kani-kanilang selda. Ang sinumang matagpuan sa labas sa palugit ng ibinigay na oras ay magkakaroon ng karampatang parusa. Ang oras ninyo'y nagsisimula na ngayon."]
Kanya-kanyang takbo ang mga preso habang si Kaziel ay nanatili sa kanyang kinatatayuan.
"Ano pa'ng hinihintay mo, Zobel? Gusto mong lumapat 'tong batuta ko riyan sa likod mo? Ha?!"
"Ba't hindi mo subukan?"
"Ako na ang bahala sa kanya," ani Eero sa kasamahan niyang pulis. Nang makaalis iyon bumaling siya sa lalaking si Kaziel na ngayo'y madilim na madilim ang awra. "Bilisan mo, Zobel. Hindi kita sasantuhin ngayon."
Bumaba ang tingin ni Kaziel sa kinasang baril ni Eero. Mahina siyang tumawa.
"Funny how I'm not moved from any threats you make. Wala na bang mas nakakatakot?"
But the next thing happen…
Eero pulled the trigger of his gun. His bullet grazed on Kaziel's left arm. Napahawak doon si Kaziel. Nakita niya nalang na umaagos na ang dugo sa kanyang kamay.
"I just don't make threats. I do them."
"F-Fuck you."
Tatlong pulis ang lumapit sa kanila na kapwa nakanganga ang mga bibig.
"Boss, ano'ng nangyari?" tanong ng isa kay Eero
"Ibalik n'yo 'yan sa lungga niya," saad ni Eero saka umalis
Meanwhile Kaziel groaned in pain.
"Dalhin muna natin 'to sa clinic."
Hindi umalma si Kaziel dahil sa mga oras na 'yon ay may namumuong plano sa kanyang utak.
***
Kusa nang binigay ni Nicelle ang ID niya sa gwardyang nagbabantay sa malaking gate ng Preso Toreros. Lumipas na ang ilang segundo ngunit hindi pa rin niya maramdamang kinuha na ito ng gwardiya kaya tiningnan niya iyon.
"Here's my identity card. Akala ko kasi kailangan siya."
"Pasensya na ho, ma'am pero hindi kami tumatanggap ng mga bisita ngayon."
"Bakit? I already have the permission from your Chief. Bakit hindi kami pwedeng pumasok?"
"May nangyaring kaguluhan kanina sa loob. Inaayos pa ngayon kaya hindi muna kami tatanggap ng mga tao sa labas."
"Ano'ng gulo?"
Hindi alam ni Nicelle kung bakit nakaramdam siya ng pag-aalala, hanggang sa maisip niya ang kaibigan.
"Hindi rin namin pwedeng sabihin."
"Kailan kami pwedeng bumalik?"
"Hindi ko ho alam. Mas mabuting si Chief nalang ang kausapin ninyo tungkol diyan."
Napabuntong-hininga nalang si Nicelle saka inabot ang isang lunchbox.
"Pakibigay nalang ho kay Eero Guzman. Alam na niya kung kanino galing 'yan."
"Sige ma'am, makakarating ho."
"Salamat."
Nicelle wasn't able to do anything but drive back to her office.
"Ano'ng gulo kaya 'yon ma'am? Mabuti nalang hindi pa tayo nakakapasok nang mangyari 'yon."
"Oo nga. Baka tuluyan ka nang nalagutan ng hininga no'n."
Inirapan siya ni Tim. Patawa-tawa lamang siya ngunit pa rin niya maiwasang mag-alala at mahiwagaan sa nangyayari sa loob.
"Sa susunod nating balik doon, make sure to document everything in Preso Toreros."
"Ayaw ka talaga paawat, madam. Baka doon ko na mahanap niyan ang 'the one' ko, nakakatakot."
"Ang judgemental mo talaga, Tim."
"Parang katulad mo lang naman kahapon, ma'am."
Tiningnan niya nang masama ang kaibigan. "Nasabi ko lang naman 'yon dahil sobrang nakakagalit ang Zobel na 'yon."
"Pero infairness ma'am ha. Nganga ako sa kagwapuhan ni Mr. Kaziel! Lakas maka-sex appeal."
"Ang kalandian mo na naman, umiiral."
"Totoong usapan lang po ma'am."
"Tumahimik ka nalang diyan kung ayaw mong ipain kita sa susunod nating punta ro'n."
Nagpatuloy ang biyahe nila hanggang sa makarating sila sa kanilang opisina na wala man lang bitbit na magandang balita o accomplishment.
***
Sumagawa ng inspeksyon ang kapulisan sa bawat selda ng Preso Toreros. Pinamunuan ito ni Eero at huli nilang pinuntahan ang Zone 5.
"Ang mga kamay sa likod ng ulo!" sigaw ng pulis
"Labas!"
Habang abala ang ibang kasamahan ni Eero sa paghahalukay at pag-inspeksyon ng mga gamit nito sa loob ng selda, siya nama'y sumunod sa mga pinalabas na preso.
"Humanay kayo!"
Kinasa ulit ni Eero ang pistol niya.
"Ano pa'ng hinihintay ninyo? Hubad! Walang matitira kahit isa sa mga saplot ninyo."
"Boss, heto ang mga na-retrieve natin."
Ipinakita ng humalughog na pulis ang mga delikadong armas tulad ng kutsilyo at iba pang patalim. Nakaloob na iyon sa isang kahon. Umangat ulit ang tingin ni Eero sa mga preso.
"Kaninong mga pagmamay-ari 'to, ha?"
Matapos kapkapan, wala nang saplot ang mga preso sa harap nila.
"Hindi kayo sasagot?!"
Tatlong lalaki ang nagtaas ng kamay nila. Eero signalled his men to bring them.
"T-Teka lang boss! Pangdepensa lang naman 'yon, e! Walang ibang rason!" pagpupumiglas ng isa
"Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo."
Nagsunod-sunod pa ang mga seldang ginawan nila ng kaparehong pag-iinspeksyon. Naroon na siya sa selda ni Kaziel ngunit walang tao roon kaya nilagpasan niya iyon. Sunod niyang pinasok ang selda nang lalaking si Toro, ang kalilipat lamang ng Zone 5.
"Alam na ninyo ang gagawin."
Humanay palabas ang mga preso, panghuli si Toro. Ngunit pinigilan ito ni Eero na makalabas. Kinabig niya ang braso nito saka tinulak ang lalaki. Bumagsak ang likod ni Toro sa matigas na pader ng kanilang selda.
"Kinulang ka pa ba sa pagpatay sa labas para ituloy mo rito sa loob?"
"Masyado siyang sumasawsaw. Ayaw ko ng gano'ng tao."
"Sa korte ka magpaliwanag. Hindi ko kailangan ng alibi mo."
"Korte? Hindi malalim ang saksak ko sa lalaking 'yon, boss. Mabubuhay pa ang gagong 'yon at malas lang niya kapag nagtagpo ulit kami."
Sinapak ni Eero ang lalaki.
"Boss, dadalhin na namin ang iba."
"Isama ninyo silang lahat, maliban sa isang 'to," saad niya na hindi inaalis ang mata kay Toro
Pagak na natawa ang lalaki.
"Bakit? Ipapain mo ba ako sa baliw na Zobel na 'yon?"
Eero smirked. "Don't worry. He's wounded. Mas malakas ka pa rin sa kanya." Tinapik niya ang balikat nito.
Lumabas siya ng selda na hindi man lang ni-lock iyon. Naiwang nagmumura si Toro. Inalis niya ang kanyang tsinelas. Kinuha niya ang maliit na kutsilyong nakadikit sa tapakan niyon.
"Subukan mo, Zobel. Susunod ka sa gunggong mo'ng kaibigan."
Pagsapit ng gabi tahimik na ulit ang Preso Toreros. Tanging mga nagpapatrol na lamang na pulis ang palakad-lakad sa loob at labas. Samantala, marami ang nag-aakalang tulog na ang lahat. Lingid sa kanilang kaalaman na nagpapakiramdaman lang pala ang bawat isa sa isang pangyayari na lahat sila'y alam na magaganap sa malalim na gabing iyon.
Kaziel got out from the clinic after knocking off his guards. Muling kumirot ang sugat niya kaya rumehistro na naman si Eero sa kanyang ulo.
"Just wait for your time, fucking asshole."
"Heneral, dito!"
Napalingon si Kaziel sa isang madilim na sulok. His name was called.
"Si Chan 'to! 'Yong kanina. Tangina naman hindi nagsasaulo ng pangalan."
Lumapit si Kaziel saka sinakal ito.
"Ano'ng sabi mo?"
"J-Joke lang!"
Binitawan ni Kaziel ang lalaki na mag-isa lang pala roon.
"Ang hirap tumakas kanina, pero mas mahirap yata sa inyo sa Zone 5."
"Nasaan si Toro?"
"Nandoon sa selda nila, mag-isa. Kaso maraming pulis ang nagbabantay kanina sa Zone 5."
"Wala akong pakialam."
Kumibit balikat ang lalaki. "Sabagay. Ikaw nga pala si Heneral. Sasama ako sa'yo."
Hindi pinansin ni Kaziel ang lalaki. Tinahak niya ang daan patungo sa Zone 5. Patago-tago lang sila sa tuwing may dumaraang mga nagpapatrol na pulis.
Samantala, bumalik muna si Eero sa mesa niya upang saglit na magpahinga. Nakapikit lang ang mga mata niya nang maisipang buksan ang drawer ng kanyang mesa. He took his phone out and saw a text from there.
It was from his best friend, Nicelle.
*I'm sorry abt yesterday. Balita ko may nangyaring gulo riyan kanina. Are u okay?
He decided to call her. Just seconds away of ringing his call was already answered.
["Hey, kumusta riyan?"]
"Okay naman. Salamat nga pala sa lunch box kanina. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nagagalaw."
["You should eat. I'm glad to hear that you're okay. Is it possible to go there tomorrow?"]
Napahilot si Eero sa kanyang sentido.
"Nicelle, I don't think that's possible. Medyo marami-rami ngayon ang mga kailangan naming ayusin dito. Someone was stabbed and he's still in critical condition. We're preventing any worse to happen. Ipagpaliban mo muna 'yang pakay mo. Please?"
[Sino'ng nasaksak?!"]
"'Yon lang ba ang narinig mo sa lahat ng sinabi ko? I'm damn worried, Nicelle. I hope you understand. Hindi ka pupunta rito bukas at sa mga susunod na araw. Just let me call you after everything is settled and safe here, okay?"
["Yes. But I'm already communicating with your Chief, kaya huwag na rin natin itong pag-usapan. Pero sino iyong nasaksak? Malubha ba ang lagay niya?"]
"You sound like a reporter."
["I'm just asking, Eero! Masama na ba pati 'yon?!"]
"Chill, I'm just kidding," he laughed. "Kaibigan ni Zobel at medyo malubha pa rin ang lagay niya."
["Sana naman okay pa rin siya. I have to hang up now. Matutulog na ako."]
"Yeah, have a good night."
["You too. Bye!"]
The call was hanged up. Eero opened the lunch box for him and ate. Nakakailang lunok palang siya nang tumunog na naman ang radyo niya.
["Proceed to Zone 5, now!"]
Sa bawat daanang selda ni Kaziel ay nagigising ang mga preso at napapahawak sa mga rehas ng selda nila.
"Hoy, gising. 'Ayan na si Heneral."
"Sabi na nga gaganti at gaganti si Heneral."
"Makikipagkaibigan na rin ako sa kanya para todas agad ang kumontra sa'kin."
"Feeling mo naman kakaibiganin ka niya."
"Shh! Manahimik na kayo."
Tumapat si Kaziel sa selda na kinaroroonan ni Toro. Prente itong nakahiga sa kama habang hinihimas-himas ang kutsilyong hawak.
"Kanina pa ako naghihintay. Akala ko nabahag na ang buntot mo."
Bumangon si Toro kasabay ng pagpasok ni Kaziel sa loob.
"Ano ba 'yan hindi na natin makita!" reklamo ng ilan
"Hindi ako nagpunta rito para isingil si Marlo." Kaziel showed up his necklace. "Isang beses lang ako magtatanong, ano'ng kinalaman nito sa gulo ninyong dalawa?"
Tumayo si Toro. "Isang beses lang din ako sasagot. Dahil sa'yo."
Kaziel enclosed the necklace on his palm again, then he strike Toro out of the cell. Diretso ang bagsak nito sa sahig. Lumikha ng ingay ang mga nakapanood sa kanila ngunit pigil ang lakas.
Kaziel marched on Toro's place. Lumaban si Toro gamit ang kutsilyong hawak. They were fighting when he sliced a bit of his face. Natigil sila saglit. Toro was laughing devilishly.
"Tangina, ito ang pinagmamalaki ninyo ha?!"
Kaziel touched the dripping blood on his face. It was a small cut but a critical area for blood flow. He snatched a dagger from his pocket. He threw it on Toro's open hand.
Ang nagsasayang si Toro ay natigilan nang tumarak ang kutsilyo sa kamay niya. Ramdam niyang natamaan ang maliit niyang buto roon.
Sinugod agad siya ni Kaziel. He swung his feet and kicked Toro who fell down the floor. He went on his top and pressed the dagger deeper on his hand.
Toro cried in so much pain.
"H-Hayop ka!"
"I am."
A police officer's whistle butted in. Lumapit ito sa kanila na nakatutok ang mga baril.
"Ibaba ninyo ang mga hawak ninyong 'yan!"
Tinaas ni Kaziel ang mga kamay niya.
Lumapit ang dalawang pulis saka pinosas sa likod ang dalawang kamay niya. Binangon din ng mga 'to si Toro na pinagbabantaan pa siya.
"Papatayin kita! Tandaan mo 'yan, Zobel!"
Kaziel was just emotionless. They were brought outside. Pinagpapalo ng mga pulis ang rehas kung saan nakadungaw ang mga preso.
"Magsitulog na kayo!"
The next day went more silent. There was no Kaziel and Toro around. Laman pa rin ng usapan ang nangyari kagabi. Some were re-enacting the scenes they witnessed last night. Nangunguna na roon si Chan na maigi namang pinakikinggan ng mga kasamahan.
"Hanep talaga 'to si Heneral."
"Muntik na naming makabangga ang grupo ni Talak. Mabuti nalang may nakapagsabi na si Toro pala 'yon."
"Pero alam na ba ninyo iyong kumakalat na tsismis?"
"Na alin?"
"Si Boss Eero raw ang bumaril sa braso ni Heneral."
Napalapit ng husto si Chan sa taong nagkukwento niyon.
"Talaga? Saan mo naman nasagap 'yan?"
"Basta totoo 'yan. Nakita ninyo naman siguro kagabi iyong sugat niya 'di ba? Dumugo pa nga nang gamitin niyang pangsagang kay Toro, e."
"Oo nga, nakita ko rin 'yon."
"Ano? Igaganti ba natin si Heneral sa pulis patolang 'yon?"
"Sige, magplano na kayo. Baka sakaling matuwa sa'tin si Heneral at buuin niya tayong grupo niya. Buhay-hari rin tayo 'pag nagkataon."
"Sige, maganda 'yan."