Chereads / Project: Mystery / Chapter 29 - Chapter Fifteen: Tattoos & Cigarettes II

Chapter 29 - Chapter Fifteen: Tattoos & Cigarettes II

"I'm an informant agent from an organization called Castell Organization."

Then, there's silence. A deafening silence that had slowly killed me inside and stole my breath in my lungs.

A lot of thoughts come into my mind all at once. Isa siyang informant agent sa organisasyong matagal ko ng pinag-oobserbahan?!

"John Walters is my name in school but my real name is one of the infamous names on the underground," pagpapatuloy niya. Napatingin ako sa kanya. "Ever heard of the name, 'Pacifico'?"

My lips are closed shut. I looked at him, following his slow strides, with enraged thoughts flowing through my thoughts. Bigla siyang huminto sa paglakad, kamay ay nasa likuran at pagilid na tumingin sa akin.

"Your eyes are piercing me, Throver."

"Bakit nasa eskwelahan ka ng mga Furrer?" Iyon ang unang tanong na lumabas sa bibig ko.

"Hm. And I was wondering kung ano ang itatanong mo sa akin, babae."

Humarap siya at naglakad palapit sa akin. He towers me pretty easily when he stopped in front of me, brushing his finger slightly below my chin, forcing me to look up to him.

"I would guess your first valid question for me is, 'Ano ang ginagawa ng isang informant sa eskwelehan ng kanilang kalaban?'," he withdraws his finger from my chin and circled behind Ruxinaire and continued, "This man," nilagay niya ang kanyang kamay sa kanang balikat nito, "is the cause of the succession of Castell's plan."

Napatingin ako kay Ruxinaire at nagulat sa sinabi ni John. Nakatitig lang sa akin si Ruxinaire. BInigyan niya ako ng isang maliit na ngiti pero maliban do'n, nakikita ko sa mga mata niya na hindi nagsisinungaling ang agent informant.

Parang akong tinusok ng isang milyong karayom sa likod. "Ruxinaire... Bakit..."

"I could explain about this, Miss Lia--"

"Huwag na."

Parang nagulat siya sa aking sinabi. He withdraws his reaching hand on me. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Bakit sa dinami-dami, ikaw pa ang nalaman kong kasama sa Castell Organization?"

Masama akong tumingin sa kanya. Hindi ko mapigilang kumuyom ang mga kamay ko. Oh, I am so ready to punch him on the face.

"Bakit sa Castell Organization pa? I guess na spy ka rin sa loob ng pamilya nina Flare 'di ba?"

Bumigat bigla ang atmospera sa loob ng kuwartong kinaroroonan namin. Ramdam ko ang pagdiin ng aking mga kuko sa palad ko sa sobrang higpit ng pagkakakamao ko sa 'king mga kamay.

A sudden laugh escaped John's lips. Inis na napatingin ako sa kanya. Umupo siya sa sahig at tumingin sa akin nang may ngiti sa labi. Hindi na nakakaintimidate ang kanyang aura, hindi tulad kanina.

"Ruxinaire have the position close to the boss at the moment. Sabihin na lang nating 'aso' siya ng leader ng Castell."

Napatingin ako kay Ruxinaire na pinaglalaruan ang lighter niya. My eyes went back to John who's still smirking like some kind of man who is valid going on a mental hospital.

"Well, that's the introduction," sabi niya at tinuro silang dalawa ni Ruxinaire. "I'm an informant agent and he's an informant agent. I'm actually a lot older than the two of you and I'm not a good person."

Fear suddenly washed off from me. Ano raw?

The most trusted informant agent slash spy of the Furrer Mafia is also one of the informant agents and one of the highest top ranking officials of the Castell Organization.

"Miss Lia, we can explain first," ani Ruxinaire.

He looked down and gaze his eyes away from somewhere as I shot a glare st him. I sighed. Paano naging ganito ang mga pangyayari?

"Castell is my enemy, our enemy."

"And that's where my goal going in," sabi ni John.

Naglabas ng isang stick ng sigarilyo si John at binato ang box kay Ruxinaire. Sinindihan niya ito at humithit bago magpatuloy sa pagsalita.

"Pacifico is the underground name I have. Sa tingin ko, narinig mo na ang pangalan na iyon sa fellow marionettes mo, Throver?" tanong niya sa akin habang ang usok ay lumabas sa kanyang bibig.

Hindi ako sumagot.

"No?" Humithit ulit siya sa sigarilyo at binuga iyon. "Ruxinaire is under me when he first got in. Binato siya ng Castell Organization sa akin. I trained him on the underground kaya kilala niya ako. He suddenly got promoted on higher position so now, I'm under him but still, ako pa rin ang kanyang senior sa t'wing nagkakaroon ng business sa mga transactions."

"Ikaw ang nagplano ng mga transaction na nata-track ng Furrer Mafia," I told him.

Tumango siya. "Ako ang may pakana no'n but the thing is, I don't do illegal stuffs. These past few days, mayroon nagiging abnormalities na nangyayari sa process ng mga transaction na hawak ko. I don't know who is pulling the strings of that kind of shitty cut-offs on my transactions. And that's when you come into my plan."

Tinuro niya ako gamit ang dulo ng sigarilyo. Umuusok pa iyon at halos halatang hindi pa nauupos. Ang mga mata niya ay matalim na nakataas ng tingin sa akin.

Nagtitigan kami ng ilang minuto. Hindi kami nagsalita sa isa't isa. Pinapakiramdaman namin kung ano man ang gagawin ng isa sa isa. Hanggang sa ako ang unang nagsalita sa aming dalawa.

"So? Anong pinupunto mo sa akin ngayon?" tanong ko sa kanya, napupuno na ako ng galit.

A while ago, he told me that he's an informant agent from Castell Organization and now, he's telling me the details about the transaction Furrer Mafia had a hard time to figure out and putting me up into some kind of plan.

What a sudden turn of events I'm in.

"How could I trust you? Ang organisasyon ninyo ang dahilan kung bakit ko kayo hinahabol. Sa tingin mo, with just a simple explanation about your situation like that, magiging isang good Samaritan ako? I think you got your calculations wrong, John."

"Pacifico," madiin niyang reply sa akin. Bumuntong-hininga siya. Ang isang braso ay nakatukod sa kanyang hita. "I have my calculations all correct here, Throver. Plan A failed. Now, here's my Plan B. N-0000 and the unfinished death case of your father."

My ears suddenly pointed up with the two phrases. "How do you know about my father's death?"

"I'm an informant agent of the said organization you are tracking. Pwede kong ibigay sa'yo ang lahat ng impormasyon kailangan mo tungkol sa pagkamatay ng tatay mo, kapalit no'n ay ang konting tiwala mo sa babanggitin kong plano."

"This will benefit the Furrer Mafia and your progress, Miss Lia."

Napatingin ako kay Ruxinaire. Hanggang ngayon, may nararamdaman pa rin akong inis kay Ruxinaire pero pinalipas ko muna iyon. Bumuntong-hininga ako at lumingon ulit kay John.

"At patungkol sa akin?" I am referring to N-0000. Humarap ako sa kanya. "Anong kinalaman ng naging eksperimento na ginawa sa akin sa deal na 'to?"

"I was one of the few that turned successful on that so-called experiment."

Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko. Another successful experiment. Again. This is the second time I met someone na may kaparehang sitwasyon ko.

"Now, the connection of the experiment is that those people who were involved on that illegal experimentation is the possible suspects cutting off the proper flow of the transaction I'm dealing with."

"How will that benefit the Furrer Mafia?" Lumingon ako kay Ruxinaire at pinanliitan siya ng tingin. "Ano ang plano ninyong dalawa sa Furrer Mafia, Ruxinaire? Sa tingin ko, ngayon, hindi kita kayang pagkatiwalaan."

Umiling-iling si Ruxinaire habang malambot ang tingin sa akin. "I expected this, miss. Ayos lang."

Tumango ako at tumingin pabalik kay John. "I'll ask again. Paano makakabenepisyo ito sa Furrer Mafia? Your organization and the organization I'm currently in are enemies. Kulang na lang magkaroon ng World War III sa kalsada kung sakaling magkita-kita."

"Furrer Mafia will received an anonoymous note with complete map hack files and target locations where you could sabotage all Castell Organization's plans

He glanced at Ruxinaire who's silently listening in the corner, sitting on the neck of the low bench.

"And my junior would not tell Your Majesty about this."

"Your Majesty is the Castell Organization's boss, miss," Ruxinaire added.

Tumango si John at tumingin sa akin. "Is that enough for an exchange for your trust?"

Ibinaba ko ang tingin ko at nag-isip. Kasama siya sa isang organisasyon na dati ko pang gustong i-track. I had a chance to investigate it under Furrer Mafia's conditions. There's also a chance within my hand's grasp right now, just in front of me suggesting to form an alliance with me with of course, an exchange of sending benefits for my current organization and for my own case as well. But two choices couldn't be chosen at the same time, so...

Anong gagawin mo, Mavis? tanong ko sa sarili ko at tumingin kay Ruxinaire.

If this conversation will remain as a secret among us, it would've been so easy pero hindi iyon gano'n kadali. There's a huge chance na mayroong maging flaw sa sinasabi ni John dahil una, nalaman kong nasa higher position sa Castell Organization si Ruxinaire and not some just ordinary leader of the minor reapers in the Furrer Mafia. That's just his backup position to spy inside the mansion. Kung iisipin, i-assume ko na rin na kung nasa mataas na posisyon si Ruxinaire sa kalaban na organisasyon, the nearest position on the leader would've been the right-hand man and that title fits Ruxinaire perfectly if you observed.

Mukha lang friendly ang dating ni Ruxinaire pero mayroong talino pagdating sa underground, may maraming alam sa mga madugong pangyayari at impormatibo. Hindi ako pwede magpadalos-dalos rin kapag kasama siya.

As I've thought, he's dangerous to be with.

As of John Walters, underground name is Pacifico, he is still an unkown person to me. Ang tanging impormasyon na nakuha ko ay isang informant agent siya galing sa Castell Organization at sa ngayon ay wala pang ibinibigay sa kanyang trabaho ang organisasyon. Mayroong naging problema sa transaction ng organisasyon under niya na nag-ungkat no'n sa pag-uusap namin ngayon dahil sa suspicions na may kinalaman ang mga taong nag-eksperimento sa amin sa pag-cut off ng mga supply na mag-deliver sa mga tao na ka-deal niya sa mga transactions.

Nagtaas na ako ng tingin at unang tumingin kay Ruxinaire. "Give me proof that you're loyal while this alliance is ongoing," sabi ko sa kanya.

Parang nagulat siya sa sinabi ko. "Miss Lia? Anong proof?"

"You have a contact sa boss mo, 'di ba? Give me proof na hindi mo sasabihin ang lahat ng napag-usapan nito sa boss mo. It would breached the contract at ayokong maging kalaban ko ng maaga."

Tumango si Ruxinaire at yumuko na parang isang kawal na gumagalang sa isang reyna. "I will promise that I will not breached the contract, Miss Lia. You have my word."

Lumingon naman ako kay John na nasa kalahati na ang stick ng sigarilyo. Kinuha ko iyon at humithit doon saka bumuga ng usok. Nagulat si John sa ginawa ko at narinig ko ang pagsigaw ni Ruxinaire.

"Miss Lia!" Kinuha niya sa akin ng mabilis ang sigarilyo at tinaas iyon sa ere. "I thought you don't like cigarettes! 'Wag mong gawin 'yon!" nag-aalala niyang sambit.

I tilted my head at him, looking up with slightly narrowed eyes. "I don't said I don't smoke. Hindi ko lang gusto ang amoy ng sigarilyo."

"That makes even more worse for you."

Binato niya ang sigarilyo sa sahig at inapakan iyon, dinurog na parang isa iyon sa pinakakinamumuhiang bagay niya sa buong mundo. Narinig kong tumawa si John kaya napalingon ako sa kanya.

"Well, that's surprising. If I just stopped you, wala sana sa kamay mo ang sigarilyo ko kanina."

"Never mind the cigarettes at magpatuloy tayo." Humarap ako sa kanya at humalukipkip. "Ano ang makukuha mo sa deal na 'to?"

Napahinto siya sa pagtawa at ngumisi sa akin. "A contract," seryoso niyang sagot.

I just noticed this man is kind of a silly person when it comes on conversations about contracts and deals, pero nandoon ang pagkaseryoso niya. This man is also dangerous.

"A contract that could help on ending that illegal experimentation on children," sabi niya. "And to achieve that, I need the two organizations to stop it."

"Hindi iyon ang pinupunto mo dito," sabi ko at nakita ko pa ang paglawak ng ngiti niya. Bingo. "Maliban sa pagpapahinto ng illegal experimentation sa mga bata, may mga nangyayari pa sa underground. Poverty isa sa mga problema kaya nagkakaroon ng underground activities na hindi nakikita ng gobyerno. Also, may alam ka tungkol sa nangyari sa dad ko kung bakit siya na-target ng mga Castell. Care to enlighten me with that one?"

He laughed with a satisfied look. "You got me there." Tumayo siya at inayos ang kwelyo ng kanyang damit at tumingin sa akin. "I also have those thoughts in mind. Never thought that you would thought that possible conclusions as well."

"Marami na akong na-experience sa underground at sa iba pang mga shady businessess. Baka nakakalimutan mong isa kang informant agent. You should know every biography and secret pieces of information about your target. Isa na ako sa target mo. Panigurado naman hindi ka bobo para hindi malaman ang background ko."

"Indeed."

Inilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ko. May naglalarong ngisi sa kanyang labi.

"It is nice meeting you, Mavis Throver. You're an interesting person as what that detective ought you."

"Hindi pa tayo tapos," anunsyo ko.

His smile faded and he withdraws his hand. Tumayo siya at tumingin ng seryoso sa akin. "There's more in your mind than what we converse?"

"This alliance is connected with me so pwede kong magamit ang Furrer Mafia para operasyon na 'to." I glanced at Ruxinaire. "Pwede kong magamit si Ruxinaire bilang spy sa sarili niyang organisasyon. Hindi ka naman magrereklamo sa suggestion ko, Rux?"

"I will not take my loyalty back on this alliance, Miss Lia. Nasa'yo ang buong tiwala ko."

"Then give me the trust I need as well." Binalik ko ang tingin ko kay John. "Sa tingin ko, wala ring magiging complications at flaw sa magiging alyansa natin na 'to, 'no?"

"No," seryoso niyang sagot. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Again, nice meeting you, Throver."

Sarkastiko akong ngumiti at hinawakan ang nakalahad niyang kamay. I hold his hand gently first but then gripped it with firm as I saw his eyes holding a bad, meaningful look.

"Glad to meet you but," sinamaan ko siya ng tingin at ngumti ng napakatamis, "make sure to not breached the contract, especially you, kasi kung may ginawa ka mang isang bahid ng pagtatraydor sa said allaince natin," lumawak pa ang pagngiti ko, "you'll meet worse than the grim reaper."

He smirked. "Got that."

Umalis na kami ng underground after nang usapan na 'yon at tahimik na umuwi sa mansion ng mga Furrer. Dumiretso ako sa kuwarto at humiga doon. Nagpadala na lang ako ng pagkain.

Alliance. A simple word yet difficult to understand the motive.

Habang iniisip ko ang tungkol doon ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa sobrang pagod.

Kasunod na araw ng pasukan, pagkatapos ng alyansa kasama si John Walters at Ruxinaire Villa sa tagong underground, may isang pangyayaring hindi inaasahan na mangyari sa FU.

###