Third Person's View
Five years ago...
Sa malawak na hardin na pagmamay-ari ng mga Furrer, may apat na batang naglalaro. Nagtatakbuhan sila. Ang isa ay may hawak na bola, ang isa nakasimangot na, ang isa ay sinusubukang kunin ang bola at ang isa ay malapit ng umiyak.
"Hoy, panget! Bigay mo na 'yong bola!" sigaw ni Lucas sa kanya.
"Flare, umiiyak na si Friar!" galit na sigaw ni Olivia.
Kasunod niyon ay ang malakas na pag-iyak ni Friar at ang pagdila ni Flare sa kanya na mas lalo pa nitong ikinaiyak.
Nagalit si Olivia at hindi mapigilang lumapit kay Flare. Nawala ang nanunuksong ngisi ni Flare at tumingin pababa kay Olivia. Kahit na bata pa sila, 'di hamak na matangkad si Flare kaysa sa ibang mga bata.
"What?" malamig na tanong ni Flare sa maliit na bata.
Humalukipkip si Olivia at masamang tingin ang binalik dito. "Bigay mo na ang bola, Flare." Hindi 'yon pagmamakaawa, inuutusan na niya ito. Nilahad niya ang palad niya dito. "Akin na."
"Ayan na si Via. Hala, barbecue ka na mamaya!" tukso ni Lucas habang sinusubukan na patahanin si Friar.
"Oh, shut the f*ck up, Luc!" sigaw ni Flare dito.
Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Friar. Flare flinched on his sister's response on his shout and toss the ball away from his hand. Worry is visible in his eyes.
Tinulak niya si Lucas palayo sa kapatid niya at niyakap si Friar. "Sorry, Fri. Sorry. Shh, sorry. Hindi ikaw ang sinisigawan ko, sorry." Soothing words came out of Flare.
Napahawak naman si Lucas sa braso niya. "Flare, hindi naman ibig sabihin no'n kailangan mo akong itulak."
Flare glared at him. Sinamaan din ng tingin ni Lucas si Flare at tumayo saka pumasok ng bahay na nakasibangot ang mukha. Si Olivia naman, naiwan doon habang masamang nakatingin kay Flare.
"Hindi mo dapat ginawa 'yon."
Napairap si Flare sa komento ni Olivia. "What now?"
"You're acting immature towards Lucas. Alam mo namang assistant niya si Friar, 'di ba? Pwede niyang hawakan si Friar. Yakap-yakapin. Stop acting mature when you're not."
"So you're saying na mas kakampihan mo si Lucas? Then, you shouldn' t be my assistant in thw first place."
Bumuntong-hininga si Olivia sa kanya at binigyan siya ng tipid na ngiti. "Nope. Sinasabi ko na pare-parehas lang tayong bata so act like one."
"As if we act like kids in the first place," bulong ni Flare pero rinig pa rin iyon ni Olivia kaya sinipa siya ni Olivia sa tagiliran. "Aray! What's that for?" inis na sambit niya.
" 'Yan para sa pagbulong mo na hindi tayo nag-a-act parang bata." Naghalukipkip si Olivia sa kanya. "Dapat bati na kayo ni Lucas mamaya. Malalaman 'to ni Tito kapag hindi pa kayo bati."
Nang makaalis na si Olivia, naramdaman ni Flare ang pagyakap ni Friar sa kanya. Tumingin siya rito. She is sobbing but she is looking at him with glassy eyes.
"Magbabati kayo?" tanong ni Friar. She gripped the side of his shirt. "Magbabati kayo ni Luc, Flare?"
Flare stared at his sister. Her twin sister is a minute older than him yet she's the one acting like the youngest between them.
He slides down his hand on her sister's hair ang gave her a reassuring smile. Soft eyes are staring at her. "Don't worry, sis. Makikipagbati ako kay Lucas."
"Promise?"
"Promise." He kissed her forehead and loosen his tight hug on her. "Ayos ka na?" tanong niya sa kapatid.
She sniffs but she gave him a bright smile. "Ayos na."
He kissed her forehead again and ruffled her hair gently. "Good. Being a crybaby is weak, you know so good job."
Sumimangot si Friar at tinanggal ang kamay ni Flare sa buhok niya. Hinawakan niya ang pulsohan ni Flare ng sobrang higpit. Flare winced in pain.
"I'm not a crybaby!" sigaw ni Friar sa kanya at tumayo. "Hindi ako crybaby! Ikaw kaya ang crybaby sa 'ting dalawa!" Pinunasan niya ang sipon na tumutulo sa ilong niya at dumila. "Si Flare crybaby! Crybaby! Bleh!"
Flare just laughed on her comment and went inside the house. Pagkapasok niya, binati siya ni Jane. She's older than Flare so she's a little bit taller than him. As usuao, she's wearing a maid outfit with frills. Huminto si Flare sa paglakad at tumingin kay Jane. Nakita niya rin na nandoon din pala ang kakambal nito, si Jade, na nagtatago sa likod niya.
"What do you want?" tanong niya dito. "You're giving me that look again."
"What? Judging you?" Nagtaas ng kilay si Jane. "Nalaman ko ang lahat ng nangyari kanina kay Olivia."
"And so?"
"Ilang beses mo ng napaiyak ang kapatid mo at tinulak si Luc palayo sa kanya, ha? Makakarating 'to kay Tito."
He glared at her. "Look. Something is wrong with the story. I fought with them because of a ball, Friar is crying because she thought she is the one I'm yelling, Lucas came to comfort her, Olivia is on that state of mood again that you don't want to mess up with, and I pushed Lucas off when I saw Friar crying loudly again because I yelled at Luc. Is that the information you got?"
"Nandoon naman lahat ah. Ikaw ata ang mali."
"No, you're the wrong one." Tinuro niya ito. "The next thing happened, Lucas left, Olivia left. I promised Friar na magbabati kami ni Luc. Then, I tease her. The next thing she came running in the house and I followed. I was about to go in Lucas' room when you caught my attention and confront me like this."
"A-Ang sabi pa ni Olivia, nagpapaka-i..." Jade trailed off and hide more behind Jane. "...nagpapaka-immature ka raw."
Napabuntong-hininga si Flare at napailing-iling. "I'll talk with her later," sabi niya, waving his hand for their dismissal.
"Anong gagawin mo sa kanya?" tanong ni Jane.
"I'll just talk with her, okay?" Kunot-noo siyang tumingin dito. "Anong sa tingin mo gagawin ko?"
"I don't know. Maybe, torture her?"
Tinitigan siya ni Flare. "Are you joking with me right now? She's the same age as me!"
"At ikaw ang Master niya," reply nito. "You have all the permission in the punishment room if you want."
"I am not you who likes doing punishments."
Bumuntong-hininga siya at binaba ang mga kamay sa kanyang gilid. "Ikaw. Mag-ingat ka sa mga ahas," sabi niya.
"What do you mean by that? What are you referring to? You're changing the topic," nagtatakang reply ni Flare dito.
"I'll tell you this. Tungkol ito sa isang ahas sa pamamahay na 'to."
Nawala ang matalim na tingin ni Flare sa kanya at napalitan iyon ng pagtataka. "Like, what are you supposed to mean by there's a snake?"
Bumuntong-hininga ulit ito at umiling-iling. Tumalikod ito sa kanya at hinatak ang kakambal habang iniwan si Flare na nakatulala, iniisip kung ano ang ibig sabihin ni Jane.
The next day, an accident happened on his exact birthday with Olivia gone.
"Paalam..." That's her last words.
Mavis' POV
"I got some news from Pacifico."
It is early in the morning. 6 AM. Nasa living room kami ng mansion habang hinihintay sina Flare, Friar at Lucas na matapos ang kanilang private meeting kasama si Tito Ris.
I glanced at his hand. He's holding a paper folded in half. "This is from Pacifico." Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay doon ang papel. "He said this is all the information he got from My Lady. Well, I did ask My Lady a little about your father's case at nakalagay na rin diyan ang nakuha ko. Sorry if it is not that much."
Binawi niya ang kamay niya. Tinignan ko naman ang laman niyon at binasa ang mga nakalagay doon. It is a neat scribble of the pieces of information I needed. Though it is just a small amount of information, magagamit ko iyon para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon. I folded it in half again, put it in the side pocket of my uniform and nodded at him.
"Thank you, Rux."
He nodded in response. "Tinatanong pala ni Pacifico. Does the organization know about the plan?" He is referring to the alliance we had yesterday.
"No, hindi nila alam. Hindi ko sa kanila sinabi. Pero tuloy pa rin ang plano. They'll be part of the plan as discussed."
"So, you're going to use them?" He smiled and laughed through his nose. "You're manipulative."
"Huwag mo 'kong igaya sa katulad niyo." I glared at him, dead shot serious. "Ginagawa ko lang 'to para mai-satisfy ko ang sarili ko sa pagtapos ng kaso about kay Dad while you," tinuro ko siya, "are scheming something na hindi naaayon sa plano natin ni Pacifico." I took a step back and sighed. "Hindi ko alam kung anong pinaplano niyo ng Castell Organization pero sana wala akong involvement do'n."
Hindi siya nagsalita. Napakamot siya sa kanyang ulo. "Um, about that, Miss Lia..."
Napabuntong-hininga ako. Sabi na nga ba. I raised my hand at him, shaking my head. "Huwag ka ng magsalita. Gets ko ang gusto mong sabihin." Ibinaba ko ang kamay ko. "Apaka-honest mo sa 'kin. Are you really one of the dogs of Castell?"
Hindi siya sumagot pero kitang-kita ang pag-whistle niya habang nag-ta-tap ang kanyang black shoes ng mabilis sa sahig.
Napabuntong-hininga ako at tumalikod sa kanya. "If there's something comes to worse, get me out of it," sabi ko at umupo sa sofa.
Sakto na nagsibabaan na sina Friar, Lucas at Flare. Lucas has a grin on his face. Friar has a genuine, happy wide smile on her lips and Flare, well... Sa tingin ko, apaka-sour ng expression niya.
"Yay! I win! I get to drive~" kanta ni Friar. Saka ko lang napansin na iniikot-ikot niya sa daliri niya ang car keys.
"Yown naman! Makakasakay ako katabi ng prinsesa ko!" natutuwang sabi ni Friar.
"That's my car. Don't do anything with my precious transportation, silly cheaters," komento ni Flare.
"That's uncle's money you're bragging about," Lucas replied.
Siniko siya ni Friar. "Nakakalimutan mo rin atang may trabaho din iyan," pagpapaalala niya dito.
Nanlaki ang mga mata ni Lucas at pumunta ng likod ni Friar. Awkward na tumawa siya sabay sabing, "Yeah, I think I'll take back what I said. 'Di pala pera ni Tito ginamit mo sa sasakyan mo," habang kamot-kamot ang kanyang ulo.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko nang makalapit sa kanila.
Nagliwanag ang mga mata ni Friar at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at lumundag-lundag sa tuwa.
"Oy, oy! Mav! Alam mo ba, nanalo ako sa little game namin ni Flare!"
Nakita ko namang umirap si Flare. "You mean, you kinda cheated."
Sinamaan siya ng tingin ni Friar. "Anong cheat do'n? Baka ikaw ang talagang na-distract?"
"Oo nga!" pagsesegundo ni Lucas at dumila.
"Ano bang nangyari?" kunot-noo kong tanong.
"Nothing. We just played a little game," nakangising sambit ni Friar.
Her little cute smirk makes me think that an unusual thing happened.
Ngumiti ako pabalik sa kanya, humalukipkip at sinabi, "Anong ginawa mo, Friar?"
She rolled her eyes playfully while her smile remained on her lips. "You know. Just a little bit of fun. In-ask ko si Flare if head or tails ang pipiliin niya."
"In a coin?"
"Yep. In a coin."
"And then?"
"Then, sabi niya mape-predict daw niya na tails ang haharap and so I flipped the coin. Hindi siya tumingin dahil ang yabang ng aking kapatid, predicted na raw niya."
"Tas kamo, wala namang daya-daya si Friar. Nag-landing kamo, heads," singit ni Lucas.
"Because you cheated," komento ni Flare.
"No, I did not." Friar raised an eyebrow. "Brother, you are too prideful kasi na tails makukuha mo kahit na heads ang resulta. Ayaw mo lang tanggapin." She jingled the keys on his face with a smirk on her lips. "So, I have your keys in result at ako magda-drive dahil sa pagkatalo mo."
Tumakbo si Friar at si Lucas papuntang parking lot na naka-Naruto run pa. Napailing-iling na lang ako. Tumingin ako kay Flare at natawa nang nakanguso ang labi niya at masamang nakatingin sa direksyong tinakbuhan ng kanyang kapatid.
"Nagtatampo ka ba? O 'di mo pa rin tanggap na talo ka?" tanong ko sa kanya.
He crossed his arms. "No. She cheated."
I laughed and tapped his cheek lightly with my hand. "Geniuses sometimes makes mistakes. Come on. Let's catch up."
He messes his hair out of annoyance, but he followed me suit. Tumunog ang makina ng sasakyan nang makarating kami sa parking lot. Nakasakay na si Lucas sa upuan katabi ng driver's seat at kumakaway sa amin.
"Oh, how the smug looks so happy being in my beloved car's front side seat," sarkastikong sambit ni Flare. Binuksan niya ang pintuan ng back seat. "You go in first," sabi niya habang matalim pa rin ang pagkakatitig kay Lucas.
Pumasok na ako sa sasakyan at kinalabit si Lucas. He glances at me with wide, joyful eyes as he muttered, "Hm?". Tinuro ko si Flare sa kanya at lumingon naman siya. Biglang nawala ang liwanag sa mata niya nang makita ang titig ni Flare. Natawa naman ako.
"Hey, that's not funny!" he shouted in a soft, whispery voice.
Mas lalo akong natawa sa kanyang reaksyon. Nakapasok na si Flare at Friar sa sasakyan at minaubra na ni Friar ang sasakyan. It is a safe drive. Medyo mabilis ang pagtkbo ng sasakyan pero maayos ang pagkakamaneho ni Friar. May matching patugtog pa siya ng kanyang paboritong drive playlist.
Nakarating kami sa school nang mas maaga pa kaysa sa usual naming pasok. Lumabas na kaming lahat except kay Friar. Ibinaba niya kasi kami sa harap ng school at idiniretso niya ang sasakyan sa parking lot. Dala-dala ni Lucas ang kanyang gamit.
"Sabi sa'yo eh, magaling magmaneho ang aking prinsesa," proud na proud na sabi ni Lucas.
"Suit your taste," malamig na sambit ni Flare, nilagpasan siya at dumiretso sa loob ng school.
Sinamaan ng tingin ni Lucas si Flare at umirap. "Alam mo," tumingin siya sa akin at tinuro ang direksyon kung saan dumaan si Flare, "may tama ata talaga 'yong Sherlock wannabe na 'yon. Immature."
I just shrugged my shoulders off and looked at the direction where Flare walked. Tinitigan ko ang papalayo niyang figure. Para lang siyang mysterious na estudyante sa school na kahit na ganoon ay popular pa rin sa mga babae.
May naramdaman akong kumalabit sa akin at lumingon ako. Nakita ko si Friar na nakangiti sa akin. "Bakit mo tinititigan ang aking kapatid, aber?" tukso niya sa akin.
"Hm?" inosente kong sambit. "Bakit? Masama ba?"
"Hindi naman." Mas lalong lumawak pa ang kanyang ngiti. "Mas maganda nga 'yan eh. Para mas magkakaroon ng development sa inyong dalawa." Pinagdikit pa niya ang kaliwa at kanan niyang daliri, at tumaas-baba ang kilay niya.
Umirap ako at inaya na lang silang pumasok ng eskwelahan. Kaso pagpasok namin, nagsidagsaan bigla ang tao sa kung saan lumiko si Flare kanina. Karamihan puro babae.
"Anong nangyayari?" sigaw ni Friar dahil sobrang ingay at crowded ng lugar na kani-kanina lang, wala namang tao.
"Parang mga bubuyog na bigla-biglang nagsilabasan sa mga beehive nila ey!" reklamo ni Lucas habang pilit na hinahatak kaming dalawa ni Friar sa magulong commotion.
Napaigik ako sa sakit nang masiko ako ng isang babaeng nasa gulo. Mga nagsisitulakan sila.
"For now, subukan nating makisingit hanggang sa makarating tayo sa-- Aray naman, beh--sa harap!" sabi sa'min ni Friar.
Sabay kami tumango ni Lucas. Sinubukan ni Lucas na hatakin kami sa kung saang walang masyadong tao. Kami naman ni Friar, nakisama sa pagtulak at pagsiko. Wala kaming choice. We need to get out of the mess. Nang makarating kami sa harap, mas lalong umingay at naging klaro ang mga tili ng mga ipis--ay este, ng mga tao pala.
"Flare, sino ang babaeng 'yan?!"
"Nasa'n na isa mong babae?! May bago ka na naman?!"
"Oo nga! I will steal you away from her! Hindi siya bagay sa'yo!"
"Arte! Pakipot! Parang babae ka lang niya dati! Masyadong malandi!"
What the hell is going on...? pag-iisip ko. Nakakalito ang nangyayari ngayon.
"Olivia?"
Napatingin ako kay Friar. Her eyes held confusion and she is breathing quite heavily. Her eyebrows knitted together. She bit her lower lip.
Olivia. That's the name of their childhood friend who have died in a car crash. And that's when her words clicked in.
Napatingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. Hands are on his pocket, one sling of his backpack hanged on one of his shoulders while staring at the short woman who is hanging two hands at the back of his neck with a wide smile plastered on her lips.
Parang bigla akong nilagyan ng tali sa aking leeg. 'Yong feeling mo hindi na ako makahinga. Kasabay pa no'n ay ang mabigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Napahawak ako do'n. Why... Why do I feel something like this..?
"Paano siya nabuhay?" rinig kong sambit ni Lucas. "Wait, 'di ba Friar, sabi ni Flare patay na siya?" turo ni Lucas sa babaeng nakasukbit pa rin ang mga kamay sa leeg ni Flare.
"Oo," nanginginig na sagot ni Friar.
"Eh, bakit nandiyan 'yang patay na babae na 'yan? Ano? Nagkatotoo na 'yong mga zombie, gano'n?" He laughed nervously. "Fri, hindi na 'to nakakatuwa."
"Alam ko." Napalunok si Friar at tumingin sa akin. "Mavis..." Nagtaas ako ng tingin sa kanya. Mamutla-mutla ang mukha ni Friar. "A-Ayos ka lang?"
Ikaw, ayos ka lang? Gusto kong sabihin sa kanya 'yon kaso sobrang bigat ang nararamdaman ko ngayon. Binuka ko ang bibig ko pero kaagad ko ring iyong sinarado. Wala akong masabi.
Napatingin ako kay Flare at sa babae. Olivia. That's her name. She's petite, black hair, pearly white skin and beautiful, seductive face. Mapait akong ngumiti. Of course. Gano'n ang gusto ni Flare, 'di ba? Lahat naman ng mga lalaki. Maganda, payat, mas maliit, mapuputi.
Siguro nga mas nakakabuti kung si Olivia talaga nakatuluyan niya eh 'no.
I'm just a temporary assistant in their mafia. Once I'm done with my goal, I'm over and I'll get out on their way. Yep. Mabe, that's really the plan. Once I'm done with my goal, I could be easily getting rid of. Like a marionette.
"Stop touching me," rinig kong malamig na sambit ni Flare.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang tinanggal niya ang mga kamay ni Olivia sa leeg niya at tinulak siya sa balikat gamit ang isang kamay.
His eyes are giving cold knives at her. "I don't entertain women I don't find interesting," sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ng babae at hinawakan ang kamay ni Flare na nasa kanyang balikat. I felt a heavy feeling at me again.
"H-Hindi mo na ba ako kilala, Flare? Ako 'to! Ako 'to si Olivia! Olivia Pixel Montenegro? You're childhood friend?"
Her eyes are pleading as she watches Flare. Sa tingin ko, naghahanap pa rin siya ng ray of hope kay Flare na tanggapin siya. I looked away and closed my eyes. Ayokong makita ang reaksyon ni Flare.
"Olivia..."
There's a tinge of longing in his voice. Biglang nanahimik ang buong paligid. Kahit ang mga babae ay hindi nag-ingay. Napabukas ako ng mga mata ko at tumingin sa kanila. His eyes got no emotion. It's not cold but just staring at her with emptiness.
Nakangiti si Olivia habang nakatingin sa kanya ng may maide-describe mo na emosyon: pagmamahal. Iyon ang makikita mo sa mga mata niya. There's longing in her eyes as well.
Nakatitig lahat ng tao sa kanilang lahat. My eyes are fixated on Flare. Napalunok ako. Why am I looking again? Akala ko ba ayaw ko makita ang reaksyon niya.
"You..." Iyon ang sunod na lumabas sa bibig ni Flare at nanahimik uli siya. A few minutes later, he talked again. "A Montenegro?"
Tumango si Olivia. "Yes! Yes, yes, dear! Yes, Flare! I'm a Montenegro! Your childhood friend--I, I am your friend! Your childhood friend, hm? Naaalala mo na ba ako?"
His eyes moved up and down at her slowly before pulling his hand and took a few steps back. "A Montenegro," he repeated but it's now a statement. He sighed and dusted his uniform before adding, "Come in the detective club. I shall welcome you."
That one last name, Montenegro, is the disaster I should be prepared of but failed.
###