Chereads / MY FAKE NERD GIRLFRIEND / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

Hindi mawala ang malawak na ngiti ni Luis habang tutok ang mga mata niya sa daan. Masayang masaya siya dahil sa wakas ay sila na ni Blessie. Walang katumbas ang kasiyahan niya ngayon. Hawak niya ang isang kamay ni Blessie at palaging hinahalikan ito.

Namumula ang pisngi at kinikilig naman si Blessie. Alam niyang napakabilis ng mga pangyayari. At ngayon nga ay sila na ni Luis. Hindi na siya nakapag isip at hindi napigilang sagutin kaagad ang binata.

It's official. May jowa na siya ngayon. Ang kauna unahang lalaking inalayan niya ng puso niya. Hindi niya alam na ganito pala ang feeling ng may nobyo. Masarap sa pakiramdam.

"Masaya kaba talaga?" tanong ng sarili niyang utak. Kinapa niya ang sarili. "Very happy." sagot niya sa sariling tanong.

"Pero bakit ang ngiti mo hindi umabot sa mata? Kapag masaya ka. Ang ngiti mo nakaplaster na at lumalagpas pa sa mata mo" sita ng sariling isip. Napaisip si Blessie. Pagsisihan na ba niya ang naging desisyon niya? But Luis is a nice guy. At deserved din niyang mahalin ng tunay. Mahalin din pabalik.

"Masaya nga ba ako? Tama ba ang desisyon ko? Mahal ko nga ba si Luis?" mga tanong niya na hinahanapan niya ng sagot. May pag aalinlangan siya sa nararamdaman niya.

Bumaling siya ng tingin kay Luis at tumingin sa kamay niya na hawak pa din ni Luis. Saka tumingin sa mukha ni Luis. Seryoso pa din na tuyok ang mga mata sa daan.

"Babe, pupuntahan kita sa inyo early in the morning. Gusto ko ako ang maghahatid sayo sa pagpasok mo sa trabaho. Magsusundo sayo sa hapon. And I want to have a breakfast date sa aking Babe. I love you, Babe" sabi ni Luis na hindi tumitingin kay Blessie. Saka hinalikan ang kamay niya.

Ilang minuto pa ay hindi naringgan ng sagot ni Luis si Blessie. Nilingon niya ito at nabugarang nakatitig lang ito sa kanya.

"Babe" muling tawag ni Luis kay Blessie. Pero hindi pa din ito sumagot.

"Babe!" malakas na sigaw ni Luis at kumumpas pa ang kamay niya para bumalik sa ulirat ang dalaga.

"Huh? May sinasabi kaba?" nagugulumihang tanong ni Blessie.

"Babe, where are you? Pakiramdam ko wala ka sa tabi ko. Kanina pa ako nagsasalita dito. Hindi ka naman pala nakikinig. And I know you are thinking something. Kaya ganyan ka. Wanna share it? Kung ano man yun, sabihin mo lang sa akin. I hope we dont keep secrets in to each other. I want you to be honest. And me also. I promise I will honest with you. Kung ano man ang nararamdaman kong mali sasabihin ko kaagad sayo" sabay hawak ni Luis sa mga kamay ni Blessie. Seryosong nakatitig sa mata ni Blessie.

Hindi napansin ni Blessie na nasa tapat na pala sila ng bahay nila.

"Sorry. Siguro pagod lang ako sa trabaho. Kaya lumilipad ang isip ko. Mahal din kita. At oo hindi ako magki keep ng secrets"

"Why don't you resign in MMC? I will find a good job for you in my own company. Besides, mapapanatag ako kapag nasa kompanya ko ikaw nagtatrabaho. Walang sisigaw sayo at hahamak sayo doon. I will protect you always. Araw araw pa kitang makikita at makakasama" pangungumbinsi ni Luis kay Blessie. Malungkot na napatunghay si Blessie sa mukha ni Luis.

"Pag iisipan ko" tipid na sagot ni Blessie. Hindi pa niya kayang magresign sa ngayon. Isa pa bago pa lang siya naging sekretarya ni Marius.

"Iyon ba talaga ang dahilan mo?" tanong ng utak niya. Pilit isinisiksik sa ulo niya ang rason niyang iyon.

"Babe, I dont want you to be close to Marius. He is not good for you. At ayoko na naririnig na sinisigawan ka niya. You're my girlfriend now. And its my right to protect you. Kahit na kadugo ko pa si Marius. Hindi ko talaga ako magdadalawang isip na suntukin siya kapag sinaktan ka niya" wala siyang tiwala kay Marius. Sa mga kilos ng pinsan niya hindi niya ito dapat pagkatiwalaan.

Nanlaki naman ang mga mata ni Blessie.

"Huwag ka namang ganyan. Huwag mong pag isipan ng masama at pagselosan ang pinsan mo. Pinsan mo pa din iyon. Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko" ani Blessie.

"Hindi mo kaya. Ang bait mo nga. Dahil sa lahat ng mga masasakit na salita na ibinabato sayo. Pinapalampas mo lang. Stand for what is right, Babe. I'm here to support you. Huwag kang matakot sa kanya at sa lahat ng taong binubully ka"

"Huwag kang mag alala sa akin" iyon na lamang ang masabi ni Blessie. Dahil alam niyang ipipilit pa din ni Luis ang gusto niya. Alam niya na ang kapakanan lang niya ang iniisip ng nobyo niya. Pero hindi niya kailangan pangunahan ang desisyon niya.

Hindi niya kayang magresign sa MMC. Isa pa napakalaki ng utang na loob ng pamilya nila sa pamilya Centeno. Ano na lamang ang isipin ni Marius? Na sumusuko na siya at mahina siya. Kaya siya magreresign.

"Big NO! Hinding hindi ako magreresign" pinal na sabi ni Blessie sa isip.

"Kung ano man ang desisyon mo sa mga sinabi ko. Just let me know. At huwag kang masyadong lalapit kay Marius, Babe. I am not 24 hours always with you" sabi pa ni Luis.

Napataas ang kilay ni Blessie.

"Nagseselos kaba sa pinsan mo?"

"May karapatan naman akong magselos. Siyempre boyfriend mo na ako. Sige nga, ikaw nga ang sumagot. May karapatan ba talaga akong magselos sa amo mo?" parang bata naman na nagtatampo si Luis.

"Ayy, ang cute naman. May karapatan ka naman talagang magselos. Pero dapat magtiwala ka sa akin. Sa akin ka makikinig at pakikinggan mo muna ang paliwanag ko. If ever may narinig ka or nakita ka na hindi kaaya aya sayo"

"Gusto mo pa bang pumasok?" dugtong na tanong ni Blessie kay Luis.

"Hindi na, Babe" sagot ni Luis. Tumango ng ulo si Blessie at akma na itong lalabas ng pigilan siya ni Luis. Nilingon niya ito at nakitang nanghahaba ang nguso ng binata.

"Ano yan?" natatawang tanong ni Blessie.

"Goodnight kiss ko" nakapout pa din ang labi nito sa kanya. Kamay niya ang ipinahalik niya kay Luis. Saka mabilis na lumabas ng kotse ng binata.

"Babe naman" nagmamaktol na sabi ni Luis. Natatawa naman si Blessie sa reaksiyon ng nobyo niya.

"Nakakarami kana. Mag iingat ka sa pagdadrive" biling tugon ni Blessie.

"I love you" pahabol na sabi ni Luis. Pero hindi iyon tinugon ni Blessie at diretsong naglakad papunta sa bahay nila.

Papasok na sana loob ng bahay si Blessie nang may humablot sa kamay niya. Alam naman niya kung sino iyon.

"Babe, naman. Hindi mo na ba ako mahal?" nagtatampong tanong ni Luis kay Blessie. Kilig na kilig naman ang puso ni Blessie sa nakikitang reaksiyon ni Luis.

Humarap siya kay Luis na may nakakalokong ngiti.

"I love you too, Baby Boy" sabay pisil sa magkabilang pisngi ni Luis. Napadaing naman si Luis. Pero tumawa din. Pagkatapos ay ngumiti.

"I will pick you up in the morning. And dont forget to dream about me tonight, Babe" pahabol na bilin ni Luis habang papalapit na siya sa kotse niya.

"Noted po" sagot na lamang ni Blessie. Napangiti si Luis habang pumapasok sa driver seat.

"I'll see you tomorrow!" malakas na sigaw ni Luis at pinaandar na ang sasakyan.

Pumasok naman si Blessie sa loob ng bahay nila na masayang masaya ang puso. Isinarado niya ang pintuan at sumandal doon.

"Blessie, andito kana pala" sabi ng Mama niya. Nagulat naman si Blessie at napaayos ng tayo.

"Parang iba ang awra ng anak ko, ah. Ang ganda mo ata ngayong gabi" komentong saad ni Belinda. Nailagay ni Blessie ang takas na buhok sa kanyang tenga. Nahihiyang humarap sa ina.

"Hindi naman po" saka lumakad na siya para pumunta sa kuwarto niya. Sinusundan na lamang ng tingin ni Belinda ang papalayong anak.

Kinabukasan ay hawak kamay pa na naglalakad sina Blessie at Luis papasok sa loob ng building ng MMC. Pagkatapos ng breakfast date nila ay inihatid kaagad ni Luis si Blessie sa kompanya ng pinsan niya. Nakangiting binati si Luis ng guwardiya. Habang ang ibang nakakakita na babae ay nakataas ang mga kilay. At mga nagbubulungan. Dahil sa nakikitang holding hands nila ni Luis.

"If I know ginayuma niya ang pinsan ni Sir Marius" mahinang bulong nito sa kausap niya. Narinig pa din iyon ni Blessie kahit na pabulong iyon. Isang katrabaho niya na namumuti ang mukha sa sobrang dami ata ng pulbos na inilagay sa mukha.

"Tama ka diyan, girl. Ang pangit na chaka pa. Nangangarap pang magkaroon ng guwapong boyfriend. How cheap!" nandidiring sang ayon naman ng kausap nito.

Napayuko na lamang ng ulo si Blessie sa hiya. At biglang binawi ang kamay na hawak ni Luis. Napalingon si Luis sa ginawa ni Blessie. At kumunot ang noo niya sa pagbawi ng kamay ni Blessie sa kanya.

"Babe, what's wrong?" tanong ni Luis kay Blessie. Nakita niya ang girlfriend na parang maiiyak na. Napatingin siya sa dalawang babae na nagchichismisan.

Nilapitan iyon ni Luis. Napansin ni Blessie ang palapit ni Luis sa, dalawang babae. Kaya sumunod siya sa nobyo.

"Girls, can i have your name both?" pakiusap na sabi ni Luis. Kilig na kilig naman ang dalawa na nakatingin sa guwapong mukha ni Luis.

"I'm Veronica Mendes, Sir" kunwari'y nahihiyang pakilala sa sarili. Inilahad pa nito ang kamay kay Luis. Pero tiningnan lang iyon ng binata.

"And you?" baling na turo niya sa kasama ng babae. Parang napahiya naman si Veronica sa ginawa ni Luis.

"Serina Nemia po" magalang na sagot ng kasama ni Veronica.

"Both of you are fired! Ayaw na ayaw ko na kayong makikita dito sa building na ito" galit na sabi ni Luis. Nagulat naman si Blessie sa ginawang iyon ni Luis.

"Huwag mong gawin 'yan. Pabayaan mo na sila" saway ni Blessie kay Luis. At hinawakan niya ito sa braso. Napalingon si Luis sa malungkot na mukha ni Blessie.

"No, Babe. Binabastos ka ng dalawang ito at sa harapan ko pa. Anong akala nila sa sarili nila? Ubod ng ganda! Gumaganda lang naman sila dahil sa make up" naggagalaiti sa galit na sagot ni Luis. Ngumiti si Blessie at hinaplos ang mukha ni Luis. Saka umiling ng ulo.

"Wala naman sa akin ang lahat ng hindi magaganda nilang sinasabi sa akin. Sanay na ako. At tanggap ko 'yun. Pero ang tanggalin sila sa trabaho dahil lang doon ay hindi tama. Malay mo breadwinner pala isa sa kanila. Eh, di kawawa naman ang pamilya nila. Saka ang hirap maghanap ng trabaho ngayon" ani Blessie. Lumambot naman ang mukha ni Luis. At hinaplos ang mukha ni Blessie. Muling lumingon si Luis sa dalawang babae na nakayuko na ang ulo.

"See! Ang taong nilalait niyo ay ang taong ginagawan kayo ng mabuti. Pagbibigyan ko kayo. Dahil sa pakiusap ng girlfriend ko. Kapag inulit niyo pa ito. Tatanggalin ko kayo at wala ng tatanggap na kompanya sa inyong dalawa!" baling na bulalas ni Luis sa dalawang babae. Napayuko lamang ang dalawang iyon at tumango ng ulo.

"Sorry po" sabay na sabi ng dawalang babae.

"Not to me. Say sorry to my girlfriend" may diing wika ni Luis.

"Hindi na. Okay na sa akin na nagsorry sila sayo" inilapat ni Blessie ang kamay niya sa matipunong dibdib si Luis. Nakangiti naman na tumingin si Luis sa nobya.

"Salamat" dagdag lang sabi ni Blessie.

"Anything for you, Babe" tugon ni Luis. Saka muling hinawakan ang kamay ni Blessie at sabay na silang pumasok sa loob ng elevator ng bumukas na iyon.

Kanina pa lakad ng lakad si Marius. Hanggang ngayon wala pa din siyang sulosyon sa problema niya. Ito namang pinsan niya ay kung makabakod kay Blessie ay sobra. Hindi tuloy siya makakuha ng tiyempo na makausap ng sarilinan si Blessie.

Maya maya pa ay may naririnig siyang dalawang taong nag uusap. Pumunta siya sa pinto at idinikit ang tenga doon. Hindi na siya nakatiis at iniawang niya ang pintuan. Nanlaki ang mga mata ni Marius sa gulat.

"I love you, Babe. Ihahatid kita pauwi. Basta kapag may kailangan ka. Call me" sabi ni Luis. Habang hawak ang dalawang kamay ni Blessie.

"I love you too" tugon ni Blessie. Hinalikan siya sa labi ni Luis. Saka bumitaw sa halik ang binata at ngumiti kay Blessie ng malaki.

"Mamimiss kita" sabi pa ni Luis.

"Ano kaba? Hindi kapa nga nakakaalis. Miss mo na ako kaagad"

"Every minutes, every second. At kahit na kasama pa kita. Miss pa din kita. Ayaw kong kumurap. Baka mawala kapa sa hawak ko"

Namula naman ang pisngi ni Blessie at napahawak sa pisngi niya. Natatawa naman na tinitingnan ni Luis ang nobya.

"Alis na ako. Mag iingat ka dito. Remember what I told you last night. Stay away from him. Maliwanag ba?" pahabol pa na bilin ni Luis kay Blessie.

Napilitang tumango na lamang ng ulo si Blessie. As if naman na maiiwasan niya si Marius. Eh ito ang Boss niya. Sekretarya siya ni Marius.

"Baliw talaga" napapailing na sabi ni Blessie sa isip.

Habang si Marius ay gulat pa din.

"Sila na? Oh shit!" naguguluhang tanong ni Marius. Saka ibinalibag ang pinto pasara ang pinto.

Pabagsak na umupo sa swivel chair niya. Saka malakas na hinampas ang kanyang lamesa.

"Fuck! Fuck!" Marius cursed. And shout so loud.

Nagulat si Blessie sa malakas na pagsara ng pintuan ng opisina ng amo niya. At ang malakas na sigaw nito sa loob.

"May kaaway na naman ang leon" nasabi ni Blessie sa isip.

"Himala nga maaga pumasok" usal pa niya. Inayos niya ang salamin niya. At nagsimula ng magtrabaho.

Umabot ang lunch break ay hindi pa lumalabas ang amo ni Blessie sa opisina nito. Nakaramdam na din siya ng gutom. Tatayo na sana siya ng tumunog ang phone niya. Message tone.

"Babe, kain na. I send food for you. Enjoy your meal. And I love you" basa ni Blessie sa mensahe ni Luis sa kanya.

Nagtipa din siya ng mensahe.

"Thank you. I love you too" tugon na sagot ni Blessie.

Ibinaba ni Blessie ang phone sa table niya. Siyang pagring ng intercom. Agad iyong kinuha ni Blessie.

"Good afternoon, Sir" masiglang bati niya sa amo.

Marius cleared his throat.

"Ah Blessie, I order food. The delivery man will come now" sabi ni Marius.

"Okay po. Dadalhin ko na lang po sa loob" sagot ni Blessie. Pagkatapos ay ibinaba na ni Marius ang tawag.

Nakita kaagad ni Blessie ang isang delivery man na papalapit sa kanya.

"Ma'am, delivery for Mr. Marius" sabi ng delivery man. Kinuha iyon ni Blessie at binayaran.

Hindi na binuksan ni Blessie at dinala sa loob ng opisina ng amo.

"Sir, andito na po pagkain niyo" sabi ni Blessie at inilagay iyon sa ibabaw ng lamesa ng amo. Tatalikod na sana si Blessie nang magsalita si Marius.

"Join me. I order this for us"

"Para po sa atin?" nagugulat na tanong ni Blessie nang humarap siya sa amo. Tumango ng ulo si Marius.

"Pero magpapadala po si Luis ng pagkain ko. Padating na din po iyon ngayon" sabi pa ni Blessie.

"I know" para namang natigilan si Marius.

"I mean. I know.. Dahil parati ka namang dinadalhan ni Luis ng food. Itabi mo na lang at sa dinner mo na lang kainin. Ilagay mo muna sa fridge para hindi masira" pagtatama ni Marius.

Laglag ang panga ni Blessie.

"Patay ako nito" nasabi niya sa isip. Alam niyang magagalit si Luis sa kanya. Heto at sabay pa silang kakain ng amo niya.

Si Marius na ang nag ayos ng pagkain nila. Habang si Blessie ay nakatayo pa din. Hindi niya talaga lubos maisip kung anong nangyayari sa amo nitong mga nagdaang araw.

"Maysakit ata siya" mahinang bulong ni Blessie.

"Can you stop whispering? And join me here" may diing pakiusap ni Marius. Tumalima naman si Blessie at halos umupo na kalahati lang ang pang upo sa upuan. Dahil sa kaba. Hanggang ngayon ay napapaisip pa din siya.

"Let's eat" aya ni Marius kay Blessie. Si Marius ang nag asikaso ng pagkain niya. Nilagyan ng plato. Pati kanin at ulam. May juice at tubig pang inilagay ang amo niya sa harapan niya.

Susubo na lamang si Marius nang makitang biglang bumagsak si Blessie sa sahig.

"Shit!" agad niyang dinaluhan ang sekretarya na dumadaing sa sakit ng pang upo at balakang.

Ang awkward ng posisyon nila. Hawak ni Marius ang isang kamay ni Blessie at ang isang kamay ay sa bewang nito habang ang lapit ng mukha nila sa isat isa. Maliit na espasyo na lamang at dadampi na ang labi nila sa isat isa. Titig na titig si Marius sa mga mata at labi ni Blessie.

"What's happening here?!" nagpapalit palit ng tingin si Luis kina Marius at kay Blessie. Biglang bumitaw si Blessie kay Marius at lumayo sa amo. Tumayo siya at tumingin sa nobyo. Naiwan naman si Marius sa sahig. Saka tumayo na din.

Napadaing si Blessie at halos hindi makatayo ng maayos. Agad na dinaluhan siya ni Luis. Hahawakan na sana ni Marius si Blessie nang pigilan ito ni Luis.

"Dont touch my girlfriend" malumanay pero may diing pigil ni Luis kay Marius. Naitaas na lang ni Marius ang kanyang dalawang kamay na animo'y sumusuko.

"Babe, anong nangyari sayo?" nag aalalang tanong ni Luis na nakapalibot ang kamay sa beywang ng dalaga.

"Nahulog ako sa upuan" nauutal na sagot ni Blessie.

"Does it hurt?" nag aalalang tanong ulit ni Luis. Tumango na lamang ng ulo si Blessie. Idinadaing pa din ang sakit sa balakang.

"Doon na tayo sa labas kumain. Dinala ko na ang pagkain mo. Later uminom ka ng pain reliever para malessen ang sakit" aniya pa.

Tumango tango naman ng ulo si Blessie. At ngumiti kay Luis. Napaka maaalalahanin talaga ni Luis sa kanya. Akala niya ay magpapadeliver ito ng pagkain para sa kanya. Pero siya pala ang magdadala sa kanya. Na surprise siya. Pero sana hindi pa ito magtanong pa mamaya. Kung ano ang nadatnan niya.

Inalalayan siya ni Luis habang papalabas sila ng opisina ng amo niya. Naiwan na nakapameywang si Marius at tinitingnan sina Luis at Blessie na palabas ng opisina niya.

Nag aalburuto ang kalooban niya. Andoon na malapit na.