'Nakaka-stress' halos sampung beses kong nasasabi 'yan sa isang araw.
School isn't about learning anymore... The main goal of many students right now is to pass, and what's more sad is we're going to school to gain knowledge, to learn. But what many student got was depression and being mentally unstable.
Sana hinay-hinay lang sa pag bigay ng school works, hindi lang kasi sa pag-aaral umiikot ang buhay naming mga istudyante bukod kasi sa pag-aaral may responsibilidad din kami sa bahay. Pag-uwi ng bahay pagiging anak naman ang gagampanan namin at hindi pagiging istudyante. May buhay ang istudyante sa labas ng school.
And y'all saying that 'time management is the key' how can we manage a time that is unmanageable?
Pag school, school. Pag bahay, bahay. Hindi pa ba sapat yung eight hours na pag-aaral sa school at magbibigay pa kayo ng assignment para sa bahay pag-aralan? Normal yon pero ang hindi normal ay yung sobra-sobrang assignment kasi sana hindi nalang kami umuwi diba.
May grouping sa science, at napunta sakin yun mga tarantado kong classmate lahat pa mga lalaki ang gagaspang ng ugali ng mga to bwisit, kahit isang maayos wala. Tangina.
Naka-upo ako sa unahan at hindi na lumingon pa sa likuran kahit may ka-member pa ako ron hindi rin naman sila tutulong e, hangga't maaari ayokong uminit ang ulo ko kasi naiistress na talaga ako baka masabihan ko pa sila ng hindi magagandang salita.
Nag-hihintay ako ng tanong nang may naramdaman akong tumabi sakin. Si Raz. Oo nga pala ka-group ko to, pero alam ko namang hindi to tutulong sakin. Hindi mapawi ng kagwapuhan n'ya ang stress ko... hindi, as in hindi talaga... magandang nagsisinungaling, tangina ang gwapo n'ya.
"Boss, hinay-hinay lang wag ka masyadong ma-stress akong bahala sa mga gagong yan hindi magsasalita ang mga yan hanggang sa matapos tong groupings," Seryoso n'yang sabi. Tanginang boses yan, ang gwapo.
Hinawakan n'ya ang tuktok ng ulo ko. "Wag ka masyadong mag-isip, may katulong ka sa groupings na to." Naka-ngiti n'yang sabi. Biglang gumaan ang pakiramdam ko.
Nang mag simula na totoo nga ang sinabi n'ya binabasa ko palang ang tanong isinusulat n'ya na agad ang sagot. Napaka talino talaga.
"Hindi ko maintindihan yung question," Naguguluhan kong sabi. Nang tumingin ako sa papel naisulat n'ya na pala ang sagot. Ipinaliwanag n'ya rin saakin ang nga hindi ko naintindihan.
May one to five na question at kinuha n'ya ang tatlo, yung mga mahihirap talaga ang pinili n'ya at may solving din. Habang sinasagutan ko ang tanong na napaghatian namin, tumigil s'ya saglit sa pag-susulat at kinuha ang pang-ipit kong clip sa naka-kapit sa I.d ko at inipitan ang buhok ko. Medyo nahihirapan s'ya pero pinabayaan ko na lang, malaki na s'ya kaya n'ya na yan. Nag focus nalang ako sa sinasagutan kasi mahina talaga ako sa solving.
Habang inaayos n'ya parin ang buhok ko, napatingin ako papel n'ya. Tapos na. Tutulungan ko na sana s'ya sa pag-ipit ng buhok ko nang saktong natapos s'ya.
"Tingnan mo nga yung sagot ko, baka mali." Pag kuha ko ng atensyon n'ya. Tiningnan n'ya lang ito sandali. "Tama lahat." Bilis ah.
"Thank you,"
Natapos na ang groupings namin at tama nga s'ya ni minsan ay hindi ko narinig na nagsalita ang mga gago sa likod namin.
Ka-group ko rin s'ya... sa lahat. Puta kung ganto ba naman lagi gaganahan ako gawin lahat ng reporting na yan.
Hindi ko na kinakailangan pang lumapit sa kanya para sabihan s'ya sa gagawin n'ya kasi s'ya mismo ang lumapit saakin. Weird hindi naman ganyan yan a, sakit sa ulo ang isang yan pag dating sa groupings.
Nang mag report kami sa math halos s'ya na ang magpaliwanag ng lahat, sabi n'ya kasi s'ya ng bahala kasi ako na ang gumawa sa PowerPoint, quiz, at seatwork, pero sabi ko tutulungan ko s'ya kasi masyadong marami to. Totoo to pero hehe ang ganda kasi tingnan kung kaming dalawa ang magrereport. Couple goals kahit ako lang ang may alam na couple kami.
Nag-susulat na ang classmate namin kaya nasa gilid kami. "Pagod kana ba?" Tanong n'ya, pa-fall amputa.
"Hindi naman," Sabi ko habang binubuksan ang biniling tubig sa canteen, puta ang higpit.
Kinuha n'ya ito at binuksan. Pag-kabukas ay agad ko itong ininom, nakakauhaw. Kinuha n'ya ang panyo n'ya at ipinunas sa noo ko pag tapos ay pinangsalo sa baba ko, medyo natatapon kasi ang tubig. Masyado s'yang caring bilang ka-member, what if... joke.
Pag tapos nila mag-sulat itinuloy narin namin ang discussion. Pag tapos ay nag-sulat na ulit sila. Pawis na pawis na ang likod ko, hindi ko alam kung nasanay lang ba akong may bimpo sa likod o sadyang mahina ang immune system ko. Nag-ubo at sipon kasi ako pag natutuyuan ng pawis, kaya kahit nakakahiya lumapit ako kay Raz na hindi rin naman kalayuan sakin.
"Uh, pwede palagay ng bimpo sa likod?" Nahihiya kong sabi. Tumawa ang gago, puta anong karapatan n'yang tawanan ako? syempre wala!
Bago pa ako tuluyang umalis ay kinuha n'ya na ang bimpo sa kamay ko, pumunta sya sa likod ko at maingat na inilagay ito sa likod ko.
Nang matapos ang reporting, bumalik na kami sa kanya-kanya naming pwesto.
Hindi pa ako nakakaupo ay pina-ulanan na ako ng mga tanong at pang-aasar.
"Crush mo yon no?"
"Tanga ka ba, bat ko magiging crush yon." Normal at natural na ekspresyon ang ginamit ko kaya hindi na sila nagduda pa kung may napapansin man silang kaduda-duda ay tiyak akong hindi sila titigil, pero mukha namang wala silang napansin. Hindi pala nila alam na crush ko si Raz, bat ko ipapaalam edi kumalat.