Eros is the only Greek term for love that is not used directly in Scripture. The word refers specifically to physical attraction or romantic love. https://www.dictionary.com/e/greek-words-for-love/
----
Bawat takbo ng orasan ay tila kaakibat ko ang kaba, noon ay hindi ko naman ito nararamdam ngunit bakit ngayo'y di ko parang maintindihan at tila ako'y medyo hindi makafocus medyo lang at konti lang dahil sa huli alam ko at confident akong mananalo ako. Hindi sa pagmamayabang ngunit saulo ko na ang daloy ng competition na ito. Nilingon ko ang lalaking nagbibigay kaba ng konti lamang sa dibdib ko.
Ayokong matalo, mas lalong ayokong mapahiya sa harap niya.
Huminga ako ng malalim at pumikit ng saglit. Habang hinahayaan ang mga kamay sa pagsulat at dinadama bawat salitang sinusulat, bawat pangungusap na may kabuluhan at tiyak na magpapanalo sa akin
"Done!" Taas ko ng ballpen ko habang nakangiti na ikinalingon ng ibang mga contestants, ngunit isa lamang ang hindi nagtaas ng tingin yon ang inaasahan kong unang mamamangha sa akin sa halip ay tila wala itong naririnig na nagpatuloy lamang sa pagsusulat.
Napasimangot ako
Wala talagang puso itong lalaking ito. Nakakainis!
Napairap ako sa kawalan.
"You may pass your work here in front Ms. Felmentos "
Peke akong ngumiti saka niligpit ang ballpen sa bag at tumayo na, ng maipasa ko na ang aking gawa ay hindi ko na nilingon ang lalaking iyon. Panira ng araw, akala ko pa naman gaganahan na ako, but what do I expect from him? Halata namang walang interest sa akin.
"Booo!" Biglang sulpot ni Michael sa aking harapan na para bang kabote kung saan-saan sumusulpot na lamang bigla
"Pisti!" Singhal ko
"Na surprised kaba Chandra?"
Tinaasan ko ito ng kilay ngunit kalaunan ay napangiti na din, minsan kahit ang sarap eh taas sa flagpole itong baklang to nakakawala naman ng stress.
"Hindi, stress ako"
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ng dalawa
"Kung noon ay abot langit ang ngiti paglabas ng competition ngayon naman ay tila pinagsakluban ng langit" nagkibit balikat lamang ako kay Ixxie
"Mukhang nangangamoy talo ah"
"Excuse me" tinaasan ko ito ng kilay "Pumuti na ang uwak ngunit hindi pa ako natatalo"
"Kung sabagay mapaglaro ka naman sa mga words na gamit di na questionable bakit ikaw lage ang tiyak na panalo" Saad ni Michael na tila ba ay kumbinsido din na panalo ako
"Pero what if-" agad kong pinutol ang what if ni Ixxie ayoko na ng negativity baka maging bato ang pagka panalo ko nito at ma disappoint ko pa si Uncle at Auntie nito.
"Cut the what if cause again this time I'll win, stop the negativity! I'm stress"
Natawa ang dalawa kaya't tumugil na ito sa pag tutukso dahil wala naman pupuntahan ang usapan maaring magkasabunutan pa kami dito at magpatayan charot.
Sabay kaming pumunta sa Canteen at bumili ng makakain, food is life tila bawat minuto ay pagkain ang sigaw ng aking tiyan. Mas malaki pa ang magagastos ko sa kain kesa sa kuha kong score sa mga quizzes charot no way papayag ba naman akong low score sa quizzes
Hell no!
Sa staying area na ilalim ng puno kami umupong tatlo, magpapahinga hindi batid ang gagawin sa mga susunod na minuto kundi lulutang ang utak kasabay ng pagtakbo ng ng oras.
Makalipas ang ilang minuto ay natanaw namin ang lalaking pamilyar kasama ang tatlong hindi namin kilala. Nilingon ko ang dalawa na kasalukuyan ng abot langit ang ngiti at nanunuksong mga mata sa akin at pasulyap sulyap sa paparating.
"Hi girls" bati ng isa sa kasama nila ng tuluyan itong makalapit sa amin
"Hello" sagot naman ni Ixxie
"Chair available at your front?" Tanong ng isa na naman na hindi namin kilala ngunit familiar ang mukha
Syempre iisa ba naman ng Campus malamang ay familiar lahat.
"Yeah, available to sit. Special promo tig paypay basta gwapo"
Sabay sabay silang napangiti sa sinabi ni Michael maliban sa isang tila walang gana sa buhay.
What do I expect ganyan naman talaga siya.
Nagsiupuan na silang lahat iisa lamang ang aming table sapagkat gawa ito sa bakal na may dalang upuan na. Nasa last chairs ako at para bang sinadya ng tadhana na mahuli ng upo si Aballesto gawa ng pagkaharap namin dahil sa pareho kaming last seats na magkaharap. Agad sumilay ang utak kong malandi na para bang handa na sa mga ibabatong matatamis na salita kumbaga handa na ulit landiin ang lalaking nasa harapan ko.
"Anong year kayo?" Panimulang tanong ng isa sa kanila.
Aaminin namin na boy hunters kami ngunit wala sa dugo namin ang makipagkilala o magtanong ng harap harapan sa mga pangalan nila. Malandi kami ngunit nasa lugar minsan. Minsan din naman kasi hindi mapigilan ang kilig kaya ayon nagmumukhang malandi sa pananaw na mga classmates ay este mga marites.
"2nd Year na us" sagot ni Ixxie
"Nasa 2nd Year ang true love mga dong at mas lalong nasa 2nd year ang mga magaganda" proud na pambebenta ni Michael sa ganda naming mga second year. Well totoo naman compare sa ibang year na stress na stress na dahil kami ay fresh pa at kaunting sakuna pa lamang ang nadaanan, sakuna ng mga plastic at mapanlamang sa kapwa at mas lalong walang utang na loob, pero keber sa mga taong ganyan.
"Halata naman, fresh na fresh kayo kahit hapon na" pangising Saad ng isa na namang naka Black Shirt
"Hindi nyo ba kami tatanungin kung anong year na kami?" Tila natatawa na may halong pagkamangha ang bakas sa mukha ng lalaking nagsalita
"Hindi namin obligasyon mag tanong isa pa kung gusto nyong malaman namin then say it without us asking" nginitian ko ito ng peke
Totoo naman hindi namin kelangan magtanong kung gusto nilang malaman namin ede sabihin nila agad hello! Wala na tayo sa 90's iba na ang Generation practical na dapat.
"We're Second year too, Engineering " buti naman at naisipan ng magsalita at makisali nitong mukhang hindi marunong makiramdam
"Halata naman, gwapo eh" ngiti na may halong panlalandi ang sagot ko sa kanya "Bukod sa ruler na mataas at matigas paniguradong hindi lamang yon ang inyong nahawakan"
Narinig namin ang pag ubo ng dalawa nilang kasama ng marinig ang aking sinabi. Natawa ako ng mahina at muling dinugtungan ang aking mga sinabi "Kung ang Engineer marunong humawak ng plano ng bahay paniguradong marunong ka ding hahawak sa magiging relasyon natin"
Shock na napalingon ang tatlo niyang kasama kaya napabahakhak kaming tatlo ng tawa
"Kidding, pero pwede ding totohanin" titig na titig ako kay Mr. Aballesto
"Baka pag nasubukan mo Ms. Felmentos ay magsisi ka"
Mapakla akong natawa sa sagot nito sa akin "Why should I, kaya ko ngag laklakin lahat ng klaseng inumin relasyon pa kaya"
"But I'm planning to, if I do, not you"
I rolled my eyes "Sa una lang yan. If I were you" ngumiti ako "Mas pipiliin ko ang babaeng kaya kang pantayan o di kaya kaya kang lamangan sa industriya ng competition"
He smirked "Pano yan ayoko sa mga competitive, I prefer simple"
"Simple naman ako, maganda nga lang plus points ang utak, o baka naman gusto mo sa simpleng bobo, please be specific " nakangisi kong saad
"I'd rather date a simple bobo than, Matalino na mataas ang tingin sa sarili "
I rolled my eyes again "Mapapakain kaba ng bobo na simple sa future? I bet no. Matalino ka sana bobo naman sa pag pili ng ideal girl tccchhh"
"Why do you care?"
"As if naman I care, or I guess I do?"
Nagtiim bagang ito "You do, because you like me"
"Well, I can't wait na mahawakan yong matigas at mahaba na ruler mo"
"What?"
"Ruler mo" pang uulit ko
"Huh?"
"Nutch"
To be Continue🖤