"Putangina yung ballpen ko nawawala na naman kabibili ko lang non!" Galit na sigaw ko sa room. Gago lumelevel up na magnanakaw ngayon sa room nilagay ko yung ballpen ko sa loob ng bag e.
"Hoy Son! nasan yung ballpen ko!" Tawag ko kay Son.
"O tangina mo bat ako,"
"Ano Sorte yung ballpen ko asaan ," Pag-sisi ko kay Sorte.
"Aha o, galing akong canteen e."
"Ano Amara walang balak ibalik ballpen ko,"
"Jusko si Kira, San mo ba nilagay?" Tanong n'ya.
"Sa bag, nag tapon lang ako ng basura e," Sagot ko.
"Marami ngang magnanakaw dito yung ballpen ko nga rin nawala, walangya gagaspang ng tao dito aba," Pagrereklamo n'ya rin.
Umiling na lamang ako at naglakad patungo sa likod. Nakita ko si Lor.
"Putangina mo Lor yung ballpen ko!" Sigaw ko.
"Tangina mo rin, di ko alam."
"Anong hindi mo alam ikaw katabi ko e!"
"Ba, wala ako don!"
"O asan ka?!"
"Nakikipag bebe time sa laloves ko, O di mo kaya!" Mapangasar na sabi n'ya. Paki ko naman duh.
"Ulul,"
Nang makarating ako sa likod umupo ako sa bakanting upuan. Kapag kasi walang tao ron sa row namin naggagala ako kung saan nalang mapadpad na row at kung sino nalang din maka-usap na circle of friends, madali lang naman makipag-kaibigan sa kanila lalo pa't ang ganda ng humor nila.
"Ano Chael yung ballpen ko!" Bintang ko sa kanya pag kaupo pa lang sa upuan.
"O pakyu Kira," Sabi n'ya habang naka-taas ang middle finger.
Pag pasok mo sa room yung row namin ay bandang kanan kung naka-harap ka sa mga upuan, bandang kaliwa naman kapag sa black board ang harap mo.
Sa bandang upuan namin nasa first row si Son at kami naman ni Lor ay sa second row, bale ang ayos ay si Son, Sorte, Fpar, Des, at ang isa bakante, Pa-kanan hanggang kaliwa. Sa second row naman ay Ako, si Lor, Amara, Rod, at Anna. Hindi namin masyadong close yung dalawa sa dulo namin. Sa third row naman ay paminsan minsan naming kinakausap. Close kami noon dati, na turn off lang kami sa ugali ang toxic kasi. Sa pang-apat na row naroon ang iba pa naming kaibigan. Sa kabilang group naman sa tabi ng pinto, Nasa second row ang isa naming kaibigan kaya nadadalas kami ron. Sa row four at five naman ay kaibigan din namin ngunit ibang circle na.
Mabalik nga tayo naka-upo ako sa upuan ni Raz pero kunwari hindi ko alam. Narito rin sa dulo si Amara.
"Amara aba pinagpapalit kana," Asar ni Chael kay Amara. Nagtawanan naman kami.
"Tangina mo naman Chael e,"
"Hoy Renz pinagpapalit mo jowa mo ha," Gatong pa ni Yanna. Muli nag tawanan kami.
"Tangina nyo naman e," Wala sa mood na sabi ni Amara.
"Pag ikaw inasar ko Chael e,"
"O go lang di kita pipigilan don," Sabi ni Chael at nakipag-apir kay Raz na nakatayo sa likod ko.
"Oy gago ka Chael inaasar mo bff ko ha," Pabiro kong sabi.
"Jas miss kana daw ni Chael, wag ka daw masyadong clingy kay Anton nag-seselos daw s'ya," Pa-sigaw kong sabi. Nasa row 3 lang si Jas kaya rinig na rinig iyon mula rito sa row 5. Mag-ex kasi sila at may feelings pa tong hayop na to.
"Tangina mo Kira gago pakyu hayop ka." Pag tadtad n'ya ng mura. Tawa lamang kami nang tawa rito sa dulo habang ninumura kami ni Chael.
"Sinong naka-upo sa pwestong 'to?" Tanong ko kahit alam ko naman.
"Si Raz," Sagot ni Liana.
"Ay gago kaya pala kanina pa to naka-tayo sa likod ko!" Kunwaring gulat at natatawa kong sabi.
Kunwaring tatayo na sana ako.
"Ako na magaadjust baka kasi mangalay ka pa e," Sarkastiko n'yang sabi pero mahihimigan mo ang pagbibiro roon.
"Tanga Raz wag kana umupo," Pang-gagaspang ni Liana. Umiling na lamang si Raz at nakipag-gaguhan sa labas ng room. Hoy bumalik ka!
Nagchismisan na lang kami roon ni Liana at nag-uusap naman si Jie at Amara, paminsan minsa'y nakikisali sila o kami sa kanya-kanyang usapan.
"Pila na raw sa labas, hoy!" Sigaw ni Chael.
"San tayo pupunta?"
"Dun daw sa building ng Senior High, may magtuturo daw tungkol sa teenage pregnancy."
"YES/YOWN!" Sigawan ng iba. Science time na kasi ngayon at for sure masasakop ng mag tuturo ng teenage pregnancy ang math time.
Nang makarating sa shs building, naupo na agad kami bale dalawang row ang magkaharap. Katabi ko si Jie at si Prien. Gago! kaharap ko si Ranz. Kinikilig ako ehe, kemi.
Habang nanonood iginala ko ang tingin sa buong room nakita ko si Ranz na naka tingin sakain, gagi. Ibinalik ko ang tingin sa tv, kunwaring nanonood nang seryoso. Ma-impress ka please!
Nang matapos nagtatanong na ang instructor, may kasabay kaming ibang section. Sa bandang dulo tinawag ang lalaking taga Einstein, naka salamin at medyo gwapo. Tinawag s'ya nung una'y tumatawa-tawa pa pero nung tumayo na... grabe ang galing sumagot, straight to the point and the way he answered the question.. it's so smooth and he's so chill doing that.
Sa pangalawang pagkakataon tinawag na naman ang taga Einstein na yon, at sa pangalawa ring pagkakataon namamangha parin ako.
Nang maka balik sa room medyo disappointed ako dahil wala manlang kaming interaction nung gwapong taga Einstein! Pero ok lang, what if crush din ako ni Raz? Gosh nakita ko s'yang naka-tingin sakin kanina! Tangina pa-fall, mix signals si idol ekis yon pero dahil s'ya yon ok lang.