Chereads / MY FAKE NERD GIRLFRIEND / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

Araw ng Linggo, medyo tinanghali ng gising si Blessie. Late na sila nakauwi ni Sarah. Si Sarah na din ang naghatid kay Blessie dahil may sasakyan naman ito. Nagising siya na groggy ang pakiramdam niya at may hang over sa dami ng nkainom nila kagabi. Kaya ayaw niya uminom dahil hindi na niya alam ang ginagawa niya. Nagpunta siya sa banyo para magsipilyo at maghilamos ng mukha. Kailangan niya ng pampatanggal ng hang over.

"Ang sakit ng ulo ko, arghh!" usal ni Blessie sa sarili habang bumababa ng hagdan at lumakad papunta sa kusina. Nakita naman siya ng Mama niya na nakahawak sa ulo.

"Blessie, anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong ni Mama Belinda.

"Wala po ito, Mama. Hang over po" sagot ni Blessie. Pumunta naman ng tokador si Mama Belinda para kumuha ng gamot sa sakit sa ulo.

"Maupo ka na at mag almusal" utos ng Mama ni Blessie. Sinunod ni Blessie ang ina na maupo at hinintay ang Papa niya para mag almusal. Inilagay naman ni Mama Belinda ang gamot sa mesa na katapat ni Blessie. Ang Papa naman ni Blessie ay naglalakad na palapit sa mag ina niya.

"Blessie, anong oras kayo nakauwi ni Sarah kagabi?" tanong ni Papa Jose habang paupo sa unahang bahagi ng mesa na para sa haligi ng tahanan.

"Pa, madaling araw na po kami nakauwi ni Sarah. Siya na din po ang naghatid sa akin dito sa bahay" sagot ni Blessie.

"Belinda, 0umupo ka na at kumain na tayo" utos ni Papa Jose sa asawa at nang makaupo si Mama Belinda ay nagsimula na silang kumain. Ito ang isang ugali ng pamilya nila Blessie na pag araw ng linggo ay nakasanayan na nilang mag anak na kumain ng sabay sabay sa umaga. Sa kalagitnaan ng almusal nila ay sinabi ni Blessie ang magandang balita sa mga magulang.

"Ma, Pa napromote po akong bagong sekretarya ni Sir Marius" masayang informa sa magulang. Nagkatinginan naman ang mag asawa at sabay na tumingin sa anak.

"Huh! Talaga!" gulat na sagot ng Papa ni Blessie. Kita na hindi masaya ang mga magulang sa sinabi ng anak.

"Pa, bakit naman po kayo ganyan ni Mama. Parang hindi kayo masaya na napromote ako" nagtatampong sabi ni Blessie.

"Blessie, anak masaya naman kami ng Papa mo" sagot ni Mama Belinda. "Pero hindi mo maiaalis sa amin ang mag alala" dugtong na sabi ng Mama ni Blessie. Nakuha na ni Blessie ang ibig sabihin ng ina. Ayaw lang nila na pati si Blessie ay gawan ng masama ng Boss niya. Kilala nila si Marius simula nuong bata pa. Dahil sa tagal na paninilbihan ng Papa ni Blessie sa pamilya Centeno.

"Alam naman natin na masama ang ugali ng Marius Martini na iyan, at ayaw ka namin ng Mama mo na masaktan" nalulungkot na sabi ni Papa Jose. Pinasigla naman ni Blessie ang mga magulang sa sagot nito sa kanila.

"Ma, Pa huwag po kayong mag alala sa akin. Biente dos na po ako. Kaya ko na pong protektahan ang sarili ko. At alam ko na hindi po ako matutulad sa mga unang naging sekretarya ni Sir Marius" masiglang paliwanag ni Blessie sa mga magulang. Hinawakan ni Mang Jose ang kamay ng anak.

"Tandaan mo Anak, basta walang ginagawang masama si Marius ay ituloy mo lang ang trabaho mo. Pero kung alam mo na nasa alanganing sitwasyon ka saka mo gawin ang nararapat" payo ni Mang Jose kay Blessie. Napatango naman ng ulo si Blessie bilang sagot sa Papa niya. Pinoprotektahan lang siya ng mga magulang nito laban kay Marius.

Bigla namang tumunog ang cellphone ni Blessie na nasa bulsa niya. Message tone ito kaya napangiti siya ng makita ang message ng kachatmate niya. Dali daling kumain si Blessie para makapaligo pagkatapos kumain.

"Anak, dahan dahan naman sa pagkain at baka mabulunan ka" saway ng Mama ni Blessie.

"Bakit ka ba nagmamadali? May pupuntahan ka ba?" sunod sunod na tanong ng Mama niya.

"Ma, Pa aalis po muna ako" paalam nito sa mga magulang.

"Diba day off mo ngayon. Mas maganda na ipahinga mo ang araw na ito" payo ni Mang Jose.

"Pa, sandali lang po ako. Promise uuwi po ako ng maaga" paniguradong sagot ni Blessie na itinaas ang kanang kamay para mangako.

Nang matapos siyang kumain ng masarap na almusal si Blessie ay umakyat na siya agad sa taas ng bahay nila para maligo. Pagkatapos maligo ay chineck niya muna ang cellphone niya kung may message si Luis. Nang walang makitang message ay nagtipa siya ng mensahe para dito.

To:Luis

Kita na lang tayo sa Mall.

At ipinagpatuloy ang pagbloblower ng buhok. Tumunog ang cellphone niya ng magmessage si Luis.

From:Luis

Okay, see you later!

Pagkatapos mabasa ang mensahe ni Luis ay kinuha na niya ang bag niya at ipinasok ang cellphone sa loob ng bag. Pagkatapos ay tumayo at tiningnang maigi ang repleksiyon sa salamin. Suot niya ang isang blouse na kulay red na sleevesless ang kabila. At isang paldang white color. Siyempre hindi mawawala ang salaming niya sa mata at naibraid ang mahabang buhok.

"Apaka seksi mo" pagmamayabang ng sabi sa sarili sabay kindat ng mata habang nakatingin sa salamin. Bumaba na si Blessie at nadatnan ang Papa niya na nanood ng tv sa sala.

"Papa aalis na po ako, paki sabi na din po kay Mama" paalam nito sa Papa niya at hinalikan sa pisngi ang Ama.

Pagkalabas ng bahay nila ay nag abang na lang siya ng taxi sa harap ng bahay nila. Ayaw niyang sumakay ng jeep ngayon dahil baka mangamoy usok na siya pagdating sa meeting place nila ni Luis. Sinubukan niya ulit na makipag kita sa kachatmate na nakilala sa isang dating app. Umaasa siyang hindi nito katulad si Carlo at iba pang nakachat niya nuon. Katulad ni Carlo yung mga naunang naging kachatmate ni Blessie, na kapag nakita na siya ay bigla na lang siyang ibablock o kaya ay biglang tatakbuhan. Isang linggo palang silang magkachat ni Luis ay nakipagkita kaagad siya dito ng mag aya itong makipagkita sa kanya. Ayaw na niyang ubusin ang panahon para dito pagkatapos ay basta nalang siya iignorin pag nakita siya at kapag hindi nagustuhan ang itsura niya. Ipinangako niya sa sarili na huling huli na ito. At kapag kapareho pa din si Luis ng mga una niyang nakachat ay ititigil na niya ang pagsali sa mga dating app. Ayaw na niyang mapahiya ulit dahil sa paghahanap ng jowa.

Kinakabahan na siya habang papalapit na siya sa mall lulan ng taxi. At nang matapat na ang taxi sa mall ay nagbayad na siya sa driver at nagpasalamat. Parang ang bigat ng mga paa niya na ihakbang ito papalapit sa pinto ng mall. Napalingon siya ng may tumawag sa kanya sa likuran niya. Nang dahan dahan siyang tumalikod ay nakita niya ang lalaking naka kulay asul na polo. Matangkad at maganda ang katawan. Inangat niya konti ang salamin at ibinaba ng konti. Sinisipat niyang tinitingnan ito ng makalapit na pala ito sa kanya. Inayos naman bigla niya ang salaming sa mata.

"Hi, I'm Luis Angelo Calderon" pakilala sa sarili sabay lahad ng palad nito para makipag kamay kay Blessie. Napatingin naman si Blessie sa kamay nito na nakalahad sa kanya. Nahihiyang kinuha na din niya ang kamay nito at nagpakilala.

"Blessilda Magsino" pakilala nito sa sarili kay Luis. Nakangiti naman si Luis kay Blessie. Lumitaw ang puting puti na ngipin nito.

Luis Angelo Calderon ay isang businessman, single at gwapo. Nagtry lang siya na magregister sa isang dating app na kasali din si Blessie.

Nang makita niya ang picture ni Blessie na nakangiti at may hawak na isang red roses ay hindi na matanggal tanggal ang tingin nito sa mukha ni Blessie. Kahit nakasalamin ito ay kita yung natural na ganda na nakikita ng mata lang niya. Hindi niya alam bakit ganon ang pakiramdam niya, kaya inilike niya ang picture ni Blessie. Mas lalong natuwa si Luis ng ilike din siya ni Blessie at nagmatch sila. Agad kinuha ni Luis ang phone number ni Blessie at doon na sila nag uusap lagi sa phone kapag may time, pag walang time ay nagmemessage siya kay Blessie.

Napagpasyahan nila na mag ikot ikot muna sa mall para makapag usap. Hiya naman ang nararamdaman ni Blessie dahil marami ang napapatingin sa kanila ni Luis. Nagtataka siguro ang iba na kasama ng isang gwapong lalaki ang isang Panget na katulad niya. Nailang na tuloy si Blessie na kasama si Luis. Napansin ni Luis ang pagkailang ni Blessie sa kanya.

"Blessie, right?" paunang tanong ni Luis at tumango ng ulo si Blessie bilang sagot.

"Are you hungry? Where do you want to eat?" sunod sunod na tanong ulit ni Luis.

"Ikaw na bahala kung saan mo gustong kumain at saka hindi pa naman ako gutom" kiming sagot ni Blessie na ilang na ilang pa din kay Luis.

"Are you sure? Maybe you want something? Gusto ko namang malaman ang mga gusto mo" nakangiting sabi ni Luis. Hindi na mawala ang ngiti nito sa labi habang kasama si Blessie. Wala man itong sinasabi sa kanya ay masaya na siya na kasama si Blessie at iyon ang totoo.

"Saan na ang Blessie na mataas ang confidence sa sarili? Natamimi lang sa isang Luis!" saway na sabi ni Blessie sa sarili.

"Lets go somewhere" yakag ni Luis kay Blessie. Bigla naman siyang hinawakan ni Luis at hinatak palabas ng mall. Naguguluhan man ay hindi na din nagreklamo pa si Blessie. At kung saan siya dadalhin ni Luis ay hindi niya alam. Napapatingin na naman ang mga tao sa nakikitang paghawak ni Luis sa braso ni Blessie.

"Just dont mind them" sabi ni Luis na hindi tumitingin kay Blessie at patuloy pa din ang paghatak sa kanya.

"Ano ba naman itong mga lalaki na ito lagi na lang akong hinahatak?" birong tanong ni Blessie sa sarili. Naramdaman ni Blessie na lumuwag na ang pagkakahawak ni Luis sa braso niya. Hindi niya napansin na nasa tapat na pala sila ng kotse ni Luis. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse at inalalayan na makaupo.

"Thank you" nakangiting sabi ni Blessie, gumanti naman ng ngiti si Luis sa kanya.

"Grabe girl na girl ang datingan ko dito" natutuwang sabi ni Blessie sa sarili. Umikot na si Luis sa harapan ng kotse niya at pumunta sa driver seat. Binuksan nito ang pinto at pagkaupo ay chineck pa nito ang seat belt ni Blessie. Napatigil naman si Blessie sa paggalaw dahil sa lapit ni Luis sa kanya. Naamoy nito ang lalaking lalaki na amoy nito. Napapikit si Blessie ng amuyin niyang lalo ang mabangong aroma ni Luis. Napansin ni Luis na nakapikit si Blessie at nang magmulat si Blessie ng mga mata ay saka niya naalala na malapit lang si Luis sa kanya. Wrong move ng mapagawi ang tingin ni Blessie sa driver seat dahil mas lalong lumapit ang mukha ni Luis sa mukha ni Blessie.

"Mabango ba ako?" tanong ni Luis at ngumisi ng nakakaloko. Hindi naman nakasagot si Blessie dahil sa hiya. Nagkukulay kamatis na ang mukha ni Blessie dahil sa naaktuhan ni Luis na ginawa niya.

"Kalma ka girl! Ang puso mo malalaglag!" saway na sabi ni Blessie sa sarili dahil sa sobrang kaba. Nang hindi nakakuha ng sagot si Luis mula kay Blessie ay piiling iling ito ng ulo at inayos ang pagkakaupo at ikinabit ang sariling seat belt.

"Next time kung gusto mo akong amuyin, magsabi ka lang" birong sabi ni Luis kay Blessie at pinaandar na ang makina ng sasakyan.

"Huh, si-sino?" nauutal na tanong ni Blessie kay Luis. Nagkukunwari pa si Blessie na hindi alam ang sinabi ni Luis. Hindi lumingon si Luis kay Blessie at itinuon na lamang ang mata sa kalsada.

"Saan tayo pupunta?" tanong ulit ni Blessie.

"Just wait, magandang Binibini" malambing na sagot ni Luis habang nakatuon pa din ang tingin sa daan.

"Blessie, if you want to ask something. Just ask me" biglang sabi ni Luis.

"Ano namang itatanong ko sayo?" sabi ni Blessie.

"Anything" maikling sagot ni Luis.

"Okay. What can you say about Jose Rizal?" nabigla si Blessie sa itinanong kay Luis.

"Seriously, Blessilda?" tanong sa sarili nito. Parang gusto na niyang lumubog sa kinauupuan. Nanlaki naman ang mga mata ni Blessie ng marinig ang malakas na tawa ni Luis.

"You're so funny!" natatawang sagot ni Luis. Si Blessie naman ay namumula na ang pisngi sa kahihiyan.

"Do you want me to answer your question, Blessie?" nakatingin pa din sa daan na tanong ni Luis.

"No! Nagbibiro lang ako. Gusto ko lang tumawa ka. Napakaseryoso mo kasi habang nagmamaneho" pagsisinungaling na sagot ni Blessie.

"Alam mo ngayon palang parang gusto na kita" walang prenong amin ni Luis kay Blessie.

"What you mean like?" mahinahong tanong ni Blessie. Kahit nabibigla sa inamin ni Luis sa kanya ay nakuha pang magtanong ni Blessie.

"I like, na kakwentuhan ka. I guess? " hindi siguradong sagot ni Luis.

"I think I like you because you are being you" dugtong pa na sagot ni Luis. Hindi mo naman makikitaan ng reaksiyon sa mukha ang binata dahil sa tutok na tingin sa kalsada. Hindi nakapagsalita si Blessie sa huling sinabi ni Luis.

"Ito na ba? Siya na ba ang magiging jowa ko?" tanong ni Blessie sa sarili habang nakapikit at nakacross finger ang daliri na nasa ilalim ng upuan niya. Hindi naramdaman ni Blessie ang paghinto ng sasakyan at ang pagbukas ng pinto ng sasakyan ni Luis.

Pinagmamasdan ni Luis ang mukha ni Blessie habang nakapikit. Hindi niya napigilan ang sarili na tanggalin ang salamin nito. Nabigla naman si Blessie ng may nagtanggal ng salamin niya. Nang magmulat siya ng mga mata ay hawak na ni Luis ang salamin niya.

"We're here" maikling sabi ni Luis at inilahad ang kamay kay Blessie. Nilibot niya ang buong paligid, isang malaki at magandang bahay.

"Kaninong bahay ito?" nagtatakang tanong ni Blessie.

"This is my house, at may konti kaming salo salo kasama ang ibang kamag anak namin" kuwentong sagot ni Luis.

"Diyan tayo kakain sa inyo?" nanlalaki ang mata na tanong ni Blessie.

"Yes and I want to introduced you to my Mom" seryosong sagot ni Luis.

"Teka lang, Luis. Bakit hindi mo sinabing pupunta tayo dito, di sana naghanda ako" natatarantang sabi ni Blessie.

"Blessie relax. Gusto ko lang talaga ipakilala sayo ang family ko. Kaya kita dinala dito sa bahay namin" paliwanag ni Luis.

"Lets go inside" dugtong na yakag ni Luis.

"Wait, puwede magretouch muna? Yung salamin ko Luis" pigil ni Blessie kay Luis. Natatawa naman si Luis na ibinigay ang salamin ni Blessie.

"Dont worry, you are beautiful to me" namumungay ang mata na sagot ni Luis. Natulala naman si Blessie sa tinuran ni Luis. Napakasarap pakinggan sa kanyang tenga na sinabi nitong maganda siya sa paningin nito. Hinawakan na siya ni Luis sa kamay at hinila papasok sa bahay nila.

"Hi Mom" bati ni Luis pagkadating nila sa kusina. Hinalikan nito ang ina sa pisngi at napadako ang tingin kay Blessie.

"Who is she?" tanong ni Mrs Joy na nakatingin kay Blessie.

"This is Blessie Mom, my friend" pakilala ni Luis kay Blessie.

"Hello po" magalang na bati ni Blessie. Tumango naman ng ulo ang Mommy ni Luis. Nang may biglang lumapit kay Blessie.

"Blessie!" tawag sa kanya ng hindi pa nakikilalang tao.

"Sir Reynaldo?" nagtatakang tawag ni Blessie. Yumakap naman si Mr. Reynaldo kay Blessie.

"Blessie, is Luis your friend?" tanong ng matandang Centeno.

"Yes Tito, she's my friend" singit na sagot ni Luis. Sabay akbay sa balikat ni Blessie.

"Oh, andito pala ang sekretarya ko" may kutyang sabi ni Marius. Hindi napansin ni Blessie ang paglapit ng amo sa kanila.

"Really, pinsan Blessie is your secretary?" natutuwang tanong ni Luis.

"Tama ba ang dinig ko magpinsan sila" naguguluhan na sabi ni Blessie sa sarili.

"Yes, Blessie is my new sekretarya" may diin na sabi ni Marius. Tahimik naman si Blessie sa tabi ni Luis.

"May reason na pala ako para laging pumunta sa office mo, pinsan" nakangiting sabi ni Luis habang nakatingin kay Blessie. Ngumiti naman ng pilit si Blessie kay Luis.

"Luis is my cousin. His mother and my mom are sisters" paliwanag ni Marius habang nakatingin kay Blessie.

"Wow, tadhana nga naman" nawika ni Blessie sa sarili.

"Please be seated. At kakain na tayo" malambing na utos ng Mommy ni Luis. Pinaghila ni Luis si Blessie ng upuan at naupo sa tabi ni Blessie. Nakatingin naman ng madilim si Marius kay Blessie.

"Sinusundan talaga ako ng Panget na to!" inis na sabi ni Marius sa sarili habang nakatingin pa din kay Blessie. Iyon ang pagkakaalam ni Marius na sinisundan siya ni Blessie pero ang totoo ay nagkakatagpo sila sa hindi inaasahang mga lugar.

Every sunday ay family day sa mga Centeno at Calderon. Nagsasama sama sila every sunday para sabay sabay na kumain at magsaya na buong pamilya. Pakiramdam ni Blessie ay nasa isang family reunion siya. Maraming pagkain, kompleto ang buong pamilya at may mga palaro. Hindi iniiwan ni Luis si Blessie, si Marius naman ay panay ang tingin sa gawi nina Luis at Blessie.

"Ano kayang nakita ni Luis kay Blessie?" nagtatakang tanong ni Marius sa sarili habang nakatingin sa dalawa na masayang nagtatawanan dahil sa mga games. Sobrang nag enjoy si Blessie. Sumali sila ni Luis sa palaro ng sako.

"Ito ang mechanic sasakay ang isang tao sa sako tapos ay kailangan nilang marating sa finish line, kung sino ang mauna sa finish line ay ililibre ng pagkain the whole month" paliwanag ni Mrs Joy ang Mommy ni Luis. Ang mga kasali ay sina Blessie, Luis at Marius.

"Ready set go!" sigaw ulit nito. Nag uunahan na sina Marius at Luis sa paglundag pero dahil nakita ni Luis na nahuhuli si Blessie ay binunggo nito si Marius. Tawanan ang lahat sa ginawa ni Luis kay Marius.

"At ang nanalo ay si Blessie!" sigaw ni Mrs. Joy at pumunta na si Blessie sa tabi ni Mrs. Joy. Nagbulungan ang mga judge na sina Mr. Reynaldo at ang Mommy ni Marius at bumulong si Mrs. Marina sa Mommy ni Luis.

"Sorry, nag iba tayo ng premyo. Ang nanalo na si Blessie ay ang magiging premyo natin. At ang maglalaban ay sina Marius at Luis" sabi ulit ni Mrs. Joy.

"What! No I'm not joining!" ayaw na sabi ni Marius. Naguguluhan naman si Blessie sa mga nangyayari, akala niya siya ang nanalo pero siya ang naging premyo.

"Sit here Blessie" utos ni Mrs. Joy kay Blessie na pinapaupo sa bangko sa gitna na nakapalibot ang lahat.

"Luis and Marius, punta kayo sa harap ni Blessie" utos ulit ni Mrs. Joy. Napipilitan na sumunod si Marius, si Luis naman ay game na nauna pa na pumunta sa harap ni Blessie.

"Dont worry, I will win you" bulong ni Luis kay Blessie. Kinilig naman si Blessie sa sinabi ni Luis at ngumiti ng matamis dito.

"Stop flirting!" inis na saway ni Marius sa dalawa.