Chereads / CONVICT / Chapter 4 - CHAPTER THREE

Chapter 4 - CHAPTER THREE

"Jessy prepare all the letters that we're going to use. Approval letters from our company, permission letter for Preso Toreros, and others that we need."

"Yes ma'am," sagot ni Jessy habang sinusulat

"Ikaw naman Ronald I need you to further research about Preso Toreros. Summarize the details and highlight those important things which could help us on our papers."

Sunod niyang tiningnan sina Tim at Kris.

"Kris, please prepare our interview questions," she turned to Tim. "And Tim you're coming with me this afternoon. Pupunta tayo sa Preso Toreros."

Lihim na nagbunyi ang tatlong kasama nila habang si Tim ay napasimangot na.

"Anyway, 'yong mga sinubmit ninyong proposals I will read that and consider that as our next papers. Sa ngayon let's focus on this one."

"Yes ma'am. We will work hard," Kris

Nicelle smiled. "Thanks Kris. You may now all go. Tim, ipapatawag nalang kita mamaya."

"Opo ma'am."

Naiwan ulit mag-isa si Nicelle sa office niya. Pagkaraan ng ilang oras bumalik siya kay Mr. Fuentes upang papirmahan ang mga papel na hawak niya. Nang matapos, nagtungo naman siya working area ng kanyang team. She knocked on the door and smiled at them.

"Good job guys. Tim…" tawag niya. "Be ready, we're leaving in 15 minutes."

"Y-Yes ma'am."

Nicelle went back to her office and prepared herself. She secured the folder which she will be bringing in Preso Toreros. After somewhile Tim knocked on her door office.

"Ready na po ako Ms. Morgan."

"Yes, I'm almost done."

When Nicelle finished everything about herself they went to the parking lot where her car was parked. Her car was sponsored by their company and she can't contain her happiness the time she had it. Alagang-alaga niya ito ngayon.

"Ma'am bakit po sobrang ganda n'yo naman yata at ang bango pa, e pupunta lang naman tayo sa lugar ng mga kriminal."

"I'm just my usual self. Wala namang nag-iba sa hitsura ko ngayon 'no. And one more thing, huwag ka nang kakabahan diyan dahil may kakilala naman ako sa loob sigurado akong hindi niya tayo pababayaan do'n."

"Yiee. Boyfriend mo ma'am?"

Umiling si Nicelle. "He's my bestfriend. Ang tagal-tagal na naming magkaibigan at mas mahalaga 'yon sa'kin kaysa sa ano pa mang bagay."

"Eh, ngayon ma'am? Wala ka bang boyfriend o kaya naman, nanliligaw sa'yo?"

"I'm a busy person. I don't want distractions for now."

They just talked in the car until they arrived at Preso Toreros. Naroon palang sila sa bungad ng gate nang mapatanaw sila sa itaas na bahagi ng building ng Preso Toreros. Sa tuktok niyon ay may mga armadong pulis na nakabantay at nagmamasid sa ibaba.

"Identification card po ma'am?"

Nicelle gave her ID.

"Here. We're from Philippine Research Institute. I'm Nicelle Morgan and here with me is Tim Borromeo."

"ID din po ng kasama ninyo?"

"Oh, here. I'm sorry," agad namang hinubad ni Tim ang ID niya saka inabot iyon sa nagbabantay.

Halos magsasampung minuto naghintay sina Nicelle sa loob ng sasakyan, dahil may tinawagan pa sa loob ang lalaking nagbabantay at kausap nila ngayon. Nang matapos ang lalaki inabutan sila nito ng logbook.

"Pasulat nalang po ng pangalan, kung ano ang sadya ninyo, sino, at sa panghuli po ay ang inyong pirma."

"Isa nalang ba para sa'ming dalawa?"

"Hindi ho. Dalawa kayong papasok dalawa rin kayong pipirma."

"Oh, okay."

Pasimpleng bumulong si Tim sa kanya.

"Ma'am sigurado po kayong hindi nangangain ng buhay ang mga tao rito?"

"Shut up, Tim."

After Nicelle and Tim filled up the logbook, the gate was opened for them and finally they drove inside. As they went out of the car people outside started to divert their attention to them. Hindi rin mapigilan ni Nicelle na kabahan habang sila'y naglalakad. Bawat mata'y nakatingin sa kanila subalit hindi siya dapat magpahalata na apektado rito dahil alam niyang mas matatakot lamang ang kanyang kasama na si Tim.

Hindi pa man sila nakakapasok sa gusali ng Preso Toreros sinalubong na sila ng isang maputi at makisig na pulis.

"Eero!"

"Nicelle, ano'ng ginagawa mo rito? I thought we're meeting for dinner?"

They greeted each other.

"I know. May sadya akong iba rito kaya napaaga ang punta ko."

"Tsk. It's your birthday how can you be so busy?"

Sa gilid, gulat sa narinig si Tim.

"Ikaw din naman kapag birthday mo ah," balik ni Nicelle sa kaibigan. They laughed at each other. "By the way, this is Tim. Isa siya sa mga kasamahan ko sa loob ng PRI."

"Yeah. I've seen him. Pasok muna tayo."

Eero guided them inside Preso Toreros. They stopped first at the office of the police officers who are managing prisoners. Tumigil sila sa pwesto ni Eero.

"Maupo kayong dalawa."

"Salamat."

"Welcome. Gusto ninyo ng kape?"

"No, hindi na. Gusto ko sanang makausap ang Chief."

"Para saan?"

"Para sa case study namin pero hindi ko muna sasabihin ang details. I should talk to the Chief first, saka ko na ikukwento sa'yo kasi for sure I will be needing your help."

Napataas ng kilay si Eero.

"Parang hindi ko magugustuhan ah?"

Napanguso naman si Nicelle. "Hindi mo ako pwedeng tanggihan, okay?"

Eero laughed at her. "Tara na nga. Sasamahan ko na kayo kay Chief."

"Yay! Thanks."

They went to the office of the Chief of Preso Toreros. As the door opened two other men went out of his office.

"Yes, Guzman? Ang mga taong kasama mo ba ay ang nanggaling si PRI?"

"Yes Sir."

"Good afternoon po Sir Claudio. I'm Nicelle Morgan from Philippine Research Institute, and here with me is Mr. Tim Borromeo, a member of my team."

Nakipagkamay si Nicelle pati na si Tim.

"Please have a seat."

"Mauuna na po ako Sir," paalam ni Eero saka lumabas na.

Nicelle and Tim nervously sat on the leather couch of Claudio's office.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo Ms. Morgan? Nagtataka ako kung ba't may napadalaw ditong medyo kakaiba sa mga palagian kong nakakaharap dito sa Preso Toreros."

Hindi matukoy ni Nicelle kung ano ang pinapakahulugan nito sa huling pangungusap. Gayunpaman, ngumiti lang si Nicelle saka muling nagsalita.

"We're from Philippine Research Institute and our company works on doing research papers. We present them to prominent people and are submitted internationally. Right now we are conducting our case study and I undoubtingly choose Preso Toreros as our main setting. And we're here to submit our preliminary papers such as the letter that I am hoping you would agree."

"Since researcher ka sabi mo, inaasahan kong alam mo ang lahat tungkol sa Preso Toreros. Ang uri ng mga taong nakakulong dito, ang aming pamamahala, at ang kalagayan namin sa loob. Hindi masyadong maganda kumpara sa kung ano man ang iniisip mo ngayon."

"I am well aware of that, Sir. Alam ko kung ano ang Preso Toreros at mas naniniwala akong makikilala ko pa ang lugar na 'to sa oras na payagan mo akong gawin ang case study namin dito."

Napatango-tango ang lalaki na parang hindi kumbinsido sa sinabi niya.

"What good will I have in case I allow you?"

"Preso Toreros to be featured by our company is already a big shot of hope. With your consent, we will document everything on our main subject. Every single thing that happens inside here. But if you will be asking for a different good please hope that we'll provide it for you, as long as kaya namin."

Napangiti ang lalaki.

"I will call Guzman. He'll take a tour with you inside our kingdom," the man said in his sly way. "Sinisigurado kong wala pa sa kalahati ng tunay na Preso Toreros ang mga nakuha ninyo sa social media."

"Salamat Sir."

Nakatayo at muli nang nakipagkamay si Nicelle. Iniwan na niya ang bitbit na folder na kanina. Handa na sana silang umalis ni Tim nang magtanong pa ang Chief.

"By the way, who's your main subject?"

"He's imprisoned here for 7 years... Mr. Kaziel Angelo Zobel."

The Chief gave them a bitter smile. "Good luck."

Nang makalabas si Nicelle at Tim ay kapwa sila napahinga ng maluwag. Sumalubong naman sa kanila si Eero na may kasama nang isang pulis.

"Tara na. Ililibot ko kayo sa loob."

"Salamat."

Napatingin si Nicelle sa pulis na pumalikod sa kanila.

"Nagsama ako ng isa para masiguro ang kaligtasan ninyo," saad ni Eero nang mapansin ang pagtingin ni Nicelle rito

"Uh, salamat."

"Ganoon ho ba kadelikado rito? Bawal makapaglakad-lakad ng mag-isa lang?"

"Yeah," Eero nodded

Napa-signed of the cross naman si Tim sa gilid ni Nicelle.

"S-Sinasabi ko na nga ba maling desisyon ito," sambit pa nito na siniko ni Nicelle

"Tumahimik ka nga."

Unang nilibot nina Nicelle ang unang palapag nang Preso Toreros. Naroon ang canteen, paliguan, maliit na gym, at iba pang mga kulungan. Pumasok sila sa canteen at maraming preso ang kasalukuyang kumakain doon. Sa pagpasok ni Nicelle mabilis siyang nakaagaw ng atensyon. Nakarinig siya ng mga sipol na binalewala lamang niya. Habang si Eero ay pinupukulan ang mga ito ng masasamang tingin.

"Hi, sexy!"

"Ma'am pakulong sa puso mo!" sigaw ng iba sabay tawanan

"Ms. Morgan bakit ganito sila? Huhu."

"Hayaan mo sila Tim. Huwag mo nang papansinin."

"This is our canteen," panimula ni Eero. "Pumipila sila saka isa-isang nilalagyan ng pagkain ang mga pinggan nila."

"Wala naman bang nag-aaway habang kumukuha sila ng makakain?" tanong ni Nicelle

"Kung away lang naman mas marami kaysa sa oras nila ng pagkain." Tinuro ni Eero ang mga taong nasa likod ng counter. "Sila ang naghahain ng pagkain ng mga preso."

Nicelle nodded and greeted them.

"Hi."

Tipid lang na ngumiti ang mga ito sa kanya. Lumapit siya kay Eero saka bumulong.

"Bakit parang ang lungkot naman nila sa mga trabaho nila?"

"Sino ba naman ang sasaya rito? All workers in the kitchen have their life histories. They're not those random people that a company would hire."

Humarap si Nicelle sa mga mesa na pinagkakainan ng mga preso. Dahil doon mas nakita ng mga ito ang mukha niya. Her sharp nose, pouty lips, and dark eyes. Her v-line face was emphasized more because of her shoulder-length hair.

"May schedule ba bawat selda nang pagkain dito o sabay-sabay na sila?"

"Zone 5 comes last, others they are all first."

Napakunot ng noo si Nicelle. "Zone 5?"

"Hindi ko alam kung dapat ko ba silang ipakilala sa'yo. For now dito muna tayo sa baba."

Habang nagpapalitan ng diskusyon ang dalawa patuloy naman si Tim sa pagsusulat sa kanilang notebook. Dikit na dikit lang siya kay Nicelle dahil sa mga kalalakihang lumalala ang kantyawan.

"Lumabas na tayo rito," ani Eero. "Sunod ay sa paliguan. That place is too vulgar for you. Hindi muna kita dadalhin doon."

"What do you mean by too vulgar?"

"There's not enough cubicle for people to bath at the same time. Kaya minsan ang ginagawa nila sabay-sabay silang naliligo at ang iba'y sa labas na ng cubicle. It's not a problem dahil may shower kahit sa labas ng mga cubicle. Kailangan lang iyon i-on at lahat na iyon gagana. They can bath together. They save time."

"Oh, okay. Saan tayo papunta ngayon?" tanong ni Nicelle habang naglalakad sila

"We're going to the gym. Doon sila nakakapag-exercise sa buong maghapon kung gustuhin nila. May kaliitan nga lang kaya ang iba sa labas nalang ginagawa."

May mga dinaanan silang selda kung saan ang iba'y nagsisiksikan na sa loob. Nagpatuloy lang sila hanggang makarating sa loob ng gym. Bilang lang na mga preso ang naabutan nilang nag-eehersisyo roon. Mayroong biking at running exercises. Ang iba naman ay nagbubuhat ng barbell at mga dumbells.

"Medyo may katahimikan dito kumpara sa ibang lugar dito sa loob ng Preso Toreros. Hindi rin pumupunta karamihan ng mga ordinaryong preso rito."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"This place is controlled by inmates of Zone 5. They are the most violent criminals of Preso Toreros. Kaya nga sabi ko sa'yo kanina hindi muna kita dadalhin doon."

Mas lalo lamang napukaw ang interes ni Nicelle. Sa lahat ng balitang nabasa at napanood niya tungkol sa Preso Toreros walang ni isa ang bumanggit tungkol sa sinasabi ni Eero na Zone 5. Her faith to finish a successful and much different case study grew stronger.

Nilibot ni Nicelle ang paningin niya at hindi sinasadyang madako iyon sa may boxing ring. Akala niya'y walang tao roon ngunit isang makisig at pawisang lalaki ang bumungad sa mga mata niya. Tinatanggal nito ang boxing gloves na nasa kamay.

Kaziel used his mouth to remove the boxing gloves on his hand. As he raised his head his eyes met someone. It was dark but mesmerizing.

Napaiwas nang tingin si Nicelle saka napahawak sa braso ni Eero dahilan upang tingnan siya ng kaibigan.

"T-Tara na?" pag-uutal niya

"Why? Masama ba ang pakiramdam mo?"

Nilapat nito ang palad sa kanyang noo. Inalis niya naman iyon.

"Hindi, ano ka ba. Wala nang masyadong titingnan dito, sa labas naman tayo."

"Okay. Tara na."

Palabas palang sila nang pinto nang lumingon ulit si Nicelle sa kinaroroonan ng lalaking iyon. Akala niya'y wala na ang lalaki ngunit ikinagulat niya pa lalo nang makitang nakatingin pa ito sa kanilang direksyon, partikular na sa kanya.

Maybe Tim is right, it could be dangerous for us here or maybe… for me.