Chereads / ONE SHITS / Chapter 17 - shutangina 17

Chapter 17 - shutangina 17

Masakit. Ayoko na.

"Tanga ka no ayaw mag-iingat," Sabi ni Raz habang nakahawak sa siko ni Eva.

"Bat mo pa kasi ako sinambot!" Kunwaring galit na sabi ni Eva, sus may gusto s'ya kay Raz.

"Edi sumubsob ka,"

Kanina pa sila d'yan, sakit sa mata. Inaasar na rin sila, sus di naman masakit, basic.

Muntik nang mahulog si Eva mula sa pagkakaupo sa teachers table, yes as in table. Sinong bobong uupo sa table? Tanga.

Nakisali ako sa asaran, basic lang naman di naman masakit.

"Kow d'yan nagsimula lolo't lola ko, alam na this," Sabi ko at nagtawanan kami. Naka simangot si Raz. Namo.

"Pucha pustahan magiging kayo," Sabi ko at tumawa ulit.

At dahil sa pang-aasar ko hindi na natapos ang asaran tungkol sa kanila. Puta wrong move.

Nang dumating ang teacher may quiz na naman po, opo. Biggest flex naka perfect ako, ehe. Minsan lang to kaya gusto ko laging sinecelebrate, baka di na maulit hehe.

Uwian na pero kailangan namin bumalik dahil mag lilinis kami ng room, iilan lang naman kami. By 2 p.m dapat andito na lahat.

"Hoy wala dito yung papel ni Raz naka ilan yon?" Sabi ni Lor. May meeting ang teachers kaya sinusulat n'ya sa papel ang score namin.

"Nine yata," Sagot ni Eva. Wow alam na alam.

"Bat mo alam?" Makahulugan kong sabi.

Pagkasabi ko noon ay inasar na s'ya nila Lor.

Actually di ako yung tao na masyadong inaalam lahat. Hindi porket crush ko s'ya aalamin ko lahat. I feel like not because you like someone you will invade their privacy, It's called private for a reason. At syempre nakakasakit din nang sobra pag alam mo lahat pati ang private matters sa buhay n'ya, baka mamaya may shota na pala edi broke ka.

Dumating bigla si Chael. "Naka fourteen yon si Raz," Sabi n'ya. Hah! fake news ka pala Eva, talitalino nung labidabs ko ginagawa mong bobo!

"Ha naka nine lang yon! Si Reen nag check,"

"Ba o, mas magaling kapa sakin e ako katabi non,"

"O tama na tama na tama na," Away ko obviously na mas alam ni Chael yon. Pag tumagal pa ang pagtatalo nila baka sabihan na ni Lor si Eva, masakit pa naman mag salita ang isang yon.

Dumating na si Raz, kala ko tatakas na naman to e. Mag lilinis pa naman ang gagawin e tamad ang isang to.

Nandoon s'ya banda kala Chael kasama ang tropa n'ya, hindi pa kami nagsisimula mag linis. Pumunta si Eva sa kanila at nakipag-asaran kay Raz.

"Ebangilin crush mo lang ako e," Sabi ni Raz. Evangeline yon, naiinis ako sa pronunciation n'ya para kasing ang close close nila e.

"Crush amputa,"

"Ano bang kinakagalit mo mahal," Pabirong sabi ni Raz.

"Babaero ka daw kasi!" Gatong ni Chael.

"Hindi ko babae ang mga yon,"

"Ay hinahabol ka lang ba pariii,"

"Oo e, pero mahal wag ka mag-alala kahit wala ka sa tabi ko pag may umaaligid sakin ikaw parin ang pipiliin ko, walang iba. Pipiliin kita sa lahat ng oras." Pabiro muling sabi ni Raz. Kilig na kilig naman si Eva. Edi wow sainyo.

"Mahiwaga pipiliin ka~~~" Pakanta nila Chael at ang ibang tropa nila'y tinatambol ang desk, kinuha ko ang gitara at sinasabayan sila sa trip. Hindi kasi masakit.

Nang dumating na lahat nag linis na kami. Sandali kaming tumigil dahil tamad sila, taympers daw! Bumibili ang iba ng makakain, sa labas ng school syempre pucha no na no sa canteen ginto mga paninda kala mo magiging honors ka pag kinain mo e.

"Hoy Kira wala ka ng kawala nakita kitang nag gigitara sa bahay n'yo," Sabi n'ya at ipinakita ang gitara, putananto ayaw nalang sabihing inuutasan n'ya ko. Hindi ko nasabi magkapitbahay kami n'yan not that as in kapitbahay but you know their malapit lang, wow their malapit lang, kemi mo!

"Ayako Chael!"

"Bilisan mo ba kumanta ka din!"

"'No ka batas,"

Mahaba habang pilitan din ang naganap bago ako pumayag. Pakyu Chael.

"Ano bang kanta!"

"O bat parang galit ka,"

"Anong parang galit talaga ko!"

"Yung ano ne, Isa lang!"

Inistrum ko ang gitara.

"Hmm oh (oh) Hmm," Pag kanta ko. Nagulat sila, first time nila narinig alangan magugulat ba sila kung hindi diba.

Hindi ko na lamang sila pinansin at nag focus na lang sa pagkanta.

"Tanginamo ne zingerizzttt ka pala!"

"Hayop ka Kike,"

"Gago ang ganda!"

"Pag-usapan muna natin ang iyong gabi ikaw ang pahinga ko mahal,"

"Lumiliwanag aking ngiti kapag kausap na... Kita pasensya lang kung babalik pa rin sa atin kahit 'di mo 'ko hanapin..." Tumigil ako ng saglit at hinanap ang mga mata ni Raz.

"Magpapaalipin lang sa'yo pinapawi mo ang uhaw ng aking puso Oh, sabik sa lalim ng pagtingin mo para sa 'kin 'pag napansin mo na ako Ipapaunawa ko agad sa 'yo na..." Pag kanta ko habang naka-tingin parin sa mga mata n'ya. Pakshet nakakatunaw kaya ibinalik ko ang mga mata sa gitara.

"Isa lang, isa lang ang hinahanap ko hanap ko..."

Muli akong tumingin sa kanya.

"Ikaw ra man ikaw ra man

Kung papalarin na mapapasa'kin ba?"

Pag tapos ng linyang 'yon ibinalik kong muli ang mga mata sa gitara.

"Kung saan-saan man magtungo 'di alam kung ba't sa puso pangalan mo lang ang tanging laman hindi alam kung ba't mas sinusunod mo pa ang iyong mga tala at 'di ang nararamdaman sa akin ngunit babalik pa rin sa atin

Kahit 'di mo 'ko hanapin Magpapa-alipin lang sa 'yo pinapawi mo ang uhaw ng aking puso Oh sabik sa lalim ng pagtingin mo para sa 'kin 'pag napansin mo na ako ipapaunawa ko agad sa 'yo na...."

"Isa lang isa lang (isa lang)

Ang hinahanap ko hanap ko

Ikaw ra man ikaw ra man

Kung papalarin na mapapasa'kin ba?"

Tumingin ako sa kanya.

"Kung mang-aakit akit ka na naman pwede bang sa akin akin lang? Kung mang-aakit akit ka na naman pwede bang sa akin akin lang? Kung mang-aakit akit ka na naman

pwede bang sa akin akin lang?" Pwede ba? Umiwas na lamang ako ng tingin.

"Isa lang isa lang ang hinahanap ko hanap ko ikaw ra man ikaw ra man kung papalarin na mapapasa'kin ba?"

Sana hindi nila mapansin yung mga tinginan ko please Lord. Nang matapos na tumingin ako sa kanila ng pagalit.

"Ok na ba? Masaya na ba an lahat?" Sabi ko at pabirong inikot ang mga mata.

Pag tapos ng side comment nila naglinis na kami. Dapat lang no! Napaka tamad nila.

"Ano ba Raz!" Natatawang sigaw ni Eva. Naghaharutan sila ron ni Raz. Ouch.

Oo nga pala, nakalimutan ko. Ganyan ka nga pala sa lahat. Sa lahat ng bagay... yon pa talaga ang nakalimutan ko.

Lagi kong hinihiling sa mga tala na sana sakin ka nalang... sakin mo nalang ibuhos ang atensyon mo... ako nalang sana... kasi ikaw lang e, ang kaso wala akong karapatan. Na sa pag lubog ng liwanag na nagbibigay buhay sa atin ay sumasagisag sa pag tapos ng isang maganda at nakakapagod na araw, hindi ako... hindi kailanman magiging ako.