Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

SHOCKER: One Shot Horror Stories Compilation. (TAGALOG)

🇵🇭CDLiNKPh
--
chs / week
--
NOT RATINGS
17.2k
Views
Synopsis
Mga maiikling kwento ng katatakutan na nakapapanindik ng balahibo. Sa panulat ni CDLiNKPH, siguradong madadala mo ang takot maging sa iyong pagtulog. Madadaig ba ng inggit at selos ang friendship ng dalawang babae na magkaribal sa puso ng iisang lalaki? Alamin sa pag-ibig hanggang kamatayan. Mababalot ka ba ng poot sa kagustuhang makapaghiganti sa mga nagkasala sa’yo? Alamin sa kwentong Barang at Ang Galit ng Duwende. Ano'ng misteryo ang nagtatago sa abandonadong building sa Sino ‘Yon at Monster Fish?
VIEW MORE

Chapter 1 - 2. Monster Fish

Monster Fish

Genre: Thriller, Slice of Life, Fantasy

Themes: Family, Giant Fish, Apocalypse

Abala ako sa pagsasalansan ng itlog nang araw na iyon dahil kasalukuyang maraming tao sa poultry namin sa Manila. Sunday kasi at malapit pa kami sa palengke at simbahan kaya naman medyo malakas ang benta.

Ang init-init pa naman nong araw na iyon. Talagang tirik na tirik ang araw kaya naman mas lalo lamang nadadagdagan ang pagod ko.

Halos mabitawan ko ang hawak kong itlog ng bigla na lang may sumigaw na babae sa hindi kalayuan sa amin.

"Ahhh! Ang laki ng isda!" pagsisigaw nito.

Isda? Ano bang sinasabi niya? sabi ng isip ko.

Nakita ko na nagsitaasan ng ulo ang mga tao sa kalangitan kaya tumingala rin ako sa langit.

At nagulat sa nakita ko dahil may isa ngang isda na nakalutang sa ere! At hindi lang iyon basta isda kundi malaking-malaking isda! Lumalangoy pa nga iyon sa langit na para bang nasa dagat ito, e! Nananaginip ba siya? 

Natuwa pa ang ibang tao na naroroon na para bang nakakakita ng isang show ang mga ito. Iniisip yata nila na may shooting kaya naman ang iba ay kinuha pa ang mga cellphone at tablet nila para videohan ang kasalukuyang nangyayari sa langit.

Pero ako ay biglang nakaramdam ng hilakbot sa katawan. Alam kong napakaimposible ng nakikita ko! Agad akong nagpanic at naisip bigla ang pamangkin ko na naglalaro sa labas ng bahay namin. Sigurado na pinabayaan na naman ang mga iyon ng kapatid ko na wala namang pakialam kung saan makarating ang mga anak nito.

"'Ma! Pupuntahan ko lang si Pisaw! Baka kung ano mangyari sa kanila sa labas!" Agad na paalam ko sa mama ko na inabot pa ang isang tray sa kanya ng itlog.

"O sige, anak, mag-iingat ka!" Halatang natatakot rin na sabi niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Masama ang pakiramdam ko sa mga isdang nagsisilutangan sa kalangitan. Alam ko na masamang senyales iyon.

Nang maghiwalay kami ay halos takbuhin ko na ang kalsada. Kailangang marating ko ang bahay namin dahil nag-alala ako sa anim na taong gulang na pamangkin ko. Halos ako na ang nagpalaki sa kanya dahil ang ate ko, simula no'ng ipinanganak nito ang pamangkin ko ay para na siyang nawala sa sarili. Nalosyang na siya, naging mainitin ang ulo at para bang wala na siya sa pag-iisip kung minsan. Ay hindi pala minsan, madalas pala!

Nang bigla na lamang akong nakarinig ng isang malaking pagbagsak mula sa likod ko. Paglingon ko ay nanlaki ang mga mata ko nong makitang nagpapanic na ang mga tao. Iyon ay dahil may isang malaking isda ang nalaglag mula sa langit at sa isang malaking bahay pa iyon bumagsak! Gumuho pa ang bahay at natamaan ang malalapit na taong naroroon. Doon na narealize ng lahat na hindi pelikula ang nagaganap. Nasa panganib ang buhay nilang lahat!

Pagkatapos niyon ay tumakbo na ako katulad ng mga tao sa paligid.

Kinakabahan, natataranta at natatakot ako lalo na nong makita kong marami nang iba't-ibang isda ang nalalaglag sa langit. Marami na akong nakitang namatay! Nagsisilaglagan kahit sa kalsada ang mga isda kaya nagkaroon ng chaos sa paligid.

Ang mga sasakyan ay nagkabuhol-buhol. Nagkabanggaan pa ang ilan sa mga ito. Ang lahat ay takot para sa sarili nilang buhay! They're running for their lives!

Ako naman ay hindi natatakot para sa sarili kong buhay kundi para sa mga taong mahahalaga sa akin. Iniisip ko kung ano na ang nangyari sa mama ko na iniwan ko sa poultry. Sana ay ligtas ito!

Hindi ko na napagilan ang luha ko. Takot na takot na ako! Kailangan kong iligtas ang pamangkin ko kaya tumakbo ako ng tumakbo na para bang wala nang bukas!

"Ahhh!!!! Saklolo!!!!" Narinig kong pagsigaw ng isang lalaki mula sa hindi kalayuan bago ito madaganan ng isang malaking isda mula sa langit!

Mabilis ang mga pangyayari at halos bumaligtad ang sikmura ko nong makita kong nagkalasog-lasog ang katawan niya dahil sa impact! Parang nangingisay pa nga ang isda dahil sa init dahil bahagyang umuusok pa iyon. Para iyong mga isdang nalaglag mula sa aquarium at nangingisay kapag nawalan ng tubig.

"AAAHHHH!!!" Napatili ako lalo pa at tumitirik ang mata ng isda.

Tumakbo na lang ako. Gustuhin ko mang tumulong ay wala rin naman akong magagawa.

Nang sa wakas ay nakita ko ang pamangkin ko na hindi kalayuan mula sa bahay namin. Umiiyak siya habang natataranta ang mga tao sa paligid!

"Tita! Wala na akong tsinelas!" Pag-iyak niya at niyakap ko siya. Nakayapak nga lang siya.

Umiiyak din ako dahil sa takot ko kanina na baka kung napaano na siya pero kailangan kong tatagan ang loob ko sa harapan ng batang ito. Parang ako na ang nanay ng batang ito.

"Tahan na bebe, ikukuha kita!" sabi ko sa kanya.

Nang bigla kong namataan ang isa ko pang kapatid mula sa malayo. Agad ko siyang nilapitan at pinabuhat muna sa kanya ang bata.

"Ate! Hawakan mo muna si Pisaw! Ikukuha ko lang siya ng tsinelas!" sabi ko sa kanya.

"Bilisan mo!" Natataranta at natatakot rin na sabi niya saka kinuha ang bata sa akin.

Nagmamadali ako na tumakbo papunta sa bahay. Nakita ko ang ate kong baliw na pinapapasok ng sapilitan ang anak niyang 3 years old sa kotse.

Umiiyak ang bata at ang ate ko naman ay parang walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa labas.

"Ate, ano bang ginagawa mo? Bakit nandito kayo!?" nagmamadaling tanong ko..

"Ang init sa loob e, dito lang sa loob ng kotse may aircon." Parang cool lang na sagot niya.

"Delikado na nandito kayo sa loob ng kotse. Tingnan mo nga iyong langit! Nakikita mo ba? May mga isda!" Naghihisterya na ako na sabi ko sa kanya.

Tumingala siya at inilabas ang ulo mula sa bintana ng sasakyan. "Wow, oo nga, 'no? Ang galing!" Parang bata pang komento niya na hindi man lang natakot.

Napapailing na lang na pumasok ako sa bahay at hinanap ang tsinelas ng pamangkin ko.

Nagpapanic na ako! Hindi ko alam kung dapat ko bang papasukin ang mga kapatid at pamangkin ko sa bahay dahil alam kong sa panahon ngayon ay wala na rin namang ligtas na lugar.

Bukod doon ay parang mas safe pa kung nasa labas kami, atleast kita namin ang mga isda sa langit kaya maaari kaming tumakbo o umiwas kung makita naming may mga babagsak. Samantalang sa bahay ay hindi. Mamamatay ka na lang ay hindi mo pa alam.

Diyos ko, bakit po nangyayari ito? Magugunaw na po ba ang mundo? umiiyak na sabi ko sa isip ko.

Hindi ko makita ang isang pares ng tsinelas! Baka masugatan ang paa ng pamangkin ko at hindi ko sigurado na mabubuhat ko siya nang matagal kaya kailangan niya ng tsinelas.

Nang sa wakas ay nakita ko na rin ang tsinelas. Halos mabitawan ko ang hawak ko nang marinig ko ang ate ko na sumisigaw mula sa labas.

Nagmadali akong lumabas at nakita ko nga sa kotse ang kapatid at pamangkin ko na wala ng buhay!

Wala na akong nagawa kundi ang umiyak na lang papalayo! Wala na sila! Ni hindi ko man lang sila natulungan at wala man lang akong nagawa para iligtas sila!

Takot na takot ako na tumakbo palayo at hinanap ang pamangkin ko. Nakita ko si Pisaw at kinuha siya mula sa ate ko.

"Ate! Wala na sila Ate Susan at Aaron!" umiiyak na sabi ko.

Naghisterikal naman siya. "Hindeeee!!!!" Umiiyak na sabi niya saka tumakbo palayo sa amin at bumalik papunta ng bahay.

"Ate, huwag ka ng bumalik! Wala ka nang magagawa!" Umiiyak na sabi ko pero parang wala na siyang narinig at tuluyan nang tumakbo palayo sa amin.

At nanlaki ang mata ko nang matanaw na nalaglagan na rin siya ng isda mula sa langit!

Nagpanic na ako at tumingala sa langit! Halos puno na ang langit ng mga isda at nalalaglag na ang mga iyon pabulusok sa lupa dahil sa init!

Tumakbo ako buhat ang pamangkin ko nang mamataan na may babagsak sa amin! Nakaiwas kami pero muntik na kaming madali. Iyak nang iyak sa takot ang pamangkin ko habang tumatakbo ako at buhat siya.

Hanggang sa wala na akong nagawa para iwasan ang isang isda! Babagsak na iyon sa amin!

"Ahhhhhhhhh!!!!!!"

DOON na ako nagising mula sa lakas ng tunog ng alarm clock. Nakita ko ang pamangkin ko mula sa tabi ko at niyakap siya ng mahigpit habang umiyak.

Panaginip lang pala ang lahat. Kaya naman pala ang daming eksena sa panaginip ko na walang sense o weird at nagawa ko pa talagang maghanap ng tsinelas kahit end of the world na. Bagay na never kong gagawin sa totoong buhay kung mangyari man iyon.

Bumaba na kami at niyakap ko ng mahigpit ang mama ko, mga ate ko at si Aaron na nakaupo na sa hapagkainan. Syempre pa ay nagulat sila dahil hindi naman ako sweet na tao.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" takang tanong ng mama ko.

"Wala po. Kain na tayo." Saka ko sinubo ang isang hotdog na naroon.

Masayang-masaya ako at nagpasalamat sa Diyos na panaginip lang pala ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung totoong mawawala ang pamilya ko ng sabay-sabay mula sa akin.

Doon ko narealize lalo kung gaano ko silang kamahal. Doon ko naramdaman na sobrang mahalaga pala sila sa akin kahit na nag-aaway-away lang naman kami minsan dahil lang sa pera.

At doon ay pinangako ko sa sarili ko. Na iingatan ko na ang pamilyang ito. Kung anuman ang ibig sabihin ng panaginip ko ay hindi na mahalaga. Ang importante ay nabigyan ako nito ng paalala na higit sa ano pa man ay ang pagmamahalan sa pamilya ang mahalaga.

At dapat na maipakita ko sa kanila ang pagmamahal ko habang may panahon pa at magkakasama kami.

At higit sa lahat, ang pananalig sa Diyos, pagpapasalamat at paghingi ng gabay sa Kanya ay hindi dapat mawala...

Wakas…