Busy akong nag-iiscrol sa Facebook, nang makita kong nag send ng video si Jam napataas ang kilay ko dahil alas 3 na ng madaling araw at sa mga oras na 'to sabog na s'ya kaya paniguradong katarantaduhan na naman 'to.
Pinindot ko ang video at lutang na mukha ni Jam ang bumungad sa 'kin.
"Hoy alam nyo ba sira na 'ata yung aircon ko kasi pag binubuksan ko s'ya may tunog." Binuksan n'ya 'yung aircon at biglang tumunog ang lyrics na "Magaan na'ba ang 'yong paghinga bumalik kana sa'kin."
At sinabi nya na "Tapos may amoy din yung aircon pag binubuksan ko amoy balik kana miss na kita." Sabay tawa.
Yumi:
Alam mo girl, hindi lang aircon mo yung may sira pati yang utak mo!
Heri:
Gutom lang 'yan beh
Natulog na'ko at paggising ko biglang nag notif 'yung chat ni Jam 15 minutes ago 7:36 na ngayon.
Jam:
Hoy, joke lang 'yon! Sabog lang talaga 'ko tuwing 3 A.M.!!
Heri:
Sinend ko sa ex mo
Jam:
TANGA!! 'DI NGA?! GAGO KABA? BAKA SABIHIN 'DI PA 'KO NAKAKA MOVE ON!
Yumi:
Bakit? Hindi naman talaga diba?
Heri:
Gago! Inun-sent ko rin naman pagkatapos ng 1 minute no, nasa kanya na yon kung napanonoorin nya online rin kasi kagabi HAHAHAHA
Jam:
Gago! Seneen ba nya? Tanga, nakakahiya!
Yumi:
Gaga, wala ka naman non!
Heri:
ha...haha..ha! Naseen yata?
Jam:
TANGINA MO!!!!!!
Yumi:
HAHAHAHA good luck girl, malay mo d'yan na kayo mag comeback?
Jam:
Gago, 'di na 'ko babalik nag-momove on na nga ko eh!