Mavis' POV
Bumalik kami ng detective club at sinalubong kami nina Friar at Lucas. "Ang tagal-tagal niyo! Nayayamot na ako sa kakaintay eh!" reklamo ni Friar.
"Ang sabihin mo, you are itching for a new adventure again at gusto mong mag-ditch ng classes, princess," sabi ni Lucas. Nakasandal siya sa dingding malapit sa pintuan ng club.
Nakasukbit rin ang bag ko sa balikat niya at hawak-hawak ang isang strap ng bag ni Flare sa kanyang kanang kamay.
"Heto pa." Itinaas niya ang kamay niya dala-dala ang bag ni Flare. "Naging tagabantay pa ako ng bag ninyo dahil sa kanya," turo niya kay Friar. "Kung hindi ko lang talaga siya prinsesa eh..."
Sumimangot si Friar at humarap sa kanya habang ang mga kamay nasa beywang. "Anong prinsesa-prinsesa ka diyan? Wala akong sinabi sa'yo kanina na dalhin mo mga bag nila. I just said I'm getting worried for the two of them."
"Ah, wala ba?" inosente niyang tanong.
"Wala talaga!" inis na sigaw ni Friar dito.
Kinuha ko ang bag ko at bag ni Flare kay Lucas at nagpasalamat. Binigay ko iyon pabalik kay Flare at naglakad na kami pabalik ng classroom. Half of the morning classes are over. The bell rings again and a few-minute break for students have been started.
"Hindi nga tayo nag-ditch ng classes pero wala rin tayong napala sa room na 'to," ani Lucas nang makaupo.
He's right. When we got to the room, only the whisper of the wind from the opened windows were heard. Walang isang katao ang nasa room. There's a written schedule to the right side of the blackboard and backpacks were left on each desk.
Pinagdikit-dikit namin ang aming mga desk at tumambay sila sa puwesto ko. Napabuntong-hininga na lang dahil wala akong magagawa sa pinili nilang pwesto.
"Kaya nga sabi ko sa inyo, let's ditch class at pwede tayong pumuntang underground casino para makakuha ng ka-ching!" nakangising sambit ni Friar.
"You're addicted to gambling again, sis? You should stop. I shall call Yna to suspend sending money on your cards for a while then," ani Flare.
"Ehh~ Bakit naman?! You'll get a lot of information when you're in a casino and gambling with others! Of course, lagi naman akong nananalo. I'm not that kind of stupid to greed on cash without a critical plan, brother."
"Sobra lang 'yan sa kakapanood ng paborito niyang karakter sa isang cartoon. Sa sobrang nood niya do'n, kuhang-kuha na niya karakter niya," tukso ni Lucas kay Fri.
"Huh?! Ano pinagsasabi mo na naman, Luc?!" inis na sabi ni Friar.
Ilang minuto ay gano'n ang routine nila habang ako ay binabasa ang notes para sa aming next subject. Si Flare ay sumisingit sa kanila minsan para lang magbato ng negative remarks o nakakasamang-loob na mga salita.
Bumukas na ang mga pinto at pumasok na ang aming mga kaklase matapos ang napakaikling break. Binalik na rin ng tatlo ang kanilang mga desk sa dati-dati nilang mga pwesto at saktong pumaosk ang teacher, at nag-start na ang klase.
~***~
Saturday. Free time and away from the duo annoying bunch at sa yelong lalaki na 'yon. Nasa labas ako ng Furrer mansion at hinihintay si Ruxinaire na lumabas.
We had planned on having a friendly date today at kahit na nag-i-insist si Flare na sumama, I refused his suggestion. He's not my boyfriend or anything.
"Miss Lia."
Napalingon ako sa aking gilid at nakita si Ruxinaire doon. He is wearing a yellow jacket and jeans with clean sneakers.
Ngumiti ako sa kanya. "Hi. Morning."
"Good morning," patango niyang sambit sa akin.
Inaya na niya ako sa kanyang sasakyan. Tinulungan niya akong makapasok. Suddenly, I got sudden chills on my back nang maisara ang pintuan ng passenger's seat. Napatingin ako sa harapan ko at sumimangot nang makita ang naka-peek sa gilid ng pillar.
Napahawak ako sa sintido ko at napailing-iling. Hays, bakit ba apaka-over protective ng lalaking 'yon? Sabi kong tigilan niya ako eh!
"You alright, Miss Lia?"
Tumingin ako kay Ruxinaire na inaayos na ang kanyang seatbelt at in-on na ang gas ng sasakyan.
"Rux," tawag ko sa kanya at tinuro ang direksyon kung saan ko nakita si Flare na nagmamasid sa akin. "Talaga bang may tao doon?"
"Huh?"
Lumingon siya sa direksyong tinuro ko. Sakto namang bago siya makalingon ng tuluyan, nagtago si Flare sa likod ng pillar at nakita ko ang nagtatakang ekspresyon ni Ruxinaire.
"No, Miss Lia. I think you have morning hallucinations. Do you want us to go on a resort for you to relax first? Sa tingin ko, masyado kang stress na."
I faked a smile and waved my hand. "Nevermind sa sinabi ko. Let's just get on with our trip. And no, I'm not stress so huwag kang mag-alala."
"Okay," reply niya pero may hint pa rin ng pag-aalala sa tono niya. Hindi na siya nagtanong pa at sinimulan ng imaniubra ang sasakyan.
Dumaan ang sasakyan sa pathway palabas ng mansion. Maraming puno ang nalagpasan namin. Nasa gitna kasi ng kagubatan itong bahay nila Flare at Friar kaya hindi rin madaling makapasok o makalabas hangga't tagarito ka sa kanila.
Mayroong amoy usok akong nalanghap bigla at kaagad kong tinakpan ang ilong ko. Napatingin ako kay Ruxinaire. Mayroon siyang yosi sa bibig at umuusok iyon. Nakatutok pa rin ang paningin niya sa daan.
"You smoke?"
Napatingin sa si Rux at tinanggal ang yosi sa bibig niya, at nagbuga ng usok galing sa bibig niya.
"Yeah. I just do it once in a while."
Hindi ko mapigilang umubo. "Alam mo," umubo ulit ako at binuksan ang bintana ng kotse para makalanghap ng malinis na hangin. "Hindi ako mahilig sa usok ng sigarilyo. Sorry."
"Ah, sorry, sorry!" nagpapanic niyang sabi. He crushed the cigarette and threw it on the opened window he opened on his side. "Hindi ko alam, Miss Lia. Sana 'di pala ako nagsigarilyo."
"Ah, hindi mo naman alam kasi so okay lang."
Sinarado ko na ang bintana ng kotse at gayun din ang kanyang ginawa sa kanyang side. Nakalagpas na kami sa kagubatan at nakita ang maliwanag na langit. Tinakpan ko ang aking mata sa nakakasilaw na liwanag.
"Well, saan mo pala gustong pumunta, Miss Lia? Anything in mind? Appointments?"
"I have no appointments. Gusto ko lang magpakasaya. Maybe, at the mall?"
"May pera kang dala, Miss Lia?"
"Pinayagan ako ni Tito Ris na i-access ang credit card niya." I winked and give him a thumbs-up. "Kaya keri ko bumili ng gamit."
Tumawa si Ruxinaire. "Well, don't overdo it I guess. Pera po ng kompanya 'yan."
Ngumisi ako. "Alright, alright, I know. Konti lang naman."
~***~
We got in the mall and buy a lot of things. Pero ang totoo niyan, ako lang ay may madaming nabili. Mostly is for stocking up the food corner ng malaking kusina nina Flare.
"You sure not concerned about the family's twins, Miss Lia? Parang mas madami pa ata ang binili mo para sa kanila kaysa sa binili mo para sa'yo."
I shrugged my shoulders as we head to the back of his car. Hindi ko naman pera ang ginamit ko so why not use it for the needs of the ones that provided the money?
"Konti lang talaga kasi ang kailangan ko and besides, this is for them. I considered it as my gratitude for letting me stay on their house. Ayoko namang maging masyadong pabigat sa pamilya nila."
"Wow ah, Miss Lia. Akala mo naman asawa ka na ng isa sa mga Furrer para ganyan mindset mo."
Sinamaan ko siya ng tingin. Peke siyang napaubo at ni-guide ako sa loob ng sasakyan, hawak-hawak niya ang pintuan para makapasok ako.
Nang makapasok na kami, nagtanong uli siya kung saan ko pa gusto pumunta. I said "none".
"Could you do me at least one favor, Miss Lia?" tanong niya sa akin.
Nagtaka ako sa kanyang tono. "Mukhang seryoso ka," komento ko habang ini-start na niya ang engine ng sasakyan.
"Yes."
"Ano ang sinasabi mong favor?" nakakunot-noo kong tanong.
"We will go to a place that some people don't want to be in."
Nanayo ang buo kong balahibo sa sinabi niya pero hindi kumakabog ng mabilis ang puso ko. Mas lalo pa akong nagtaka nang sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan at lumiko kami sa opossite na direksyon.
"Teka, saan tayo pupunta?" Humarap ako sa kanya at nakita ko na namang may nakalagay na yosi sa kanyang bibig pero hindi iyon nakasindi. "Bakit gusto mo akong sumama sa'yo?"
"It's convenient for you to know what the organization's business is." He gave me a glance while still managing to maneveur the car. "Hindi lang isang simpleng laro ang pinapasukan niyo, Miss Lia."
"I know that already. Teka, naguguluhan ako sa'yo. Ano ba ang ibig mong sabihin?"
Nakarating kami sa isang canal. Bago man dumilim ang paligid, napansin ko na mayroong karatulang nakapaskil sa isang barricade sa harap ng malaking canal, "WARNING: Closed facility. Dangerous chemicals ahead."
Nagtataka akong tumingin kay Ruxinaire at tumawa lang siya. "There's more than meets the eye, miss. You shall find out soon what we're here for."
Inaya na akong bumaba ni Ruxinaire nang inihinto niya ang sasakyan. Sa loob pala ng malaking canal, mayroong isang closed community.
"Let's go."
Tumabi ako kay Ruxinaire at hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa gitna ng maraming nakatayong mga tarpaulin. May mga taong nagsitinginan sa amin. Some stares are with curiosity, others have lust, drools on the side of their mouths are visible.
Poverty. Iyon ang una kong napansin sa lugar na 'to. May malansang amoy akong naaamoy pero ang mas nakatuon ng atensyon ko ay ang amoy na pamilyar na pamilyar ako-- dugo.
"This is a black market, right?" pabulong kong tanong kay Ruxinaire.
Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tinanggal niya ang hawak ng mga kamay namin pero nagulat ako nang inakbayan niya ako at mas lalo akong nilapit sa tabi niya. Patuloy lang kami sa paglakad.
"This is a more dangerous place than the places you've ever seen. Pardon me for the skin ship. I would rather protect you like this rather than putting you on certain danger."
"Well, let me clear something for you as well, Ruxinaire." Ngumiti ako sa kanya. "Mas delikado pa ang mga lugar na napuntahan ko kaysa dito. Don't try na i-understimate mo ang marionette nila."
Ngumisi siya at parang nakahinga ng maluwag sinabi ko. Nawala na ang pagkakaakbay ng kanyang braso sa balikat ko.
"Now then I'm assured na kaya mo talagang protektahan ang sarili mo, Ms. N-0000," maloko niyang sabi.
Napahinto kami nang may humarang sa dinadaanan namin. It's a man with thin legs and arms, clothes are torn and with holes, a green cadet army hat in his head that symbolizes his former job and a height of seems like 4"9.
"S-Sir, magandang araw po uli sa inyo. A-A-Anong maitutulong namin?" tanong niya.
Napatingin ako kay Ruxinaire. Umupo siya ng kasing lebel ng matanda at ngumiti rito. "Hi po, sir. Naparito ako para tulungan ulit kayo sa ginagawa ninyo."
Nagliwanag ang mata ng matanda. "Ah, ganun ba. Pinapagawa ba ulit sa inyo ni Sir Ferris ang mga ito?"
Lumawak ang ngiti ni Rux at halos 'di mo na makita ang kanyang mga mata. "No. Just an errand for myself."
I saw his one eye twitched. Hmph. Liar.
Tumayo siya at lumapit sa akin. "Sir, heto pala ang bago naming recruit sa organisasyon. I told her to come with me para malaman ang mga gawain dito."
"Sir, may bisita po pala kayong isa pa," balita pa ng matanda, nawala ang kislap sa mata niya at humigpit ang hawak niya sa kanyang mga kamay.
Nawala ang ngiti ni Ruxinaire at bumuntong-hininga bago tumayo at tumango sa matanda. Lumingon siya sa akin. Tinitigan niya ako ng ilang minuto na para bang pinoproseso ang buo kong pagkatao.
Tinaas ko ang isa kong kilay. Ano ang problema na 'to? "Um, Ruxinaire, I think na jina-judge mo na ako gamit ang mata m—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako. Lumagpas kami sa matanda, nang tumingin ako ay kaswal na kumakaway lang ang matanda sa amin na parang alang seryosong naganap.
Pero merong nangyari at naramdaman ko 'yon sa usapan nila.
Napatingin ako kay Ruxinaire na hinahatak pa rin ako. His lips are in thin line while looking straight on the end of the tunnel that who-knows-where-it-could-lead-us.
"Anong bisita?" tanong ko sa kanya.
I would not be just an innocent girl here, just making myself being pulled like some kind of useless sh*t in this sudden detour.
"You do not have problems with tattoos and cigarettes, right?" pabalik niyang tanong sa akin kaysa sagutin ang tanong ko.
My eyebrows knitted. "Ha? Bakit mo naitanong?"
"Just answer."
Naapbuntong-hininga ako at sumagot, "Yes, I have no problem with it but cigarettes, no. "
He nodded. Napansin kong lumingon ang mata niya sa akin. "You ever hang out with gangs before?"
Ngumisi ako. "Oh Ruxinaire Villa, I told you before, may experiences na ako sa mga ganitong bagay." I tilted my head and grinned with my eyes arching at the same time. "Ayos lang ako sa mga nakatagong trabaho. Katulad ng sabi mo, 'there's more than meets the eye'."
Hinatak niya ako pakanan ng tunnel. Pansin kong kahit man medyo may kalakihan ang tunnel, hindi 'yon gaanong mahaba. Mayroong nakaharang agad na semento sa hinintuan namin. Nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan. Napatingin ako sa direksyong iyon at nakita si Ruxinaire na may hawak-hawak na metal rod. Binabato-bato niya iyon sa ere.
"Miss Lia, let's go," sabi niya at sinalo ang rod sa panghuling beses.
Binato niya ang rod sa daan at hinawakan ulit ang kamay ko. Nang makapasok, nagulat ako nang may liwanag sa loob at parang pumasok ka sa isang library. Kakaiba ang itsura kapag nasa labas ka at habang nasa loob ka. May nakadikit na mga kahoy sa mga dingding na tila ang pagkakakurba at ayos nito ay halatang hindi lang basta-basta ang pagkakadisenyo. May maliliit na fairy lights sa gilid namin na naka yellow hue.
Dumaan kami sa ma-ala-arch pathway ng lugar hanggang sa makarating kami sa isang kuwarto. Pabilog siya at mayroong mga bookshelf na nakadikit doon. Mayroong rest area na nasa gitna na mapupuntahan mo kapag nakababa ka ng dalawang hakbang sa maliliit na stairs.
Ang tunog ng pagbuga ng isang bibig at isang usok ang napansin ko na lumipad sa ere ang biglang napukaw ng atensyon ko.
"You're half a minute late."
Napatingin ako sa taong nasa blue, crescent sofa sa rest area. Nakatalikod siya. Inangat niya ang isang braso sa sandalan at kita sa gitna ng dalawa niyang daliri ang nakasinding sigarilyo. Kitang-kita ang tattoos sa kanyang braso dahil sa damit niyang naka-fold hanggang taas ng siko.
"And you..."
Slowly, the man in the couch tilted his head on the side, glancing on me with piercing eyes. My eyes widened as I recognized the face of the person I will unexpectedly meet again.
"Why are you here?"
Malamig ang kanyang boses. 'Yong mga mata niya, parang sa kahit ano mang oras, tila nababasa niya bawat galaw mo at binabantayan ka niya sa sagot na ibibgay mo.
The same presence I felt on him when I was in school is much different. This time, he's more intimidating.
"John," tawag ni Ruxinaire sa kanya. "Anong balita?"
Napatingin ako kay Ruxinaire, "Kilala mo siya?" turo ko kay John.
John Walters is one of the suspects on that first case I had with Flare. That effin' secret admirer case with Lucas' awful support.
Maraming bumabagabag na mga tanong sa isip ko pero isa lang ang nangunguna: Bakit siya nandito?
"We're more closely acquainted than you think," sagot ni John.
Tumayo siya sa upuan at humithit sa kanyang sigarilyo uli, at binuga ang usok nito.
"Don't worry, Throver. There's an air purifier for when you're smoking here," dagdag niya pa nang mapansing magtakip ako ng ilong.
Tch. How does he know I'm not into smell of cigarettes?
Humarap siya sa akin at bumuga ulit ng usok sa hangin. I just noticed na naka tucked-in ang kanyang plain white button-up shirt sa naka-belt niyang black slacks. Nakatanggal ang isang butones sa button-up habang ang sleeves ay nakatupi hanggang sa taas ng siko.
"Paniguradong nagtataka ka na. Why am I here, who really I am, what is my identity. Anything you can think of questions about me will be revealed now." He dropped the cigarette and stomped on it before continue to speak again, "I'm an informant agent from an organization called Castell Organization."
###