Chereads / Project: Mystery / Chapter 31 - Chapter Seventeen: Straw in the Wind

Chapter 31 - Chapter Seventeen: Straw in the Wind

Mavis' POV

"Ayos ka lang?"

Iyon ang una kong narinig kay Friar nang makapasok kami sa detective club. Since we are too early in school, we went on a side trip to this club.

I plopped down on the couch and I put down my bag on the table in front of me. Tumingin lang ako kay Friar. Wala akong masabi sa kanya na pwede kong maisagot.

What will I say to her though? That they don't need me in their organization anymore? That Olivia has returned, in flesh and alive, they would get rid of me once my goal is done?

"Olivia."

I flinched as I heard the name. Napatingin ako sa direksyon ng pintuan at nakita ko doon si Lucas, side leaning on the wall, crossed arms with serious look on his face.

"See?" His head tilted as he is looking at me with judging look. "The cause of the silence ni Mavis is si Olivia." Tumingin siya kay Friar at tinuro ako.

"Ha?" Nakakunot ang noo ni Friar nang tumingin sa akin. "Bakit naging si Olivia?" tanong niya kay Lucas. "Mav, ano pinagsasabe nito?" turo niya kay Lucas.

Hindi ako sumagot. Lucas is right. Olivia is the reason, pero hindi ko iyon agad aaminin. Sudenly, I heard a loud gasp. Napataas ako ng tingin sa sobrang pag-aalala pero nakita ko si Friar na nakatingin sa akin, nanlalaki ang mga mata at nakatakip ang parehas na kamay sa bibig.

"Mav, don't tell me..." She trailed off. Tinanggal niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig at nakita ko ang malawak na ngisi na nakapaskil sa kanyang labi. "...nakaramdam ka ng selos?!" natutuwa niyang sambit.

Napatulala ako sa kanya. Ano raw?

"Ha?" naguguluhan kong sambit.

"Hakdog. Tinatanong ng aking prinsesa kung nakaramdam ka raw ng selos," pag-uulit ni Lucas. "Mukha yatang bigla ka nang nabingi ah."

I choked a laugh. "Bakit ako magseselos?" tanong ko. My eyes are still fixated on Friar who's giggling. "I think you're assuming things, Friar."

"Oh, my dear friend Mavis, I'm not," sabi niya sa gitna ng kanyang pagtawa. Binigyan niya ako ng nanunuksong tingin. "You are in love!" she said with a breathy voice.

"Okay. Sa tingin ko, nababaliw na rin talaga ang aking prinsesa," komento ni Lucas at nakasimangot na tumingin kay Friar. "Fri, you're watching too much romance."

"Pero ganyan naman talaga kapag in love eh. Proven and tested ko na 'yan," sabi niya. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang labi.

I tilted my head in confusion. Ha? Ako? In love? Kanino? Doon sa kanyang cold na kakambal? No way I would fall in love with that kind of guy.

"Hmm... Mavis, I have a few questions at gusto kong sagutin mo 'to," aniya. Umupo siya sa couch katapat ng couch na in uupuan ko at naghalukipkip. "Nakaramdam ka ba na parang hindi ka makahinga? Na parang mabigat ng nararamdaman mo? Na..." She leaned in. One elbow on her lap with her smile still plastered on her lips. "... iniisip mong 'di ka na sapat?"

Napaayos ako ng upo sa kanyang mga sinabi. My back suddenly went straight rod. All of what she says is a check. Napayuko ako ng tingin at nag-isip. But that's not jealousy. I'm just worried in my position in their organization. Hindi ako pwedeng magselos dahil hindi ko naman jinowa ang kanyang kapatid.

"Hindi ka sumasagot."

Nagtaas ako ng tingin at nakita si Lucas na nakatingin sa akin. Both hands are on the pockets of his slacks, leaning his lower back to the side of the couch where Friar is.

"Nagtataka ka kung selos ba 'yong naramdaman mo o hindi. Iniisip mo siguro na gano'n ang naging reaksyon mo kanina no'ng nakita mo si Olivia na nakayakap sa leeg ni Flare kasi inaalala mo ang posisyon mo sa organisasyon namin 'no?"

Bingo. Nabasa niya ang nilalaman ng isip ko. Ayoko mang aminin pero accurate ang punto sa akin ni Lucas sa iniisip ko ngayon.

"Totoo ba, Mav?" tanong ni Friar sa akin. Tumango na lang ako. Wala na naman akong magagawa. "But what you're thinking is wrong, Mav. Hindi ka matatanggal sa posisyon mo hangga't hindi ka namamatay o magretiro ng kusa."

Huh? Napatingin ako kay Friar. "Hindi ako matatanggal?"

"Oo."

"Eh,'di ba si Olivia...."

"She's the first assistant of Flare, yes, pero na-validate kasi noon na namatay siya so tinanggalan na siya ng rights para maging assistant ni Flare unless may mag-promote uli sa kanya sa mafia. That's the exception."

Parang nabunutan ako ng isang tinik sa aking dibdib. Huminga ako ng malalim at ngumiti kay Friar. "Salamat."

"Huwag kang magpasalamat." She shook her head. "Ayun ang isa sa mga patakaran ng mafia namin. Sinabi ko lang sa'yo kasi masyado kang nag-aalala sa posisyon mo."

"I saw your expression earlier." Napatingin ako kay Lucas nang marinig ko siyang magkomento. He smirked. "Parang nakakasakal 'no? Na makita ang partner mo na mayroong kasamang iba tas niyayakap siya?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Flare is just my partner when it comes to solving cases and when it comes to the Master-Assistant rule in their mafia. More than that, ang salitang "partner" ay wala ng iba pang kahulugan.

"That statement won't work on me," reply ko sa kanya.

Natawa siya. " 'Ba naman 'yan, akala ko mabu-bullseye na kita. Hindi ka rin nag-blush. Kairita," biro niya.

"So all of my questions are a check," nakangising sabi ni Friar. Tumayo siya at pumunta sa akin. "So, you do have feelings for my brother."

"Wala nga sabi," sabi ko sa kanya at tinulak siya palayo. "Bakit niyo ba pinipilit?"

"Because there are signs," sagot niya at umikot-ikot na parang ballerina. "Magkakaroon na ako ng sister-in-law~" kanta niya.

Napairap naman ako. Seriously, hindi ba pwedeng mag-react na lang ako sa sitwasyon kanina nang walang binibigay silang malisya?

Suddenly, the sliding door opened. Napatingin kaming lahat sa direksyon ng pintuan. And there's Flare with a serious look on his face, looking straight at me.

"Dude, kumatok ka naman!" iritang sabi ni Lucas habang hawak-hawak ang dibdib niya. "Muntikan mo na ako bigyan ng hea--"

"Mavis, let's go," sabi ni Flare nang makalapit siya sa akin, hinawakan ang kamay ko, at hinatak ako palabas ng club.

Hindi niya ako binigyan ng oras para makapagsalita dahil pagka-turn namin sa isang hallway, naroon na si Olivia.

"Olivia," tawag ni Flare sa kanya.

Tumingin siya sa direksyon namin. Malapad ang kanyang ngiti at bigla na lamang tumakbo papunta kay Flare saka niyakap muli ang mga braso sa leeg ng aking kasama.

"Flare! Buti bumalik ka pa!" natutuwa nitong sabi kay Flare.

Heto na naman ang pakiramdam kong hindi nakakatuwa. Sobrang bigat ng dibdib ko at hindi ako makahinga. 'Yong tipo bang akala mo ninakaw na ang hangin sa lungs mo.

Naramdaman ko ang pagpisil ni Flare sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin. Nakadiretso siya ng tingin sa kawalan habang walang emosyon ang kanyang mukha pero nang mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko, alam ko na hindi siya komportable sa pagkakayakap ng babae.

Napatingin ako sa babae. Abot tainga halos ang kanyang ngiti. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap kay Flare. Flare's eyes twitched. Hindi na siya komportable.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak kay Flare at binigyan siya ng matipid na ngiti nang tumingin siya sa akin.

Bumuntong-hininga ako at tumikhim. Nakita ko ang pagka-loose ng pagkakapulupot ng mga braso ni Olivia sa leeg ni Flare at ang pagtingin niya sa akin ng may pagtataka.

"At sino ka naman?" tanong niya. Her wide smile is gone. She scanned me from head to toe. "Anong ginagawa mo dito sa date namin?"

Date? Napatawa ako. Hindi ko pala alam na apaka-asumera ng childhoodfriend ni Flare.

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Bakit ka natatawa?"

"Nice meeting you," sabi ko. Inilahad ko ang aking kamay sa kanya at ginawaran siya ng puwersang ngiti. "I'm Mavis Sherlia Throver, Flare's classmate and his assistant detective."

Bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Tinitigan niya lang 'yon ng ilang minuto. Tanggapin mo na dahil nagmamabuting loob pa ako dito, ani ko sa isip ko. Pero ang totoo lang, naiinis na ako sa pinaggagawa niya kay Flare.

Bumalik ang tingin niya sa akin. Tinitigan naman niya ako. Kumunot na naman ang kanyang noo.

"I don't receive handshakes sa mga katulad mong malandi," sabi niya.

I almost snapped on her words. Aba, gusto ata nito ng away ah! Ibinaba ko ang kamay ko at pinakalma ang sarili bago nagtaas ng tingin sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Excuse me, miss, but I don't see the reason kung bakit ako naging mukhang malandi sa isang handshake?"

"That, " turo niya sa isa ko pang kamay na nakahawak sa kamay ni Flare, "is the reason kung bakit mukha kang malandi."

Tuluyan na niyang tinanggal ang pagkakayakap kay Flare. Hinawakan niya ang kamay ko at marahas na inihiwalay 'yon sa kamay ni Flare. Hinatak niya palayo si Flare ng ilang dangkal lang habang masama ang pagkakatingin niya sa akin.

Natawa na naman ako. Anong akto 'to? She is acting like a freakin' jealous girlfriend even though she's really just Flare's childhood friend that suddenly became alive again. And another thing, mainit pa ang kanyang palad. That means she's really alive and not a corpse that suddenly have given a second chance to live.

"Stop wasting my time, Olivia," sabi ni Flare nang biglaan at tinanggal ang pagkahawak ng kamay ni Olivia sa kanyang kamay. "I'm not here to play dollhouse anymore."

Lumipat si Flare sa tabi ko at hinawakan niya na naman ang kamay ko. He linked his hands with mine and crossed our fingers. He is holding mine firmly while still looking at Olivia.

Olivia's jaw dropped. Her eyes widened. She scoffed. "Flare, what are you talking about? Hindi ba't hindi naman laro ang lahat? You love me! You promise me na ako lang ang taong mamahalin mo and you're still holding on to that promise. Right?"

Tinitigan lang siya ni Flare. If stares could be pierced physically, I would ne dead by now sa sobrang talim ng pagkakatitig sa akin ni Olivia. And if would stares would hurt someone physically right now, Olivia would've been froze to death by how cold Flare stares at her.

"Flare..." Mahina ang kanyang boses pero ramdam mo ang pagka-dissappoint niya. "Hindi na ba ako? Kung hindi, sino?!" sigaw niya. Napalingon siya sa akin. Mas lalomg tumalim ang pagkakatitig niya sa akin at ramdam ko ang biglang galit niya. "Ayan bang babaeng 'yan ang dahilan?!"

Napairap ako. I never thought this kind of drama is the one I would be in. Parang bigla akong napasok sa mga teleserye na mayroong nahuling kabit sa tabi ng lalaki. Pero ang pagkakaiba, hindi ako kabit at hindi rin naman ako naging jowa. Pero damay pa rin ako. What a horrible turn of events I may say.

"You're dead," sabi ni Flare kaysa sagutin ang tanong ni Olivia. His voice is calm but there's a tinge of resentment lingering in his tone. "I could assume you're not a corpse or a ghost since I felt your skin is warm. Why did you lie, Olivia?"

"I did that for you!" Her voice is suddenly strained. She sobbed.

"For me?" He scoffed. "If it were for me, why?!" sigaw ni Flare. "Why did you play dead?! Why did you plan on traumatizing me?!"

"N-No, Flare! Flare, listen to me! H-Hindi ko iyon ginawa para ma-traumatize ka. Idid that because I love you, I really do! Para ako lang maisip mo!"

"Yeah, right. You did that para ikaw lang lagi nasa isip ko, " he said sarcastically. "You traumatized me! I thought you were dead! Your death has been a burden for years!"

"Flare, just tell me... Ako pa ba ang mahal mo?" tanong nito sa kanya. She is crying.

Napatingin ako kay Flare. His eyes are shooting daggers at her. His grip on my hand tightened even more. Tolerable naman ang sakit.

"I do," sagot niya.

Here comes the pain in my heart again. It felt like there's a million daggers shooting to it without fail. Sa sobrang bigat, napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Flare.

"You alright?" Boses 'yon ni Flare. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at tumango. "Song thrush, don't lie." Napababa ako ng tingin at umiling. Parang wala akong lakas na ngayong magsinungaling kay Flare. Sobrang sakit ng dibdib ko ngayon.

Naramdaman ko ang marahang paghila sa'kin ni Flare, ang pagkapulupot ng braso sa 'king beywang, paghaplos niya sa 'king ulo, at pagdampi niya ng kanyang labi sa aking noo.

Tumibok ng mabilis ang puo ko. That gestures... Sa tingin ko, makakasama na talaga 'yon sa puso ko. Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to, Flare? Kung mahal mo pa siya, bakit--

"I do love you, but that is before."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano raw? Hindi ko maproseso sa utak ko ang kanyang sinabi. Unti-unting nawala ang bigat na nararamdaman ko. What the hell is he saying?

Parang natulos sa kinatatayuan niya si Olivia. Hindi siya nagsalita, wala ng reaksyon. Nakatitig lang siya kay Flare. She also couldn't process what Flare said to her.

"I had loved you in the past, but you traumatized me. You left. You said you wouldn't left but you did. Our promise broke. Now, I found someone interesting, you came back, alive and well, and in flesh. But I could not accept you anymore. We're done. Our chapter is over."

Ouch, sakit. Iyon ang una kong nasa isip habang nakikinig sa mga salitang binibitawan ni Flare kay Olivia. I don't know the full details about their past but I just know that Flare has been through a lot of pain when she died. And she deserves that slap of reality that Flare had given her.

Unting-unti tumulo ang mga luha ni Olivia sa kanyang mga pisngi. Hindi siya makasalita. Nakatitig lang siya sa amin.

She muttered. Her eyes dilated and her sadness turns into anger. "Hindi! Hindi pwede!" sigaw niya. "You can't just put a period on our relationship! Hindi pwede, Flare! I refuse! I will not take your deicision!" sigaw niya.

"Naging kayo ba?"

Natulos si Olivia sa kanyang kinatatayuan at unti-unting tumingin sa kanyang gilid. Napatingin rin kami ni Flare. There, Friar stood with her one hand on her wait and the other hand in a fist.

Lumapit siya sa amin at tumingin agad sa akin nang may pag-aalala. "Gosh, Mav!" She gasped. "Ayos ka lang ba?! Sabi ko na nga ba't tama ang pagsunod ko eh! You are not well!"

"Friar! Friar, help me!"

Nawala ang emosyon sa mga mata ni Friar nang marinig niya ang boses ni Olivia. Tumingin siya at nagtaas-baba siya ng tingin rito.

She tilted her head and she smiled. "What can I do for you?" tanong niya. She fix her blouse and clasped her hands, and walked towards her with a Chesire cat's smile. "Senior Student Council could offer a lot of service towards new student who don't know the rules of the school and one of them..." Huminto siya sa harap nito at ibinaba ang mga kamay sa kanyang gilid. "... is to lead the way for bitches to get out."

I saw Flare smiled proudly at his sister. Napangiti ako sa mahina niyang pagsusuporta niya sa kapatid. Kahit papaano, makikita mo pa ring magkakampi sila minsan sa ibang bagay.

"Friar, ano pinagsasabi mo? Kung sino man ang dapat ipalabas, ang babaeng 'yon ang palabasin mo!" turo niya sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko. Ano pinagsasabi ng babaeng 'to?

"Hoy, asumera." Kinalabit niya ito at nagpumeywang. "Huwag mo ngang idamay-damay dito freny-bebs ko, ikaw ang tinutukoy kong papalabasin. Hindi na yata nakakarinig ang tainga mo para marinig ang realidad eh."

Hindi makapaniwalang tumingin si Olivia kay Friar. "Fri, hindi mo ba ako nakikilala?"

"Nakikilala," sagot nito at humalukipkip. "Olivia, hindi ba? Iyong dati naming kasama nina Flare sa mansion? 'Yong assistant ni Flare na lagi siyang sinusumbatan kapag apaka-immature niya? Yeah, I still remember you. Hindi naman ako nagkaroon ng amnesia o tumama ulo ko para makalimutan ka."

Nagliwanag ang mukha ni Olivia. "Then—"

"Pero huwag kang umasang tutulungan kita, Olivia," pag-udlot niya sa pagsalita ni Olivia. "I wouldn't side you just because I know you all too well. At dahil kilalang-kilala kita, hindi kita kakampihan. You died, remember? We buried you. Your body, your memories, all of you. Masakit mang sabihin pero ikaw naman nagpasimula nang pagkamatay mo, 'di ba? Panindigan mo ang sinimulan mo."

"I did that to all of you because--"

"Because for what?" pagputol na naman ni Friar dito. "Because it is for us?" She scoffed. "Literal na it's for us 'yon. Para sa amin 'yon para makita mo kami na nagdudusa sa pagkamatay mo."

"No..."

"Anong no ka diyan? Nakita mo ba kung pa'no nagdusa dalawa mong kuya sa pagkamatay mo? Girl, hello! Snap out of your fantasy! This is the reality! Matagal ka ng nawala. Anong sa tingin mo ang magiging reaksyon namin? 'Yehey! Thank God you're alive and well, Olivia!'.

"And what do you think of Flare's reaction? Ganto ba? 'Okay, you're alive. Let' s reconcile again our relationship and tell this to mom and dad.' Ganern?" she mimicked on her brother.

Halata mo sa boses ni Friar na naiirita na siya sa pag-a-acting ni Olivia sa kanya. Hindi na niya mapigilang sumigaw dito.

"Tas sasabihin mo sa amin na buhay ka pa? Ng ganito pa ang naging eksena mo? What the hell are you thinking?! Hindi ka ba naawa sa amin? Kay Flare?" turo niya sa kapatid. "You spend your whole damn life hiding the truth from us!" Umiling-iling si Friar at tinuro ang hallway. "Get out."

Hindi gumalaw si Olivia. Nakatitig siya kay Friar. Lumapit kami ni Flare sa kanila at tumabi kay Friar. Bumigat ang pakiramdam ko nang makitang tumutulo ng walang hinto ang luha ni Olivia.

"B-Bakit..." Huminga siya nang malalim. "Bakit mo sa akin ginagawa 'to, Friar...? Hindi ba't... Hindi ba't dapat ako kampihan mo...?"

Friar flipped her hair. "I will not say something twice again, Olivia," she said coldly. "Get out of the school. Now."

Nanlaki ang mga mata ni Olivia at tumakbo palayo sa amin. Rinig na rinig ang kanyang pag-iyak sa hallway. Palayo nang palayo ang kanyang hakbang hanggang sa hindi na namin ito naririnig pa.

Napabuntong-hininga si Friar. "Sorry about that, Mav," aniya habang humaharap sa akin t nakahawak sa kanyang ulo. "Nairita lang talaga ako sa babaeng 'yon."

Sumama ang kanyang tingin sa ibang direksyon.

"Sino ba naman kasi siya para magreklamo kung pakana naman talaga niya sa simula pa lang ang nagiging problema niya ngayon? Hay, naku. By the way, are you alright? Mukhang hindi ka makahinga kanina."

Ngumiti ako sa kanya at umalis sa pagkakayakap ni Flare sa akin.

"Thanks pero ayos na ako."

Lumingon ako kay Flare at nginitian siya.

"Salamat sa pag-comfort. And thank you for defending me back there."

"I did not defend you back then. I told the truth to her." He glanced in another direction. "Besides, that relationship she's seeking is not existing. Her delusional thoughts would've receive the best awards for mental disorder."

"Hoy!" Tinampal ni Friar ang kapatid niya sa braso. "Anong mental disorder ka diyan?! Even though you have resentment on a person, huwag mo siyang sasabihan ng masama, brother."

"I did not. Besides, she is diagnosed before, right? And I told 'mental disorder', not 'mentally ill', idiot. That's two different things. And that really hurts," reklamo ni Flare. "Are you really a girl, sis?"

Sinamaan siya ng tingin ni Friar. Suntok na ang naging kasunod na pambawi ni Friar sa kanya. Nagreklamo na naman si Flare sa sakit at tumakbo papunta sa likod ko.

"Song thrush, I would suggest if you could lend me a hand on stopping my sister in giving me a heavy hand?"

I smiled sheepishly. "Well, if you could just behave at tanggapin mo na lang ang pagpalo niya sa'yo, I think I would consider your suggestion."

"You're cruel, song thrush."

I smirked and just laughed again when Friar slapped his head with her hand.

"Lend me a help here, Throver!" sigaw ni Flare.

Tumatakbo na sila sa hallway, papunta kung nasa'n ang club. Napiling-iling na lang ako at sumunod sa kanila.

Parang walang nangyari ah.

Parang isang simpleng pagtakbo ng event lang ang nangyari, tas balik uli sa normal na takbo ng buhay. Gano'n ang nakikita ko sa kambal dahil 'di man lang sila nabahala ni kaunti.

Oh, well. Who am I to give a reason for them to give thought about what happened earlier?

I went back inside the club. Naabutan kong nagbabardagulan pa rin ang dalawa. Umupo na lang ako sa couch at nagbasa na lamang ng pdf document ng current book na binasa ko.

Third Person's View

"Ptrrr.... Ptrrr... Ptrrr..."

Three rings of a phone has been heard through the hallway. After the third ring, someone picked up the call.

"Hello?"

"Taurus." Iyon ang unang lumabas sa bibig ni Olivia nang marinig niya ang boses ng nasa kabilang linya.

"Are you alright? Should I go there?" tanong niya nang bahid ng pag-aalala ng nasa kabilang linya.

She laughed and leaned on a wall, sliding down to it. "No, I'm fine." I'm not.

"You sure? Gusto mo puntahan kita diyan. You want something to eat? I could entertain you."

She hugged her knees and sobbed. Like, how she could deserve this person na katawagan niya ngayon?

"Meu cachorro, I need you here," she replied in a cracked voice.

"You're heartbroken."

That's not a question but a statement. Alam na nito agad ang sitwasyon niya kahit na 'di na niya sabihin.

She heard him sighed heavily on the other line. "I'll take you home, mi señora. Wait for me."

The call ended.

Pinatay niya ang kanyang cellphone at nagpatuloy sa pag-iyak. Her plan is succesful. She knew this was gonna happen but she's still freaking affected.

Mahal na mahal ko si Flare pero bakit hindi niya ibinalik sa akin ang pagmamahal na 'yon?

Then, she remembered Mavis, the girl who is with Flare all along while she's talking with him.

That girl... I will literally get rid of her... Hook or by crook...

Iniisip pa lang niya ang mukha ni Mavis ay kumukulo na ang dugo niya.

This is just the start. A straw in the wind will come next and I could assure her...

A lone tear escaped from her left eye as she smirked while thinking of the dark plan she will do to the Throver girl.

... it'll be a hurricane.

###