Chereads / Project: Mystery / Chapter 33 - Chapter Nineteen: The Agreement

Chapter 33 - Chapter Nineteen: The Agreement

Mavis' POV

Akala ko ako lang ang sasama kay Felicity nang pumunta siya ng Detective club pero...

"Bakit kayo nakabuntot sa akin?" tanong ko sa dalawang nasa likuran ko.

Lucas is humming while looking in another direction and his hands both at the back of his head while Friar is looking at me with innocent eyes and a smile on her lips.

"Hm?" sabi ni Friar.

Sinamaan ko sila ng tingin at tumingin sa harap. "Bakit kayo sumunod sa akin?" tanong ko ulit sa kanila.

"Alam mo naman ang aking pinakamamahal na kapatid, nag-aalala. Kaya heto, we're here, Mav!" maligayang sambit ni Friar.

"If Flare is not the next in line in Tito's position, I would've refuse this kind of minor mission," reklamo ni Lucas.

"Ayaw mo no'n. Malalaman mo pa ng mas malalim si Mav," sabi ni Friar.

"Good point—Eh, hoy! Fri, anong ibig sabihin mo do'n?" naguguluhang tanong ni Lucas.

"Ha? Anong anong ibig sabihin ko? I wanted you to know Mav more as a friend," inosenteng reply ni Friar.

I glanced on their way. Nakita kong nagmumula si Lucas habang kinakamot ang kanyang ulo. Napabuntong-hininga ako.

These two love birds.... Sila ang nanunukso lagi sa amin ni Flare without knowing they're much acting like love birds than us.

And to take note of that, Flare and I have no romantic relationship.

Going back to the current situation, it is still a mystery kung bakit ako pinatawag ng isang Grade 8 Student. Nakababa na kami ng ground floor pero hindi kami huminto sa SSG Office or sa faculty. Dumaan kami sa ilang hallways na mas lalo pang dumidilim. Habang patagal nang patagal ang paglakad namin, people are getting less in my view. Hindi rin kami humihinto sa mga pintuan sa bawat hallway.

And so, I stopped.

"Mav?" Tumingin ako sa kanila. Friar is looking at me weirdly. "What's the matter?"

I sighed and looked directly at Felicity. She also stopped walking. The back of her head is facing us but her body went stiff.

"Turn around, Felicity," I said.

Unti-unti siyang lumingon sa akin. I could see her eyes shaking.

"Tell me..." My voice is low than usual. "Where are we going?"

"W-Wala pa po kasi tayo sa t-tamang destinasyon natin, M-Miss Mavis," sagot niya.

I stared at her. I knew that much that we're passed on our destination. Ibang destinasyon ang kanyang pinupunto.

I sighed. Let's just keep our thoughts for now, Mavis.

"Tinanong ko lang. Magpatuloy ka na sa paglalakad."

And so, she proceed to walk. Sinundan ko na ulit siya sa paglalakad pero nahatak ako ng onti palikod dahil sa humatak sa akin.

"Hey, Mav. Tell me. There's something going on, isn't it?" tanong ni Friar.

"Nothing," I answered.

Her eyes narrowed. "What's going on it that head of yours?"

"It's nothing."

"You swear?"

"I swear," I lied.

Binitawan niya ang kamay ko at nanahimik pero si Lucas naman ang kasunod na hindi tumigil.

"Hey, Throver," tawag niya sa akin. I glanced at him. "That girl is up to something, right?" He refers to Felicity. "I could read you."

"So there's really something up," bulong ni Friar. "Ano 'yon, Mavis?"

I closed my eyes. "It's nothing."

"You're lying," ani Lucas.

"Malay niyo baka ako ang may motibo," reply ko.

Nanlaki ang mga mata ni Friar. "Ha?! You have not!"

"I do have actually," I answered.

She gasped. Lumingon siya kay Lucas at nagreklamo. Napabuntong-hininga naman si Lucas at tinitigan ako.

"Whatever plan is in your mind, I will not stop it but don't do anything reckless."

Perhaps I would not take your advice into heart, Lucas.

~***~

Old tapestries, silent rooms, broken chairs scattered in the hallway, creaking doors, broken windows and a foul smell in the hallway. May mga bubog sa gilid ng hallway at mga tubo na randomly nakalagay lang sa tabi-tabi.

I think I grasp my situation quite well here. Isang deja vu na naman ang nangyayari sa akin.

I should be aware right now. I saw people knocked out Friar and Lucas behind me yet I faked my situation in not knowing their situation.

Pasensya na, Friar, Lucas. I need to handle this situation on my own.

Napahinto ako sa paglalakad nang may naramdaman akong kakaiba na. I felt like someone is here with us.

"Felicity," tawag ko sa aking kasama.

"Yes?" tugon niya ngunit iba na ang kanyang tono. Hindi na ang nanginginig na Grade 8 student noon.

"Nasaan na tayo ngayon?" tanong ko.

"Sa isang lumang parte ng eskwelahan kung saan dito ka magsisimulang magdusa," sagot niya.

I sighed and raise my hands on both sides of my head. "Huwag mo ng sayangin ang oras mo para patamain mo ako ng crowbar..."

Nanlaki ang mga mata ni Felicity habang lumingon ako sa aking likuran. Mayroong lalaking nakamaskarang itim doon na nakahinto habang nakataas ang crowbar, handa ng itama sa ulo ko.

"P-Paano..."

I sighed. "I know much about your plan. Pwede mo ng ibaba muna ang crowbar," utos ko sa lalaking nasa likuran ko.

"Huwag mo muna bitawan 'yan!" sigaw ni Felicity. "Ikaw! Paano mo nalaman ang plano?" tanong niya sa akin.

Ibinaba ko ang mga kamay ko sa gilid ko at nilagay iyon sa paketa ng palda ko.

"Halata na ang plano magmula ng lumagpas tayo ng faculty room ng teachers," sagot ko at tinuro ang likuran ko. "And also, this does not look like a pleasant spot para magkaroon ng meet up para sa problems sa grades ko. But oh well," I tilted my head and smiled. "Want to form an agreement?"

Kumunot ang kanyang noo. "Ha?"

"I said," I walked towards her and leaned in, "want to form an agreement with me?"

Nanlaki ang mga mata niya at humakbang ng isa palikod, at tumawa. "Baliw ka ba? Ikaw ang magiging pain namin para makapunta si Pres dito."

"Pres?" kunot-noo kong sabi habang hindi nawawala ang ngiti sa aking labi. "So you need Flare here, huh?"

"S-So?" kinakabahan niyang sambit.

"Hmm..." Kunwari akong napaisip. I turned my back at her, and I saw the man with the crowbar flinched as I walked towards him. "Ikaw." Napaigtad uli ang lalaki. "Estudyante ka rin ba dito?"

Hindi sumagot ang lalaki at pumosisyon na kahit ano mang oras na gusto kong umatake, handa siyang depensahan ang kanyang sarili. And looks like he is trained on defending.

Parang naging wala lang ang training niya dahil ginagamit lang siya sa malamyang dirty work na 'to.

"Sumama ka na lang sa amin kung ayaw mo masaktan," pagbabanta ni Felicity sa akin.

"Sige," sagot ko.

"Ha?"

Lumingon ako sa kanya. "Sasama ako sa inyo. Gawin natin ang plano," sabi ko. "Knock me unconscious. Let's continue the play. But on one condition, let's have an agreement."

"Bakit mo ba gusto ipilit ang agreement na 'yan? Leo will not accept this!"

"Leo?" I saw Felicity flinched. So, that's the name of their mastermind.

"O-Oo. Iyon ang pangalan ng boss ko!" Ah, mukhang proud na proud pa niyang sabihin ang mastermind nila. "Kaya sumama ka na lang sa amin at maging pain."

I think this girl doesn't know how a threat should be executed.

"And I will tell you that I have an agreement with the mastermind on this," I replied.

"Ha?! Anong sinabi mo?!" gulat niyang sambit. "P-Paano ka nakapag-contact sa boss namin, eh pinapakidnap ka nga niya para--"

"Patalsikin ako dito sa school and to make me avoid the President, right?" Sinarado niya ang kanyang bibig nang tinuloy ko ang kanyang sinasabi.

Bingo. I was right about my speculations. If someone must target me, this would've been one of the plans they will execute: sending me to an abandoned building and take me as a bait for the one they're obsessed for.

"Paano mo--"

"Magkakaroon tayo ng agreement o hindi?" pagputol ko uli sa kanya.

Ito ang part na hindi medyo maganda ang magiging kalalabasan o magiging maganda ang kalalabasan. Either of the two lang ang pwedeng maging resulta but I would bet on the latter.

"Wala kang pruweba na pwedeng makapagsabi sa akin na nakausap mo ang aming boss kaya sumama ka na lang sa amin kung," Naglabas siya bigla ng isang balisong sa paketa ng palda niya at tinapat niya sa akin 'yon, "ayaw mong literal na masaktan 'yang magandang pagmumukha mo."

I sighed. Sabi na nga ba't magkakaroon ng gantong eksena. "I guess."

"But fine. Anong gagawin mo munang deal bago tayo magkaroon ng agreement," sabi niya, ibinalik ang balisong sa paketa at tumingin sa akin ng diretso habang nakahalukipkip. Nararamdaman ko pa rin ang mainit na pagbabantay sa akin ng lalaking nasa likuran ko.

In my head, I smiled widely. Finally, she took my bait.

###