Chapter 16 - Chapter 16

Malapit ng mamuo ang pag-atake kung Kaya't nag-isip agad ang Haring si George Helbor. Gusto niya pang mabuhay at maging ang kanyang mamamayan kung Kaya't ginamit niya ang Wrap Stone na kayang mag teleport sa lahat papunta sa ligtas na lugar.

Mabuti na lamang at nagamit niya ito bago pa sila tamaan ngmga mababagsik na kidlat ng Tribulation kung Kaya't nakahinga sila ng maluwag lalo na si King George Helbor at ng mga Opisyales.

Nagpadala ang hari ng mensahe sa pamamagitan ng Sound Conducting Rune kung saan magpapaalam sa bawat mamamayan na lisanin ang lugar sa Sentro at pumunta sa nasabing lugar ng tagpuan.

Lahat ng mamamayan ay lumisan sa lugar na ito na dala ang bigat sa kanilang mga puso.

Ang lugar na kanilang naging tahanan ay wala na kung kaya't di nila mapigilang maging emosyunal lalo pa't tinuring nila itong kanilang pag-aari.

Wala na silang nagawa kundi tanggapin ang pangyayaring ito. Kung mananatili pa sila ay baka mamatay ps sila sa kamay ng mga Rogue Cultivator na sa paligid lamang nagmamatyag.

Dahil sa pangyayaring ito, tinapos na agad ng Sphere ang natirang sampong Tribulation. Malakas ito pero parang wala lang ito sa Sphere lalo pa't naadapt na niya ang mga katangian ng Tribulation kung Kaya't hindi gaanong mapinsala ang  bawat atake nito sa kanya. Hindi din napinsala ang bangko at imbakan ng mga pera rito kung Kaya't pumasok siya sa rift papunta sa loob ng bangko.

Mala-bundok na pera ang kanyang nakikita sa loob ng bangko ng Royal Clan na ayon sa kanyang kamalayan ay matutuwa ang kanyang amo ukol dito kung kaya lahat ng lugar na may mga pera at kapaki-pakinabang na mga bagay ay kanyang kinuha at itinago sa papagitan ng kanyang mga maiitim na ulap na parte ng katawan.

Hindi muna gumalaw ang mga Rogue Cultivators at ang iba pang mga Cultivator lalo pa't alam nilang nariyan pa sa nasabing lugar ang nilalang na tumapos sa mga miyembro ng Royal Clan na naghatid sa bawat isa sa kanila na naging saksi ang matakot. Pinakiramdaman na muna nila ang sitwasyon bago gumawa ng aksyon.

Lumipad na siya paitaas at nagtago sa mga ulap. Hindi na mararamdaman ang kanuang presenya sa sentro maging sa mga lupain kanyang nadadaanan. Tanging mga kaganapan lang ang kanyang naiwan. Alam niya din malapit na maubos ang natitira niyang kamalayan dahil natapos na din ang Tribulation. Natuwa pa rin siya dahil nagawa niya ang mga bagay na pangarap na gawin ng kanyang amo na si Van Grego sa hinaharap.

Samantala, maraming mga Rogue Cultivators ang pumunta sa Sentro ng Kontinente ng Hyno upang manguha ng mga kapaki-pakinabang na bagay para pakinabangan para sa sarili at yung iba ay ipagbili sa  napagkasunduang presyo. Marami pa ring mga mahahalagang bagay na nakita nila lalo pa't wala na ang misteryosong nilalang. Nangamba  man sila pero nakipagsapalaran pa rin sila.

Eksaktong papaubos na ang natitirang kamalayan ang ng lumapag ang Pambihirang Sphere at agad na lumitaw sa nagpapatuloy sa pagcu-cultivate na si Van Grego. Dahan-dahang ipinalutang ang mga di mabilang na Cultivation resources at gabundok na mga pera sa harap ng binata.

Unti-unting minulat ng binata ang kanyang mga mata dahil na din sa mga pag-iba ng paligid. Tsaka niya lamang nakita ang mga bagay na sa kanyang mga paligid. Napanganga siya lalo pa't ibang sphere na ang nakita niya lalo pa't hindi na ito matukoy pa lalo na't nababalutan na ito ng maiitim na ulap sa buong bahagi ng sphere pero alam niyang sa sarili niyang sarili niyang sphere ito at namangha ito ng lubusan.

Di niya aakalaing totoo pala ang sinasabi ng kanyang ina maging ang ibang tao na isa siyang super genius. Kahit na tinrato siya ng masama ng  mga ka-angkan niya ay napatawad niya rin ang mga ito paunti-unti. Alam niya ang batas ng Mundong ito kung Kaya't nagpursigi siya upang lumakas kahit na sabihing naging masama sila  pero kadugo niya parin ang mga ito kung Kaya't hindi niya hahayaang mabura ang kalahi niya o kahit na sinuman sa kontinenteng ito.

Lumapit siya sa malaking sphere niya.  Kasing laki na ito ng sarili niyang kwarto. Maliit na espasyo na lamang ang naging pagitan niya at ng sphere, walang ano-ano pa'y nagliwanag ang sphere, naglabas ito ng hindi pangkaraniwang enerhiya papunta sa katawan ni Van Grego, patuloy itong naglabas ng malahalimaw na hibla ng kapangyarihan. Nagulantang siya sa susunod na pangyayari.

⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️

Martial Knight!

⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️

Martial Warrior Realm!

⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️

Martial Soldier Realm!

⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️

Martial Chief Realm!

⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️

Marial General Realm!

⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️

Martial Commander Realm!

⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️

Martial Lord Realm!

⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️

Martial Emperor Realm!

BANG! BANG! BANG!

Peak Martial Emperor Realm!

Nagulantang siya sa mabilis na pagtaas ng kanyang Cultivation. Ganito siguro kadaling magpataas ng Cultivation lalo pa't nagkaroon ng limitasyon ang kontinente noon at ngayon ay wala na.

Ibig sabihin lamang nito ay siyam na pong porsyento ang ibinabawas ng kontinenteng ito sa kahit na sinong tumapak at manirahan dito kaya pala halos walang pumupunta na galing sa ibang kontinente papunta dito dahil na rin sa seal na pumipigil sa Kabuuang lakas ng isang Cultivator.

Dahil na din sa tuluyan ng nagpaubaya ang sphere ay nakontrol na ito ni Van Grego ng lubusan. Lahat ng pangyayari nitong araw ng pagpunta ng sphere at mga kaganapan ay nalaman niya. Masaya siya sa naging resulta although ramdam niyang nakonsensya lalo pa't napakadelikado nito pero hindi mapagkakailang namangha siya sa pagiging mautak ng sphere.

Mas natuwa pa siya lalo pa't alam niyang nawasak na ang seal ng kontinenteng ito. Ayon sa nabasa niya ay may siyam na buwan pa upang tuluyan ng mawalan ng bisa ang Seal ng kontinenteng ito at sa oras na ito ay malalaman ng ibang kontinente ang pangyayaring wala ng limitasyon ang Hyno Continent kung kaya magkakaroon ng paligsahan (which is labanan) ng mga malalakas na Kontinente kung sino ang magtataguyod at magawang gawing Sub-Continent ang maliit na Kontinente ng Hyno.

Ang ibig sabihin lamang nito ay ang mala-delubyong kakaharapin ng kontinenteng ito.

Marami pang oras kung kaya't nasagawa siya ng mga plano para mapigilan ang pagsakop sa kontinenteng ito. Lahat ng mga plano niya noon ay hindi na naging epektibo Kaya't nagsimula na siyang gumawa ulit upang maprotektahan ang mga naninirahan dito.

Hinakot niya lahat ng mga pera at Cultivation resources sa sampong Interspatial rings na masasabing isang epic high-grade tools. Napuno ang  lahat ng Interspatial ring at ang sobrang mga bagay ay nilagay niya sa isang epic high - class Interspatial sack.

Nagkasya naman ang lahat at nahakot niya na ang lahat kung Kaya't mabilis siyang pumasok sa sikretong lagusan papunta sa Interstellar Palace.

Ang kanyang sphere ay nanatiling nakalutang sa hangin at patuloy na humihigop ng enerhiya o martial Qi na lubos na ipinagtataka ni Van Grego lalo pa nang sinubukan niyang ipasok ang sphere sa kanyang dantian pero hindi niya maipasok  lalo pa't lumaki pa ito. Wala pa siyang naisip na paraan kung hindi ang itago ito sa isang  Legend High-Tier Interspatial Ring pansamantala.

Ang unang plano niya ay ang tapusing pasukin lahat ng mga natitirang limampong  kwarto (mula 150th rooms hanggang 200th rooms) ng Interstellar Palace.

Naging maingat parin siya sa pagpasok sa lugar kahit na sabihin na isang ng ganap na Martial Artist si Van Grego. Puro mga patibong ang nadaanan niya halos lahat ng kwarto ay puno ng mga bitag at mga Formation Arrays pero hindi siya nawalan  ng pag-asa at hindi nga siya nabigo lalo pa't ng makarating siya sa isang pintuan ay may nakita siya sa pinakasentro na isang maskarang kulay brown na masasabi mong ordinaryo lamang at isang lumang scroll pero dahil na rin sa eye Technique ay may naramdaman at nakita siyang kakaibang hibla ng enerhiya na nakapalibot sa maskara maging sa scroll.

Walang naging bitag sa kwartong ito kung Kaya't agad siyang lumapit dito. Kinuha niya ang scroll at ang maskara. Nalaman niyang isa pala itong Ancient Artifact at nakapaloob sa scroll ang detailye ng Mask of Changing Appearance Technique. Masaya siya lalo pa't pwede niyang baguhin ang kanyang itsura maging ang kabuuang anyo niya. Nakapaloob sa scroll ang  Body Changing Appearance Technique.

Isa pala itong Twin Artifacts at namangha siya lalo pa't napakabihira lamng ito at masasabing napakahalagang bagay itona makakatulong kay Van Grego na ibahin ang anyo niya upang masagawa ng matagumpay nag kaniyang susunod  na mga plano.

Pumasok na ulit siya sa susunod na mga kwarto at masasabi mong doble ang dami ng mga patibong at malalakas ang mga Formation Arrays na bumabalot at pumipigil sa kanya para sa mga susunod na mga kwarto pero marami siyang naaksayang oras para wasakin ang Formation Arrays.