Chapter 17 - Chapter 17

Sa wakas ay nakarating siya sa 180th room ng Interstellar Palace kung Kaya't napahinga siya ng maluwag. Halos tatlong oras na siyang nasa loob ng mga kwartong ito at maraming mga bitag pa siyang nasagupa bago makarating dito.

Mas malaki ang room na ito kumpara sa iba at walang kahit na anong patibong dito pero makikita ang maraming mga abo na sa wari niya'y mga taong pumanaw na. Makikita sa gitnang bahagi ng kwartong ito ang kumikinang na bagay. Agad niya itong pinuntahan.

Pagkakita niya sa palang ng kumikinang na bagay ay bigla na lamang itong pumasok sa mga mata niya halos masilaw siya sa mga ito at ng pumasok na sa mga mata niya ay nakaramdam siya ng hapdi at kirot sa kanyang mga mata na parang hinihiwa.

Halos tatlong oras din siyang nakasalampak sa aahig na humihiyaw dahil parang mabubutas na ang sarili niyang mata dahil sa sakit na kanyang naramdaman.

May kung anong impormasyon ang nakalagay sa utak niya at ito ay ang Immortal Eye, maraming impormasyon ang bumaha sa kanyang utak kung Kaya't hindi mapagkakailang namangha siya sa nalaman niya.

Ang ikinagimbal niya pa ay tanging mga taong may pinakamataas na potensyal lamang ang pwedeng magmay-ari dito. Kaya pala maraming mga tumpok ng abo dito dahil na din sa gusto nilang maangkin ang Immortal Eye na masasabing isang di matutumbasang kayamanan.

Bago pa siya pumasok sa susunod na mga kwarto ay kinuha niya muna ang salamin sa loob ng kanyang Interspatial ring. Ng makita niya ang itsura niya ay nagulantang siya.

Mas naging maputi siya, walang bahid ng kahit na anumang peklat sa bahagi ng kanyang mukha. Ang mas nakakatawag-pansin pa lalo ay ang kanyang mga pares ng mata na sobrang kakaiba sa lahat. Parang pareho sa simbolo ng Interstellar Palace na nakaguhit sa bawat kwarto nito.

Sigurado siyang isa itong pambihirang kayamanan ng lugar na ito maging ng mga nakatira ritong angkan. Wala pa siyang ideya o impormasyon sa lugar na ito. Isinawalang-bahala niya na lamang muna ito at aalamin nalang sa hinaharap at  pumasok na siya sa susunod na mga kwarto.

Kakaiba ang mga susunod na kwarto lalo pa't nagkakapalan ang mga Formation Arrays at Umuulan ng mga nagbabagang mga apoy, halos mapaso siya sa init pero nagpatuloy parin siya. Ipinagtataka niya lang ay ng makalampas siya ay kasabay din pag-ayos ng mga bagay-bagay.

Ipinagkibit- balikat niya nalang ito dahil halos mawalan siya ng lakas ng sa wakas ay nakarating siya sa ika- 200th floor kung saan sa pinakadulong parte ng room. Masasabi mong pinakamalaking kwarto ito o masasabi mong oarang bulwagan ito. Marami kang makikitang mga nakahimlay na mga bangkay sa mga paligid.

Nagulantang soya ng masuri niya ang bangkay lalo pa't halos lahat ng mga ito ay mga Martial Monarch Realm. Ang pagitan niya sa mga ito ay parang langit at lupa. Hindi niya makakayang labanan kahit isa, pano pa kaya kung dalawang daang Martial Monarch Realm Experts. Baka isang pitik lamang siya ng alinmang experts dito ay baka mamatay pa siya ulit.

Dahil sa patay na ang mga ito ay masasabi niyang maswerte parin siya lalo pa't hindi lamang kayamanan ang maaari niyang makuha kundi maging ang mga bangkay ng mga Martial Monarch Experts ay maaari niyang i-refine para mas lumakas at tumaas pa lalo ang kanyang rank.

Nakita niya sa gitnang altar ang isang painting.  Napakaganda ng pagkakagawa ng painting. Parang aakalain mong totoo ito. Naglalabas ito ng napakahinang enerhiya na parang hindi na maramdaman. Dahil na rin sa kuryusidad niya ay gumawa siya ng paraan para pag-aralan ang  painting na ito.

Ginamit niya ang kanyang Immortal Eye. Medyo mataas na rin ang kanyang Cultivation kung Kaya't kahit paano ay nakita niyang may  kung anong misteryosong enerhiya ang nakatago sa painting. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinubukan niya pasukin gamit ang kanyang Divine Sense pero patuloy lang siyang tumatalbog palabas.

Hindi lang kasi simpleng Formation Arrays ito at napakapal ng harang nito na nagpapahirapsa kanya. Iminulat niya ang mata niya ang kanyang mata at lumapit sa dulong bahagi ng Kwartong ito kung saan ang painting. Iniwasan niya muna ang mga nasa paligid. Kahit sino ay mangingilabot hindi lang sa bangkay lang ito kung hindi ay dahil sa inilalabas na enerhiya sa katawan ng mga yumaong Martial Monarch Experts. Hindi siya nangamba ukol dito at ipinagpatuloy lamang ang kanyang paglalakad patungo sa dulong bahagi.

Masasabi niyang isang altar ang kinaroroonan ng painting na ito. Hindi ito kalakita. Parang kasin laki lamang ito ng picture frame. Hindi mo aakalaing napakapambihirang bagay ito dahil na rin sa kaunting enerhiyang inilalabas nito. Pero dahil na rin sa tulong ng kanyang Immortal Eye ay nakatulong pa rin ito para malaman ang mga importanteng impormasyon patungkol sa painting at ang mga kahinaan ng napakadelikadong Formation Arrays at harang na gawa ng mga forbidden Techniques.

Nakakamangha ito, hindi lang yun dahil kahit hindi niya nabuksan at napag-aralan ang Immortal Eye Technique ay napakarami na itong natulong sa kanya sa paglampas ng mga patibong papunta rito. Kung hindi dahil sa immortal eye, siguradong malaking pasa ang nakuha niya o kaya ay namatay siya ukol dito. Masyado yata siyang umasa dito kaya nakalimutan niyang may mga nakatago siyang mga alas sa kanyang bulsa (not literally na bulsa, just an idiom).

Sa kanyang pagsusuri ukol dito ay marami siyang nakitang kahina-hinala at yun ay ang mga iniwang enerhiya ng mga Martial Experts na matataas ang ranggo sa Martial Monarch.

Kailangan niyang mag-ingat lalo pa't kunting maling galaw niya lamang sa painting na ito ay nasisiguro niyang susugudin siya ng kalaban kahit sabihing hindi pa ito nabubuksan ang painting. Marami siyang magiging kalaban kahit na makatakas siya.

Siguradong may anomalyang mangyayari sa kanya na hahabol sa kanya upang siya'y mapuksa. Alam niya na ito kung Kaya't ibayong pag-iingat ang kanyang   inuuna lalo't nasa bingit na siya ng pagpapasya.

Ilang oras din siyang nag-isip ng paraan ukol dito. Masyadong komplikado ang gagawin niyang mga hakbang upang masigurong hindi siya papalpak.

Naghahanap na siya ng solusyon, makailang isip na siya ng mga paraan ngunit hindi buong porsyento na magtatagumpay siya. Namuo na sa kanyang noo ang mga butil ng pawis.

"Dapat ganitong paraan!"

"Mali ang hakbang ang mga ito."

"Pwede din ito kaso masyadong delikado."

"Maiiwan pa rin ang bakas nila, dapat mawala lahat."

"Malakas ang Technique na ginamit nila sa painting lalo na ang forbidden Techniques."

Yan lang naman ang kaunting mga agam-agam sa napakadaming bagay at paraan niya sa pag-analisa ng posibleng maging problema niya sa pag-angkin ng pambihirang bagay na ito.

Lubos siyang nagtataka kung bakit walang halos may pumunta sa mga 1st-150th rooms dahil wala na pala itong silbe sa kanila lalo pa't hindi naman sila biniyayaan ng talento na maging Alchemist maging ang maging Isang Formation Master Kaya't masasabi niyang napakaswerte niya.

Napakabihira lang magkaroon ng talento na maging Alchemist. Ang iba ay hindi gustong maging Alchemist lalo pa't para sa kanila isa itong hadlang sa ginagawa nilang pagcu-cultivate at napakagastos ng pag-aaral na matuto ng Alchemy lalo pa't kinakailangan ng mga sangkap na napakabihirang mahanap.

Hindi lamang iyon kung hindi pati na rin ang pag-aaral sa mga ingredients nito, tamang sukat, at iba pang mga bagay na dapat ikonsidera Kaya't masasabing halos lahat ng mga Cultivator lalo na sa Hyno Continent na isang prebilihiyo na maging Alchemist pero hindi lahat kayang tugunan ang pangangailangan ng mga ito.

Ang supply ng mga gamot para sa mga sakit at mga Pills ay napakamahal depende sa kung gaano ito ka-epektibo sa mga sakit, maging sa pagpapataas ng ranggo, o sa pambihira nitong benepisyo sa isang cultivator .

Marami naman ang nabiyayaan na maging Alchemist kaya lang ay walang nakatatag na Organisasyon ukol dito dahil sa pagkontrol ng Royal Clans ukol sa bagay na ito.

Wala ring naglakas-loob at wala ring  mayamang Cultivator na mayroong malaking kayamanan ang kayang magpatayo ng Organisasyon kung Kaya't hindi din nagkaroon ng sapat na kaalaman at Training ang mga nasabing Alchemist lalo na ang mayroong mataas na potensyal. Ito ngayon ang isa sa  iniisip ni Van Grego.

Mabilis niyang isinantabi ito. Para makatulong siya sa maaaring solusyon sa pag-angkin ng pambihira at misteryosong artifact na ito ay napasaloob siya sa pagpapakalma sa pamamagitan ng State of the mind.

Halos anim na oras na ang ginugol niya rito at sa wakas ay minulat niya na ang kanyang mapupungay na mga mata. Napangiti na lamang siya sa mga ideya niya na lubos niyang inaasahan na maging epektibo ito sa planong pagkuha ng painting.

Ang unang ginawa niya ay ang pagkuha ng kanyang isa sa mga personal niyang gamit at iyon ay ang kanyang picture frame. Kinuha ang larawan at gumuhit siya ng katulad sa paint na sa kanyang harapan kung saan ang altar.

Gumuhit siya ng eksaktong larawan ayon na din sa eksaktong larawan ng Myriad Painting. Inilagaw niya muna dito ang kaunting aura ng orihinal na painting at wala siyang iniwang bakas ng enerhiya niya.

Ginamit niya ang natutunan niyang Art of Imitating Technique at Art of Transferring. Kuhang-kuha nito ang buong detalye at lahat ng iniwang bakas ng mga Martial Experts ay inilipat niya sa kanyang sariling picture frame. Eksaktong pagkakagawa katulad ng pagkakagawa ng painting sa panlabas na aura at anyo nito. Nilagyan niya ng mga panibago at malalakas na mga Ancient Technique.

Halos kalahati ng kaniyang mga natutunan ang halos nalagay niya. Hindi lamang iyon dahil nilagyan niya ng Formation Arrays upang walang kahit sinong makakahawak ng painting na ito.

Napag-isipan niya itong maigi. Sa pamamagitan ng Art of Transferring at Art of Immitating ay kinubli niya ang kanyang sariling technique at nilagay ang mga Technique na inilagay ng mga eksperto ng sa ganon ay tanging ang defensive Techniques at Formation Arrays ng  gumawa ng pqinting na ito. Wala na din ang aura ng pagmamay-ari at nilagay niya ito.

Nilagyan niya ito ng Art of Time para magkaroon siya ng oras para i-deactivate ang primary Barrier ng painting. Napansin niya nag kahinaan nito dahil muling naaactivate ang Primary Barrier kada dalawang minuto kung Kaya't ayaw niyang mamroblema sa hinaharap lalo pa't sariling mga life force ang nakalagaw dito at halo-halo na ang mga aura ng life force.

Napakahirap sirain ang barrier na ito na tinatawag na Life Force Defensive Barrier kung Kaya't dalawang minuto lamang ang kinakailangan niya upang ideactivate pansamantala ang barrier.

Kaya't napagplano niya itong maigi. Dahil sa pwersahang pagdeactivate pansamantala ay mati-trigger nito ang mga ekspertong gustong makuha ang pambihirang artifact na ito.

Inalam niya ang kahinaan ng Barrier  at mga posibilid na solusyon. Mabuti at napag-aralan niya ito sa loob ng isang oras.

Ngayon ay isasagawa niya na ang pagpapawalang bisa pansamantala ng Life force Defensive Barrier, ikinalma niya muna ang sarili niya at isinigawa niya na ang kanyang pag-deactivate sa mabilisang pagkilos.  Napagtagumpayan niya ito. Dapat sa loob ng dalawang minuto ay ma-activate niya rin ito ng tuluyan dahil kapag hindi ay wala siyang takas sa mga Martial Experts na dadating dito ng mabilis at puksain siya.

Pagkadeactivate pa lamang at mabilis niyang inilagay ang pekeng painting na sarili niyang gawa at kinuha niya ang totoong painting. Agad niyang in-activate ang Life force Defensive Barrier kung Kaya't napahinga siya ng maluwag. Nasa kamay niya na ang pambihirang artifact na selyado pa hanggang ngayon.

Wala ng bahid ng aura ito at malaki ang pasasalamat niya sa kanyang immortal eye dahil sa epektibong pag-alam sa bagay-bagay lalo pa sa mga di pangkaraniwang mga bitag at Formation Arrays.

Agad niyang inilagay ito sa kanyang sa walang laman na High Quality Interspatial Ring. Sa ngayon ay may isa na lamang siyang Interspatial ring na reserba.