Chereads / CONVICT / Chapter 3 - CHAPTER TWO

Chapter 3 - CHAPTER TWO

At the open ground of Preso Toreros, many prisoners were gathered to witness a monthly match of Zone 5 inmates. Mapapatalsik sa Zone 5 ang siyang matalo, iyon ang naging pinakauna at huling kondisyon nila.

Ngayong araw doble ang dumog sa kanila nang malamang isa sa mga haharap ay walang iba kun'di ang binansagang Heneral ng Preso Toreros na si Kaziel. Heneral ang naging alyas ni Kaziel sa loob ng Preso Toreros matapos malaman ng mga ito ang pinagmulan niya. Halos sambahin siya ng mga preso roon. Takot na makabangga siya at hindi rin malapitan upang kaibiganin, maliban na lamang sa pagtitiyaga ni Marlo na buntutan siya sa tuwina.

Ang mga magtutunggali ay nasa loob ng nakapalibot na fence. Sa labas nito ang mga nanonood at sa itaas na bahagi ang mga nakabantay na pulis, hawak ang kanilang mga baril. Lumakas pa ang ingay nang tahakin na ni Kaziel ang daan. Sa likod niya'y si Marlo at iba pang preso ng Zone 5. Samantala nasa loob na ng fence ang makakalaban niya.

"Heneral! Heneral! Heneral!"

Dumiretso si Kaziel sa isang sulok. Huhubarin na sana niya ang kanyang T-shirt nang may magtangkang tumulong sa kanya. Tumigil siya saka tinapik ang kamay nito.  Umurong naman ang lalaki. Kaziel stripped off his thin shirt. His dark artistic tattooes were revealed. Some whistled upon witnessing his lean and muscular body. He never lacked exercise.

"Ano, ready ka na Heneral?" tanong ni Marlo sa kanya habang minamasa-masahe ang balikat niya

"Get off."

"Tsk. Ang pikon lang pala na Boss Grey ang makakatapat mo e. Hindi ko na kailangang mag-alala."

Tiningnan ito ni Kaziel.

"Hindi mo yata alam na ako ang rason kung bakit hindi ka pa makakakain sa sunod na araw."

Nanlaki ang mga mata ni Marlo. Medyo napalayo ito sa kanya.

"Ikaw?! Ikaw ang nagsumbong sa'kin? Hindi ba ikaw din ang nag-utos no'n?!"

"Kaya sabi ko sa'yo huwag kang basta-basta naniniwala."

Tinapik-tapik ni Kaziel ang lalaki.

"Tsk. Pupusta na nga ako kay Boss Grey."

Nakangising pumunta sa gitna si Kaziel. Lumapit na rin sa kanya si Boss Grey na agad siyang pinakitaan ng angas ng mukha.

"Boss Grey! Boss Grey!"

"Heneral! Heneral!"

Mas malaki ang katawan ni Boss Grey kung titingnan pero wala lang iyon para kay Kaziel.

"'Yung sugat na ginawa mo," tinuro ni Boss Grey ang mahabang guhit sa mukha niya. "Doble ang ibabalik ko sa katawan mo," saka dinuro ang dibdib ni Kaziel

Hindi umimik si Kaziel.

"Simulan na natin! Tandaan, mayroon lang tayong isang kondisyon. Ang matalo ay aalis ng Zone 5, babagsak siya sa pinakamaliit at magulong selda. Ngayon, handa na ba kayo?!"

"Wooooooo!"

Nangibabaw ulit ang ingay sa loob ng Preso Toreros. Nagsimula ang patutuos nina Kaziel at Boss Grey. Suntok lang nang suntok si Boss Grey ngunit lahat ng ito'y naiilagan ni Kaziel. Hanggang sa sumunod na suntok ng lalaki, umikot si Kaziel saka sinipa ang mukha nito.

"Heneral! Heneral!"

Agad namang nakabawi si Boss Grey. Lumapit ito kay Kaziel pero bago pa man ito makasuntok ay nauna na itong sapakin ni Kaziel. Sunod-sunod niyang pinatamaan ang ilong nito na ngayo'y nagdurugo na.

"Heneral! Heneral!"

Nang makakuha ng pagkakataon si Boss Grey na makalapit kay Kaziel iniuntog niya ang ulo niya rito. Napaatras si Kaziel.

His eyes glared on him. Boss Grey cunningly smiled on Kaziel.

"Masakit? Simula palang—ackkk"

Kaziel grabbed his neck. He kept walking while gripping his neck, until Boss Grey jerked on the fence. Namumula na ang mukha ng lalaki at hindi na ito makapagsalita nang maayos dahil sa higpit ng pagkakasakal niya.

"Boooooo!"

"Heneral! Heneral!"

"Acckkk!" Boss Grey tapped on his hand. Nang hindi pa niya bitawan doon naman siya sa railings tumapik nang paulit-ulit.

Inawat nina Marlo at ibang preso si Kaziel. Habol ang hininga ni Boss Grey nang mabitawan ito.

"Gago ka. Gusto mo bang hindi na makalabas dito?!" saway sa kanya ni Marlo

Kaziel removed their hands from him.

"Tara na."

Paalis na sana sina Kaziel nang muling sumugod si Boss Grey pero sa panahong ito'y may hawak nang patalim ang lalaki.

"Hayop ka!"

Nasagang ito ni Marlo kaya't nasugatan ang kamay niya. Meanwhile, Kaziel grabbed his dagger. Sinabunot niya ang kamay sa buhok nito saka mula roon ay hinila ito sa gitna. Pinatingala niya ang lalaki saka tinutukan ng kutsilyo sa leeg.

"Tatlong segundo lang ang itatagal mo kapag dinaanan ka ng kutsilyong 'to."

"Hindi ako papayag na hindi ako makaganti."

Kaziel snorted. "Masamang gumanti sa taong mas malakas sa'yo."

BANG!

Natigil ang gulo at ingay dahil sa putok ng baril na iyon. Binitawan ni Kaziel ang lalaki saka patapong binalik ang kutsilyo rito. Tinalikuran niya si Boss Grey. Tuloy-tuloy na siya sa paglabas.

"Tama na 'yan. Papasukin na ang lahat sa selda."

-----

Namamahinga na si Kaziel sa sarili niyang selda nang may dumating na isang pulis.

"May bisita ka, Zobel."

Napatingin siya rito. Bumangon siya saka lumabas. Nasa likod lang niya ang pulis hanggang sa makarating sila sa pribadong visitation area.

Walang emosyon ang mga mata niyang tumingin sa kapatid na si Ciaran.

"It's good to see you again. Ba't buhay ka pa?"

"You're becoming a good actor, huh. Ba't di ka mag-acting lesson? You fool people too much."

Tumawa si Ciaran. "Wow, I'm surprised to know that you're using your connection here, huh. Napanood mo pala ako?" umiling-iling ang lalaki. "Hay. Bakit kasi hindi pa natuluyan ang matandang 'yon. Wala na sana akong alalahanin sa buhay."

Kumuyom ang kamao ni Kaziel sa ilalim ng mesa.

"I know you, Ciaran. Alam ko ang lahat. Kung sila kaya mong maloko ako hindi. Just wait, I'll let you enjoy your peace now."

"Stop with the threats when you're spending your whole life here."

He chuckled. "Hindi mo pa ako kilala."

"You mean ang uto-uto—

Kaziel smirked. "That's what you know."

Ciaran shrugged his shoulder. "Nandito lang naman ako para sabihing may pinapahanap akong tao."

"I'm not interested," sagot ni Kaziel saka tumayo na ito. "Inaaksaya mo lang ang oras ko. Pwede ka nang umalis."

Ciaran just laughed again.

***

Nagmamadali ulit na pumasok si Nicelle sa kanyang opisina pero bago iyon dinaanan niya ulit ang kanyang sekretarya.

"Please call the members in my office now."

"Yes ma'am."

Tumuloy si Nicelle sa opisina niya saka binuksan ang telebisyon. Nagsidatingan naman ang team niya.

"Ma'am pinapatawag n'yo daw po kami," Kris

"Oo nga, maupo kayo."

"Napasa na po namin—

"May naisip na ako. Heto…"

Nicelle flashed the news again about yesterday.

"Buhay ng Major General?"

"No, I'm talking about his imprisoned son."

Napanganga ang mga kasama niya.

"But that's a lot of challenge ma'am," ani Kris. "I mean that's Preso Toreros. It's not a simple detention center."

"Kaya nga. That made it more thrilling, right?"

"You mean... you want our subject to be the young Zobel? Kaziel Angelo, hindi ba?" Tim

"Yes. He was imprisoned 7 years ago."

Nagtaas ng kamay si Ronald.

"Pero paano po kung maging negative ang feedback nito sa papel natin? Mr. Zobel was judged guilty for murder and illegal possession of firearms and illegal drugs. Mabibigat ang kaso niya at marami rin ang galit sa kanya at sa pamilya niya."

"But that doesn't mean na galit na rin tayo sa kanya, 'di ba? Mr. Zobel was found guilty for his crimes and that's why he'll be our prime subject for our case study. Siya ang kukunin natin to document his daily life as a prisoner. Ano na ang naging buhay niya after 7 years in prison? Other than that, malalaman din natin ang kalagayan ng iba pang mga preso sa Preso Toreros. Paano kung may mga bagay pala tayong hindi nakikita dahil binubulag lang tayo sa kung ano ang magagandang pinapakita nila sa telebisyon at mga balita? Every single thing in this world has a dark side and that's one to unravel," Nicelle explained on her team

"P-Pero masyado pong mapanganib ang Preso Toreros kumpara sa ibang kulungan sa Pilipinas."

"I know, pero wala naman tayong sinuong na madali. We'll make this one successful. Now... are we in?"

Kagat-labi ang mga kasama ni Nicelle.

"Okay, kakausapin ko muna si Boss and then I will inform you later on kung sino lang ang isasama ko."

Ngumiti si Kris. "Ma'am, I'll keep your office clean every hour of the day. I'll do it, promise."

"Ako na rin ang bahala sa outside communications natin Ms. Morgan," singit naman ni Tim

"Tsk. I need files about Preso Toreros before lunch. Work on that."

"Yes Ms. Morgan."

"You may go now."

After 3 hours…

"Come in."

After knocking at the door Nicelle finally went in at the office of her boss.

"Good morning, Sir."

"Yes, Ms. Morgan?"

Binigay ni Nicelle ang hawak niyang folder.

"This is the file for our case study."

Binuksan iyon ng boss niya. Makatapos lang ang ilang segundo tiningala ulit siya nito.

"Preso Toreros? Are you sure?"

Nicelle nodded. "Yes, Sir. I already had a meeting regarding that with my team, but after your approval I'll gather them again for finalization."

Her boss read on the paper again.

"Your subject is Kaziel Angelo Zobel? You know the history, right?"

"Yes Sir. I watched every single news about him last night, including his court trial."

"Sa gagawin mong ito pwede mo ulit pukawin ang galit ng mga tao sa Zobel."

"Sir, we are going to conduct the study not to gain the approval of the public. Gagawin namin 'yan dahil naniniwala akong may mga bagay pa kaming madidiskubre sa loob ng Preso Toreros, at mangyayari iyon sa pamamagitan ni Mr. Zobel."

Binaba ng boss niya ang hawak na pahina ng papel.

"Ms. Morgan, tandaan mo na you have one main subject on this study. May mga bagay na hindi dapat pakialamanan."

"Yes Sir, I know that very well."

"I just hope na hindi mo ilalagay sa alanganin ang organisasyong ito. I understand your keenness on this one but stop when it's needed."

"Opo, Sir. P-Pero approve na po ba ito?"

"Well... let's give it a shot."

Malawak na napangiti si Nicelle.

"Thank you Sir! I promise I'll do my best. This time I'll make sure na makakapasok na tayo sa WRUN."

"Let's hope for that."

Bumalik si Nicelle sa opisina niya na magaan ang pakiramdam.