Sa ilang oras na pag-unawa sa mga bagay-bagay at sa patuloy na pag Cultivate ay iminulat na ni Van Grego ang kanyang mata, na nagpapahayag na hindi niya na mapipigilan ang kanyang isinasagawang pagtawag ng Tribulation.
Ikinalma niya muna ang kanyang isip at pinananatili niya ring kalmado ang sarili niya upang masigurong magtatagumpay siya sa isaagawang pag-breakthrough at makaapak sa tinatawag na True Martial Realm.
Dahil sa nag-uumapaw na enerhiya niya sa kanyang dantian ay maya-maya lamang ay matatawag niya na ang Tribulation.
Unti-unti ng may namumuong mga itim na ulap sa ibabaw ng kalangitan kung saan eksaktong nakatayo si Van, mabuti na lamang at handa ang kanyang sarili sa isasagawa niyang tribulation.
Upang masigurong walang madadamay o kaya ay mapinsala, nagtungo si Van Grego sa isang di kalakihang butas kung saan ito ang lagusan papasok o labasan ng sinumang nilalang.
Dahil sa mga damo't mga baging ay mistula itong tago maging sa labas ay hindi mo aakalain lagusan ito. Makailang labas din dito sa lagusan.
Sa parteng ito ng gubat ay malalakas ang mga halimaw pero dahil sa mataas na rank ni Van Grego ay hindi siya nilalapitan ng halimaw dahil na rin sa mataas na pandama ng mga halimaw sa enerhiya sa paligid nila.
Ilang daang metro din ang layo ni Van Grego sa lagusa Kaya't ngayon ay ikinalma niya ang kanyang sarili lalo na ang kanyang isip. Dinama niya ang sariwang hangin ng kagubatang ito na tinatawag na Ult Magna Forest.
Ayon na din sa nabasa niya ay ang parte kung saan siya ngayon ay nasa timugang bahagi kung saan ito ang likurang bahagi ng Ult Magna Forest at hindi din madami ang mga bungang kahoy o mga resources Kaya't bibihira lamang magkaroon ng mga malalkas na ligaw na beast kung Kaya't masasabing may 99% success rate ang isasagawang Tribulation.
Natuon ang atensyon ni Van Grego sa namumuong maiitim na ulap na may kasamang ang nagliliwanag at nagngangalit na mga kidlat.
Halos matakpan na nito ang buong kagubatan. Inalis ni Van Grego ang kanyang mga pangamba at mga alalahanin dahil sa hindi niya sukat akalain na nakatawag siya ng isang pambihirang Tribulation.
Ayon sa libro hindi naman ito ganoon kalaki at hindi naman ito dapat sobrang lakas. Siguradong kapag iniwasan niya ang mga kidlat na dapat sa kanya ay baka mahati ang lugar na ito sa mga piraso at yun ang hindi niya gustuhing mangyari bagkus ay nilabas niya ang kanyang mga weapon na pangprotekta sa kanyang sarili.
Puro pangdepensa ang kanyang dala liban na lamang sa ilang mga kagamitan niyang pang-opensa para sa hindi inaasahang pangyayari sa ginagawang Tribulation.
Nagsimula ng magalit ang kalangitan at mas lumalakas ang bawat tunong ng mga naglaakihang Kidlat na siyang susubok sa isasagang pag-breakthrough upang maging ganap na Martial Artist.
Hindi inaasahan ni Van Grego na parang may lumalabas na kumikinang na cube sa kanyang dantian.
Natuon kasi ang atensyon niya sa pagcucultivate sa isang bahagi ng Interstellar Palace Kaya't hindi niya pinagtuunang basahin ang ibang mga libro ukol sa Pag-breakthrough upang maging tunay na Martial Artist Realm.
Tanging binasa niya lamang ay mga basic o paunang kaalaman sa sinasagawang breakthrough.
Akala niya ay katulad ng pag-breakthrough ng mga naunang rank kaya't di niya inaasahang mangyayaring nagkaroon siya ng natatanging Tribulation sa kasaysayan ng Village maging sa karatig-bayan nila.
Ngayon nagsisisi na siyang di niya binasa lahat-lahat although halos lahat ay nabasa kung Kaya't may paunang kaalaman pa rin siya. Sisikapin niyang maging matatatag.
Dahil sa nag-uumapaw na emosyon ni Van Grego ay mas naging malakas ang Tribulation kahit na sabihing pinakalma niya na ang sarili niya.
Samantala, ang cube na lumabas ay indikasyon na binabasbasan ng langit ang iyong sarili para maabot mo ang breakthrough. tinatawag din itong SPHERE OF TRIBULATION.
Kusa itong inilabas ng katawan ni Van galing sa kanyang dantian. Masasabi mong ang sphere niya ay natatangi o kaya ay nabubukod-tangi, isa lang siya sa maraming Cultivator na nagkaroon ng pambihirang Sphere.
Kulay abo ang kabilang parte ng sphere at puti naman ang kabilang parte. May namumuong porma ng apoy na kulay silvery white sa pinakailalim ng sphere at pinapatungan ng kulay itim na apoy ang kulay silvery white na apoy.
May isang di inaasahang pangyayari si Van Grego na siya niyang ikinamangha niya na muntik na siyang mawalan pukos dahil sa nakita niya.
Habang patuloy na umaangat ang Sphere ni Evor na patulis at mabilis naumiikot-ikot ay may namumuong medyo may kalakihang Formations at may pabilog ns barrier na lubos na ikinataka ni Van Grego.
Sa mga nakaraang pag-aaral niya ay wala siyang nalamang may ganitong klaseng sphere.
Wala nga ba? Ito ang naging isang malaking tanong ni Van sa kanyang sarili lalo pa't hindi niya inaasahang may nakakamanghang abilidad siya kaya napaisip niyang napakabuti ng manlilikha sa kanya.
Hindi niya alam na dito palang ang umpisa ng nakakamanghang pangyayari na magbubukas sa limitado at tulog niyang kamalayan.
Ilang metro na din ang taas ng sphere matapos ang pag-angat niya. Huminto ito sa ere sa pagitan ni Van Grego at ng nangangalit na kalangitan na may kasamang naglalakihan at mababagsik na mga kidlat na siyang ilang minuto lamang ay maghahagupit ng kalupitan at maghahatid ng delubyo sa kapaligiran nito na parte ng masukal na gubat.