Chereads / MY FAKE NERD GIRLFRIEND / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

"Blessie, hindi ka pa ba tapos magbihis?!" malakas na sigaw ni Mama Belinda sa anak.

"Mama, patapos na po!" sigaw ding sagot ni Blessie.

"Dalian mo at andito na sundo mo!" malakas pa din na sigaw ulit ni Mama Belinda.

"Hay! Itong batang ito talaga sobrang ang tagal magbihis" inis na sabi ni Mama Belinda sa sarili. Habang pabalik ito ng kusina. Maaga pa pero nasa bahay na nila Blessie si Luis.

"Luis, halika at sumabay ka na kumain sa amin" alok na sabi ni Papa Jose. Ngumiti si Luis sa Papa ni Blessie at tumayo na ito para pumunta ng kusina.

Hindi na din nakatanggi si Luis at sumabay na din kumain sa mga magulang ni Blessie habang hinihintay ang dalaga. Maigi na lang at hindi na siya kinulit pa ng kanyang pinsan kagabi nuong hinatid siya nito sa bahay nila. Masyado talagang malihim ang pinsan niyang iyon. At masyado ding babaero. Samantalang siya ay nakakadalawa pa lamang na nobya sa buong buhay.

Hindi niya inaasahan na magiging ganito kalalim ang mararamdaman niya para kay Blessie. Iba si Blessie sa lahat ng babae na nakilala niya. Napaka totoong tao nito. Inilalabas niya kung sino talaga, siya. Walang arte sa katawan. Sa ilang araw pa lamang niya nakakausap ito ay palagi na siyang napapangiti at napapatawa. No other woman can make that to him. None other than Blessie. Kaya pursigido siyang ligawan ang dalaga. Gagawin niya ang lahat para mapasagot lamang si Blessie. At kapag napasagot na siya ng dalaga. Hinding hindi na niya ito pakakawalan. At hindi niya sasaktan si Blessie.

Nakikita niya ang angking ganda nito na hindi nakikita ng iba. Hindi nga niya maintindihan kung bakit kailangan pang mag suot ng salamin sa mata ang dalaga. Maayos naman ang mga mata nito. Pati ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin ay itinatago pa din sa kanyang mga braces.

Nakarating na ng kompanya sina Luis at Blessie. Suot ni Blessie ang above the knee na dress na kulay blue. Tinernuhan niya ito ng high heels na black shoes.

Gandang ganda naman si Luis sa nakikitang ayos ng dalaga ngayong araw. Nakita niya na may sense sa fashion si Blessie kahit pa nagsusuot ito ng salamin sa mata at may makapal na kilay. Hindi lang niya maintindihan kung bakit gandang ganda siya dito. Kahit ang iba ay palaging may pagtataka sa mukha. Kapag nakikita silang magkasama. At hindi siya nahihiya na katabi si Blessie.

Lahat ng tao na nadadaanan nila ay napapatingin sa kanilang dalawa na naglalakad na magkasabay. Inaalalayan pa ni Luis si Blessie at hinahawakan sa siko. Para itong boyfriend kung umakto kay Blessie. Kinikilig naman si Blessie sa mga ipinapakita ni Luis sa kanya. Napakagentleman at hindi iniisip ang mga taong nakapaligid sa kanila.

Napansin nila ang paglapit ng amo ni Blessie. Nasa tapat na sila ng elevator. Nakataas ang kilay nito at halos hindi maipinta ang mukha.

"Galit ba ito dahil magkasama kami ng pinsan niya o galit siya dahil nasira ko ang magandang araw niya? Dahil nakita niya ang mukha ko" tanong ni Blessie sa isip.

"Good morning po, Sir Marius" magalang na bati ni Marius. As usual ganoon pa din si Marius sa kanya. Titiingnan lang siya mula ulo hanggang paa at hindi gaganti ng bati. Nakasimangot pa din ito sa kanya na akala mo ay laging pasan ang daigdig.

"Luis, ang aga mo naman dito" punang sabi ni Marius na nakatingin sa pinsan. At tumabi kay Luis habang naghihintay ng pagbaba ng elevator.

"Hinatid ko lang si Blessie dito" mabilis na sagot ni Luis at ngumiting bumaling kay Blessie. Gumanti ng ngiti si Blessie kay Luis.

"Wala ka bang pasok sa kompanya mo?" tanong ulit ni Marius.

"Meron. Ako ang amo so okay lang na malate ako" sagot ulit ni Luis.

Napataas naman ang kilay ni Marius sa isinagot ni Luis sa kanya. Habang si Blessie ay kilig na kilig sa sinagot ni Luis. Pakiramdam niya ganoon siya ka importante para unahin ni Luis kesa sa trabaho niya. At sa sariling kompanya pa nito.

"Sige na pumunta ka na sa opisina mo. Tutal nahatid mo ang sekretarya ko" may diing wika pa ni Marius habang nakikitang nagtitigan ang dalawa sa harapan niya.

"Aalis na muna ako, Blessie. Pero mamayang gabi dadalaw ulit ako sa inyo" nakangiting paalam ni Luis kay Blessie. Nahihiya naman na tumango ng ulo si Blessie sa binata.

"Okay. Mag iingat ka sa pagdadrive" paalalang sagot ni Blessie. Gumanti ng ngiti di Luis sa kanya. Si Marius naman ay nainis na sa nakikita sa dalawa kaya tumalikod na siya at naghagdan na lamang. Nakita naman ni Blessie ang ginawa ng amo niya. Kaya natatawa siyang bumaling kay Luis.

"Alis na ako" hindi matapos tapos na paalam ni Luis. Tumango tango ng ulo si Blessie at humarap na sa elevator. Tamang tama naman na bumakas iyon at pumasok na siya, sa loob. Kumaway pa muna siya kay Luis habang sumasara ang pinto ng elevator.

Tahimik na umupo si Blessie at sinumulan ng magtrabaho. Patingin tingin naman siya sa pintuan ng among masungit dahil baka may gusto itong iutos sa kanya. Pero lumipas ang isang oras ay hindi pa din siya nito tinatawag. Nagtataka siyang napapaisip. Kung anong ginagawa ng amo niya sa loob ng opisina nito. Kaya siya na lang ang nagkusa na pumasok sa loob at tanungin kung may gusto siyang ipautos sa kanya.

Pagkapasok ay bigla naman siyang nagulat ng makitang may nakakandong ditong babae at busy sa pakikipaghalikan. Nanlaki ang mga mata ni Blessie. Kung paano naging mapusok ang paghahalikan ng dalawang taong walang pakialam sa paligid nila. Kung may makakita ba sa kanila dahil hindi nakalock ang pinto. Naiinis siya na hindi man nila napapansin nasa loob na siya ng opisina at pinanonood ang ginagawa niya. Kaya para makakuha ng atensyon sa dalawa ay hinataw niya ng malakas ang table ng amo.

Napaigtad at nagulat naman ang dalawa. Saka napahinto sa ginagawa ng makarinig ng malakas na kalabog. Biglang tumayo ang babae na kaulayaw ng amo niya at inayos ang sarili. Habang ang amo niya ay galit na nakatingin kay Blessie. Dahil sa pagkabitin.

"Sir, baka po may gusto kayong iutos! Akala ko po kasi nalunod na kayo sa sobrang katahimikan. Yun pala lunod lunod na kayo sa kahalikan niyo!" malakas na sabi ni Blessie. Naiinis siya dahil dito pa talaga sa loob ng opisina ng amo niya gumagawa ng milagro.

Napatingin naman ng matalim si Marius kay Blessie.

"Kung may iuutos ako sayo tatawagan kita! Hindi iyong bigla ka na lang papasok sa loob ng opisina ko ng hindi kumakatok!" bulyaw na sagot ni Marius kay Blessie.

Natulala naman si Blessie at hindi pa din makagalaw na pinagalitan pa siya ng amo niyang mataas pa sa Effiel Tower ang pride. Hindi siya dapat patatalo. Sila na nga iyong may ginagawan kalokohan. Tapos siya pa ang galit.

"Ano ba ang mali ko?" tanong pa ni Blessie sa sarili.

"Sir, ako na nga po ang nagmamagandang loob. Malay ko po ba na may ginagawa kayong milagro sa loob ng opisina ninyo" may inis na sagot ni Blessie.

"Saka pakilock ang pinto para wala kayong istorbo" dugtong pang sabi nito at tumalikod na kay Marius para lumabas ng opisina niya.

Tinatanaw naman ni Marius ang kanyang sekretarya na lumalabas ng opisina niya. Niyakap siya ng babaeng kaulayaw niya na nasa likuran na niya.

"Ituloy na natin wala ng istorbo" malanding sabi ng babae at kinagat kagat pa ang tenga ni Marius. Inis na tinanggal ni Marius ang kamay ng babaeng nakayakap sa kanya.

"Get out! Nawalan na ako ng gana. And don't you ever call me again!" galit na taboy ni Marius sa babae.

"Wow, Marius! After mo akong landiin. Pagkatapos ganoon mo lang ako palalabasin ng opisina mo! Nagsasayang lang pala, ako ng oras sayo" tumayo na ang babae at kekembot kembot na naglakad palabas ng opisina ni Marius. Sinusundan na lamang ng tingin ni Marius ang pigura ng babae. Habang palabas ito ng opisina niya.

"Humanda ka sa aking babaeng may salamin sa mata!" nakaigting ang panga na sabi ng babae sa isip niya.

Nang makalabas sa opisina ni Marius ay hinarap ng babae si Blessie.

"Hoy panget! Dahil sayo pinalabas ako ni Marius ng opisina niya!" galit na galit na sigaw ng malanding babae. Napahinto si Blessie sa pageencode at tumunghay sa babaeng nakapameywang.

"Kasalanan ko ba iyon! Eh kayo nga itong hindi naglalock ng pintuan. Malay ko bang may ginagawa kayo" pilosopong sagot ni Blessie.

"Huwag mo akong masagot sagot ng ganyan!" bulyaw na sabi ng babae.

"Hoy! Huwag mo akong takutin. Hindi kita uurungan! Akala mo kung sinong maganda. Hoy! Maganda ka lang dahil diyan sa makapal mogn make up! Pero itong pangit na sinasabihin mo. Eh mas hamak na mas maganda sayo" galit ding sabi ni Blessie at pinakita pa ang muscle sa braso. Saka inaamba na suntukin ito sa mukha.

"Sige, ikaw ay lumapit. At manghihiram ka sa mop ng mukha" banta pang dugtong ni Blessie. Para namang natakot ang babae kaya kumaripas ng takbo.

"Takot ka pala" nakangising sabi ni Blessie sa sarili.

Natatawa naman si Marius na pinapanood ang pag aaway ni Blessie at ng maharot na babaeng kasama niya kanina. Hindi maitatagong natutuwa siya sa ipinakita nitong tapang.

Bumalik si Marius sa kanyang swivel chair. Nang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Pero napangiwi siya ng unregistered number ang tumatawag sa kanya.

"Marius, puwede ba kitang makausap?" bungad na tanong ng babaeng nasa kabilang linya. Nagtataka naman si Marius kung sino ang babaeng kausap niya. Kaya hindi siya sumagot dito at pinakinggan lang ang sasabihin.

"Marius si Abby ito. Natatandaan mo pa ba ako?" umiiyak na pakilala sa sarili.

"Abby, bakit ka napatawag?" tanong ni Marius. Ang alam ni Marius ay tapos na sila. Saka wala naman silang relasyon na dalawa. Its a pure lust lang ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Abby.

"Gusto sana kitang makausap ng personal" sagot ni Abby.

"Akala ko ba nagtatrabaho ka na sa ibang bansa?" nagtatakang tanong ulit ni Marius.

"No, nagsinungaling lang ako. Andito lang ako sa Pilipinas. Puwede ba tayong magkita?" sagot at tanong ni Abby.

"Okay. Come to my condo. Alam ko na tanda mo pa din kung saan iyon" may pilyong sabi ni Marius kay Abby.

"Yes, I still know the location. I will come tonight, okay" aniya ni Abby.

"Okay I will wait for you" nakangising sagot ni Marius kay Abby. Dahil sa naudlot ang ginagawa nila ng babae na iyon kanina dahil kay Blessie ay dumating naman ang isang pang mapaglalabasan niya ng init ng katawan.

Dumating ang lunch time ay may dumating na pagkain para kay Blessie. Padala daw ito ni Luis at may note pa na nakalagay.

"Enyoy your meal, sweetheart" habang binabasa ito ni Blessie na may puso pang nakalagay sa note.

"Ang sweet talaga ni Luis, hindi gaya ng Boss kong dragon. Ayon lumabas ng hindi nagpapaalam sa akin" wika ni Blessie sa isip. Lagi namang ganoon si Marius sa kanya, kailan ba nagbago ang pakikitungo ng Boss niya sa kanya?

"Salamat pala sa pinadala mong pagkain. Nag abala ka pa" sabi ni Blessie habang kausap si Luis sa kabilang linya. Tinawagan niya ito para sana magpa salamat sa ipinadala nitong lunch sa kanya.

"It was my pleasure. Kaya kumain ka ng marami. Susunduin kita mamayang paglabas mo ng trabaho" sagot ni Luis. Kahit hindi niya, nakikita ang mukha nito ay alam niyang nakangiti ito.

Napangiti naman si Blessie sa ipinapakita ni Luis na interes para sa kanya.

"Okay" tipid na sabi ni Blessie. At pinatay na ang tawag.

Alas sinko na ng hapon uwian na nina Blessie. Hindi na siya nagpaalam pa kay Marius na uuwi na dahil inis pa din siya dito. Nasa lobby na siya at hinihintay si Luis ng mataan niya ang among nagmamadaling lumabas ng building.

"May date na naman siguro ang loko. Kaya nagmamadali" usal ni Blessie sa isip. At nang makita si Luis na naglalakad palapit sa kanya.

"Hi! Lets go" yaya ni Luis kay Blessie. Nakangiting tumango ng ulo si Blessie. Sabay silang naglakad palabas ng building ng MMC. At pumunta sa parking lot. Nang makarating sa kotse ng binata ay inalalayan pa siya ni Luis na makasakay si Blessie passenger seat.

Pinagmamasdan ni Blessie si Luis na nakatuon ang mata sa daan. Seryoso itong nagdadrive. Habang siya ay nakontento na nakatingin lamang kay Luis.

"Ang gwapo talaga!" nangingiting usap ni Blessie sa sarili. Nang tiyempo na napalingon si Luis sa kanya. Biglang bawi ni Blessie ng tingin at tumingin sa labas mula sa bintana ng kotse. Hindi niya inaasahang mahuhuli siya ng binata sa ginawang pagtitig dito.

"Ang saya naman ng mga batang naglalaro" iwas na sabi ni Blessie habang nakunwari ay nasisiyahan sa mga batang naglalaro sa gilid ng daan.

Napangiti naman si Luis sa nakikita kay Blessie. Kinuha nito ang kamay ni Blessie at hinawakan habang ang isang kamay ay nasa manibela.

Nanlalamig na pinagpapawisan naman si Blessie dahil hawak ni Luis ang isang kamay niya.

"Nervous?" usisang tanong ni Luis habang nakatingin pa din sa daan. Napansin kasi nito ang panlalamig at pagpapawis ng kamay ni Blessie.

"Aah hi-hin-di" nauutal na sagot ni Blessie.

Natatawa naman si Luis sa pautal utal na sagot ni Blessie.

"You're such a funny girl" natatawang sabi ni Luis kay Blessie.

Nanlaki naman ang mga mata ni Blessie. At napaayos ng upo.

"Ano, ako clown?" may halong inis na sabi ni Blessie.

Napalakas naman ang tawa ni Luis sa narinig mula kay Blessie.

"Thats why, I like you" wika ni Luis at hinalikan pa ang kamay ni Blessie na hawak hawak.

Namula ang pisngi at tenga ni Blessie sa sinabi ni Luis. Kinikilig siya na marinig iyon mula kay Luis. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito sa isang lalaki. Pakiramdam niya babaeng babae talaga siya. At hindi binubully o tinatakbuhan ng lalaking nakakadate niya.

Nakarating na sila sa bahay nila Blessie.

"Oh, pano alis na ako. Baka hindi na naman ako makauwi kapag pumasok pa ako sa loob ng bahay ninyo" birong paalam ni Luis. Nuong una kasi ay hindi siya nakauwi ng bahay nila at sinundo pa ng pinsan niyang si Marius.

"Okay, kung hindi ka na magpapapigil" nakangiting sabi ni Blessie kay Luis. Pagkatapos ay umalis na si Luis at sumakay na ng kotse niya. Binuksan pa ni Luis ang bintana ng kotse niya at nagwave kay Blessie.

Kumaway naman si Blessie pabalik kay Luis. Nang makitang nakaalis ba si Luis ay saka lang pumasok sa loob ng bahay nila si Blessie. Napasandal si Blessie sa pintuan habang hawak ang dibdib niya.

Nakangiti naman ang mga magulang ni Blessie sa kanya. Kaya ngumiti din siya sa kanila.

"Bakit naman po kayo nakangiti ng ganyan?" nagtatakang tanong ni Blessie sa mga magulang habang umupo siya sa tabi ng Mama niya.

"Wala lang anak. Masaya lang kami para sayo" maagap na sagot ni Jose kay Blessie.

"Si Papa naman nagdadrama pa" birong wika ni Blessie. At napaarko ang mata.

"Natutuwa talaga kami na nakatagpo ka na ng lalaki na hindi ka pagtatawanan at mamahalin ka ng totoo. Sana nga ay si Luis na ang para sayo. Dahil nakikita namin ng Papa mo na mabait na bata iyang si Luis. Saka para hindi na din kami mag iisip ng Papa mo kung may lalaki pa bang para sayo" mahabang litanya ni Belinda sa anak.

"Ngayon may lalaki na talagang nagpapasaya sa aking unica hija" naluluhang dugtong pa ni Belinda kay Blessie. Napangiti si Blessie.

Nilapitan at niyakap niya ang ina at hinalikan sa noo. Ngayon lang niya nakita na masaya sila para sa kanya. Dahil kay Luis. Lalo na at nagpapakita ng pagkagusto si Luis sa kanya.

"Ma, hindi pa naman tayo sigurado na kami na talaga ni Luis. Pero tama kayo napapasaya niya ako ngayon. Napakagentleman, mabait at gwapo. Kaya nga minsan naiisip kong alangan ako sa kanya" may lungkot na sagot ni Blessie habang nakayakap pa din sa ina.

Ayaw niyang umasa na magkakagusto nga talaga sa kanya ang isang Luis Calderon. Isang gwapo, mayaman at businessman na kagaya nuon ay isang katulad ng binata ang nababagay. Isang maganda at mayaman na babae ang dapat na kapareha ni Luis at hindi siya na isang panget at mahirap na babae.

Mas sasaya pa siguro siya kung si Marius ang lalaking nagpapasaya sa kanya. Pero parang malabong mangyari iyon. Dahil sa ugali ni Marius at kung paano siya pakitunguhan ay napakalayo nito kay Luis. Kaya sa panaginip na lang niya papangarapin ang isang Marius Martini Centeno.

"Halika na kayo at kumain na tayo" singit na sabat ni Jose sa kanyang mag ina. Tumayo na sila at pumunta ng hapag na nakahain na ang pagkain.

Isa ito sa gustong gusto ni Blessie sa mga magulang. Uuwi siya na may pagkain at magpapahinga na lamang pagkatapos kumain. Napakamaasikaso talaga ng Mama niya. Sinusigurado na maayos ang damit niya pagpasok sa trabaho at nakakain na bago umalis ng bahay. At pati na din sa Papa niya. Ganito ang relasyon na gusto niya kapag nagkaroon na siya ng asawa. Kung papalarin na magkakaroon.

Naglalasing si Marius mag isa. Kakaalis lang ni Abby sa kanyang condo at hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito sa kanya. Hindi niya alam ang gagawin simula ng may sinabi si Abby sa kanya. Kaya pala gusto siyang makausap nito para sabihin lang iyon. Akala pa naman niya ay may gagawin silang dalawa ngayong gabi na pareho silang masisiyahan. Pero nasira na ang gabi niya at ayaw na niyang makita pa si Abby. Hinding hindi niya susundin ang mga sinabi nito.

"Never ako magpapatali sa kahit na sinong babae! Never!" galit na galit na sabi ni Marius sa sarili. Sabay hagis ng bote ng beer sa sahig. Nabasag iyon at nagkapiraso piraso sa sahig.

Isang pagbabanta na hindi niya mapapayagan na mangyari at walang babae pa ang nakapagpasunod sa kanya. Wala ni isa man sa mga babaeng nakarelasyon niya. Siya si Marius Martini Centeno ang kilalang businesman tycon sa bansa. At isang bilyonaryo.