Chapter 3 - 3. Barang

Barang

Genre: Horror, Mystery

Theme: Revenge, Witch

Ang lakas ng iyak ni Mrs. Enrique sa burol na iyon sa mansyon. Walang pagsidlan ang pagdadalamhati nito dahil nakita nito mismo sa mga mata nito na totoo ang nabalitaan nito na namatay na ang asawang si John. Nagulat naman si Agnes sa biglaang pagdating nito sa burol. Hindi niya akalain na dadarating pa ang tunay na asawa ni John.

"John,  bakit mo ako iniwan!" Pagsasalita pa ni Mrs Enrique sa pagitan ng pag-iyak.

"Tama na, Zeny. Wala na tayong magagawa, pumanaw na si Kuya. Ipagdasal na lang natin ang kaluluwa niya," pag-aalo ng kapatid ni John na si Myrna.

"Paano akong hihinahon? Namatay ang asawa ko, Myrna, at sa tingin ko ay kasalanan ng babaeng 'yan ang lahat!" Humahagulgol pa rin si Zeny saka siya tinapunan ng nagbabagang tingin.

Nagulantang siya nang bigla na lang siya nitong nilapitan saka pinagsasabunutan. "Hindi ka pa umamin! Alam kongg pinapatay mo na ang asawa ko para mapunta sa 'yo ang lahat ng kayamanan niya! Sumpain kang kabit ka!" Patuloy pa rin sa pagwawala si Zeny at wala siyang magawa sa lakas nito. Hamak na mas malaki ang katawan nito kaysa sa kanya.

Agad namang umawat ang mga tao roon sa kanila.

"Zeny, ano ka ba! Inatake sa puso si kuya, hindi siya pinatay!" Pag-awat ni  Myrna sa babae saka lang nailayo ng mga ito sa kanya ang ginang.

"Lumayas kang babae ka sa pamamahay ko! Isa ka lang muchacha na oportunista! Isama mo ang mga bastardong anak mo na 'yan!" pagsigaw pa ni Zeny sa kanya.

Wala na siyang nagawa kundi ang umiyak na lang dahil alam niya na wala rin naman talaga siyang karapatan sa pamamahay na iyon. Kahit na siya pa ang nasa tabi ni John sa matagal na panahon ay hindi pa rin siya ang unang asawa. Kahit buong puso niyang minahal ang lalaki, sa bandang huli ay mayroon pa ring ibang babae ang nagmamay-ari rito.

Umiiyak na rin ang mga anak niyang sina JR at Sheena. Mas lalo lang mapapasama ang sitwasyon kung papatulan pa niya ang ang unang asawa ni John. At mas lalong ayaw niyang madamay ang mga anak niya.

Ayaw sana niyang iwan ang huling mga gabi na makakasama niya ang pinakamamahal niyang lalaki pero masyadong galit sa kanya si Zeny para makipagmatigasan pa siya rito.

Alam niyang tulad niya ay nagluluksa rin ito. Hindi lang niya inakala na may natitira pa rin pala itong pagmamahal para sa namayapa nilang asawa dahil matagal itong nawala.

Samantala, kay Zeny.

"Hmp! Mga tanga! 'Yan lang ang nababagay sa yo, John. Nagawa mo akong traydurin noon kaya nararapat lang na magdusa ka hanggang sa kamatayan mo at ng magaling mong kabit. Isinusumpa ko sa harap mismo ng kabaong mo na hindi ako titigil hangga't hindi kayo nagsasama ng magaling mong kabit hanggang sa kabilang buhay. At ang kayamanang pinaghirapan mo? Sa akin lahat mapupunta iyon," nakangising sabi sa isip ni Zeny habang nakatunghay sa kabaong ng asawa.

Nakatalikod siya sa lahat at siya lang ang tanging nakatayo sa harap ng kabaong na iyon ng asawa kaya hindi nakikita ng mga ito ang mga pagngisi-ngisi niya.

"Ano ka ngayon, John? Wala ka nang magagawa ngayon dahil patay ka na," patuloy pa rin na pag-iinsulto ni Zeny sa isip nito patungkol sa bangkay ng asawa.

Kahit ano'ng titig niya sa asawa ay talagang hindi na ito magmumulat pa. Nasa kanya na ang huling halakhak.

Pero bigla na lamang nanindik ang balahibo niya nang bigla na lamang nagdilat ang mga nanlilisik na mga mata ni John sa kabaong! Parang galit na galit ito sa kanya at tumatagos hanggang sa kaluluwa niya ang mga tingin nitong iyon!

"Ahhhhh!!!!!!" pagtili niya. Halos matumba siya palayo sa kabaong ni John.

Agad naman siyang nilapitan nina Myrna.

"Bakit, ate, ano'ng problema?" nagtatakang tanong ni Myrna.

Naghi-histerikal na si Zeny.

"Si John! Dumilat sa akin ang mga mata niya! Patay na siya, hindi ba? Bakit dumidilat pa ang mga mata niya?!" Halos maiyak sa takot si Zeny. Dahilan para kilabutan din ang mga taong naroon at ang iba ay nagbulungan pa.

Agad namang tiningnan ng mga tao sa burol ang patay sa kabaong. Pero mahimbing na mahimbing naman doon si John. Nakapikit ang mga mata 'di gaya ng sinabi ni Zeny.

"Ate Zeny, sigurado ako na jetlag lang 'yan. Mas mabuti pa siguro kung magpahinga ka na. Paggaling mo sa airport kanina ay dito ka na agad dumiretso, eh. Baka pagod ka lang," concern na sabi ni Myrna pagkatapos siyang maipaupo sa isang silya at painumin ng tubig.

Naisip niya na baka nga tama si Myrna. Marahil nga ay pagod lang siya.

Agad na syang umakyat sa sariling kwarto para matulog.

Ilang saglit lang ay tuluyan nang naglakbay ang kaluluwa niya sa mundo ng mga panaginip. Pero hanggang sa pagtulog ay sinundan siya ng kaluluwa ni John!

Nilalangaw daw ang buong katawan nito na inuuod na dahil sa pagkaagnas. Ang kaliwang mata nito ay bulok na rin at ang isa naman ay tuluyan pa ring tinutuluan ng dugo. Ang mga ngipin nito ay naglalagas na rin at sira na rin maging ang ilong nito. Napakabaho din ni John at nakakasulasok ang amoy nito.

Hinahabol daw siya nito at takbo naman siya nang takbo.

"Z-Zeny, h-hindi ka m-makakatakassss! M-magbabayad kaaaaaaaaa!!!" Parang galing sa ilalim ng lupa maging ang boses nito. Nakataas pa ang dalawang kamay nito na para bang anumang oras ay sasakal sa kanya.

Takbo lang siya nang takbo na parang wala nang katapusan. She is running for her life dahil alam niya na sa oras na maabutan siya ni John ay mamamatay siya!

Hanggang sa malaglag siya sa isang malaking butas at doon ay tumalon din si John papunta sa kanya.

"I-Ito na ang katapusan mo, Zeny. Papatayiinnnn kitaaaaa!!!" Bigla na lang siyang dinamba ni John kaya naman nadapa siya.

Dinaganan siya ni John at ubod nang lakas na sinakal siya nito. Sobrang lamig ng kamay nito na parang isang yelo!

"Mamamatayyyy kaaaa!!!! Papatayin kitaaaa!!!" Ang pagsigaw ni John.

Hindi na raw siya makahinga at iyon lang ay nawalan na siya ng malay.

ANG KAWALAN ng malay ni Zeny sa panaginip ang nagpabalik naman sa kanya sa totoong buhay.

Panaginip lang pala ang lahat.

Napabalikwas siya ng bangon at para bang uhaw na uhaw siya kaya agad siyang kumuha ng tubig sa baba at uminom siya.

Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin siya dahil sa panaginip niya kanina pero kailangan niyang magpakatatag. Patay na si John kaya hanggang sa panaginip na lang niya itong pwedeng makita.

Napangisi siya. Tama, hindi siya magagalaw ni John dahil patay na ito. Sa bandang huli ay siya pa rin ang nagwagi.

Hanggang sa may mahagip siyang isang malaking salamin na naroon at nanlaki ang mga mata niya nang makita na namumula ang leeg niya! Para iyong bakas na may sumakal sa iyo.

Muling nagbalik sa kanya ang napaginipan kanina. Sinasakal siya ni John bago siya magising mula sa bangungot kanina.

Muling umakyat ang kilabot sa buong katawan niya. Kung totoong panaginip lang ang lahat ay bakit may marka ng pagsakal sa leeg niya?!

KINABUKASAN ay inilibing na si John. Marami nga ang nagtataka dahil halos wala pang isang linggo ay inilibing na ang lalaki pero ang idinahilan na lang niya ay dahil sa ayaw na niyang patagalin pa ang paghihirap niya dahil lalo lamang siyang nasasaktan habang nakikita ang asawa sa loob ng kabaong.

Naniwala naman ang lahat maging ang mga kapatid nito dahil na rin sa galing niyang umarte. Isa pa, siya lang naman talaga ang hinihintay ng lahat dahil siya naman ang tunay na asawa at hindi ang ilusyunadang si Agnes.

Tinangka pang sumama ni Agnes sa libing ng asawa niya pero pinagbantaan niya itong ipapalapa sa aso maging ang mga anak nito kung magpupumilit ito.

Wala na ring nagawa ang lahat kahit tingin nila ay napakasama ng ginawa na iyon ni Zeny. Ito naman kasi ang tunay na asawa kaya iniisip din nila na ito ang may karapatan.

Napakabigat ng kabaong ni John at halos hindi iyon mabuhat ng mga kalalakihan. Para bang ayaw nitong umalis sila sa mansyon. Pero dahil sa dami ng mga taong nagtulong-tulong ay nagawa rin iyong mabuhat.

"Patay ka na, John. Wala nang magagawa ang pagmumulto mo dahil hindi mo naman ako maisasama sa hukay. Kaawa-awang nilalang. Ako rin ang magkakamkam ng lahat ng pinaghirapan mo. At ang kabit mo at ang mga anak mo? Sisiguraduhin ko sa 'yo na ipaparanas ko sa kanila kung ano ang sakit na ipinaranas mo sa akin noon."

Iyon ang tumatakbo sa isipan ni Zeny habang unti-unting ibinababa ng mga kalalakihan ang kabaong sa hukay ni John.

Nang tuluyan nang mailibing sa lupa si John ay parang gusto pang humalakhak ni Zeny. Sa wakas ay wala na rin ang tinik sa landas niya.

Pero syempre, umarte pa rin siya sa harap ng maraming tao at umiyak nang ubod ng lakas kaya naman naawa ng husto ang mga tao sa kanya. Ang iba pa nga, ang sabi ay para bang gusto na rin niyang sumama sa hukay ni John. Kung alam lang ng mga ito na ang pagkamatay ni John ang sandali na pinakahahantay niya.

Maya-maya ay bigla na lamang may nagsilitawang napakaraming langaw papunta sa lupa na pinaglibingan kay John.

Nagsialisan ang mga tao dahil doon.

Humiwalay naman si Zeny sa mga ito dahil may pupuntahan pa raw ito.

Sa pagtalikod ng babae ay nakita ng mga tao kung paano itong sundan ng mga langaw!

LUMIPAS PA ANG ILANG BUWAN...

Inis na inis si Zeny sa sinabi ng mga abogado ni John sa kanya. Walang iniwan sa kanya si John ni singkong duling at ang masaklap pa ay ipinamana nito ang lahat-lahat ng kayamanan nito sa mga anak ni Agnes!

Kahit pa kasi siya ang tunay na asawa ni John ay naipatayo ng lalaki ang mga negosyo nito bago pa sila ikasal noon kaya naman hindi iyon lumabas na conjugal property. Bukod doon ay may last will and testament pa ito.

Hindi siya makakapayag na mauwi na lang sa wala ang lahat! 

Dahil doon ay nagpasya si Zeny.

Iniwan siya noon ni John dahil lang sa hindi na sila magkakaanak pa nito kahit na kailan dahil isa siyang baog. Dahil sa nangyaring iyon ay nawalan na siya ng amor sa kahit na sino pang bata. Kaya naman sisiguraduhin niya na walang anak nito ang makikinabang sa pera nito kahit na kailan.

Nagpakasama na siya kaya naman isasagad na niya ang kasamaan niya.

Agad niyang kinuha ang picture nina Agnes, JR at Sheena sa naiwan ng mga ito sa mansyon. Dinala niya iyon sa matagal na niyang kakilala na mangkukulam na si Bonnie.

Isa itong magaling na mangkukulam at hindi lang siya ang nag-iisang naghire ng serbisyo nito para pumatay ng mga tao na walang makakaalam. Ni hindi lumalabas sa autopsy na kulam ang dahilan kung bakit namamatay ang mga biktima nito. Dahil sino nga ba naman ang maniniwala sa kulam sa panahon ngayon?

Mas magandang paraan ito kaysa umupa siya ng mga assassins at killers na papatay sa mag-anak dahil maaaring sumabit pa siya kapag nahuli at kumanta ang mga ito.

Agad nang gumawa ng orasyon si Bonnie para sa mag-anak. At hindi nga nagtagal ay nakuha na rin niya ang inaasahan niyang resulta.

Heart Attack din ang nakikitang dahilan ng pagkamatay ng mag-anak mula sa autopsy. Nagtataka naman ang lahat dahil walang nakakaalam na may mga sakit sa puso ang mag-anak pero wala namang makitang dahilan ang mga tao para mabigyan ng justification ang mga kababalaghan na nangyari.

At ng mga oras na iyon ay nagpapakasasa na siya sa kayamanang tinatamasa niya ngayon kasama ang isang gwapong-gwapo at batang-batang lalaki na nakilala niya sa bar kanina lang.

Isa itong gigolo pero wala na siyang pakialam doon. Hindi lang mukha ang maganda rito kundi maging ang malaking pangangatawan nito.

Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakaranas ng sex simula nang mahiwalay siya sa asawa. Handa naman siyang bayaran ito kahit na magkano at kahit ibili pa niya ito ng sarili nitong mansyon dahil kung ikukumpara sa amoy lupang si John ay milya-milya ang layo nito.

Napapikit siya sa sensasyong nadarama habang dumadapo sa kanyang balat ang nakakakiliting mga halik nito. Nagsimula ito sa ibaba hanggang sa pataas ng pataas.

Hanggang sa naghalikan na sila nang tuluyan. Nakapikit pa rin siya habang sarap na sarap sa malalambot nitong labi hanggang sa bigla siyang makadama ng lamig at parang may naamoy siyang mabaho. Para ring may kung anong gumagapang sa loob ng bibig niya.

Agad siyang lumayo sandali rito at dumura siya. At nanlaki ang mga mata niya nang makitang uod na pala ang dinura niya! Ang laki-laking uod!

Pero mas lalo syang nagulantang sa nakita niya paglingon niya sa lalaki.

Ang gwapong lalaking kahalikan niya kanina ay unti-unting naagnas hanggang sa ilabas na nito ang tunay nitong kaanyuan!

"Helllloooo Zeennnyyy Diiiddd yooouu missss meee?" nakangising tanong ng lalaki na ngayon ay nagtransform na bilang si John!

"Ahhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!" Takot na takot na pagsigaw ni Zeny. Halos lumuwa na ang mga mata niya sa sobrang takot! Lahat ng balahibo niya sa katawan ay nagsitaasan na  rin at nanginginig na ang buong katawan niya habang unti-unting lumalapit sa kanya ang buhay na bangkay ni John!

"Hindi ito totoo! Hindi ito totoo! Patay ka na! Panaginip lang ito!" Para nang nababaliw na pagsigaw ni Zeny. Pilit na pinaniniwala ang sarili nito na hindi totoo ang lahat.

"Hindi ba at sinabi mo noong libing ko na mahal mo ako at hindi pa tayo dapat na nagkahiwalay kung hindi lang dumating sa buhay natin si Agnes? Nandito na ako, Hon. Hindi na tayo maghihiwalay," nakangising sabi ni John na patuloy na lumalapit sa asawa.

Panay naman ang layo ni Zeny. "Hindi! Huwag kang lalapit! Huwag kang lalapiiiiiiiiiiiiitttttttttttttttttttttt!" Hindi na naituloy ni Zeny ang sinasabi dahil hinalikan na siya ng nakakadiring bunganga ni John.

Pumasok sa ilong ni Zeny ang mga langaw at ibat-ibang klase ng uod at insekto na nanggaling sa loob ng katawan ni John.

At doon na nangyari ang malagim na kamatayan ni Zeny. Kung anuman ang naging uri ng pagpatay nito sa buong pamilya ni John ay iyon din ang eksaktong naging dahilan ng kamatayan nito

KINABUKASAN

Nabalita sa ibat-ibang klase ng pahayagan ang pagkamatay ni Zeny. Isa itong mataas na tao sa lipunan dahil na rin sa yaman ng asawa nitong si John kaya naman mas madali itong maging sentro ng balita.

Wala pa ring nakakadiskubre ng kasamaang ginawa nito pero nakaladkad ng husto sa kahihiyan ang pangalan nito kahit na ito ay pumanaw na.

Dahil ang itinuturong pagkamatay ng makadiyos, mabait at matalinong ginang ay ang labis na pagkahilig nito sa sex. May nakakita na may kasama itong gwapo at batang lalaki nang pumasok ito sa motel pero walang lead ang mga pulis kung sino ang lalaking iyon.

At tuluyan na lamang iyong magiging malabong bakas dahil lingid sa kaalaman ng lahat ay ang lalaking iyon ay wala ring iba kundi si John.

At kung paano nangyari iyon at kung sino ang may kagagawan?

Si Myrna.

Ito naman ngayon ang nakatayo sa harap ng kabaong ni Zeny.

Hindi lang alam ng lahat pero may lahi ring mangkukulam ang pamilya nina John. Dahil sa kulam na ginawa niya ay nabalot ng isang ilusyon si Zeny na isang naaagnas na lalaki ang gwapong kasama talaga nito sa motel ng gabing mamatay ito. Nang makita ang mga uod at insektong naglalabasan sa katawan ng babae ay tumakas din ang gigolo na kasama nito sa takot na mapagbintangan. Alam niya iyon dahil pinaimbestigahan niya kung ano ang nangyari noong gabing iyon.

Nagkaroon ng idea si Myrna na si Zeny ang nagpapatay sa kapatid niya dahil na rin sa sinundan ito ng mga langaw at insektong nagmula sa katawan ng kapatid niya.

Itinuring niyang sariling kapatid si Zeny kahit na si Agnes ang totoong minahal ng Kuya John niya. Ang akala niya ay mabait ito pero pinatay nito ang mahahalagang tao sa buhay niya. Ang Kuya niya, si Agnes at ang mga pamangkin niya.

Mabuting kaibigan ang mga mangkukulam pero sobra-sobra ang mga ito kung magalit. At ginawa ng bato ni Zeny ang puso ni Myrna.

Nang tumingin si Myrna sa kabaong ay bigla ring nagdilat ang mga mata ni Zeny. Nanlilisik ang mga matang iyon pero taliwas sa takot na naramdaman noon ni Zeny sa pagdilat ng mga mata ng yumaong kapatid niya ay ngisi naman ang isinukli niya rito.

At doon ay bigla niyang itinaas ang gitnang daliri niya bilang pag-iinsulto sa dati niyang kaibigan.

Wakas…