The Greek god of erotic love
ˈer-ˌäs ˈir- : the Greek god of erotic love compare cupid. : the sum of life-preserving instincts that are manifested as impulses to gratify basic needs, as sublimated impulses, and as impulses to protect and preserve the body and mind compare death instinct.
https://www.merriam-webster.com › ...
Eros Definition & Meaning - Merriam
---
"Chandra, ginagawa mo dito?" Agad akong napalingon ng may nagsalita sa gilid ko, bumungad sa akin si Genel na tila nagtataka ngunit kalaunan ay nahimasmasan sa pagtataka.
"Napag-utusan lang"
Napatango ito at tila napagtanto na as usual ako naman mas mabilis kumilos at mas madaling makahagilap sa mga instructors kaya madalas napupunta sa akin ang mga utos, wala naman akong reklamo dahil gawain ko din naman ito mula High-school hanggang College na.
"May kasama ka?"
Tumango ako "Meron, nasa loob pa nga lang"
"Ah, mauna nako sayo ah, may kasama ka naman so okey lang diba?"
Nginitian ko ito bago tumango "Ayos lang, mauna kana Gen, hihintayin ko pa kasi yong kasama ko"
Ngumiti ito saka nagbeso sa akin
"Bye" kumaway na lamang ako bilang sagot, bigla naisip kong asan na kaya ang dalawang naiwan ko kanina sa Registrar.
Akala ko magtatagal pa ito sa loob kasi paniguradong mababagot ako dahil sa gutom na ako kanina pa at dahil sa kalandian ko na sa walang bahala na lamang ang gutom makasama lang itong lalaking ito.
Burikak
Tanga din pala minsan kasi nawawala utak natin at pumili ng wasto, katangahan ba kamo ngunit dahil likas akong matulungin kahit naman na hindi lalaki tinutulungan ko tapos ako pa yong hindi appreciate wow ha mga mapaglamang sa tao.
"Ms. Felmentos" Para akong natalon ng marinig ko ang boses ni sir, sa lalim ba kamo ng inisip ko malamang sino di mabibigla.
"Po sir?"
Napangisi ito na para bang nanunukso ang mga mata nito sa akin "Tila'y kasing lalim ng balon ang iyong iniisip at hindi moko mahagilap na tinatawag na kita"
"Nako po sir, excuse me? sa gutom lang ito kaya ganito" kumbinsi ko dito na mukhang naniwala naman agad. Nilingon ko ang lalaki na nasa likod niya "Tapos na ba?" Tanong ko kay sir
"Oo eh-nivaluate ko lang ang subjects niya if pasado ba at kung ano ang dapat niyang kunin at hindi na kunin" patango akong sumagot
"Ms. Felmentos I have a favor for you"
Agad sumilay ang aking mga ngiti, alam ko na yata ang favor na ipapatulong ni sir.
"Sure sir anything basta ikaw"
Ngumiti ito "Paki guide si Mr. Aballesto to his room, sa new Building 2nd floor doon ang first class niya"
Tumango ako na may ngiti sa mga labi "Kahit di mo iutos ipipilit ko naman"
Natawa na lamang ito sa akin "Oh sha, ikaw na bahala kay Mr. Aballesto ah? Ingat kayo"
Nakapasok na ng tuluyan si sir at kaming dalawa na lamang ang naiwan sa tapat ng pintuan sa Faculty. Mukhang walang balak magsalita itong lalaking kasama ko kaya inunahan ko na.
"Kakain ka paba o diritso kana sa room niyo?"
"Diritso na"
Tumango naman ako "Halika sunod ka sakin" nauna na akong maglakad habang ibang direksyon na naman ang tinatahak papunta sa new Building. Marami kaming studyanteng nakasalubong at lahat yon napapatingin sa lalaking kasama ko, hininaan ko ang paglalakad para magkasabay kami hindi naman ako nabigo at nagkasabayan na nga kami.
"Saang University kaba galing at naisipan mong mag transfer?"
"Kung hindi ako nag transfer panigurado boring ang taon mo dito sa Campus"
Mabilis ko itong tinitigan, weee? Tama naman yong narinig ko diba.
"Pinagsasabi mo dyan?" Natatawa kong aniya ngunit may ngiting naglalaro sa aking mga labi.
"Tsss"
"May girlfriend ka naba?" Diritsahan kong tanong. Wala, kelangan kong magtanong baka masaksak ako ng patalikod ayoko pang mamatay.
"Why are you asking? You're planning to be?"
"Pag sinabi ko bang oo, liligawan moko?"
Nakita ko ang pagngisi nito
"Mukhang hindi naman pero gusto mo ako gumawa para sayo? Kung kaya nyo kaya din namin"
"Desperada"
"Kung ikaw hinahanap mo yong room mo, ako naman walang pake sa mga pinagsasabi mo"
"Oh really?"
Huminto ako at humalikipkip sa harap niya
"You forgot"
Itinaas niya ang kanyang kilay "Forgot what?"
"To say Thank You"
"Why would I? If you voluntarily approach to help?"
Natawa ako "Where's the manner?"
Nagkibit balikat lamang ito "Be careful who you trust in this Campus, they might used your weakness to pull you down. And yeah don't help" inilapit ko ang bunganga ko sa tenga niya. Alam kong ramdam niya ang paghinga ko sa leeg niya na pilit iniabot ang tenga dahil sa may kataasan ito.
"Hindi ka pwedeng tumulong dahil ako lamang dapat ang tutulong sayo, mas lalong hindi ka pwedeng maghanap ng tulong sa iba sakin lang dapat, sa akin lang" Umayos ako ng tayo at nginitian siya "You're welcome my love"
Tinitigan lamang ako nito na para bang walang narinig.
"Nasa tapat na tayo ng room mo, Goodluck mi amor"
Naging mabilis ang takbo ng oras at alas tres na ng hapon. May Poetry contest akong sinalihan kaya kelangan kong mag excuse sana sa subject namin na isa ngunit sakto namang hindi ito papasok sa amin kaya sabay kaming tatlo na pumunta sa office ng Ang Taga organization kung saan eh he-held ang competition. Matagal nakong pasali sali sa mga competition at never akong natalo dahil bukod sa ganda ko ay may utak at talent naman akong kayang ibandera sa mga mapanglamang na mga tao.
"Goodluck Chandra namin" nilingon ko si Ixxie na nagsalita
"Ofcourse kaya to"
"Kaya pa kaya? kung malalaman mong sino ang isa sa mga kalaban mo?"
Tinaasan ko ng kilay si Michael. Pinagsasabi nito?
"Ano?"
Tinuro niya gamit ang bibig niya sa likod ko, nilingon ko ito ng nagtataka doon ko lamang napagtanto na tila nagpahinto sa kaba ko ng makita ko ang lalaking kasakasama ko lamang kaninang lunch break
Seriously? Sa dinami daming pwedeng maging kalaban siya pa?
Syempre sino ba naman ako para mag give way at siya ang gawin panalo No way as in no way ano ka gold. Kahit gwapo ka pa, sorry na lang. Ibinalik ko ang tingin sa dalawa
"Ano sa tingin nyo? Mapapanalo ko ito o hindi?"
"Mapapanalo" mabilis na sagot ni Ixxie
"Mukhang hindi, gaga ka minsan eh baka eh give way mo para sa gwapong yan"
I rolled my eyes "Kung pagiging kasalanan ang maging selfish sa gwapo wala akong pake"
"Competition will start in few minutes please prepare and take your sit everyone" rinig kong pag announce ng President ng Ang Taga organization.
"Goodluck Chandra kasama sa bet mong poetry competition ang aalayan mo sana" natatawang aniya ni Michael
"Whatever"
Pumasok na ako sa office at unang nahagilap ng aking mata ang bakanteng upuan na katabi ni Mr. Aballesto. Well, ano pang aasahan nyo kahit saang Lugar lalandiin ko ito maliban na lang sa competition hindi ko siya sasantuhin.
"Mi amore what a coincidence" panunukso ko rito at blankong tingin lamang ang ibinigay sa akin.
"Di mo ba pansin kahit nasaan ka andoon ako, is this called destiny?" Nakangiti kong aniya na para bang bata na naniniwala sa fairytale na movie
"No" agad akong napabusangot
"Kj mo"
"I don't believe in fairytales but I believe in Destiny " sabay kindat nya sa akin
Lahat ng Santa and Santos maari nyo na akong kunin tila kakaiba ang pananalita ng lalaking ito, haplos sa damdamin ang nararamdaman ko ay mali, parang kuryente pala, bobo.
"Flirting me back doesn't give you the opportunity to win this competition Mr. Aballesto" I smirked
Nilalandi pabalik para mawala ako sa ulirat at mapanalo niya ang competition, is a big NO for me.
"Goodluck to us, may the best master piece win"
"And if who win?" Tanong niya
"Ofcourse ako yon, kaya wala ng if who-if who shut up, watch and learn"
To be Continue🖤