Eros is a concept in ancient Greek philosophy referring to sensual or passionate love, from which the term erotic is derived. Eros has also been used in philosophy and psychology in a much wider sense, almost as an equivalent to "life energy https:///wiki/Eros_(concept)
Sa bawat oras at araw na dumadaan ramdam ko ang pagkabagot ko sa University na ito. Bukod sa wala akong mahagilap na gwapo ay kadalasan naman may mga jowa ang mga may hitsura. Batid kung maganda ako kaya deserve ko ng mas gwapo at masarap charot.
Lumabas ako sa kalagitnaan ng diskusyon dahil sa tila uusok na ang pwet ko kaka discuss ng instructor namin, dalawang oras ba kamo ang discussion abay natural na parang lamay ang buong classroom sa tahimim, at bukod sa plastic lahat ng classmates ko maliban sa dalawa kong kaibigan ay syempre boring pa din ang classroom. Imbis na sa Cr ako dumiritso ay sa canteen ako bumili ng yakult.
"Yakult apat"
"Dami ah, suki ng yakult" mabilis akong napairap ayan na naman Yong feeling gwapo na taga bigay sa canteen, ewan ko ba instructor to o whatever wala akong oras para kilalanin siya.
"Pake mo ba" mataray kong aniya
"Nagtatanong lang bawal?" Ayan nagtanong naman nakakairita sa tenga ewan ko ba basta naiirita ako sa mga taong marites.
"Kung hindi ka lang maganda kanina pa kita napagalitan"
I smirked "As if I never been beautiful, lage akong MAGANDA"
"Confident"
Inabot ko na ang bayad at kinuha ang yakult na nakalag sa paperbag saka inismaran ang lalaki
Pumasok ako sa room na parang walang nangyari saka inabot sa dalawa kong katabi ang tig isang yakult
"Pampatulog, lullaby na yata boses ni ma'am eh"
Natawa ang dalawa "Kung sana lalaki Yong instructor ede sana ma i-inspired ako mga teh" malanding aniya ng bading kong kaibigan na si Michael
"As if naman kung magkaron tayo ng gwapo eh may asawa madalas sila diba?" Dugtong naman ni Ixxie
"Landi nyo"
"Ang nagsabi kala mo naman hindi"
"Tumahimik nga kayo ng sa hindi tayo ipatapon sa labas"
Tumahimik na lang ulit ang dalawa at nagbilang hanggang isang milyon bago natapos ang diskusyon. Nakakaantok, nakakagutom, nakakabagot. Madalas akong magreklamo but I'm not leaving this school without getting my degree. Nakakainis naman kasi sila kung bakit dito na lang ako hinayaang mag aral kung pwede naman sa City.
Disgusting
"Arat! San gala?"
"Sa bundok" walang gana kong sagot
"The f! Anong bundok pinagsasabi mo dyan" singhal ni Michael
"Bakit totoo naman bundok lang maganda dito fresh na fresh pa"
"How about bars hello!"
Nilingon ko si Ixxie "Anong bar, kay aga² di pa nagtatakip silim may pa bar-bar ka ng nalalaman ah"
"Oo nga pala" kamot ulo nitong Saad
"Gorl alam mo na ba" biglang sablay ni Michael ng kamay nya sa braso ko
"Hindi"
"Putakte sasabihin pa nga, dapat sagot ano"
"Oh eh ano nga!?"
Naiinis nako gutom nako eh, madalas na lang gutom
"May bagong gwapo akong nakita"
"May jowa naman" mabilis kong sagot, cause what do we expect?
"Wala yata, matalino din tsaka gwapo"
"Lahat naman gwapo sayo as if naman hindi"
"True ma'am, true tapos wala naman pumili sa dinaming naging crush na gwapo" agad nasapak ng mahina ni Michael si Ixxie bukod sa biro yon ngunit totoo naman.
"Ayan, ayan na siya, yan yong Transferee "
Agad kaming napalingon sa tinuro nya, tila huminto ang tibok ng puso ko. Makisig siya, gwapo at masarap. Syempre lahat ng pangangailangan sa lalaki dapat unang tingin masarap agad.
"What ya think bet mo ba?"
Agad akong napatango sa tanong ni Michael bukod sa matangos niyang ilong, chinitong mata, malakulay Rosa's na labi, mapupulang cheeks at tila ng hahamon na mga mata ay sino ba namang aayaw sa lalaking ito.
Naglalakad ito sa whole way at napahinto sa akin, mabilisang sinuri ang buo kong postura, ilang minuto lamang iyon ngunit tila kumatog mga binti ko sa titig niya, para akong hindi makahinga. Tunay nga siyay parang anghel na anumang oras ay magiging demonyo, sa kama charot
"Excuse me can I ask?"
Napakagat labi ako, boses nya palang sobrang yummy na.
"What is it kamahalan?"
Napataas ito ng kilay, kaya napairap ako.
"Ano yon sabi ko" nawala na yong pagka
mabait ko napalitan ng pagkairita. Choosy yata tong mokong nato eh.
"Where could I meet Mr. Flores?" Walang buhay nitong tanong
Baka naman gusto nito na bigyan ko ng buhay ang pag stay sa University nito.
"To the moon" siniko ako ni Ixxie "I mean sa Faculty"
"Thanks" akma na sana itong aalis ngunit tila may naalala at bumalik ito ng pagharap sa amin.
"Saan nga pala ang Faculty?"
Karma, may itatanong pa nga sana kami Oa aalis agad ayan may nakalimutan deserve.
"Sa second floor"
"What building?" Tanong nito ulit, I crossed my arms
"Para di ka mahirapan I can guide you, besides I know who's Mr. Flores"
Wala pa ring buhay na pag tingin ang binigay niya sa akin. Hindi ko alam laki yata ito sa walang kulay na mundo. Gayon din ang kaibigan kong kasama binigyan ako nito ng mga nagtatakang tingin ngunit kalaunan ay naintindihan naman nila kung bakit.
"Hmm, yeah if you're not busy?"
"Ofcourse I'm not" abot langit kong sagot at hintaka na ito papunta sa hagdanan, nasulyapan ko sa salamin ang dalawa kong kaibigan na naiwan sa ere dahil sa kalandian ko, ngunit bakas sa mukha nila ang susunod na mangyayari. Nakahawak ako sa braso nitong Mr. I don't know, parang may kuryente na dumadaloy sa kalamnan ko papunta sa aking puso na bumubuhay dito at nagpapalakas nito ng kabog. Hindi ito normal alam ko, ngunit sana naman wala tong girlfriend itong lalaking to.
Pagkalawang hagdan na pataas papunta sa Faculty ay natanaw ko ang Room Aa 205, nilingon ko ang lalaki at parang kampante naman siyang naka saklay ang kamay ko sa braso niya
"This is the old building, Room Aa205 204, 203 and 202" patango lamang itong sumagot kaya napangiti ako
Infernes mabait naman yata to eh, maamo nga lang.
"And this one, is the Faculty besides the school Library" tumango ulit ito "Tara pasok tayo"
Nauna akong pumasok sa kanya at mabilis na nahagip ng aking mata si Mr. Flores kaya sumilay agad ang aking mga ngiti, buti naman at andito siya madalas kasi wala dito kaya thanks to God.
"Hi sir! Good Afternoon miss me?"- masigla kong sambit dito, bukod sa kilala na niya ako ay magka close na din kami.
"Zup Ms. Felmentos"
"May naghahanap sayong gwapo-ay este Transferee pala" ramdam ko ang panunukso sa mga mata ni sir Flores batid niyang bet na bet ko ang lalaking kasama ko
"Boyfriend mo?" Pagkukunware niya
"Siguro pag palain ng may kapal" halos sabay pa kaming natawa doon lamang namin muling naalala na may kasama pa pala kami ng tumikhim ito. Humarap ako sa kanya at nginitian ito kahit alam kong walang pabalik.
"Here's Mr. Flores, antayin kita sa labas or call me outside if you need me i gotcha!" Sabay kindat dito at humakbang na sana ngunit hinarap ko ito muli
"You're welcome" pang aasar kung aniya habang yumuko pa na para bang siya ay hari, malaki ang mga ngiti kong lumabas sa Faculty.
Siguro panahon ko na naman para sumubok muli at sumugal.
To Be Continue🖤🖤