Nakauwi na si Blessie sa bahay nila. At kasalukuyang nakahiga sa kama niya. Iniisip niya ang mga sinabi ng kaibigan niya. Tama nga naman talaga si Sarah sa mga sinabi nito sa kanya. Na ang guwapong katulad ni Marius Martini Centeno ay hindi kailanman magkakagusto sa isang katulad niyang panget. Nakakalungkot isipin na ang lalaking pinapangarap niya ay hanggang pangarap na lamang. Siguro ay kakalimutan na lamang niya ang nararamdaman para sa Boss niya. At itutuon ang atensyon sa pagtatrabaho. Bukas ng umaga ay isang panibagong araw para sa kanya. Bagong umagang para sa bagong pag-asa.
"Kaya mo 'to Blessie!" pampalakas ng loob na sabi nito sa sarili sabay cross finger. At nakatulog na si Blessie sa pag iisip tungkol kay Marius.
"Blessie! Bumaba ka na diyan at malalate ka na sa opisina" sigaw na sabi ng Mama ni Blessie na si Aling Belinda.
"Opo Ma, baba na po" sagot naman ni Blessie na nagmamadaling mag asikaso sa pagpasok. Dali dali siyang bumaba ng hagdan at pumunta ng kusina para kumain. Suot nito ang isang dress na hanggang tuhod na kulay berde na matingkad at hapit sa beywang niya. Bagay na bagay ang suot nito sa balat at katawan ni Blessie. Nakangiti naman ang Mama nito ng makita siyang papalapit sa mesa.
"Good morning sa pinakamaganda kong anak" nakangiting bati ni Aling Belinda sa anak. Nagpalinga linga naman si Blessie dahil sa tinuran ng ina. Hinahanap kasi niya yung sinasabi ng Mama niya na pinakamagandang anak niya, eh nag iisa lang naman siyang babaeng anak ng Mama at Papa niya.
"Ma, sino ba iyong sinasabi niyong pinakamaganda niyong anak eh ako lang naman po ang anak niyo na babae?" nagtatakang tanong ni Blessie sa ina. Napatawa naman ng pagak ang Mama niya.
"Siyempre, ikaw anak. Dahil totoong ikaw lang ang anak kong babae" malambing nitong sagot kay Blessie. Gusto namang matawa ni Blessie sa tinuran ng ina.
"Ma, gutom lang yan. Halika na pong sumabay sa aking kumain" nangingiting yaya ni Blessie sa ina. Yumakap at humalik naman ang Mama nito kay Blessie. At umupo na sa tabi ng anak para kumain. Hinanap ng mata ni Blessie ang Papa niya.
"Kung si Papa mo ang hinahanap mo. Hindi na niya nahintay na bumaba ka kanina. Kaya umalis na siya" sabi ng Mama ni Blessie. Madalas hindi magkita ang mag ama dahil sa trabaho ng Papa nito sa factory. Pinapahinto na nga nila ito sa pagtatrabaho pero umaayaw ito dahil sa sayang naman daw ang kikitain niya sa factory at kaya pa daw ng katawan niyang magtrabaho.
"Alisin mo na kasi iyang salamin mo. Bakit ba ayaw mong alisin iyan eh wala namang grado yan" suhestiyon ng Mama Belinda niya.
"Ma, huwag niyo na pong pakialaman itong salamin ko" sagot ni Blessie. Napailing naman ng ulo si Mama Belinda sa sinabi ng anak.
"Eh iyang braces mo sa ngipin mo, kailan mo aasikasuhin ipatanggal iyan?" punang tanong ng ina ni Blessie. Napatingin naman si Blessie sa ina.
"Mama, bakit niyo po ba ako pinupuna ng pinupuna?" inis na tanong ni Blessie.
"Anak, alam mo maganda ka, ewan ko ba sayo kung bakit nagpalagay ka pa ng braces sa ngipin mo at nagsusuot ng salamin na walang grado" dagdag na puna ni Mama Belinda kay Blessie. Dali dali naman na inubos ni Blessie ang pagkain niya sa plato niya at humigop ng kape. Tumayo at aakma ng umalis sa hapag kainan nila. Nagulat naman si Mama Belinda sa ginawa ng anak. At inawat si Blessie.
"Blessilda, bakit nagmamadali ka ngayon kumain?" tanong ni Mama Belinda. Hindi naman sumagot si Blessie at humalik na sa ina para umalis at pumasok sa trabaho.
"Baka kung ano pa ang mapansin ni Mama na sasabihin niyang alisin sa akin" nawika ni Blessie sa sarili at lumakad na papunta sa paradahan ng jeep. Malapit lang naman ang paradahan ng jeep sa bahay nila. Kahit ang opisinang pinagtatrabahuhan niya ay malapit lang din sa bahay nila. Ayaw lang niya maglakad papasok sa opisina dahil baka pagdating niya sa opisina ay amoy pawis siya at mukhang haggard.
"Kahit naman hindi ka maglakad Blessie eh mukhang haggard ka na" bully nitong sabi sa sarili. Napahinto naman siya ng may sumipol sa likuran niya. Napadaan kasi siya sa mga tambay na ang aga aga pa eh umiinom na ng alak sa harap ng tindahan. Napalingon naman siya sa likod niya para makita kung sinong sumipol. Nakita niya na nagulat siyang kanya kanya na ng tago ang mga tambay sa tindahan. Nang walang magsalita ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Bago pa siya mapalayo sa kanila ay may narinig siyang nagsalita.
"Sayang Pare, seksi pa naman. Pag harap ang pangit!" sabi nung isang tambay at nagtawanan ng malakas ang lahat ng mga naroon sa tindahan. Nakaramdam naman siya ng sakit sa dibdib sa mga narinig na tawanan ng mga taong pinagtatawanan ang itsura niya Nagpatuloy na siya sa paglalakad at nang makarating sa paradahan ng jeep ay sumakay na siya kaagad.
Nakarating ng ligtas si Blessie sa building na pinagtatrabahuhan niya ang MMC. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago pumasok sa loob ng building. At naglakad siya ng taas noo at pakembot kembot pa na akala mo ay rumarampa sa isang fashion show. Ganito ang ugali ni Blessie, mataas ang confidence niya sa sarili at mabait, duwag lang siya na ipagtanggol ang sarili niya sa mga taong nang bubully sa kanya. Pumunta na siya sa harap ng elevator at hinintay na magbukas ito nang mapatingin siya sa kanan niya na para sa VIP na elevator ay andoon si Marius na naghihintay ng pagbukas ng elevator sa kanya.
"Good morning, Sir" malambing na bati ni Blessie at tumingin na sa harap ng elevator dahil bumubukas na ito. Pumasok naman na siya agad at hindi na pinansin ang among suplado na hindi man lang tumugon sa bati niya. Napatingin naman din si Marius sa babaeng nasa kaliwa niya. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.
"Sayang talaga itong panget na to. Ang ganda ng katawan tapos ang kinis kinis ng kutis" nawika ni Marius sa sarili. Hindi niya ito tinugon ng bati at humarap na sa pinto ng elevator ng VIP.
"Kalma ka lang Blessie. Huwag mo na lang kasi batiin ang amo mo?" saway niyong sabi sa sarili. Nangako siya sa sarili niya kagabi na kakalimutan na niya si Marius. At ngayon ang simula nuon.
Dire diretso na pumasok si Marius sa opisina niya. Hindi niya nadatnan ang sekretarya niya sa labas. Iniisip niya siguro ay nagpunta lamang sa washroom si Tessa.
Ilang minuto na ang lumipas ay wala pa din ang sekretarya nitong si Tessa. Kaya tinawagan na niya ito sa phone nito at ring lang ng ring iyon at walang sumasagot. Napatingin siya sa pinto ng opisina niya ng may kumatok.
"It's open, come inside" sagot ni Marius. Sumilay ang ngiti niya ng makita si Tessa na pumasok. Agad namang lumapit si Marius dito.
"Good morning" walang buhay na bati ni Tessa. Napakunot naman ang noo ni Marius. At binati na din si Tessa ng matamis nitong halik sa labi, pero umiwas ito sa tangkang paghalik ni Marius dito. Kinuha ni Tessa ang isang sobre at inabot kay Marius. Napakunot ulit ang noo niya nang mabuksan niya ang laman ng sobre at binasa iyon.
"Resignation letter! Why?!" hindi makapaniwalang tanong ni Marius.
"Yes. I'm resigning as your Executive Secretary and effective today!" matigas na sabi ni Tessa.
"Hey, Can we talk first about this?" tanong ni Marius. Ayaw niya kasing mawalan ng sekretarya sa panahong ito. Kung sana sa susunod na buwan na lang siya umalis ay papayagan niya ito at mapapagalitan siya ng Daddy niya pag nalaman na nagresign ang bago niyang sekretarya.
"No, Marius! Do you remember what you did to me inside your condo? Or you want me to remind you everything you did and told me this after we have sex in your condo?!" galit na galit na tanong ni Tessa.
"Tessa, I can't afford to lose a secretary now. If you want you can go next month until I found a new one" paliwanag ni Marius.
"I'm sorry but my decision is final. Tanggapin mo na lang Marius na magreresign na ako!" bulyaw na sabi ni Tessa hindi na nito napigilan ang sarili na maiyak dahil pakiramdam niya inisahan lang siya ni Marius. Tumalikod na si Tessa kay Marius at umalis na ng opisina ni Marius.
"What I will do now? Umalis na naman ang sekretarya ko. Anong sasabihin ko kay Daddy kapag nalaman niyang umalis na naman ang sekretarya ko?" sunod sunod na tanong ni Marius sa sarili.
Walang naging trabaho si Marius sa buong araw na yun dahil sa nagresign si Tessa na sekretarya niya. Buong araw ay ginugol niya na lamang sa pagbabasa ng mga document para pag aralan at para pirmahan pagkatapos. Lumilipad ang isip niya sa magiging reaksiyon ng Daddy niya sa nangyari. Wala kasing tumatagal na sekretarya sa kanya. Karamihan kasi sa mga sekretarya niya ang nagbibigay ng motibo sa kanya para landiin at mauwi sa s*x. Lalaki lang siya para tanggihan ang gusto ng mga naging sekretarya niya. Naisipan niyang umuwi na muna sa bahay nila ng mga magulang niya. Matagal tagal na din na hindi siya nakakuwi sa mansyon. Miss na din niya ang mga luto ng Mommy niya at ang pag aasikaso sa kanya kada uuwi siya sa mansyon. Simula kasi nuong siya ang namahala ng MMC ay bumili siya ng sarili niyang condo at minsanan na lang umuwi sa bahay nila at kapag naisipan lang niyang umuwi saka lang siya uuwi para makita ang mga magulang. Ang MMC ay ipinangalan sa kanya ng kanyang mga magulang na sina Mr Reynaldo at Mrs Marina Centeno. Isa lang ang MMC sa mga negosyo nila at dahil nakapangalan ito kay Marius ay napagpasyahan nilang si Marius na ang mamahala ng nasabing kompanya. Napalago naman ito ni Marius at naging kilala ang MMC sa ibat ibang panig ng mundo.
"Hi Mom" magalang na bati ni Marius sa ina. At lumapit sa ina para halikan sa pisngi.
"Oh Hijo, maigi at umuwi ka ngayon. Ano iyong nabalitaan namin ng Daddy mo na nagresign na naman ang sekretarya mo?" tanong ni Mrs. Marina kay Marius.
"Yes Mom. I'm sorry to say that I need to find a new secretary as soon as possible" sagot ni Marius na halata ang pagkadismaya. Pang ilan na ba si Tessa sa mga naging sekretarya niya. Pang anim na ito at lahat sila ay naresign dahil sa pang aakit at paggamit ni Marius sa mga babae. Wala namang pinapalampas si Marius sa mga babae basta nakita niya na pinagnanasaan siya at may gusto sa kanya ang mga magaganda at seksi ng babae ay pinapatos niya ito. Ang hindi lang niya pinapakialaman ay si panget. Kahit pa sabihin na maganda ang katawan nito sa mukha lang talaga nagkatalo si Blessie.
"I dont think that your Father will like to hear that you need to find new a secretary again" babala nito sa anak. Makikita ang dissappointment sa mukha dahil sa pagiging babaero ng bunsong anak. Ang Kuya Rimo kasi nito ay isang mabait na anak at masyadong makatao sa lahat ng nakakasalamuha nito. Si Rimo ang namamahala ng isa pa nilang kompanya. At sa mansyon din ito umuuwi hindi gaya ni Marius na gustong maging independent.
"Hijo, bawas bawasan mo naman ang pagiging babaero mo" pakiusap nito kay Marius.
"Hindi ko sinabi na maging mabait ka sa mga sekretarya mo, pero sana itrato mo silang empleyado mo hindi isang laruan" dagdag pa nitong pakiusap sa anak. Pero sa itsura ni Marius hindi siya ang lalaking magseseryoso sa mga babae.
"Okay Mom. I will try to do what you said" kibit balikat na sagot ni Marius.
"Where is Dad?" tanong ni Marius sa ina.
"Ah, He just visit your Kuya Rimo. Are you planning to take dinner kasama namin anak?" tanong ni Mrs Marina kay Marius dahil alam niyang bihira lang ito dumalaw sa kanila lalo na pag weekend kaya gusto niyang paghandaan ng masarap na pagkain ang bunsong anak mamaya sa dinner. Ngumiti naman si Marius sa ina. Alam nito kung gaano maasikaso ito sa kanya.
"Of course Mom, I will have my dinner here" masiglang sagot ni Marius sa ina. Natuwa naman ang Ginang sa sinabi ng anak. Bibihira kasi silang makompleto pag ganitong kumakain ng sabay sabay ng buong pamilya. Kaya ito na ang chance ni Marius ipaliwanag sa Daddy niya ang pagreresign ni Tessa sa kompanya.
Nasa hapag ang pamilyang Centeno katulad nga ng sinabi ni Marius ay sa mansyon siya naghapunan kasama ang mga magulang at ang Kuya Rimo niya. Katahimikan ang namalagi sa kanilang lahat habang kumakain. Ayaw din mag salita ni Marius at pangunahan sa pagsasalita ang Ama. Ang Daddy nila ang Boss pagdating sa bahay at sa lahat ng desisyon na gagawin.
"Marius, what is that I heard about your secretary? What is her name again?" tanong ni Mr. Reynaldo sa anak. Napalunok naman si Marius sa tinanong ng Ama.
"Her name is Tessa" maikling sagot ni Marius na ayaw pahabain ang sagot para hindi pag usapan ang tungkol dito. Naisip niya kasi na siya na ang bahalang hhmanap ng bagong sekretarya.
"Yeah, Tessa. And I remember her, she is such a fine lady and smart. Then why she resign as your secretary?!" matigas na tanong ulit ng Ama ni Marius.
"From her letter of resignation, she just said she find a new job abroad" sagot ni Marius at ipinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain.
"I see. Hindi ba ito dahil sa pagiging babaero mo, Marius? Gusto mo ba na papalit palit ka ng sekretarya buwan buwan?" sunod sunod na tanong ni Mr. Reynaldo. Hinawakan naman ang kamay ng matandang lalaki ng asawa nito na parang pinapahiwatig na kumalma kahit walang sinasabi.
"Hindi ko naman kasalanan iyon Dad, na magresign silang lahat" pilosopong sagot ni Marius sa Ama na gustong maghugas ng kamay sa kasalanan.
"What you mean na hindi mo kasalanan ang lahat?! And for you information Marius I know everything you are doing in your office. At huwag na huwag kang magsisinungaling sa akin!" galit nitong sabi sa anak. Napupuno na kasi ang Ama nito sa mga ginagawa ni Marius. Kung hindi siya babaero, masyadong mayabang at masama ang ugali ng anak. Hindi nito namana ang pagiging mabait ng asawa niya na nakuha ng kanyang panganay na anak. Nakuha yata ni Marius ang ugali niya nuong kabataan pa. at hindi niya iyon itatanggi.
Hindi naman nakuha pang sumagot ni Marius sa Ama. Ayaw nitong salubungin ang galit nito sa kanya. Mataas ang respeto nito bilang Ama niya at iginagalang niya din ito.
"I will be the one who will choose your new secretary" dagdag na sabi ng Daddy ni Marius.
"And dont say No Marius. I'm warning you that if this secretary will resign again. I will remove you from being the CEO of MMC!" galit na babala ng matandang Centeno. Hindi na din nagreklamo si Marius. Wala naman siyang magagawa sa sinabi ng ama. At kapag nakialam na ito sa mga desisyon niya alam niyang galit na ito sa mga ginagawa niyang kapalpakan. Tahimik din ang Kuya Rimo niya at Mommy niya na nakikinig lang sa mag ama na nag uusap.
Nang matapos ang mag anak sa hapunan ay umakyat na ang mag asawa sa kwarto nila para magpahinga. Naiwan naman ang magkapatid sa sala at pumunta sa bar area ng mansyon.
"Hindi ka na talaga nagbago" sabi ng Kuya Rimo ni Marius.
"Kuya, lalaki lang ako puwede ko bang tanggihan ang grasya. Pagkain na ang lumalapit sa akin eh di sinunggaban ko na" pilosopong sagot ni Marius.
"Yan diyan ka magaling. At pagkain pa talaga ang na ihalimbawa mo sa mga babae" saway na sabi sa nakakababatang kapatid. Sabay inom ng alak sa baso.
"Kailan ka ba magseseryoso sa mga babae, Marius. Baka mamaya makarma ka niyan" pananakot na sabi ni Rimo sa kapatid.
"Kuya Rimo, Lets enjoy life. Because we only live once so ienjoy mo na lang" sagot ni Marius sa kapatid. Pailing iling na lang ng ulo si Rimo sa sinagot ng kapatid. Hindi niya ata mababalaan ang kapatid sa katwiran nito sa buhay. Kabaliktaran ang ugali nilang magkapatid, masyadong happy go lucky si Marius at babaero, may pagka arogante din siya at masama ang ugali. Palibhasa ay bunso sa pamilya Centeno kaya naging sunod sa layaw ito nuong kabataan pa. Ang nakakatandang anak ng Centeno na si Rimo ay sobrang mabait sa mga magulang at mga empleyado nito. Makatao sa mga mga nakakasalamuha nito at may panindigan. Isa lang ang pagkakapareho nila pareho silang single, a bachelor billionaire.
Araw ng Biyernes, maagang pumasok si Blessie sa opisina. Maigi na lang din at hindi niya nadaanan ang mga taong tambay sa tindahan na nadadaanan niya araw araw para pumunta sa paradahan ng sasakyan. Wala ding traffic ngayong umaga kaya maaga din siyang nakarating sa trabaho.
Pinanindigan talaga ni Blessie na kalimutan ang nararamdaman niya para kay Marius. Masasaktan lang talaga siya kapag ipinagpatuloy pa niya ang nararamdaman sa isang Marius Martini Centeno. Meron na naman siyang naging kachat sa dating app. Sana nga ito na yung inaasam niyang magiging jowa niya. First boyfriend na magiging last na lalaki sa buhay niya. Wala pa man ay iyon na agad ang pinapangarap niya. Iyong kasi ang pangarap niyang love story para sa kanya. Yung katulad ng Mama at Papa niya. Si Mama niya kasi first boyfriend ang Papa niya na kahit mahirap sila ay makikita mo na mahal na mahal nila ang isat isa. Kahit na ngayon na pareho na silang matatanda. Grow old and road to forever and ever ganun niya ilarawan ang pagmamahalan ng parents niya.
Nang makapasok siya sa department nila at makaupo sa desk ni Blessie ay narinig niya ang mga bulungan ng mga kasama niyang empleyado ng MMC.
"Ang aga aga eh, nagsti stismissan na sila. Ang mga Maritess talaga kahit sa opisina eh meron" naiinis na sabi ni Blessie sa sarili habang nakatingin sa mga katrabaho niya na nagmemeeting sa isang tabi, na akala mo ay merong meeting de abanse na kailangang pag usapan. Nang mapansin ng isang katrabaho niya na nakaupo na siya sa puwesto niyang desk si Blessie ay lumapit ito sa kanya.
"Blessie, alam mo ba nagresign daw ang bagong sekretarya ni Sir Marius" balita na sabi ni Maricel kay Blessie. Nagulat naman siya sa ibinalita nito sa kanya. Limang buwan palang nagtatrabaho si Tessa sa kompanya na pinapasukan nila.
"Huh, at saan mo naman nabalitaan iyan?" nagtatakang tanong ni Blessie.
"Saan pa eh di sa Hr!" paniniguradong sagot ni Maricel kay Blessie.
"At ito pa, si Sir Reynaldo Centeno daw ang pipili ng bagong sekretarya ni Sir Marius na pipiliin sa mga empleyado ng MMC" dagdag nitong balita kay Blessie. Napakurap naman ng mata si Blessie sa isa pang binalita ni Maricel sa kanya.
"Talaga! Si Sir Reynaldo ang pipili at hindi na siya kukuha sa labas at sa mga empleyado na lang ang pipiliin niyang sekretarya ni Sir Marius" nanlalaki ang mata na sabi ni Blessie sa kausap.
"Oo, kaya nga tuwang tuwa ang lahat pati na ako" masayang sagot ni Maricel kay Blessie.
"Kaya maghanda ka na Blessie, dahil kahit sino sa atin ang mapili ay talagang maswerte na maging sekretarya ng ubod ng gwapong CEO na si Sir Marius" dugtong nitong sabi kay Blessie. Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag napiling sekretarya ni Marius Martini Centeno, bukod sa sweldo na malaki ay araw araw mo pang makikita ang sobrang gwapong mukha ng lalaking pinapantasya ng karamihan sa mga babaeng nagtatrabaho sa MMC. Bulag na lang ang babaeng hindi magpapantasya sa kagwapuhan ng isang Marius Martini Centeno.
Hindi naman halos nakatulog si Blessie sa pag iisip tungkol sa mapipiling bagong sekretarya ni Sir Marius. Kahit na ipinangako nito sa sarili na kakalimutan na niya ang pagkakagusto kay Marius ay parang nag aasam naman siya na sana ay mapili ni Mr Reynaldo Centeno para maging bagong sekretarya ni Marius. Sa isang banda ay naisip niya na malabong mapili siya dahil sa panget niyang mukha.
"Huwag ka ngang mangarap na mapipili kang bagong sekretarya ni Sir Marius, Blessie! Tandaan mo hindi ka maganda para magustuhan ng Daddy nito para maging sekretarya ng anak niya!" saway nitong sabi sa sarili. Nalungkot na naman si Blessie sa naisip. Sino ba naman ang magkakagusto sa isang na kagaya niya. Umaasa na nga lang siya sa pagigipagchat para lang magkaboyfriend. Eh yung maging sekretarya pa kaya ng isang super hot at gwapong katulad ni Marius.
Kinaumagahan ay naghahanda na naman siya sa pagpasok sa opisina. Araw ng Sabado ngayon, ito ang araw na pinakang overtime nila na mga empleyado ng MMC. Ayaw kasi ng management na gabihin silang lahat sa pag oover time sa gabi. Suot niya ang off shoulder na crop top na tinernohan niya ng jeans na hapit na hapit sa beywang niya at isang sneaker na sapatos. Habang pinagmamasdan niya ang repleksiyon sa salaming ay hindi niya maiwasang humanga sa magandang katawan at makinis na balat. Panira lang talaga ang mukha niya na hindi maganda. Ang Mama lang naman ang nasasabing maganda siya at si Sarah na kaibigan niya bukod doon ay wala na. Bumaba na siya sa para pumunta sa kusina at mag almusal. Nadatnan niya ang Mama niya na nag aasikaso ng mesa. Nasa gitna ng upuan ang Papa niya na ngbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Lumapit si Blessie sa mga magulang at humalik sa pisngi ng Ama at niyakap ito. Namiss na kasi niya ang Papa niya ay pagkatapos ay humalik din sa Mama niya bago umupo para simulang kumain.
"Good morning, Papa, Mama" magalang na bati ni Blessie. Nakangti naman na tumango ng ulo ang mag asawa sa anak na nakaupo na.
"Mukhang bihis na bihis ang dalaga ko ah" nakangiting puna ng Papa ni Blessie. Gumanti naman ng ngiti si Blessie sa Ama.
"Sabado ngayon, Papa balak ko po sanang dumaan kina Sarah pagkatapos ng opisina" sagot ni Blessie.
"Hmm mukhang may pupuntahan kayong dalawa" dugtong naman na sabi ng Mama ni Blessie.
"Opo, Mama. Minsan lang naman po kami magkita ni Blessie dahil pareho kaming busy sa mga carreer namin" sagot naman ni Blessie sa Ina.
"Mag iingat kayo, Anak. At huwag masyadong magpapagabi" paalalang sabi ng Papa niya. Tumango naman si Blessie ng ulo bilang sagot sa Ama at tumayo na.
"Oh Blessie, tapos ka na bang kumain?" tanong na puna ni Aling Belinda sa anak dahil nakita niya na tumayo na ito at naggagayak na umalis.
"Opo Ma. At saka hindi naman po ako nagugutom" sagot ni Blessie sa ina. At humalik ulit sa mga magulang niya at para umalis na papunta sa trabaho.
"Aalis na po ako" magalang na paaalam ni Blessie sa mga magulang.
"Mag iingat ka Anak" sagot ng Papa ni Blessie.