Chereads / ONE SHITS / Chapter 16 - shutangina 16

Chapter 16 - shutangina 16

Ang gwapo. Tangina. Beh ang adams apple paki-tago!

Nasa room namin ang senior highschool. They're persuading us to buy their coffee, may event kasi. Shit ang gwapo ng boses, tapos yung adams apple shet!

Naka-tingin ako sa kanya simula pag-pasok, O mine ha kanina pa ko dito! May iilang classmate akong nakatayo sa unahan pero hindi naman nila nahaharangan yung gwapings na shs, mapatay haharang.

Habang naka-tingin bigla nalang may humarang, bwisit! Nagsisilapitan na sila e nag-eexplain pa lang naman, bobo amputa! Hindi pa naman pinapalapit ang o-order mga naglalapitan na agad.

Nang makita ko ang gagong humarang nadagdagan ang inis ko, si Raz. Naiinis ako... naiinis ako kasi hindi n'ya na kailangang humarang para makuha ang atensyon ko, huy 'no kaba delulu moments.

Mula sa pag titig dun sa gwapong shs inilipat ko kay Raz, gwapo talaga bwisit. Lumapit yung gwapong senior highschool sa banda namin, may nagtatanong kasi.

"Ihahatid po ba dito yung order?" Tanong ni Renz.

"Oo," Sagot nung asawa ko, kemi. Gago ganda ng boses.

"Pwedeng kayo na lang i-order?" Tanong ng isa kong kaklase. Anong karapatan mong mag tanong beh? landi ah.

"Bawal," Sagot n'ya. Tama yan! Sorry guys ayaw n'ya kong nagseselos.

"Bawal talaga naka pre-order na sakin yan e," Sabi ni Son samin, tangina mo sige iyo na nga. Tumawa kami ni Lor.

"Hoy ang landi," Tawang tawa na sabi ni Lor. Tuwa kana n'yan?

Natigil ang paggagaguhan nila nang dumating na si ma'am. May activity kami Venn diagram at by pair. Nakipag-partner ako kay Fpar, pinaghihiwalay kasi namin ni Lor si Fpar at Son gagi gagaling ba naman mag drawing tapos matalino pa e, lugi.

Ang kaso naunang mag sabi si Nel na ka-partner n'ya si Lor, kaya nakipag-partner nalang si Son sa bff namin na ka-m.u ni Lor, yes malandi sila. Tapos inagaw ni Les si Nel kay Lor, pucha kawawa ka naman bff.

"Sino na partner mo?"

"Wala nga e, tangina ni Les mang-aagaw!"

"Ay, ikaw nalang partner ko!" Sabi ni Lor sabay hila kay Chloe. Gago crush nila isa't isa dati, nung first month ng s.y.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~~~," Pag kanta ko. Sinundan naman ng mga kaklase ko ng pang-aasar. Tama yan guys.

Habang nag-sasagot hindi parin maka-gawa ng perfect na bilog si Fpar, grabe talaga pag magaling mag drawing, perfectionist. Kailangan ng malaking bilog dahil marami-rami ang isusulat namin.

Nang matapos akong mag sagot nagbibilog parin si Fpar nakailang papel narin s'ya, naiinis na ko ha. Kaya naman pumunta ako sa dulo, yes sa dulo. Dumiretsyo agad ako ron syempre para mang hiram ng pambilog, para narin maka-simoy hehe.

"Peram pambilog Jie,"

"Wala nga e," Sabi n'ya at ipinakita ang bilog na drawing nila, ampangit ha.

"Chael peram pambilog, ano!"

"O, puta wala nga e," Sabi n'ya habang may hinahalungkat sa bag. Nakita ko yung compass.

"Osha eto nalang compass," Sabi ko at sumulyap kay Raz na katabi n'ya, so gwapo love.

"Tangina mo talaga Kira," Sabi ni Chael at labag sa loob na pinahiram yung compass n'ya.

Nang maka-balik ako nakapag-bilog na pala si Fpar, etong putananto. Dinagdagan n'ya ng konti yung sagot at inilipat na sa Venn diagram, s'ya na raw ang magsusulat kasi pangit daw ang penmanship ko. Nakaka-insulto ha! pero ok lang mahaba rin yung isusulat, so win-win situation para sakin yon.

Bumalik na lamang ako sa likod at ibinalik ang compass, plus konting interaction kay Raz, I mean sa kanila syempre.

Nang matapos ang english hour pumasok na ang teacher namin sa mapeh may quiz kaya binigyan kami ng time mag review nasabi na ni ma'am to kahapon kaya ang bait kasi binigyan kami ng time, love you ma'am!

Wala na kong oras makipag-gaguhan kala Lor kasi hindi ako nag review sa bahay, katamad e.

Nakasubsob ang mukha ko sa notebook habang nag me-memorize. "Nagriritwal na si Kira o," Sabi ni Fpar, nagre-review kaya ako wag ka! 20% review, 40% ritwal, at 40% dasal.

Nang matapos ako mag review ready nako makipag-gaguhan kaso nagrereview pa sila, kawawa naman kung guguluhin ko. Sa likod nalang ako pumunta at nanghingi ng 1/4, yes diretsyo dulo agad.

"Pahinging 1/4 hoy!"

"O bat ka andito andami daming may papel yung akin pa napili mo, wala na ubos na!" Nagrarap na sabi ni Chael, ulul.

"Bilis na,"

"Wala nga,"

"Ulul nakita ko meron,"

"Wala nga aba,"

"Andamot mo!" Pabiro kong sabi.

Naka tayo si Raz habang tinutulak-tulak ako ng pabiro, wala itong pwersa at ang rahan lang. Ano ba nafafall ako!

"Oo na, oo na, dun na, dun na," Sabi n'ya.

"Hindi! pahinging papel!" Sabi ko.

"Dun na dun na kow,"

"Tangina mo,"

"O eto na walangya ka ba, napaka buraot mo," Sabi n'ya at binigyan ako ng papel, thank you sa papel at.... atensyon. hehe.

Bumalik na ko sa upuan ko at dumating narin si ma'am, hindi ko alam kung matalino ba ako o sadyang madali lang, naka-perfect kasi ako.

As usual dumiretsyo ako sa likod at tinanong ang mga bff ko don... slash sulyap sulyap.

Recess na! finally, yes!

"Dito tayo daan, gusto ko mag lakad ng malayo," Sabi ko. Doon kami dumaan sa pinaka dulo.

Nang makarating sa second floor nakita namin sila Son na naghihintay sa kabilang dulo.

"Hoy intayin n'yo kami, wag kayong bababa. Wag kayong aalis sa kinatatayuan n'yo pag umalis kayo wala na tapos na ang pagkakaibigang to!" Sabi ko. At nag slowmo ng lakad naki gaya si Lor, nice.

"Bilisan n'yo na kasi ano!" Naiinis na sila.

"Ay magsasadgirl nalang ako mukhang Galit kayo e," Sabi ko sabay tigil at tingin sa gilid.

"Tangina n'yo ano!"

"Hoy Lor nagaantay si Lean sa baba!"

Aba ang gagong Lor tumigil pa, yari ka mamaya.

Nasa room na kami at hindi pinapansin ni Lean si Lor, tanga kasi lakas ng amats. Bahala kayo d'yan.

Pumunta nalang ako sa teachers table at umupo, naka harap sa electric fan. Nasa labas si Raz kausap ang mga gago n'yang friend.

Nakita ko s'yang naka tingin sakin syempre di ako papakabog tumingin din ako tumagal ang titigan namin ng 1 minute, hoy atleast! Umiwas s'ya noong may lumapit na babae sa kanya. Ge.

Naka tingin ako sa kanila, hindi naman ako nagseselos. Wala akong karapatan. Umiwas nalang ako ng tingin, edi wow sainyo stay strong imbitahan nyo ko sa kasal n'yo! Badtrip.

Tumingin nalang ako sa harapan at nakipag-sigawan nang may lumapit sakin.

"Ang init! wag kang humarang sa electric fan!" Sigaw ko kay Raz pakyu dun kana sa babae mo.

"Kanina kapa dito ako naman," Sabi n'ya. Gago so naka-tingin s'ya sakin kanina pa? huy gago binibigyan nya ko ng atensyon? Sige pinapatawad na kita.

"Ulul dun kana sa labas makipag-usap ka sa mga bebe girls mo, dami oh inaantay ka,"

"Selos ka naman e," Sabi n'ya. Buti alam mo!

"O eto selos," Sabi ko habang nakataas ang middle finger. Hinawakan n'ya yon at binaba. Ano ba wag mo kong hawakan! Buong gabi ko na naman iisipin to!

"Shhh mahal ikaw lang maniwala ka. You don't need to compete with them, kasi kahit hindi ka lumaban panalo kana. Ipapanalo kita... sa kahit anong laban." Pabiro n'yang sabi at pinagsaklop aming mga kamay hinayaan ko s'ya, kunwari nalang hindi ko alam.

"O eto laban," Sabi habang naka taas ang dalawang kamay na nakapakyu. Tangina mo gago fuck you mix signals kang hayop ka ulul namo. Dinamay mo pa yung nananahimik na lyrics ng silent sanctuary.

"O kinikilig ka naman," Mapang-asar na sabi n'ya, fuck you!

"Tangina mo Raz gago ka!"

Pag ako di na naka move on oo wala kang choice sinasabi ko sayo ipipilit ko to.