Huminga ako ng malalim at bumuntong-hininga bago kumatok sa pinto ng tatlong beses. Umatras ako ng unti. Nang unti-unti iyong bumukas, bumungad kaagad sa amin si Veronica Sison na ngayo'y gulat na gulat na makita kami.
Sino ba namang hindi magugulat na nasa tapat kami ng dorm room niya ngayon at nalaman pa namin kung saan siya naka-dorm 'no? Hehe.
Nagkasalubong ang kanyang mga kilay habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. "Ba't kayo nandito?" nagtataka niyang tanong.
"We're here to do something that has something to deal with you," kaagad na sagot ni Flare at pinanlakihan ko siya ng aking mata.
Napakubot naman ng noo si Veronica. "Ha? Ano ang ginagawa ninyo na may kinalaman ako?"
"We'll make it straight to the point. We are here to--"
"We are here to discuss about the case you told us before. Kailangan namin ng opinyon mo," pagputol ko kay Flare at pagmamadali kong sagot kay Veronica.
Napatingin sa akin si Flare nang may nagtatakang tingin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata bago humarap ulit kay Veronica ng isang puwersang ngiti sa labi ko.
Mukha namang na-sold ang pagpapanggap na ginawa ko at nagliwanag ang mga mata niya. Pero napansin kong may bahid rin iyon ng pagkakaba.
Pinagdikit niya ang kanyang mga kamay at tumagilid ng onti ang kanyang ulo habang may pilit na ngiti sa labi. "Talaga? Haha, akala ko kung ano na."
Mas ngumiti pa ako. "Huwag kang mag-alala. Wala kaming masamang intensyon."
"Kung gano'n pala, eh 'di, tara. Pasok kayo," aya niya at mas binukas ang pinto para sa amin.
Nagpasalamat ako bago pumasok sa kanyang dorm. Si Flare naman ay katulad pa rin ng dati. Hindi pa rin siya bumabati at tamang pasok lang.
"Maghintay muna kayo rito. Paghahandaan ko kayo ng maiinom," magiliw niyang sabi nang makarating kami sa living room.
"Thank yo--"
"We're here to discuss with you about something, not to spend our time drinking something with joy here," malamig na sambit ni Flare. "Don't waste our time."
"Ay, gano'n ba?" Biglang nanlumo si Veronica at napayuko.
Kaagad kong tiningnan si Flare at pinanlakihan siya ng mata bago ko siya siniko sa tagiliran. Napamura naman siya nang mahina.
"Nakakahiya, Flare," bulong ko sa kanya.
Sumimangot naman siya. "But I just said the truth."
I rolled my eyes. "Kahit na, nakakahiya. Pumunta lang tayo dito. Ibig sabihin, bisita niya tayo. We will play fake until the right time, okay?"
Bumuga siya nang marahas na hininga. "Fine."
Tumingin ulit ako kay Veronica na halatang nalungkot sa sinabi ni Flare kanina sa kanya. Siya ang main suspect sa kasong sinabi niya sa amin and she lied to us that the female young vendor is the main suspect. Also, she will be too dangerous to get if we will reveal what we know right now. We must keep low for now.
"Veronica, pasensiya ka na kay Flare ha? Ganyan lang talaga iyan. Sige, kunan mo kami ng maiinom. Water is fine for us," sabi ko.
Nakita ko namang tumingin sa 'kin si Flare na hindi makapaniwalang nagpaubaya ako sa offer ni Veronica na kukunan niya raw kami ng maiinom. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin.
Kaagad namang nagliwanag ang mukha ni Veronica. "Talaga?"
Tumango ako. "Oo," sabi ko.
"Sige. Punta na ako sa kusina," sabi niya at pumunta sa kusina na napansin kong nasa likuran lang ng living room niya.
Nang medyo nakalayo na si Veronica, siniko ko ulit si Flare. Napamura ulit siya ng mahina."The hell, Mavis? Why do you keep on elbowing me?"
"Sabi ko naman sa'yo kanina, 'di ba? Umakto ka nang maayos, hindi ganun na straight to the point."
Sumimangot siya. "You don't say anything like that, you liar."
"Kahit na wala. Aba! Tumitingin ako sa'yo. That only means that shut your mouth. Kung mayroon kang masabi na iba, baka mahalata pa tayo."Napatigil siya."See? Sa ganitong oras, huwag mong pairalan ang kat*ngahan mo, Flare. Kailangan natin mag-focus."
"Hindi ako t*nga, Mavis."
Maiinis na talaga ako sa lalaking ito. "Alam ko 'yon. But you look like one right now. Stay focus."
"I'm focus," pilosopo niyang sabi.
Ayy, puchek! Pilosopo!
"Pero mukhang hindi," naiirita kong sabi. This man is getting on my nerves right now. Kanina pa niya ako naiirita. Napabuntong-hininga ako. "Flare, alam kong naguguluhan ka pa."
Napakunot-noo siya. "Bakit naman ako maguguluhan?"
"In everything I said before. Naguguluhan ka sa sinabi ko kanina. Pero huwag mo munang isipin 'yon, okay? We need to stay focus in this case. Walang halong biro o ano man. Please, Flare." kalmado kong pakiusap sa kanya.
"Do you think I am kidding around right now?" halatang naiinis niyang tanong sa 'kin.
"Yes," I answered honestly. "Kaya, please lang. Whatever you're thinking right now, please, let it go. For now, we need to stay focused."
"I told you that I am focused! Literally focus, Mavis! Don't you understand me?"
"Sige na! Sige na! Naka-focus ka na, okay? Just keep with me in this little act I made. Kailangan muna nating itago ang alam natin bago natin 'yon ilabas. Gets mo ba ako?"
Napabuntong-hininga siya at yumuko. "Yeah. Got it."
I sighed and looked around the dorm with my own eyes. Ang dorm niya ay kasing laki ng dorm namin ni Friar. Iyon nga lang napansin ko ay mag-isa lang siyang nakatira. Isa lang ang cup sa counter. Kokonti lang din ang mga gamit. Pero may napansin akong isang bagay na wala sa lugar.
Kaagad kong kinalabit si Flare at tinuro ang nakita ko. "See that thing? Nakakapagtaka na mayroong ganyan sa isang dorm ng estudyante," bulong ko sa kanya.
"Well, not for me and Friar, but yes, you don't usually see that a lot on dorms," reply niya sa akin.
"Ha? Hindi pwede ang baril sa eskwelehan lalo na't kapag wala kang lisensya, at wala ka pa sa tamang edad."
"I am valid. My sister is valid. Though I may say this is breaking the rules, Veronica that is."
Umupo ako ng maayos at napabuntong-hininga. "So, what's your plan?"
"What's your plan?" he retorted. "You dragged me into this kind of play of yours and we're dancing right now with your sudden script. Don't you think you should be the mastermind here, song thrush?"
"I told you before. Let's act before we actually confront her. Madali lang naman 'yon, 'di ba? Once we talk with her a little, isingit mo ang tungkol sa pakay natin dito," bulong ko sa kanya.
Kaysa ang nakita ko ay ang nakikinig na Flare, nakatitig siya sa akin na parang may kung ano man sa mukha ko. That made me a little bit embarrassed when I looked at him while explaining things out.
"W-What?" Now, I'm suddenly flustered! Waah~ Nararamdaman kong namumula ang pisngi ko.
"You're looking at me like that again."
"W-What look?"
"Looking like a lost puppy that needs someone to take care of you," inosente niyang sagot.
Mas naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. What?! "I'm not a puppy!" I exclaimed, standing with wide eyes.
He laughed and I stilled. He smiled. Again. And this time, he's laughing too.
"I know, I know," natatawa niyang sabi at hinatak ako paupo ulit sa couch. "You're really cute when you're flustered."
'You're really cute when you're flustered...' Paulit-ulit 'yon na naririnig ko sa ulo ko na parang sirang plaka. Napahawak ako sa pisngi ko sa sobrang init na no'n.
"Hey." Napatingin ako ng diretso kay Flare na nakangisi na sa harapan ko. Nanunukso pa ang mga mata niya. "Take a picture. It'll last longer."
"H-Ha?"
He tilted his head, highlighting his neck, and oh, his collarbones are looking sexy as well with one button of his shirt open. Nanlaki ang mga mata ko sa iniisip ko.
"You're staring at me so lovingly that you are eye-raping me," nakangisi niyang reply sa akin. Mas lalong lumawak ang kanyang ngisi. "Want to take a picture with the buttons all opened?"
"N-N-No thank you! 'Wag kang umasa, lalaki!" sigaw ko sa kanya at tumalikod, at humalukipkip. Ramdam ko pa rin ang pamumula ng pisngi ko.
"Hm? What a tragic outcome. I thought girls like to take pictures of the guys they like per the saying of my dear twin sister and the evidence girls would like to take a picture of me hidden in my peripheral view. Not that I see them though."
Haha. What a popular guy he is.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako tulad ng ibang babae na nase-sway agad sa isang tuksuhan 'no. Tigilan mo nga ako."
He sighed. "What a shame." Kunwari siyang nalungkot. "You would be the first girl to ever take a picture with me."
Nanlaki ang mga mata ko nang marining iyon at tumingin sa kanya. Unang reaksyon ko sa impormasyon na 'yon ay, "Talaga?!"
"Ta-da!"
Napatalon ako nang bahagya ng marinig ko ang boses ni Veronica na ngayo'y nasa harapan na namin ni Flare. May dala siyang tray na kahoy at naroon ang tubig na pinakuha ko sa kanya. Mayroon ding dalawang strawberry cheesecake na nakalagay sa dalawang platito. Inilagay niya ang tray sa glass table sa tapat ng inuupuan naming sofa ni Flare.
Umupo siya sa sofa na kaharap ng sa amin at kaagad na nagtanong, "Ano ang sasabihin niyo pala sa 'kin tungkol sa kaso?"
Nakita kong kinuha ni Flare ang isa sa mga baso na may lamang tubig at inenspeksyon iyon. Inamoy pa niya bago siya tumingin sa akin at nag-thumbs up at tumango bago inumin iyon. Pero hindi niya kaagad nilunok. Mukhang nilalasahan pa niya pero nakita kong tumaas-baba ang Adam's apple niya kapagkuwan kaya nakakasigurado akong safe ang ininom niyang tubig.
Naginhawa naman ang loob ko dahil doon. We never know that Veronica will put something in our drinks to make us sleep. Naninigurado lang kami dahil baka matakasan niya kami na kami ni Flare ay tulog.
Lumingon ulit ako kay Veronica, na ngayon ay naghihintay ng sagot mula sa amin.
"Oh, about that." Binaba ko ang baso sa table at umayos ng upo. "This is an urgent matter to discuss at kailangan ka talaga namin tungkol dito."
Napatingin ako kay Flare at nangungusap ang mga matang siya na ang magpatuloy sa aming discussion. Tumango kaagad si Flare at nilapag ang basong hawak niya bago umupo rin ng maayos sa sofa. Legs crossed and two hands intertwined while its sits on his lap.
"We're here to just clarify things, Miss Sison," panimula ni Flare.
Iyon pa lang ang sinabi niya pero kaagad akong kinabahan.Napakunot naman ang noo ni Veronica. Naitagilid ang ulo sa pagtataka.
"Anong ika-clarify?" naguguluhan niyang tanong. Tumingin siya sa 'kin. "Anong ibig sabihin niya?"
Napag-alaman namin na ikaw ang main suspect dito at ikaw ang supplier ng drugs na tinutukoy niyang nag-utos sa kanya na lagyan ng drugs ang mga paninda niya. Ayon ang gusto kong sabihin sa kanya pero minabuti kong isarado ang bibig ko. Time 'to ni Flare para ma-confront siya.
Veronica's hands are fidgeting and legs are squeezing tight on each other. Halata sa noo niya ang tumutulong pawis kahit na malamig sa pinakalugar namin. Namumutla ang mukha at nanginginig ang labi.
"We're here to discuss with you the main suspect of the case," sabi ni Flare. "You know who is it, right?"
"O-Oo," nuutal niyang sabi. Doon ako nangamba at nagtaka. "S-Si Ate Mariel. Kamusta na siya?"
Flare's eyes turned into slits. "The real question is, 'Who are you?' "
"A-Ano?"
Napabuntong-hininga si Flare at walang emosyong tumingin muli kay Veronica. "I think we'll get this conversation straight to the point. I don't want to have more spoilers about our investigations," sabi niya. "You, Veronica Sison, are the main suspect of the case."
Halata namang nagulat si Veronica sa sinabi ni Flare. "A-Ano?" sabi niya. Napatayo siya. "P-Paano naman ako a-ang nagging suspek?" tanong niya. "I'm the one who told you about the case, right? Kaya papaano ako ang magiging main suspect ha?!"
"The victim could also be the suspect," sabi ni Flare. "In your case, you are not a victim. You're just a friend of the victims, am I right?"
"A-Ano naman ang kinalaman ko sa kaso?"
"Drugs."
She suddenly get stilled. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya at ang pagdila niya sa pang-itaas na labi niya.
"You're familiar with that, aren't you?"
She laughed nervously. "So, what if I'm familiar with that? Siyempre, alam ko 'yon! I heard it on many news!"
Flare suddenly smirked. "You know what it looks like, right?"
"Of course! Pinapakita iyon sa TV!" She exclaimed.
"How it tastes, how it smells? What does it feels like when you eat it?"
"Yes, I know--" Bigla siyang napahinto sa pagsasalita.
Flare's smirked widened even more. He suddenly clapped. "Bingo," turo niya rito at tumayo, at umikot dito habang pumapalakpak ng sobrang lakas. "You're busted," bulong niya.
Third Person's View
Flare leaned in again on her whispering these words, "You're using one right now, right?" Namutla ang mukha ni Veronica sa narinig. "The one that would make you feel high in heaven? Oh, I forgot," he smirked, "All drugs will make you feel high. It does make you feel good and lightheaded huh?"
"F*ck you!" she cussed and suddenly, she pushed Flare, his back first met the floor making him gasp for air in response.
He looked at her with wide eyes and saw her fist in front of his face, landing directly on his left cheek, late to even dodge it. Her left-hand turns into a fist and plunges again for a second hit on Flare's right cheek when he instantly blocked the attack and turned them around. Now, Veronica is below Flare. Her left wrist has been locked with his right hand and he did the same on the other wrist.
"F*ck you!" she cussed again and spit on him.
Flare glanced at his bruised left cheek, feeling sticky water on his face. He glared at Veronica and grasp her wrists tightly, making her scream.
"Tell me. Why did you order Ate Mariel to put drugs on her apple candies?"
She did not answer and just glared at him.
"Tell me or you'll be put on jail."
Umiwas siya ng tingin dito at sinabing, "Take me to the station. Kahit ano namang gawin ko, makukulong at makukulong din ako." She smirked as she looked at him. "Well, I guess wala rin naman akong choice either way. Still, you won't get your answer."
He gave more pressure on handling her wrists and she writhes in more pain, struggling to escape his grasp. Her eyes are on the verge of tears and her wrists are starting to form a little purplish.
"Well then, I guess I have no choice but to do this instead," he announced and held her jaw tightly, forcing her to look him eye to eye. "Mavis, put your hands on your ears. Tight."
Napakunot-noo naman si Mavis sa kanyang biglang pag-utos. "Ha? Bakit?"
"Just do what I said," sabi ni Flare.
Kahit nagtataka man si Mavis, nakinig na lang siya kay Flare at nilagay ang mga kamay sa tainga niya. Nang makita ni Flare na handa na siya, tinanggal niya ang isang kamay sa pulsohan ni Victoria at hinawakan ang mga pulsohan sa isang kamay lang. Nagpumiglas pa ang suspek pero bigla na lamang tinapat ni Flare ang kanyang palad sa mukha nito at may sinabing enchanment.
Suddenly, Veronica's body is free from tension and her head feels more lightheaded than when she used drugs. Her eyes feels heavy and her vision became blurry.
"Sleep."
And she hears the word, her head fell down and her breath became even. Napabuntong-hininga si Flare at lumingon kay Mavis. Binigyan niya ito ng thumbs up. Tinanggal ni Mavis ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa tenga at lumapit sa kanila, at umupo. She poked Veronica's cheek, checking if she's really asleep or if it's just an act.
Nagtatanong ang mga mata niya nang tumingin siya kay Flare na isinagot naman ni Flare ng sobrang casual, "Hypnosis. I did that."
Napanganga si Mavis nang wala sa oras ng marining niya 'yon. "Are you crazy?" she blurted out at napatakip na lang siya ng bibig nang mapagtantunan ang kanyang sinabi.
"Maybe I am," sagot ni Flare. "I just wanted her to stop the violence and now, we'll wait for her to wake up again once everybody is here."
"Everybody?" tanong ni Mavis habang pinapanood si Flare na naglalakad papuntang couch at umupo doon na parang walang nangyari.
"Yeah. Everybody. Call Friar and Lucas. We need them. " Kinuha ni Mavis ang kanyang phone at akmang tatawagan na si Friar nang may dinagdag pa si Flare, "Call the police as well. We also need them."
~***~
After an hour, Mavis greeted Lucas and Friar at the exact entrance of Veronica's dorm and walked inside. Mavis cleared out the two as Flare keeps on impatiently tapping his fingers on the table.
"So, in short, plano 'to ng kapatid ko?" ani Friar habang nakaturo sa nakataling Veronica.
"Yes, it's all Flare's," Mavis answered half-heartedly.
"Mavis told me her plan before I did my plan so it's a fair share for both of us to say that we have this outcome because of our plan."
"So, you beat that girl up?" Nakataas ang isang kilay ni Friar habang matalim ang mga tingin sa kanyang kapatid.
"I just tied her up."
"With Mavis?"
"Nope. All by myself."
"And you hypnotized her?"
"I did."
"I told you to not use it even you are in a tight situation, right?"
"Yes, you did tell me that-- Oh, h-h-hey, sis. Wait a-- Eugh--"
Isang malakas na suntok sa tiyan ang natanggap ni Flare galing sa kanyang kapatid. Napaubo siya at halos hindi makahinga.
"Ooh, I think that hurts," bulong ni Lucas kay Mavis.
Humalukpkip si Mavis habang tuwang-tuwang pinapanood ang kambal. "Sure did."
"Not gonna help your master?"
"Nah. He won't need help. Kaya na niya 'yan."
"I think Flare popped my princess's bubble."
"I agree but I think, Fri, that's enough."
Hinawakan ni Mavis ang kamaong kamay ni Friar at hinatak siya na ikinagulat ni Friar. She tried to budge a little but it seems like all her strength is gone compared to Mavis' type of strength.
Ibinaba ni Friar ang kamay niya at tahimik na naglakad siya sa tabi ni Lucas habang iniisip ang naramdaman niya kanina. That strength... Where did she...
"Ayos ka lang?" tanong ni Mavis kay Flare at hinatak siya patayo.
He groaned as he soothed his stomach. "Crap, that hurts."
"And Fri," lumingon si Mavis kay Friar at ngumiti. "Veronica is the first one who attacked him. Hypnosis is the only way to stop the violence. Ayaw mong iuwi ang kakambal mo nang bugbog sarado 'no?"
Napatulos sa kinatatayuan si Friar habang gina-guide ni Mavis si Flare paupo sa couch. Napalingon si Friar sa babaeng walang malay.
"Talaga bang ginamit ng kapatid ko sa tama ang kakayahan niya?"
"Hindi ako nagsisinungaling, Fri," sagot ni Mavis. "And for the record, I may say that your brother teased me a lot."
"Oi, song thrush!"
"Oh~ Now, that's interesting. Ano tinutukso niya sa'yo?" nanunuksong at interesadong tanong ni Lucas sa akin.
"You have no rights to have interest on whatever song thrush says, smug," malamig na sambit ni Flare.
Lucas smirked. "Oh, I could, if there's really something going on."
"Guys, sa tingin ko, gising na siya," anunsyo ni Friar at napatingin sila kay Veronica na unti-unting binukas ang kanyang mga mata.
###