Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nagsasagot sa activity namin sa araw na ito, para bang akoy lumulutang sa ere dahil sa ganda ng pakiramdam. Nagsimula ito kahapon ng masilayan ko ang kanyang mga ngiti, unang beses ko itong nakita at tila ba ako ay nasasayadan na ng utak, kumakalawa na ang turnilyo ng aking utok.
Oh kay sarap makita ng malapitan ang ngiti ng lalaking iyon ngunit batid kung matatagalan na naman ang masilayan muli ang ngiti nito, na para bang kay hirap ngumiti napaka simple lang naman.
"Chandra may senend ako sayong Laptrip" nilingon ko si Jorrie ang lalaking minsan hindi mo mahagilap sa dinami ba namang appointment sa buhay, malay ko nga kung anong pinagagawa nito sa buhay.
"Bagong trend?" Pagtatanong ko dito
Tumango ito at dinukot ang cellphone mula sa bulsa ng jacket "May bago ding trend na sayaw"
"Ay oo nakita ko yon! Napadaan sa fyp ko gosh ang ganda nga mga ma'amsh" dagdag naman ni Ixxie na katabi ko, nilingon ko si Michael
"Ikaw nakita mo ba?" Baling ko kay Michael ng tanong baka gusto nya din sumabat
"Hindi pa, busy kasi ako sa bahay" sagot nito habang ang mga mata ay nakatingin sa papel ko
"Busy sa pag ma-make up" dugtong ni Genel na ikanatawa ni Ixxie
"Hindi ah, sa pagkain din. Tsaka syempre sa mga gwapo "
Inayos ko ang ballpen ko ng pagkalagay sa lamesa at napadungaw sa kisame "Hindi nyo ba pansin gwapo yong mga kasama ni Aballesto kahapon?"
"Napansin miiiii, lalo na yong naka Black Shirt laglag bolbol uggghhh" May pa takip takip pa ng bibig itong si Michael ngunit halos rinig naman namin yong salitang bolbol
"Malalaglag ba ang bolbol?"
Natawa ng medyo may kahinaan si Jorrie sa tanong ni Ixxie, minsan kasi ay nalulutang ito.
"Pag gwapo daw malalaglag pero pag pangit tumutubo para takpan"
Sabay sabay kaming natawa ng mahina at may takip sa bibig dahil baka magbida bida ng galit na naman ang mga classmates namin.
Akala ko sa jollibee lang ang bida, ni take out papunta sa classroom din pala.
"Lakasan nyo ng ma highblood ang King monster"
"Ma highblood sya, mukha naman syang highblood araw-araw sa hitsura nya pa lang" dugtong ko sa sinabi ni Michael
"Legit no lice"
"Mas malaki nga bunganga nya ma'am kesa sa mga tawa natin chos" napatakip naman sa bunganga si Ixxie pilit pinipigilan ang hindi matawa ng malakas.
"Alam nyo ba may chika ako"
"Exciting ano yon?" Tila batid ko na ang sasabihin nito sa akin kung hindi man tungkol sa mga gwapo ay tungkol sa mga kasapi ni Jollibee. Bida bida
"Tungkol sa gwapo" natatawa nitong saad na may pina hampas pa ng mahina sa table
"Gwapo na naman, here we go again" para bang boring na sa pandinig ni Jorrie ang salitang gwapo ngunit para sa amin ay nakabubusog sa tenga.
"Ay wow, so anong gusto mo? Magaganda naman ang eh topic? Nasa harapan na kaming magaganda kulang paba?"
"Yong mga chika na iba naman" sagot ni Jorrie
"Chika saan? Sa sakit ng ulong mga classmates na puro ka plastikan ganon ba gusto mo? Wala naman yata tayong problema sa kanila mga mababait na anak ni satanas naman sila eh"
"Alam mo anong chika nakakainis tagal tagal" singhal ko dito
"Nakita ko kahapon si Mr. Aballesto sa Gaisano bumibili sa food area malapit sa goldilocks tapos may kasamang babae"
I rolled my eyes "Pinapa overthink?"
"Hindi mare kasi totoo yan lukaret na babae to ayaw maniwala buti nga nakita ko"
"Eh ano yan mapapaisip lang? Clueless ganern?"
"Burikak! Hindi!"
"Baka kapatid lang na kasama ano ba kayo itigil nyo nga iyan" sabat ni Ixxie na kasalukuyang nagsusulat pa din
"Malay natin ang sweet kasi kahapon"
Sinapak ko si Michael "Isa pa sasaksakin kita ng ballpen"
"Abay bat sa akin bat hindi sa kanila" turo nya sa mga kasapi ni Jollibee na agad sinaway ni Jorrie
"Ssshhh marinig ka, magsaksakan pa kayo" aniya ni Jorrie na parang anghel sa kabutihan at ayaw maka commit ng kasalanan.
"Kahit magpatayan pa mga putan-jena nila mga slapsoil"
"Anong oras nga pala eh a-announce ang winner sa competition kahapon? Mukhang may event mamaya ah" excited na Saad ni Ixxie.
Ibinaling ko ang attention sa kanya
"Mamaya na, malapit na pagkatapos ng subject nato announcements na daw"
"Kyaaaa, excited nako" para bang bulilit na excited mabigyan ng ayudang kende.
"Ako din"
"Panigurado, panalo nato" Saad ni Jorrie na ikinangiti ko
"In God's grace "
Natapos ang aming activities gayon din ang pagkaubos ng oras sa time namin kaya unti unti ng nagliligpit ang iba para dumalo sa Gym na gaganaping announcements sa competition kahapon, gayon din ang ibang patimpalak ay sisimulan na ng pagbubukas ma opisyal maya maya. Gayon pa man may bahid na kaba sa aking dibdib, kaba na maaaring ikatakot ko sa mga susunod na pangyayari.
"Let's go pretty Angels ay este mga magulang ni satanas" halong halakhak sa pagpaparinig ang pagkakasambit rito ni Michael tiyak na narinig ng iba at ikakalat at issue na naman sa mga haliparot na kukuti ng mga demonyong squammy.
"Hinay hinay baka ika'y masaksak sa likod"
"Saksakin nya ng lagariin ko bunganga nya chariz baka mapagkamalan tayong may kaaway pretty angels let's go na makikita ko na ang maladyosang mukha ng mga gwapo at mabusog pa muli ang aking alagang mata" sagot ni Michael sa akin
"Tara na, ingay mo rindi sa tenga pisti"
"Abay ang nagsalita para namang di masakit sa tenga"
"Abay syempre ano ba aalis o hindi?"
Agad nitong sinablay ang kamay sa balikat ko "Syempre lezgo"
Mabilis kaming nakarating sa Gym at naghanap ng mauupuan, nahagilap ng aking mata ang inuupuan nila Aballesto tila ba tadhana at bakante ang nasa harapan nila gayon pa din na apat na bakanteng upuan ang andoon. Kaya mabilis kong hinila ang tatlo upang hindi kami maunahan
"Hi boys" nakangiti kong saad "Vacant to sit?"
"Ofcourse para sa mga magagandang dilag at sa ginoo" lingon nito kay Jorrie
"Thanks" agad kaming umupo at sinadya ko talagang sa harapan ni Aballesto umupo dahil kukulitin ko ulit ito ngayong araw na ito, ng muli kong masilayan ang ngiti sa labi nito.
Nakaka adik at nakakahumaling ang kanyang mga ngiti na para bang hindi nakakasawang tingnan.
"Miss me?" Agad akong humarap dito
"Tccchh"
Oh ayan ganda ng sagot
"Ouch that's hurt but no"
"What?" Taas kilay nitong tanong
"Na hindi pala ouch ang hindi mo pag miss sa akin kasi syempre ako lang dapat at hindi ikaw "
Tumikhim ang kanyang tatlong kasama
"Kayo ba ay magkakilala na?" Sabay kaming napalingon dito ngunit ng hindi pa nakakasagot siya ay inunahan ko na at baka ipahiya pa ako nito
"Oo syempre, tsaka besides di ba halata?"
"Hindi, kasi mukhang ayaw nya sayo eh" inisnob ko ang isang lalaking sumagot sa akin ng ganon
Nakakainis at ang sarap manaksak
"Asan?"
"Anong asan?" Naguguluhan nitong tanong
"Asan ang pake ko" muli kong binaling ang tingin sa pakay ko.
"I miss you mi amor"
"Kelan mo ba ako titigilan?"
I smiled and give him the triangle look "Kapag nagsawa na ako o kapag nakuha na kita"
"Sana nga magsawa na"
"Opsss don't pray for that because you wouldn't know hahanap hanapin mo ako"
"No way"
"Yes you are"
He rolled his eyes "As if naman na trip kita "
"Exactly! I'm not your trip but I'm your likes over dislikes"
"Reallt huh"
"You do my Engineer"
"Ruler na naman ba?" Sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi
"I won't stop till I can touch your ruler from that" tuluyan na niyang hindi mapigilan ang mapangiti
"Such as hard headed woman"
"Sayo lang" sumeryoso ako "Sayo lang mapanakit ngunit masarap kalaunan" kinindatan ko na ito at umayos na ng upo
May oras ka din sa akin Mr. Aballesto
To be Continue🖤