Chereads / MY FAKE NERD GIRLFRIEND / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Sabay na pumasok ng kompanya sina Mr. Reynaldo Centeno at Marius. May napili na ang matandang Reynaldo na bagong magiging sekretarya ng anak na si Marius. Hindi maipinta ang mukha ni Marius dahil ang Daddy nito ang pumili ng bagong sekretarya niya. Ayaw ni Marius na kontrahin ang Ama sa pagpili ng bagong sekretarya niya. Ang gusto kasing mangyari ng Daddy niya ay pumili na lamang sa mga empleyado nila. At gusto niyang kontrahin ang gusto nito kahit pa marami sa mga empleyado niyang babae ang magaganda at seksi at siya lahat ang naghire niyon except kay Blessie.

Nakaupo si Mr. Reynaldo sa swivel chair ng CEO at nakaupo si Marius sa unahang upuan dahil ipinatawag na nito ang magiging bagong sekretarya ni Marius. Ang Daddy niya naman talaga ang amo sa kompanya. At pinili lang siya nito para pamahalaan ang MMC.

"I'm hoping na maganda at seksi ang napili ni Daddy na bagong sekretarya ko. Katuld ng mga dati kong sekretarya na hindi lang matatalino ay magaganda at seksi pa" nakangiting nawika ni Marius sa sarili. Nang may marinig silang kumatok sa pinto ng opisina niya.

"Come inside, Miss Magsino" sabi ni Mr. Reynaldo sa taong nasa may pintuan. Alam na alam na nito kung sino ang kumatok sa pinto. At nanlaki ang mga mata ni Marius ng makita ang babaeng naka suot ng crop top na blouse at fitted jeans, naka sneaker na sapatos. At nang mag angat siya ng tingin ay si Blessilda Magsino pala iyon. Nanlumo naman si Marius sa nalamang kung sino ang bagong sekretarya niya.

"Good morning, Sir. Pinatatawag niyo daw po ako Sir Reynaldo" magalang na bati ni Blessie. Nakatingin siya sa nakababatang Centeno at hindi kay Mr. Reynaldo Centeno.

"Yeah I call you because I'm promoting you as a new Executive Secretary of my son Marius Martini Centeno" nakangiting sabi ni Mr. Reynaldo Centeno. Napatampal naman sa noo si Marius at kita ang pagkadismaya sa mukha dito.

"Ang panget na 'yan pa ang magiging sekretarya ko. No way!" galit na wika ni Marius sa sarili.

"Sir Reynaldo, hindi ko po matatanggap ang promotion niyo sa akin" tanggi ng sagot ni Blessie sa matandang Centeno. Iniiwasan na nga niya si Marius tapos magiging sekretarya pa siya nito.

"Grabe namang tadhana ito" sabi ni Blessie sa sarili.

"Dont say that Hija. Mataas ang tiwala ko sayo, Blessie. Kagaya ng tiwala ko sa Papa mo" sabi ng Daddy ni Marius kay Blessie. Ang Daddy ni Marius ang nagpasok kay Blessie dahil ang Papa nito ay matagal ng empleyado nila sa pagawaan ng stinelas sa Marikina. Isa din kasi iyon sa, mga negosyo ng pamilya Centeno. Binigyan din siya nito ng scholarship para makapag aral sa magandang University sa bansa. At hindi puwedeng salungatin ni Marius ang gusto ng Daddy niya ng bigyan nito si Blessie ng trabaho sa kompanya nila.

"Pero Sir---" hindi na natapos ni Blessie ang sasabihin dahil pinutol na ni Mr. Reynaldo ang sasabihin sana niya.

"I will not accept No" saad ni Mr. Centeno. Wala na ding nagawa ni si Blessie sa mga sinabi ni Mr. Centeno. Si Marius naman ay tahimik. Ayaw niyang magsalita hindi dahil sa takot siya sa Daddy niya ito ay dahil sa ayaw niyang isipin ni Blessie na gusto niyang maging sekretarya ito.

"Tama ba na tatanggapin ko ang promotion? Nakakaba naman ang mga tingin ni Sir Marius" kinakabahan na nawika ni Blessie sa sarili habang nakatingin kay Marius na nakatingin sa kanya ng matalim.

"I will do everything for you to resign as my secretary!" galit na sabi ni Marius sa sarili. Galit na nakatingin kay Blessie. Si Mr. Reynaldo naman ay palipat lipat ng tingin kina Marius at Blessie. Nakikita sa kanila na parehong hindi palagay sa isat isa. Naiisip niya na bigyan ng leksiyon ang anak dahil sa mga ginagawa nitong pakikipaglaro sa mga babae. Ngayon na si Blessie ang bagong sekretarya nito ay mahihinto na ang pagiging palikero nito at pagiging babaero. At siguro naman ay titino na ito.

"Marius, I'm going, naghihintay ang Mommy mo sa akin. We're going on a vacation trip" paliwanag ng Daddy ni Marius. Gustong matawa ni Reynaldo sa reaksyon ng mukha nito habang nakikinig sa kanya. Maigi na lang at hindi nagsasalita ang anak dahil baka kung hindi ay pinag awayan na nila itong mag ama.

"Okay, Dad. Enjoy your trip with Mom" sagot ni Marius sa Ama. Ngumiti ang Daddy nito at tumango ng ulo sa kanya.

"Ah Blessie Hija, congratulations for your new job" masayang bati ni Mr. Reynaldo kay Blessie at lumapit din ito para yakapin.

"Maigi pa ang Daddy ni Sir Marius, mabait sa akin. Itong isa dito sobrang sama ng ugali" usal ni Blessie sa sarili habang ang mata ay nakay Marius. Kumalas sa yakap si Mr. Reynaldo kay Blessie at hinarap ito.

"Hija, I'm going and goodluck. Marius, take care of Blessie" masayang bati nito ulit kay Blessie at bumaling ng tingin ang anak. Hinawakan din nito ang kamay ni Blessie saglit at saka lumakad palabas ng opisina ni Marius.

Tumayo si Marius at umikot ikot kay Blessie habang nakatayo. Si Blessie naman ay ninenerbiyos sa ginagawa ng amo sa kanya.

"Hmm... Now go to your department and take your things!" bulyaw na sigaw ni Marius. Nahintakutan naman si Blessie sa sigaw ng amo at dali daling lumabas ng opisina nito. Natawa naman ng pagak si Marius na pinagmamasdan ang natatarantang si Blessie.

"Poor, Blessie! Tinanggap mo ang position ng pagiging sekretarya ko. Tingnan natin kung hanggang saan ang itatagal mo" banta nitong sabi sa sarili.

Pagdating niya sa department nila ay pumunta na siya sa desk niya para kunin ang mga gamit niya at ilipat sa mesa ng Executive Secretary ng CEO.

"Magiging sekretarya ako, alalay, katulong at taga gawa ng kape ng isang taong marumi ang budhi!"galit na sabi ni Blessie sa sarili. Nagulat naman siya ng nagsilapitan ang mga kasama niya sa department. Nalaman na nila na si Blessie ang napili ni Mr. Reynaldo na bagong sekretarya ng Anak nitong si Marius. Merong natutuwa para sa kanya meron namang galit dahil hindi daw bagay kay Blessie ang pagiging sekretarya ni Marius. Isa isang nakipag kamay kay Blessie ang mga katrabaho niya. At binabati siya sa promotion na natanggap.

"Mas okay na ako as Admin Assistant. Atleast dito sa department namin ay tao ang mga kasama ko. Eh doon maganda nga ang position, tigre naman ang kasama ko" mahabang sabi ni Blessie sa sarili. Ayaw niya talagang tanggapin ang position na sekretarya pero mapilit ang matandang Centeno at malaki ang utang na loob ng pamilya nila dito. Kailangan na niyang ihanda ang sarili na araw araw niyang makikita at makakasama si Marius. At dapat na kalimutan ang nararamdaman para sa amo.

Napalingon si Blessie sa tumawag sa kanya. Tinatawag na daw siya ng kanilang amo. Medyo napatagal ata siya sa department nila at nakalimutang naghihintay ang among si Marius.

"Blessie, tumawag si Sir Marius, kung tapos mo na daw kunin ang mga gamit mo eh pumunta kana sa opisina niya" kinikilig na sabi ni Aileen sa kanya. Napansin ni Blessie na parang kinikilig ito habang nagsasalita. Sino ba naman ang hindi kikiligin kapag nakausap ang isang Marius Martini Centeno? Halos lahat ng kababaihan sa kompanya ay may gusto kay Marius. Kasama si Blessie sa mga babae na iyon.

Nagpaalam na si Blessie sa kanyang mga naging kasama sa IT Department. Mamimiss niyang makatrabaho ang makukulit na department na ito. Bago siya umalis ay humiling ng celebration ang mga kasama niya. Hindi siya puwede ngayong gabi kaya sa susunod na lang pag wala silang pasok para talagang mag enjoy silang lahat.

Dahan dahan pang naglalakad si Blessie para medyo matagal siyang makarating sa opisina ni Marius habang bitbit ang mga gamit niya. Kinakabahan talaga siya, baka maraming irereklamo ang amo niya sa mga trabaho niya. At ayaw niyang mangyari iyon. Para namang namamalikmata si Blessie ng makasalubong si Marius. Nakita niya na salubong ang kilay nito ng makalapit sa kanya.

"What took you so long?! I told you na kunin mo lang ang mga gamit mo! Gusto mo pa yatang puntahan kita doon para lang bumalik ka sa office ko!" bulyaw ni Marius kay Blessie. Hindi naman makasagot si Blessie sa mga tinatanong ng amo niya. Para kasing naging leon si Marius sa paningin niya. Nanlaki lalo ang mga mata niya ng hawakan siya ni Marius sa braso at hatakin papunta sa opisina niya. Nakaramdam naman ng hindi maipaliwanag na kuryente si Blessie dahil sa pagkakahawak nito sa kanya. Parang slow motion sa kanya ng mapatingin siya kay Marius habang hinahatak siya nito. Natulala si Blessie habang nagpapatangay sa pagkakahatak ni Marius.

Natauhan lang si Blessie ng bigla siyang itulak ni Marius papasok sa loob ng opisina nito.

"Sir, nasasaktan na po ako!" galit na sigaw nito kay Marius. Nabigla si Blessie sa pagsigaw sa amo.

"Hmm. Ilang minuto palang kitang sekretarya sumisigaw ka na agad sa akin" mahinahon na sabi ni Marius.

"Eh kasi naman po kung makatulak kayo parang gusto niyo na akong saktan. Narinig niyo naman po na hindi ko tinanggap nung una ang alok ng Daddy niyo. Pero anong magagawa ko empleyado lang po ako dito" mahabang paliwanag ni Blessie na pinipigilan ng umiyak. Ngayon palang nasasaktan na kaagad siya sa mga sigaw at sa trato ni Marius sa kanya.

"Kung ayaw niyo po akong maging sekretarya niyo eh tanggalin niyo na lang po ako sa trabaho" hindi makatingin kay Marius na sabi nito. Pinipigilan kasi niyang maiyak kaya ayaw niyang tumingin kay Marius. Gusto niyang ipakita sa kaharap na matapang siya na hindi siya iiyak sa harap nito. Para namang natauhan si Marius kaya tumalikod ito kay Blessie at pumasok na lang siya sa secret room niya sa opisina. Gustong pakawalan ang galit at inis sa bagong sekretarya niya. Si Blessie naman ay lumabas na ng opisina ni Marius at pumunta sa table niya sa labas ng opisina ni Marius. Inayos niya ang mga gamit niya sa bagong table niya. Naupo si Blessie sa upun at binuklat ang notebook sa ibabaw ng table.

"Mga schedule ni Sir Marius" nawika ni Blessie sa sarili. Kailangan niyang pag aralan ang schedule ng amo araw araw. Pati na ang mga gagawin niya ay nakasulat na sa notebook na iniwan ni Tessa. Hindi naman pala mahihirapan si Blessie dahil may guide pala itong nakasulat sa notebook ni Tessa.

Lumabas si Marius ng kwarto niya sa loob ng opisina niya at tiningnan si Blessie sa labas. Pinagmamasdan niya ito habang nakaupo. Muling bumalik sa loob at kinuha ang fifty folder na nakalagay sa likod ng silya niya. At inihagis ito sa ibabaw ng lamesa ni Blessie.

"I want all of this file on Monday" utos ni Marius at inabot ang mga folder kay Blessie. Tinitingnan lang ni Blessie ang mga folder na nasa ibabaw ng lamesa niya. At napatingin sa among nakapamulsa. Bigla siyang yinalikiran nito at muling pumasok sa loob ng opisina niya.

"Kung hindi ka lang gwapo. Nabatukan kita. Buwisit ka sa buhay ko!" inis na sigaw ni Blessie sa isip.

Ang daming ipinagawang trabaho ni Marius kay Blessie at hindi naman nagrereklamo ang dalaga sa mga iniuutos ng amo. Nakalimutan na din ni Blessie ang lunch dahil sa dami ng trabaho at dahil na din sa nangyari kaninang umaga. Nagulat siya ng tumunog ang intercom.

"Blessie, order food, I want to take my lunch in my office. I want a Filipino dish. And I think there is a directory of all phone numbers, naitabi ni Tessa diyan sa drawer niya. Mag order ka ng pangdalawang tao." utos ni Marius.

"Okay, Sir." maikling sagot ni Blessie. Narinig ni Blessie na pinatay na ng amo niya ang intercom. Nagtaka naman si Blessie na pati ang amo niya ay hindi lumabas para maglunch. Nag order na si Blessie ng Filipino dish sa isang restaurant na nakalista sa directory ni Tessa.

Si Marius ay kanina pa nag iisip kung anong pang gagawin kay Blessie para ito na mismo ang magresign bilang sekretarya niya. Kanina ay tinambakan niya ito ng trabaho napansin niya na ginagawa lang ni Blessie ang mga pinapagawa niyang trabaho. Nang silipin niya ito mula sa pintuan ng opisina niya ay nakita niyang seryoso nitong ginagawa ang lahat ng pinapaencode niya. Halos nasa fifty na mga folder ang nasa mesa ni Blessie para iencode. Sumilay ang nakalolokong ngiti sa labi ni Marius. Nakita din niya na humawak si Blessie sa tiyan niya na parang nagugutom na. Hindi pa kasi nagtatanghalian si Blessie dahil kailangan niyang matapos ang fifty folder na kailangan iencode. Nakaramdam naman ng awa si Marius habang tinitingnan si Blessie na seryosong nagtatype sa harap ng computer. Kahit naman gusto niyang umalis sa pagiging sekretarya nito ay hindi pa naman siya ganoong kasama na Boss para gutumin ang empleyado niya. Kaya nung pumasok siya at maupo sa kanyang swivel chair ay tinawagan niya ito sa intercom para magpabili ng pagkain para sa kanilang dalawa. Tutal hindi pa naman din siya nagtatanghalian.

Mayamaya ay nakarinig si Marius ng katok sa pintuan ng opisina niya.

"Come in" utos nito sa kumakatok. Pumasok si Blessie na dala ang mga supot ng pagkain. Inabot naman ni Marius ang mga supot na dala ni Blessie.

"Can you please take the mat in my room? Pakikuha na din yung tig dalawang kutsara at tinidor" utos ni Marius. Pumasok si Blessie sa kwarto ni Marius at hinanap ang mga kailangan ng amo. Nang makuha ay bumalik na siya at ibinigay ang mat at mga kubyertos. Inayos ni Marius ang table at inilagay ang mat sa table niya. Tumulong naman si Blessie kay Marius na mailagay ang mga pagkain doon.

"Sir, hintayin ko na lang po sa labas ang bisita niyo" sabi ni Blessie.

"No! Sasabayan mo akong kumain" hindi makatingin na sabi ni Marius. Natulala naman si Blessie sa narinig.

"Totoo ba ito o nanaginip lang ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Blessie sa sarili. Mas nanlaki ang mata ni Blessie ng makita na nilagyan siya ni Marius ng plato. Napatingin si Marius na nakatayo pa din si Blessie at hindi pa umuupo.

"Sit down!" bulyaw na naman ni Marius. Nagulat si Blessie at dahan dahan na umupo. Nakatingin si Marius kay Blessie habang dahan dahan na umuupo. Nagtama ang paningin nila Marius at Blessie. Si Blessie na ang nagbawi ng tingin at yumuko ng ulo.

"May konting bait din pala ang tigre" mahinang bulong ni Blessie.

"Kumain kana hindi yung bumubulong ka pa diyan!" naiinis na sabi ni Marius. Akala kasi ni Blessie hindi siya narinig, na tinawag siyang tigre. Tahimik na kumakain sina Blessie at Marius, paminsan minsan ay sumusulyap si Blessie kay Marius. Tinititigan nito ang mukha ni Marius. Pangalawang beses na niyang nakikita ng malapitang ang gwapong mukha ni Marius.

"Ang sarap sigurong hawakan ang pisngi niya" sabi ni Blessie sa sarili. Mayamaya napadighay ng malakas si Marius. Natawa si Blessie sa malakas na dighay ni Marius at napangiti naman Marius dahil dito. Natigilan si Blessie ng makitang nakangiti ang amo.

"Sana lagi ka na lang ngumiti, para naman hindi kana laging parang babae na nireregla" nawika ni Blessie habang pinagmamasdan ang mukha ni Marius na nakangiti.

Sumapit ang uwian. Pinuntahan ni Blessie si Sarah sa bahay nito. Pupunta kasi sila sa bagong bukas na bar ang Night Life Bar. Matagal na din na walang bonding ang magkaibigan dahil parehong busy ito sa kanya kanyang trabaho. Si Sarah ay isa siyang writer sa newspaper. Tiyak na maraming ikukuwento si Blessie sa kaibigan.

"What?!" malakas na sigaw ni Sarah.

"Ano ka ba nabingi ka na ata" sabi ni Blessie.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo kanina. Hindi pa naman ako lasing pero pakiramdam ko nalasing ako sa narinig ko" sagot ni Sarah.

"Ang sabi ko ako ang bagong sekretarya ni Sir Marius!" malakas na sigaw ni Blessie at itinapat pa ang bibig sa tenga ni Sarah.

"Mabibingi na talaga ako, Blessie" sagot ni Sarah. "Totoo, ikaw ang bagong sekretarya ng Boss mo!" natutuwang sabi ni Sarah. Nakangiting tumango ng ulo si Blessie sa kaibigan.

"Ahh!" sabay na sigaw ng magkaibigan.

"Lets have a celebration. Ako ang sagot sa lahat" masayang sabi ni Sarah kay Blessie. Si Sarah lang ang nag iisa niyang kaibigan. Ang laging kasama niya sa lahat ng saya at lungkot. Sobrang napakaswerte talaga ni Blessie sa pagkakaroon ng kaibigang si Sarah.

Sa kabilang table naman ay nagkakasayahan ang magkakaibigang sina Larry, Patrick at Marius. Kaibigan nila ang may ari ng bagong bukas na Night Life Bar. Kaya sinuportahan nila ang kaibigang si Manny. Nang mapagawi ang tingin ni Larry sa table nila Blessie.

"Look Pare oh, may seksi doon sa dulong table" sabi ni Larry sa mga kaibigan sabay turo sa puwesto nina Blessie.

"Yes Parekoy. Tara magpakilala tayo" yaya ni Patrick kay Larry. Nakatalikod si Blessie sa grupo nina Marius. Kaya hindi nakilala nito si Blessie na sekretarya niya.

Naunang tumayo si Larry at sumunod si Patrick. Sabay naglakad ang dalawa at pumunta sa table nina Blessie. At nang makalapit ang mga ito ay nagpakilala sila kina Blessie at Sarah.

"Hi girls. Hope you dont mind kung makipagkilala kami sayo?" tanong ni Larry sa nakatalikod na si Blessie. Tumayo naman si Blessie sa upuan niya at humarap sa dalawa. Nagulat naman ang dalawang lalaki ng makita ang mukha ni Blessie.

"Opss, sorry I mean sa kanya" bawing sabi ni Larry at itinuro si Sarah. Nainis naman si Sarah sa sinabi nung isang lalaki.

"Hey! Huwag niyong bastusin ang kaibigan ko!" bulyaw ni Sarah kina Patrick at Larry. Para namang natakot ang dalawa at tumalikod papalayo kay Blessie.

"Tama na, Sarah. Hayaan mo na sila" saway ni Blessie sa kaibigan.

"Huwag mo na lang patulan. Hindi naman ako sinaktan" pakalmang sabi ni Blessie. Natahimik naman si Sarah at itinuloy nila ang pag inom.

"Pare, akala ko maganda. Ang seksi kasi" hinayang na sabi ni Larry pagkaupo sa tabi ni Marius. Nagtataka naman si Marius sa sinabi ng kaibigan.

"Anong itsura nung girl?" tanong ni Marius.

"Nakasalamin tapos may braces sa ngipin. Makapal din ang kilay, basta pangit, Pare" sagot ni Patrick.

"Di kaya si Blessie iyon. Pati ba naman dito sinusundan ako ng Panget na iyon" inis sabi ni Marius sa sarili.

"Naka crop top ba na blouse yung babaeng sinasabi niyo?" tanong ni Marius. Tumango naman ng ulo ang dalawang kaibigan nito bilang sagot.

"I knew it! And I know that girl" dugtong na sabi ni Marius. Naguguluhan naman ang mga kaibigan niya kay Marius.

"She is Blessilda Magsino, my new secretary" pakilala ni Marius kay Blessie.

"Really?" sabay sabay na sabi nung tatlo.

"Yes. At ayoko siyang maging sekretarya ko!" matigas na sagot ni Marius.

"At ano naman ang gagawin mo?" tanong ni Patrick.

"I will find a way para magresign siya" sagot ni Marius.

"Ikaw naman ang malalagot sa Daddy mo kapag ginawa mo yun" wika ni Larry. Napaisip naman si Marius sa sinabi ng kaibigan. Natatandaan niya ang sinabi ng Daddy niya na tatanggalin siyang CEO ng MMC kapag umalis pa ang sekretarya niya.

"No way!" galit na sabi ni Marius.